"Nancy!” Nag-aalalang wika ni Drake na dumating sa isang telephone booth. Ito ang lugar kung saan naghihintay sa kanya si Nancy. Habang nasa dinner siya nang pamilya ni Samantha nakatanggap siya nang tawag mula kay Nancy, bakas sa boses nito na takot na takot ang dalaga at humihingi nang tulong sa kanya. Nang marinig niya ang nanginginig na boses ni Nancy wala nang ibang tumatakbo sa utak niya kundi ang punatahan kaagad ang dalaga. .
Nang makita niya ang dalaga sa yakap-yakap ang sarili sa loob nang telephone booth. Agad siyang nagmadali at puntahan ang dalaga. Nang marinig ni Nancy ang boses nang binata Nag-angat siya nang tingin. Nang makita niya ang Binatang nakatayo sa pinto nang telephone booth agad na tumayo si Nancy at niyakap ang binata saka walang tigil na umiyak. Natigilan si Drake nang bigla siyang yakapin ni Nancy. Hindi niya alam kung anong nangyari at kung bakit ganoon ang ayos nang dalaga pero isa lang ang alam niya nang mga sandaling iyon. Kailangan siya ni Nancy. Dahil sa awa niya sa dalaga. Walang ibang nagawa ang binata kundi yakapin na din ito hanggang sa kumalma ang dalaga.
“Okay ka na ba?” tanong ni Drake sa dalaga saka lumapit sa dalagang nakaupo upuang nasa harap nang mesa. Dinala ni Drake ang dalaga sa apartment niya wala din naman siyang ibang lugar na pwedeng pagdalhan sa dalaga. Naawa siya sa dalaga habang nakikita itong nakaupo nakahawak ang dalawang kamay nito sa tasang may lamang mainit na chocolate. Pinasuot din ni Drake nang Jacket ang dalaga dahil halos punit punit ang suot nitong damit.
“Drake. Hindi mo ba pwedeng iwan si Samantha? Lumayo na tayo sa lugar na ito.” wika nang dalaga at tumingala sa Binatang biglang natigilan sa paglalakad. Nakatayo ito sa harap nang mesa na may dalang first aid kit.
“Ano ba yang sinasabi mo.” Wika nang binata na hindi binigyang pansin ang sinabi ni Nancy.
“Ayoko na dito.” Wika ni Nancy na biglang muling umiyak. Nahabang ang binata habang nakatingin sa dalaga. Inilapag niya ang dalang kit sa mesa saka lumapit sa dalaga at niyakap ito.
“Umalis na tayo dito.” Wika ni Nancy na napahawak sa braso nang binata.
“Alam mong hindi pwede.” Wika ni Drake sa dalaga.
“Bakit hindi pwede?” wika ni Nancy saka mahigpit na hinawakan ang braso nang binata saka napatingla dito. Napapagod na siya sa buhay niya. Hindi niya alam kung saan lugar pa siya pwedeng pumunta.
“Dahil ba iniwan kita? Dahil ba pinagpalit kita sa -----”
“Hindi sa ganoon. Marami nang nagbago.” Wika nang binata.
“Hindi naman kita gustong iwan.” Wika ng dalaga na lalong humigpit ang hawak sa braso nang dalaga. “Alam kong marami kang pinagdaanan. Mahal kita and I am sorry dahil wala ako sa tabi mo. Kaya lang wala din naman akong ibang pagpipilian. Wala akong magawa.” Wika ni Nancy sa dalaga. Napatingin naman ang binata sa dalaga. Alam niyang matatag si Nancy pero ang nakikita niyang Nancy ngayon, ay Nancy na tila hindi na niya kilala. Dahil sa mga nangyari sa kanya, wala na siyang panahon na alamin kung anong nangyari kay Nancy. Sa nakikita niya ngayon hindi Maganda ang kinalalagyan nang dalaga.
“Hindi ko tatanungin kong anong nangyari saiyo pero kung kailangan mo nang kaibigan alam mong nandito lang ako para saiyo.” Wika nang binata at bahagyang lumayo kay Nancy.
“Gamutin natin ang sugat mo sa mukha.” Wika nang binata saka naglakad patungo sa kit na dala niya saka binuksan iyon bago naupo sa harap ni Nancy. Habang ginagamot ni Drake ang pasa sa mukha nang dalaga, sinabi ni Nancy ang mga nangyari sa kanya maging ang tungkol sa tunay nitong pagkatao. Dahil sa nalaman ni Drake bigla siyang napahinto sa ginagawa at napatingin sa mukha nang dalaga.
“Hindi naman kita gustong iwan. Kaya naman, magsama nalang tayo ulit. Ilayo mo ako sa lugar na ito.” wika ni Nancy saka hinawakan ang kamay nang binata.
“Mabuti pa magpahinga ka na muna.” Wika nang binata saka tinanggal ang kamay ni Nancy sa kamay niya saka inakay ang dalaga patayo saka dinala sa maliit na higaan niya at inalalayang mahiga.
“Magpahinga ka na muna. Huwag ka nang mag-isip nang kung ano-ano.” Wika nang binata.
“Dito ka lang sa tabi ko.” Wika ni Nancy saka tumayo at napahawak sa binata. Parang takot itong mag-isa at iwan ni Drake.
“Hindi kita iiwan. Dito lang ako. Magpahinga kana muna.” Wika nang binata saka hinawakan ang balikat ni Nancy.
“Mahal pa rin kita Drake. Iyon din naman ang nararamdaman mo sa ‘kin diba?” Anang dalaga at hinawakan ang mukha nang binata. Napatitig lang si Drake sa dalaga. Iyon pa rin ba ang nararamdaman niya kay Nancy? Oo nag-aalala siya kay Nancy pero bakit may nagbago sa kanya. Naawa siya sa kalagayan ni Nancy pero ang sabihin ang salitang mahal din niya ang dalaga. Ayaw nitong lumbas sa bibig niya. At dahil walang salitang gustong lumabas sa bibig niya Simpleng ngumiti ang binata.
“Gusto kong ibalik ang nakaraan nating dalawa.” Wika ni Nancy saka unti-unting inilapit ang mukha sa binata at akmang hahalikan si Drake. nang gahibla nalang ang layo nang mga labi nila, Biglang ang nakangiting mukha ni Samantha ang pumasok sa isip ni Drake Dahil doon agad siyang napatayo dahilan kung bakit nabigla si Nancy.
“Bakit Drake.” tanong ni Nancy dahil sa gulat. Iniwasan ni Drake ang tangka niyang paghalik dito. Hindi niya maiwasang hindi mapahiya dahil sa biglang ginawa ni Drake.
“Matulog kana dito lang ako.” Wika ni Drake saka naglakad patungo sa upuan saka naupo habang nakatingin kay Nancy. Napakagat labi si Nancy saka muling bumalik sa pagkakahiga. Habang nakaupo si Drake pasimple siyang napatingin sa Cellphone niya. Iniisip niya kung anong nangyari kay Samantha. Alam niyang may lagnat ang dalaga pero iniwan parin niya ito. nag-aalala siya dito. Habang nakatingin siya sa cell phone niya at nakatingin sa contact info nang dalaga. Pero nagdadalawang isip ang binata na tawagan ang dalaga. Nahihiya siya pagkatapos niya itong iwan.
Napatingin siya kay Nancy na natutulog. Hindi niya alam kung anong iisipin sa mga nalaman niya nang gabing iyon. Akala niya siya na nag pinakamalas na tao sa mundo. Pero wala naman ang pinagdaanan niya kumpara sa nangyari kay Nancy. Hindi niya lubos maisip na ibebenta nang kapatid nito ang dalaga para lang sa pera. Hindi niya masisisi si Nancy kung ganoon nalang ang takot nito na bumalik sa bahay nila. Nalaman nito kung anong pinagmulan niya. Napilitang makipaghiwalay sa kanya para sundin ang gusto nang magulang na kinalakihan. Ngayon naman, binenta nang kuya niya para sa pera. Kahit na gusto niyang tulungan ang dalaga wala siyang magagawa dahil nasa sitwasyon din siyang kahit siya hindi maisasalba ang sarili niya.