"Ano yang tinitingnan mo?” Tanong ni Drake kay Samantha nang pumasok sa silid nina Samantha at Sky. Gusto sana niyang sa silid niya matulog ang mag-ina niya ngunit hindi pumayag si Samantha. Mukhang hindi parin ito komportable sa mga nalaman. O baka nagdadalawang isip dahil sa mga nangyari. Nang pumasok siya sa silid, Nakita niya si Sky na natutulog habang nasa tabi nito si Samantha at may hawak na maliit na box habang matiim na nakatingin sa laman noon. “Wala naman. Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Samantha saka napatingin kay Sky na nasa tabi niya at natutulog. “Natutulog na si Sky.” Wika pa ni Samantha. “It’s okay.” Wika ni Drake saka naglakad papalapit sa kama saka naupo sa gilid. “It’s nice to see you both here.” Wika ni Drake saka hinimas ang ulo nan

