Chapter One - 12 Midnight
(Gab's POV)
*Tik. Tok. Tik. Tok* Malapit ng sumapit ang hating gabi. Wala rin naman kaming gagawin eh! Kasi kaming mga bampira ay hindi natutulog.
Hindi kami napupuyat o nasasaktan sa mga maliliit na bagay manhid ang katawan namin kesa sa mga tao.
Maputla. Nag-iiba ang kulay ng mga mata.
Malamig na parang mga bangkay.
Yan ang mga katangian naming mga bampira.
Pero kahit ganon kami hindi kami kumakain ng tao o pumapaslang. Sumisipsip lang kami ng dugo dagdag lakas.
Pero dahil sa nasa mundo kami ng mga tao natutunan namin na kumain ng pang-tao na pagkain. Oh diba? Astig?
Yun nga lang nakakasawa ang puro hilaw na gulay at karne.
Kaso may isa sa grupo namin ang hindi pa tuluyang nabibitawan ang pagkabampira at hindi din kumakain ng kung ano ang kinakain namin.
Isa siyang KNIGHT LORD mahirap sa kanya ang hindi makakainom ng dugo kaya sa tuwing sasapit ang 12 midnight nawawala siya.
"Gab! Si Ria wala sa kwarto niya" hinihingal na sabi ni Myx
Ito na nga ba sinasabi ko eh. Kailan kaya niya titigilan ang pagpatay ng mga inosenteng tao?!
"Tara hanapin natin!" yaya ko kay myx sabay labas sa bahay
(Ria's POV)
Ugh! Hating gabi na naman at ito na naman ako sa paghahanap ng mabibiktima. Nanghihina na naman ang katawan ko at kailangan ko na naman ng dugo. I need blood!
Dugo lang naman ang kailangan ko at hindi naman ako pumapatay ng tao, ginagawa ko lang yun kung kinakailangan lang naman pero hindi palagian.
Tumalon ako sa bintana ng kwarto ko, tamang-tama busy pa sila sa sala kaya hindi na nila ako mapapansin.
Naglakad lang ako sa paligid ng bahay medyo makahoy kasi sa lugar namin. Habang abala ako sa paglalakad may lalaking lumapit sakin.
"Heyy miss beautypuuuulll!!" Tsk. Isang lasinggero na naman
"Gusto mong maglaro muna tayo? Ang ganda ng gabi oh!" dagdag nya pa. Hinawakan niya kamay ko. Aba chansing tong kumag na to ah!
"Bitawan mo nga ako!" pag pupumiglas ko. Tsk. Ayaw talaga akong bitawan!
"Sabi ko bitawan mo ako!!" pinilipit ko ang kamay nya papunta sa likod at tinakpan ko ang bibig nya saka sumipsip ng dugo.
Pwe! Ang pangit ng lasa ng dugo nito, lasang mapait! Di bali, pagtyagaan ko na muna to dahil nangangailangan din ako ng dugo sa ngayon.
Matapos sa ginagawa ko ay umalis ako at tumakbo papalayo para makauwi na sa bahay dahil baka abutan ako nila Gab na wala sa bahay. Kaso, nagkasalubong kami nila Gab. Naku, lagot na naman ako, di pa naman ako nakikita pero alam kong patay na naman ako sa mga to dahil sa pagtakas ko.
Dali-dali akong umakyat sa taas ng puno para magtago. Alam ko kasing magagalit na naman kasi sila, lalo na si Gab. Hehe, sorry .. Naghanap lang ako ng dugo eh.
(Gab's POV)
Naglibot-libot kami sa paligid para hanapin kung saan na naman pumunta si Ria. Tsk, nasaan na naman kaya yung bruhang yun?!
Ugh. Bakit ba kasi di makatiis yung babaeng yun? Kami tuloy ang namomroblema sa kanya eh. Para na naman kaming naglalaro ng tagu-taguan sa ginagawa nya.
After ng ilang oras na paghahanap sa kanya ay nakita na namin sya. Ayun! Sa taas ng puno, haaay~ magtatago na nga lang magpapahuli pa.
"Hoy, Ria! Bumaba ka nga dyan. Kita ka na namin, wag kana magtago pa dyan" sigaw ko sa kanya
"Hehehe, pasensya na" sabi nya habang naka-peace sign
"Tsk" tanging naisagot ko
"Oh, ano na nangyari?" tanong ni Jem
"Hmm, okay lang naman. Tara na pauwi?" pag-aya ni Ria
"Wala ka man lang bang dala para sa amin?" sabi ni Nix habang nakanguso kaya tinignan ko ng masama.
"Hehe, joke lang naman Gab! Ito naman hindi mabiro eh" sabi ni Nix habang naka-peace sign kaya binigyan ko sya ng nakasimangot na mukha.
"Tsk. Ria, ano na naman ang ginawa mong kalokohan?" tanong ko sa kanya sabay turo dun sa lalaking nakabulagta
"Hmm, wala lang naman. Tsaka ano .. lasinggero naman yang biktima ko eh. Wala naman akong balak na gawin na masama sa kanya kaso sya eh! Binastos nya ko, sya tuloy ang naging target ko. Ang pait pa ng dugo nyan. Tsk. Hindi nga yata naliligo yang lasing na yan eh! Pero okay lang, napagtyagaan ko naman kasi kailangan ko sa ngayon ng dugo eh" sagot nya
"Talaga?! Haha, kadiri ka naman Ria! Pati ba naman lasing? Dapat wafu yung mga tinatarget mo eh" sabat ni Nix
"Wala akong choice eh. Tsaka sayang yun no? Ang hirap kaya maghanap ng target! Pampatid uhaw na rin yan" sagot ni Ria
"Tumigil na nga kayo sa kalokohan nyo, bakit kasi hindi ka matutong kumain ng kung ano ang kinakain ng mga tao? Ilang taon na tayo dito, ang hirap narin makahanap ng mabibiktima sa panahon ngayon" inis na tanong ko sa kanya
"Bakit ba kasi nangingialam kayo sa akin? Eh ang pangit nga yung lasa ng pagkain nyo eh! Nakakasuka kaya. Tsaka baka dyan pa ko mamatay sa pagkain ng pagkain ng tao" sabi ni Ria sa amin. OA ha? Mamamatay agad? Di ba pwedeng ma food poison muna?
"Hahahaha. Kami nga sanay na eh! Masasanay ka din pag tumagal" sabat ni Jem
"Oo nga! Ako nga din eh! Napapangitan sa lasa ng gulay pero keri lang kesa naman sa pumatay ako ng tao diba? Ayoko naman ng ganon" -Nix
"Tss. Tsaka na ako mag-aaral kumain ng mga sinasabi nyo" inis na sabi ni Ria
"Kailan mo pag-aaralan?" tanong ni Myx
"Oh Myx nandyan ka pala?" pang-asar na tanong ni Jem
"Wala no! Picture ko lang to! Tsk." Asar na sagot ni Myx. Hahaha. Pilosopa eh!
"Oh! Tama na yan halika na at umuwi! Maghahanap pa tayo ng school, remember?" nakapameywang kong sabi
"Isa pa yang school na yan eh! Bakit ba kailangan pa natin nyan?" pasigaw na tanong ni Ria
"Ria, diba napagkasunduan na natin yan? Kailangan nating pumasok sa school kasi nga mamumuhay tayo bilang tao at hindi bampira" sagot ko sa kanya
"Tss. Oo na nga eh!" inis na sagot ni Ria. Haha, alam ko naman kasi na ayaw na ayaw nyang nakikisalamuha sa mga tao
"Uwi na tayo?" tanong ni Nix
"Oo. Uuwi na tayo" at nagsimula nang maglakad si Myx
"Ayiee! Gusto ko yan! Pabilisan!" sabi ni Jem sabay takbo nya ng mabilis
Haaay, sino ba naman kasi ang tuwang tuwa sa takbuhan diba? Tinatamad pa naman ako ngayon pero sige na nga. Pagbibigyan ko na rin sila. Ganito palagi sila, gustong gusto nagpapaunahan sa pagtakbo.
Nang makarating kami sa bahay ay humihingal ang mga bampira. Haha, yan kasi gustong-gusto ba naman na palaging magkarera sa pagtakbo.
"Kakapagod no?" hinihingal na sabi ni Nix
"Hindi naman, haha. Nag-enjoy nga ako eh" sabi naman ni Jem
"Syempre nag-enjoy ka! Ikaw lang naman ang nasisiyahan sa mga takbo-takbo na yan eh" singit ni Ria
"Tigilan nyo na yan! Maaga pa tayo bukas. Tara na at magpahinga" saway ko sa kanila
"Ah, san nga pala tayo papasok?" nakadapang tanong ni Nix
"Kaya nga hahanap diba? Tsk" sabay irap ni Ria
"Ayan na naman kayo. Nagsisimula na naman eh! Anyway, saan nyo ba gusto? Any idea?" tanong ko
"Hmm, ako gusto ko sa school na may swimming pool. Hehe" nakangiting sabi ni Jem
"Oh. Ano pa? Baka may gusto pa kayo?" tanong ko ulit
"Basta ako okay na sakin yung malaking campus" sabi naman ni Myx
"Tss. Ako? Basta school! Okay na yun !" cool na sabi ni Ria. Sinamaan naman namin sya ng tingin.
"Oh? Bakit?" tanong ni Ria
"Malamang school ang hahanapin natin alangan namang bahay diba? Isip-isip din pag may time" mataray kong sabi
"Hehe. Kayo naman hindi majoke hehehe. Basta bahala na kayo kung saan nyo gusto" natatawang sabi ni Ria
"Ikaw Nix? Ano bang gusto mo?" nakaturo kong sabi kay Nix
"Huh? Hmm, basta madaming gwapo! Okay na sakin yun! *sabog confetti*"
Umandar na naman ang kalandian nitong si Nix. Ano naman kayang gagawin nya sa gwapo?! Maigi kung makakain yun eh. Pero hmm, pwede din! Tsaka, sya lang naman kasi ang interesado. Di naman kami interesado sa gwapo na sinasabi nya. Kakanood nya yata kasi to ng tv eh. Tsaka jusko, kami? Magkakagusto sa gwapo? Hmm, no way.
"Sapak ba ang gusto mo?" tanong ko kay Nix
"Ha?" Tapos nagpout sya. Tsk. "Bakit naman?! Eh. Yun yung gusto ko eh! Nagtanong pa kayo kung ayaw nyo naman ng suggestion ko" nagmamaktol na sabi ni Nix
"Eh, kasi naman wala naman tayong mapapala kung may mga gwapo dun diba?" sabat ni Ria
"Oo nga naman Nix! Tsaka kahit mga mukha pang dukha yung mga classmate natin dun. Okay lang kasi hindi naman tayo interesado sa kanila" -Myx
"Oo na! Tama na kayo. Eh kasi--"
"No but's Nix. Basta hindi yun! Matino nga yung tanong ko eh! Sana naman maayos ang sagot mo diba? Tsaka pag-aaral ang hanap natin hindi pagoboyfriend. Okay?" pagputol ko sa sinasabi ni Nix
"Okiee! Dokiee! Matutulog ba tayo o hindi?" sabi nya sabay hawak sa baba nya na tila nag-iisip
"Pumunta na kayo sa mga room nyo at maaga kayong gumising ha? Hindi tayo pwedeng mahuli baka wala na tayong mahanap na school. Alam nyo na madaming mag-aaral ngayon" sabi ko at nagwave ng kamay ko para magpaalam matulog
"Opo master!" sabay-sabay nilang sabi
Nagsipuntahan na kami sa mga kwarto namin. Tsaka anong oras na din oh! 1am na ng madaling araw. Kamusta naman yun?! Gigising pa kami ng maaga para mag-ikot ikot dito tsaka hindi pa kami masyadong pamilyar sa lugar na to eh!
Here at my room. Nag iisip pa din kung ano ang mangyayari samin bukas. Haaay! Ang hirap naman mabuhay sa mundong to lalo na kapag tao ka diba? Kailangan ng school. Kailangan ng trabaho. Ang dami pang kaek-ekan na alam.
Noong bampira kami. Kung saan-saan lang kami eh! Tsaka pag nagugutom kami, mag-aabang lang kami ng biktima tsaka kakagatin. Ngayon na namumuhay na kaming parang tao. Eto kailangan pa ng pera para sa mga pagkain at mga pangangailangan namin. Sino ba naman kasi ang nag-imbento ng pera? Dapat di na sya gumawa ng pera diba? Para libre lahat. Wala nang kailangang bayaran at higit sa lahat makukuha ng mga tao ang mga kailangan nila kahit walang pera. Ang saya siguro nun?
Madami pa kaming haharapin na mga pagsubok sa pagiging ganito. Tsaka ang sama kaya ng lasa ng mga raw foods. Parang .. Basta nakakasuka talaga! As in! Tapos bakit kailangan pa ng mga Cellphones? Computers? Ano namang gagawin ng tao dun? Makakain ba yun? Hindi naman diba? Sorry kung ganito ako magsalita ha? Kasi naman pagkain lang ang iniisip ko eh Wala nang mahalaga sakin kundi pagkain lang. Tsaka wala namang mabubuhay ng walang pagkain diba? Hahaha ang daldal ko talaga. Ssshh. Wag kayong maingay na ganito ako ha? Masisira ang image ko na pagiging mataray. Mataray naman talaga ako pero may mga times na lumalabas ang pagiging makulit ko. Napapagod na akong magkwento bukas na lang? O gusto nyo pa?
Mahirap man ang ganitong buhay pero binabagay parin namin ang aming sarili bilang tao. Para naman makasabay kami sa pagbabago ng mundo. Hindi man kami pareho ng tao na tumatanda. May pagkakapareho parin kami sa mga tao yun yung puso. Pare-pareho kaming umiibig, bampira man kami nasasaktan din kami at nahihirapan. Isa lang talaga ang gusto namin. Yun ay ang ituring din kami ng mga tao na kalahi nila at kapareho nila. Wala namang masama kung gumaya kami diba? Dahil ginagawa din naman namin ang mga ginagawa ng tao. Sa isang bampira mahirap i-give up ang mga bagay na nakasanayan na. Katulad na lang ng pagpatay at pag-inom ng dugo pero dahil determinado kami. Ginagawa parin namin ang lahat para maging katulad ninyo. Ito ang buhay naming mga IMMORTAL ..