PROLOGUE
May mga kwento talagang nagsisimula sa isang prank. 'Yung tipong hindi mo inaasahang magiging simula pala ng lahat.
"Jax, bilisan mo! May pasabog tayo today!" sigaw ni Ryder habang hinihila si Jaxon papuntang science lab.
"Chill ka lang, bro. It's just a little harmless fun," sagot ni Jaxon, hawak ang maliit na plastic container na puno ng... slime. Oo, slime. Green, malagkit, at medyo may amoy. Perfect para kay Sir Montemayor.
Tumatawa si James, habang si Edward at Paul nakaabang sa corridor, handang kunan ng video ang buong eksena. Ganito sila palagi—laging may kalokohan, laging may tawanan. Sila ang grupo na ayaw upuan ng mga teacher, pero mahal ng buong section. Jaxon was their ringleader—mischievous, makulit, pero hindi masama ang loob. He was the kind of guy na kahit mapagalitan, matatawa ka pa rin.
Pero hindi niya alam, 'yung araw na 'yon ang magbabago sa lahat.
"Mr. Callahan!," malamig ang boses ni Ma'am Castro habang nakatayo si Jaxon sa harap ng faculty room. "Since you clearly have too much energy to spare, you'll be moved to the front row. Beside Avery Collins."
"WHAT?!" sabay ngiti ni Ryder na tila nang-aasar.
"Ayoko kay Avery," bulong ni Jaxon, as if it mattered.
"Exactly," sagot ni Ma'am, with that smug smile teachers reserve for kids who think they're clever.
And just like that, the punishment was set.
First day seated beside Avery Collins felt like... exile. She was the school's golden girl—perfect posture, perfect grades, perfect hair. Tahimik, seryoso, at parang laging nasa honor roll. Tipong hindi mo matatawanan kahit anong joke mo.
"Ano, gusto mo ng lapis?" tanong ni Avery, hindi tumitingin, pero kita ang irita sa boses.
"May lapis ako," sagot ni Jaxon, kahit wala talaga.
"Then maybe you should use it," sabay balik sa notes niya.
Cold. So cold. Parang AC sa computer lab.
Pero habang tumatagal, may napapansin si Jaxon. Si Avery, hindi pala kasing perpekto ng iniisip niya. May mga araw na ang gulo ng sulat niya. May mga moments na tulala lang siya, na parang may bumabagabag. At minsan, nahuhuli niya itong nakikinig sa jokes nila Ryder kahit kunwaring hindi.
Unti-unti, nagbabago ang ihip ng hangin.
There was this one afternoon—after class, habang nag-aayos ng notes si Avery, tahimik lang si Jaxon sa tabi niya. Walang prank. Walang tawa. Just... silence.
"Ba't ka tahimik?" tanong ni Avery, hindi sanay.
"Wala lang. Minsan nakakapagod din palang maging makulit."
Tumingin si Avery, and for the first time, hindi irritation 'yung nakita niya kay Jaxon. Parang... understanding. Parang may click. A soft kind of shift. Hindi biglaan. Hindi dramatic. Pero ramdam.
At doon nagsimula ang lahat.
Sa shared pencils. Sa shoulder bumps. Sa mga tawang pinipigil at kwentuhang hindi dapat inaabot ng isang oras. Jaxon didn't know what was happening—he just knew that around Avery, he wasn't just the class clown. He was someone else. Someone better.
Pero gaya ng lahat ng magandang bagay, dumadating ang realidad. May pangarap. May expectations. May distance.
Hindi lahat ng love story may forever. Pero may mga alaala na kahit gaano pa kalayo ang marating mo, dala mo pa rin.
Vanilla Love—simple, tahimik, pero matamis. 'Yung tipong hindi mo malilimutan, kahit hindi mo na matikman ulit.