Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon ang araw ng check-up ko para sa OB Gyne at ang kasama ko ay sina Mama, Papa at Aya. More like family day na rin dahil ang dami nilang plano puntahan after namin manggaling sa hospital. We even wore a matchy-matchy mint green na damit dahil daw magpapakuha rin kami ng family picture. Naka-sleeveless maternity dress ako na mint green habang naka-shirt naman sina Mama at Papa saka black na pants while si Aya ay naka-maong shorts. Nakasakay kaming apat sa bulletproof na SUV. Kitang-kita ko pa mula sa rearview mirror ang sasakyan kung nasaan si Denver at ang abogado na kaibigan ni Bae na si Atty. Frederick Sanchez. Nakita ko rin ang dalawang SUV kasama naming na lumabas ng village na sa tingin ko ay mga bodyguards. Kailangan ko na yata talagang

