"Si Drake?” Tanong ni Samantha sa kasambahay ni Drake nang dumating siya sa bahay nito. Dahil napapayag ni Drake si Leandro na manatili si Samantha at Sky sa bahay ni Drake habang nagpapagaling ang binata. Walang nagawa si Samantha kundi ang pumayag na din. “Nasa opisina siya. Sinabi na niya sa ‘kin na darating kayo. Babalik din siya pagkatapos niyang kausapin si Sir Juno.” Wika nito. “Nasa opisina siya? Kakalabas lang niya nang hospital.” Wika nang dalaga dahil sa sinabi nang kasambahay ni Drake. Nag-usap sila ni Drake na magkikita sa bahay nito dahil may kailangan pa siyang tapusin. Ngunit nang dumating sila ni Sky sa bahay ni Drake hindi naman nila Nakita ang binata dahil nasa opisina ito. Gusto niyang mainis kay Drake dahil inunana pa nito ang magtrabao kesa sa magpahinga. “Sabi n

