Chapter Nine - Plans

1767 Words
(Jem's POV) Nandito kami ngayon ni Nix sa kwarto ni Gab. Ano pa nga ba ang ginagawa namin? Edi naglilinis! Ang sipag namin noh? Mukha na daw kasing gubat tong bahay namin sabi ni Myx. Hmm, pero parang may napapansin ako kay Gab at Ria. Parang may tinatago sila sa amin, ano kaya yun? I need to find it out kung ano yun. "Oy Jem! Ano na naman ang iniisip mo dyan? Tulungan mo na muna ako sa paglilinis nitong kwarto ni Gab" sabi ni Nix habang nagwawalis "Kaya mo na yan! Masipag ka naman diba?" sagot ko naman "Hindi ah! Ano ba Jem! Tulungan mo na ako nakakainis ka naman eh!" singhal nya pabalik "Okay, fine! Nakakainis ka naman eh! Kung kailan nag-iisip ako dun ka naman manggugulo!" sabay irap ko sa kanya "Ano na naman ba kasi ang iniisip mo?" "Wala! Oo na, tutulungan na kita" singhal ko sabay irap Inayos ko na ang bedsheet ng kama ni Gab habang si Nix ay walang tigil sa pagwawalis at pag-aayos ng mga furniture dito sa kwarto ni Gab. Tss, di talaga mawala sa isip ko yung pinag-usapan ni Gab at Ria. Tungkol saan naman kaya yun? FLASHBACK >> "Sure ka?" tanong ni Ria "Yeah! Sure!" sagot naman ni Gab "Hahaha, sige! Deal! Ako pa? Magaling yata ako dyan, hintayin lang nila ang araw na gaganti tayo sa kanila. Tsk. Kawawa sila, lalo na yung lalaking nakausap ko kanina na myembro din nila" sabay ngisi ni Ria "Bakit ano bang ginawa sayo?" tanong ni ulit ni Gab "Binantaan ba naman ako na gaganti daw sila satin kaya maghanda daw tayo! Pwes! Hindi tayo uurong" "Yan ang gusto ko sayo Ria eh! Hahaha, so okay na? Hindi mo na ko kukulitin sa kakatanong?" sabi naman ni Gab "Hindi na! Kasi alam ko na ngayon at handa na akong pumatay ulit" nakangising sabi ni Ria END OF FLASHBACK > *ring-ring* "Ria, may tumatawag oh! Sino yan?" tanong ko sa kanya "Hindi ko alam, wala sa phonebook ko eh! Unknown number oh" "Sagutin mo nalang, baka naman importante yan" "Okay" at sinagot nya ang telepono "Hello?" panimula nya Nagsign naman ako kay Ria na i-loudspeak para marinig ko din ang pag-uusapan nila nung unknown caller "Hello? Ikaw ba si Ria?" tanong ng nasa kabilang linya "Ahh. Oo, sino ka nga pala? At paano mo nakuha ang number ko?" "Ria, si Evesha toh! May sasabihin nga pala ako sa inyo" "Ano yun?" "Pinatay ang pinuno natin! At ang alam namin na pumatay ay ang mga gangster na nakatira dyan sa inyo! Ria! Kailangan namin ng tulong nyo! Pakisabi kay Gab na kailangan namin kayo .." naiiyak na sabi ni Evesha "ANO?!? Pinatay nila ang pinuno? T*ng*na!" sabi ko "Gab? Ikaw ba yan?" tanong ulit ni Evesha kaya inagaw ko na kay Ria yung phone "Oo, ako na toh! At sino nga ulit ang pumatay?" tanong ko "Gab, mga gangster daw ang pumatay. Tulungan nyo kami Gab! Natatakot kami na baka may mapatay ulit ang mga Gangster na yun sa amin" hihikbi-hikbing sabi ni Evesha "Okay, kami na ang bahala. Ano ba ang mga itsura ng mga yun?" "Basta mga kabataan pa daw eh! Tsaka may 5pinuno sila tapos madaming tagasunod" "San ba ngayon nakadestino yung mga yun?" "Sa lugar nyo daw eh" "Okay sige! Kami na ang bahala sa mga yun" "Salamat Gab" "Okay sige!" ~end of call~ "So, ano Gab? Susugod na ba tayo?" "Oo. Ikaw ang magmasid sa mga gagong gangster na yun! Tsaka ikaw na din pala ang bahala! Malakas ang hinala ko na yung mga nakita nating gangster ang may kagagawan ng mga pagpatay sa kasamahan nating bampira" "Ako ang bahala!" END OF FLASHBACK << Ayan ang nangyari kaya may pinaplano kami ni Ria na paghihiganti pero narinig na ni Jem eh! So paano na yan? Tss, no choice kami ni Ria kundi ang sabihin sa kanila ang mga gagawin talaga namin at ang reason kung bakit kami maghihiganti. Pag nalaman toh nung tatlo sasabog din yun sa galit. (Ria's POV) Pumasok na kami sa loob at tinawag namin si Myx at Nix para sabihin na sa kanila yung nangyari sa pinuno namin. Siguradong sasabog sa galit tong mga toh pag nalaman nila at baka bumalik na naman sila sa pagpatay. Umupo na si Gab at Jem at sumunod naman si Nix at Myx pati ako. "Anong problema?" tanong ni Nix "Hmm, may sasabihin sana kami sa inyo eh! Wag sana kayong mabigla" -Gab "Ano yun?" -Myx "Makinig na lang kayo sa kanila. Hindi pa sana nila sasabihin yan, kung di ko lang narinig yung usapan nila hindi pa dapat natin malalaman yun" -Jem "Pwede ba mamaya na kayo makisingit? Kailangan ko munang ipaliwanag sa inyo kung ano talaga pinag-uusapan namin ni Gab" sabi ko, kaya nanahimik naman sila at nag-abang sa mga sasabihin ko . "Okay" humugot ako ng hininga at nagpatuloy sa pagsasalita "Ganito kasi yun, yung pinag-uusapan namin ni Gab ay tungkol sa paghihiganti --" naputol ang sinasabi ko ng umekstra si Myx "Huh? Anong paghihiganti? Bakit di namin alam yan?" "Kaya nga pinapaalam diba?" sarkastikong sabi ni Jem "Oo nga naman" pagsang-ayon ni Nix "Ganon? Ekstra kayong tatlo? Kayo na lang kaya ang magsalita at magpaliwanag dito nahiya naman ako sa inyo eh!" sabay irap ko "ENOUGH!" sigaw ni Gab "Ano ba kayo bata? Makinig nga muna kayo sa sinasabi ni Ria" tapos nanahimik na ulit ang lahat "Yun nga paghihiganti nga! Kasi may isa tayong kasamahan na napatay ng mga gagong gangster na yun! At ang nakakagulat pa. Pinuno natin ang pinatay nila" "Ano?!?" gulat na sabi nung tatlo "Yeah. Tama ang narinig nyo. Tanda nyo nung bumili ng beer si Ria at Jn? Oagkabalik nila ay tumawag si Evesha. Yung dati nating kasamahan at sinabi nya samin na napatay nga ng mga gangster ang pinuno natin" -Gab "T*NG*NA! Sinong gangster?" tanong ni Jem "Ang hinala ni Gab ay yung mga gangster na nakita natin, pero iimbestigahan pa namin kung sila nga talaga yun! At ang sabi samin dito daw nakadestino sa lugar natin eh" sagot ko "Ano may nagawa na ba kayong plano?" tanong ni myx "Wala pa" sagot ni Gab "So ano ang gagawin natin ngayon?" -Nix "Maghanda tayo ng plano para sa mga gangster na pumatay sa pinuno" sagot ko "Sa ngayon, maglinis na muna tayo ng bahay tsaka na natin pag-usapan ang tungkol dyan" -Jem "Oo nga, mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na yan" sambit ko at nagsibalik na kami sa mga gawain namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD