"Dada!” Excited na wika ni Sky nang makita si Drake na dumating kasama si Lee at Simone. Sinabi ni Miguel na magkita sila sa dating factory nang kompanya nang papa niya. Ito ang pinakaunang factory nila bago lumipat ang papa ni Drake sa mas malaking factory. Naging abandonado na ang factoring iyon dahil sa tagal nang panahon na walang gumagamit. Hindi naman maintindihan ni Drake kung bakit sa dami nang lugar na pwede silang magkita doon pa. Iniisip tuloy nang binata na umaastang isang takas ang tito niya gayong pinalaya na ito. Pero kahit anong nasa isip niya opinion sa ginagawa nang ito niya wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod sa sinasabi nito. Sinabi din ni Lee sa kanya na sumunod lang sa gusto nito. Nang dumating sila sa lumang factory, agad na Nakita ni Drake si Sky na haw

