"Oh, Mukhang may bisita ka, babalik nalang ako---” naputol na wika ni Leandro nang akmang papasok sa opisina ni Drake ngunit bigla itong natigilan nang makita si Nancy at Drake sa loob nang opisina nang binata. “No.” wika ni Drake para pigilan ang matanda na umalis. “We need to talk.” Mariing wika nang binata. “Pwede mo ba muna kaming iwan?” tanong ni Drake sa dalaga. “Okay.” Wika ni Nancy na nagtataka saka lumabas sa opisina ni Drake nang makalabas ang dalaga. Lumapit sa pinto ang binata at isinara iyon. Naglakad naman patungo sa loob sofa ang matanda saka naupo. “Maupo ka.” Wika ni Leandro sa binata. Hindi naman nagsalita ang binata at naupo sa harap ni Leandro. Agad din niyang napansin ang dala nitong envelop. “I will cut the chase dahil may kailangan pa akong puntahan.” Wika nan

