Dumating si Drake sa bahay nina Samantha, pero hindi niya Nakita si Samantha maging ang lolo nito at si Lee. Halos ma maikot na niya ng buong mansion pero hindi niya makita ang dalaga. Alam niyang may sakit si Samantha noong nakaraang gabi kaya naman dapat nagpapahinga ito. Pero bakit wala doon sa mansion ang dalaga. Hindi rin niya matawagan ang dalaga at nakapatay ang cell phone nito. “Oh, Anong ginagawa mo dito. Hindi mo ba pupuntahan si Samantha?” Wika nang pinsan ni Sam nang makita si Drake sa mansion. Taka namang napatingin ang binata sa pinsan ni Samantha. “Bakit nakatingin ka sa ‘kin na para bang wala kang ideya sa nangyari.” Wika nito na natatawa sa reaksyon nang binata. “Anong sinasabi mo?” Tanong nang binata. May nangyari bang masama kay Samantha? Iyon ang tanong na tumatak

