"Sam!” Tawag ni Drake sa dalaga habang tila aligagang naglalakad sa loob nang airport. Dalawang security personnel ang nakasunod sa binata at pinipigilan siya. Hindi pinapasok ang binata sa bahaging iyon nang airport dahil wala naman siyang ticket pero nagpumilit ang binata dahilan para sundan siya nang dalawang security personnel. Kahit panay ang pigil sa kanya nang mga ito hindi naman nagpapaawat ang binata. “Sam!” wika ni Drake saka hinawakan ang kamay nang dalaga habang papasok ito sa departure area nang airport. Gulat na napatingin sang dalaga sa Binatang humawak sa braso niya. Taka siyang napatingin dito. Maging si Lee at Simone na nasa unahan nang dalaga ay napalingon din at nabigla pa nang makita ang binata. “What are you doing here?” Gulat na tanong ni Lee habang nakatingin sa

