Marahang nagmulat nang mata si Drake. Nang magising siya ang isang puting kisame agad ang nasilayan niya. Napatingin siya sa paligid. Mukhang nasa loob siya nang isang hospital room. Bahagyang napatingin ang binata sa gilid niya nang maramdaman ang kamay na nakahawak sa kamay niya. Isang ngiti ang sumilay sa labi nang binata nang makita si Samantha na nakatungo ang ulo sa gilid nang higaan niya at natutulog habang hawak ang kamay niya. Pilit niyang inalala ang nangyari. Huling natatandaan niya. Nakita niyang nahulog si Sky mula sa ikalawang palapag nang mula nilang factory dahil sa ginawa nang tauhan ng tito Miguel niya. Hindi na siya nagdalawang isip nang makita ang anak na nahulog. Alam niyang nasalo niya ang anak. Pagtapos noon wala na siyang ibang alam sa nangyari. Mukhang tumama siy

