"Sam, apo. Gising kana." nag-aalalang wika nang matanda saka nilapitan ang apo at agad na niyakap. Nang mawalan ito nang malay agad nilang dinala sa hospital ang dalaga. Sobrang taas nang lagnat nito at halos buong magdamag na nagbantay ang sina Simone sa dalaga dahil hindi agad na bumaba ang temperature nang dalaga. Magdamag din nilang hindi na kontak si Drake at hindi rin ito umuwi sa bahay nila kaya naman hindi nito alam kung anong nangyari sa asawa niya.
“Apo, okay ka na ba? Mabuti na ba ang pakramdam mo?” tanong nang matanda sa dalaga. Nabigla si Leandro nang makita ang ekspresyon ng mukha nang apo niya. Bigla siyang napaatras at napatingin dito. Nakatingin sa kanya si Samantha ngunit tila blanko ang ekspresyon nang mukha nito. Para itong nakatingin sa kanya na para bang hindi alam kung sino ang nasa harap niya.
“Sam.” Anas nang matanda habang nakatingin sa mukha nang dalaga. Nangyari na rin ito dati. Na tila ba parang walang nakikilala ang dalaga sa kanila. Takang napatingin si Leandro kay Lee at Simone.
"Anong nangyayari sa kanya? Lagnat lang ang sakit niya hindi ba? Wala namang askidenteng nanggyari sa kanya. Bakit parang hindi na naman niya tayo naalala.” Wika nang matanda saka tumingin kay Simone. Nakita nilang nahimatay si Samantha. Hindi tumama ang ulo nito sa matigas na bagay nang bumagsak ito dahil si Lee ang nakasalo sa kanya kaya naman nagtataka siya kung bakit tila hindi siya nakikilala nang Apo.
“Nagpo-progress ba nang mabilis ang sakit niya?” tanong ni Lee saka tumingin kay Simone. Hindi naman sumagot si Simone. Ang totoo maging siya hindi rin maintindihan kung anong nangyayari kay Samantha.
"Mabuti siguro mag run pa ako nang ibang test sa kanya." wika ni Simone.
“Hindi ka rin sigurado sa nangyayari kay Samantha?” gulat na tanong ni Lee sa binata saka napatingin sa mukha nito. “Ikaw ang doctor niya dapat alam mo kung ano ang progession nang sakit niya. Bakit parang wala kang ideya sa nangyayari.” Inis na wika ni Lee sa kaibigan.
“Mabilis mag progress ang sakita niya. I am afraid mas mabilis na tayong nakakalimutan ni Samanthan.” Wika ni Simone. Saka napatingin sa matanda.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Leandro sa Binatang doctor.
“Baka mas mabilis niya tayong makalimutan kesa sa inaasahan natin.” Anito.
“Baka? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?” inis na wika ni Lee saka hinawakan sa kuwilyo niya si Simone. Taka namang napatingin ang dalaga sa dalawang binata. Wala siyang naiintindihan. Pero bakit parang nagagalit ang lalaking iyon? Anong ikinagagalit niya?
“Lee.” Wika nang matanda na bumaling sa dalawang binata.
“Walang mangyayari kung sa akin mo ibubunton ang galit mo. Pareho lang tayong naiinis sa mga nangyayari ngayon.” Wika ni Simone saka tinanggal ang kamay ni Lee sa kuwelyo niya. “Ipapahanda ko ang MRI suite.” Wika ni Simone saka naglakad papalabas. Napabuntong hininga naman si Lee saka sinundan ng tingin ang Binatang lumabas. Alam niyang naiinis din ito sa nangyayari. Bilang isang doctor, alam niyang disappointed si Simone dahil wala itong magawa para sa dalaga.
“Samantha nakikilala mo baa ko? Ako ito ang lolo mo.” Wika ni Leandro sa apo kaya lang biglang inilayo ni Samantha ang kamay niya sa matanda labis ang takot sa mukha nang dalaga. Pakiramdam ni Leandro nakatingin siya sa apo niya noong araw nang magising ito mula sa Car accident na kumitil sa buhay nang mga magulang niya. Ang takot sa mukha ng dalaga at ang blanking ekspresyon sa mukha nito.
“It’s okay Apo. Huwag kang matakot. Ako lang ito ang lolo mo.” Wika nang matanda saka marahang hinawakan ang kamay nang dalaga at masuyong tinapil.
“It’s okay.” Wika nang matanda saka marahang niyakap ang dalaga. Wala siyang magawa para sa apo niya. Dati na siyang nakalimutan nang apo niya. Mukhang ang kinatatakot niya malapit nang mangyari. Makakalimutan ulit siya nang apo niya. Ang iniisip nilang isang taon, mukhang mas magiging maaga.
Dinala sa isang silid sa hospital si Samantha para sa MRI. Nakatingin lang si Simone sa dalagang nakahiga sa motorized table. Napatingin siya sa dalaga habang maingat na nag sa-slide ang table papasok sa MRI machine. Matapos ang Procedure muling ibinalik ang dalaga sa silid niya. Hinayaan lang din nilang magpahinga ang dalaga habang hinihintay ang result mula sa MRI scan. Habang natutulog ang dalaga. Nagpunta sina Leandro at Lee sa opisina ni Simone Sinabi nang binata na lumabas na ang resulta nang MRI scan. Nang pumasok sina Lee at Leandro sa loob nang opisina ni Simone Nakita nilang tinitingnan nang binata ang MRI scan na nakuha mula sa examination ni Samantha.
“Tumor?” gulat na wika nang matanda. Nang ipaliwanag sa kanya ni Simone ang resulta nang MRI scans. Sinabi nang binata na mayroon, post-traumatic glioma ang dalaga. It is a rare type of brain tumor that develops at the site of a previous traumatic brain injury (TBI). Though naging successful ang operation ni Samantha noon dahil sa aksidente, hindi pa rin naiwasan ang ganitong nangyari sa dalaga. Ipinaliwanag din ni Simone kay Leandro at Lee na wala namang mechanism that links TBI to glioma formation is not fully understood, but some theories suggest that the injury may lead to changes in the brain's environment, promoting the growth of cancerous cell.
Pinaliwanag din nang binata sa dalawa na Gliomas are a type of brain tumor and are particularly aggressive and difficult to treat with only 6.8% survival rate. Pinaliwanag din nang binata na mabilis ang pagprogress nang Tumor sa utak nang dalaga. Sinabi din niya sa dalawa na ang tumor nang dalaga ay nasa area nang utak na responsible for memory and cognition, can lead to cognitive impairments, including memory loss.
“Is surgery still possible?” tanong Lee. Iniwan sila noon nang matanda. Bumalik ito sa silid nang dalaga. Alam nang dalawang binata na labis na sasaktan ang matanda dahil sa nangyayari sa apo niya.
Napatingin si Lee sa doctor. Natagalan ang Binatang doctor bago sumagot. TIyak na nagiisip ito nang Magandang paliwanag para sa tanong nang kaibigan. Noon pa alam na niyang mahirap ang surgery sa sakit ni Samantha lalo na ngayong mabilis ang progress nang sakit niya.
“Sa posisyon nang Tumor sa utak ni Sam, Masyadong risky ang operation. Pwede siguro nating matanggal ang tumor. But that can----”
“Cause her to lose all her memories about us.” Dagdag ni Lee. Tumango naman ang binata. “Mukhang kahit anong gawin natin. Walang sagot sa mga tanong natin. Maghihintay nalang tayo. Iyon lang ang pwede nating gawin.” Wika ni Lee na napakuyom nang kamao. Naiinis siyang wala siyang magawa para sa dalaga.
“Wala pa ba nag balita kay Drake?” tanong ni Simone.
“Bakit mo hinahanap ang isang yun. Iniwan niya si Sam kagabi” inis na wika ni Lee.
“Asawa pa rin siya. Dapat malaman niyang nasa hospital ang asawa niya.” Wika ni Simone.
“Para ano makita niya si Sam sa ganitong ayos?” wika ni Lee sa binata. “Nasa apartment lang niya si Drake.” wika Lee nang makita ang tahimik na doctor.
“Paano mo Alam?” tanong Simone.
“Pinasundan ko siya nang umalis siya.”
“Kelan kapa naging stalker-----”
“Para namang gusto ko siyang sundan. Ayoko lang na sinasaktan niya si Sam. Alam mo ba kung sino ang kasama niya buong magdamag? Habang nandito sa hospital ang asawa niya.” Wika ni Lee.
“Ang dati niyang kasintahan. Isang tawag lang niya mabilis pa sa kidlat na sasaklolo si Drake sa kanya. At kahit alam niyang may sakit ang asawa niya iniwan pa rin niya ang -----”
“Wala naman tayong magagawa. Pero iniisip ko, bakit hind imo kumbinsihin si Sam na hiwalayan na ang lalaking yun. She is sick at wala namang naidudulot na Maganda ang pagpapakasal niya kay Drake. She should spend her time with her lolo. Kesa sinasayang niya kay Drake.” wika ni Simone. Hindi naman nakapagsalita si Lee. May punto din naman ang kaibigan pero hindi nila mahulaan kung ano ngayon ang iniisip nang dalaga.
Hindi alam nang dalawa na nasa labas nang opisina ni Simone si Samantha at nakatayo nakikinig sa pinag-usapan nila. Binalikan siya ng lolo niya sa silid niya. Pagbalik nito bumalik na din ang alaala niya. Parang sa nangyari dati panandalian niyang nakalimutan ang mga ito. Pinuntahan niya si Simone sa opisina nito para tanungin saka naman niya narinig ang pag-uusap nang dalawa.