“You’re giving this to me?” Takang wika ni Drake sa bata habang nakatingin sa inaabot nito. “Sky---” ani Samantha na hinawakan ang kamay nang anak niya. Ayaw niyang umasa si Sky na si Drake ang ama nito. Alam niyang malapit na ang Loob ni Sky kay Drake at ayaw niyang masaktan ang bata kapag nalamang hindi si Drake ang ama nito. “Sky made this for Dada.” Wika ni Sky habang inaabot kay Drake ang jar niya na puno nang mga folded stars. “I’m Sorry---” putol na wika ni Samantha nang tumingin sa kanya si Drake at muling hinawakan ang kamay niya. “Bakit ka humihingi nang sorry?” Tanong nang binata bago bumaling kay Sky. “Well, then, thank you Sky. I like it and I will treasure this for sure.” Wika ni Drake saka tinanggap ang binibigay nang bata. Bakas naman sa mukha ni Sky ang labis na tuw

