(Gab's POV)
7:38am na! Umaga na pala. Ngayon kasi kami maghahanap ng school na papasukan namin. Senior high na ang papasukan namin. 4th year high school students na kami.
By the way I am Glaizel Ashiville Brixie Imperial, "Gab" nalang for short. Hmm, mataray daw ako pero matalino, hehe. Ako din pala ang tumatayong leader ng grupo namin.
"Good morning, Gab! Tara kain kana" bati sakin ni Myx
Sya naman si "Myx" or Madison Yvonne Xhiena Perez ang medyo tahimik na myembro ng grupo namin. May special din sa kanya kasi kaya nyang makita ang future, may vision sya sa mga mangyayaring events sa future. Astig!
"Thanks!" sabay subo ko sa repolyo. Ew. Walang lasa.
"Jem! Akin yan! Akin na yan!" sabay habol ni Nix kay Jem
Well, sya naman si Nishaline Irish Xyla Arellano "Nix" nalang for short, ang pinakamadaldal na myembro namin. Sya rin ang messenger ng grupo dahil nga makalas sumagap ng chismis to.
"Noooo! This is mine!" irit naman ni Jem
Hmm, si "Jem" Jamicha Evelyn Mashia Ruiz ang pinakamakulit samin. Actually, dalawa sila ni Nix na makulit eh! Sya din ang pinakamabilis sa aming lahat. Walang nakakatalo sa kanya sa takbuhan.
"Tsk. Will you please shut up?!" iritableng sigaw naman ni Ria
Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Sa tuwing nagbabangayan si Nix at Jem, si Ria lang ang nakakapagpatigil sa kanila.
Sya naman si "Ria" Renesmee Ivannah Ayukiimie Shin ang ubod na sungit naming knight lord. Sya ang laging inuutusan dating pumatay ng tao noong bampira pa kami kaya isa syang knight.
"Yay!" sabay pout ni Jem
"Tss. Nakakastress kayo!" sigaw ko sa kanila
"Yow! Tama na yan! Kailangan pa nating umalis diba Gab?" singit ni Myx
Oo nga pala! May aasikasuhin nga pala kami ngayong umaga. Tae, nakalimutan ko yung dapat na gagawin namin. Ang kukulit naman kasi nila, ang g**o pa!
"Yup! Hahanap pa tayo ng school. So what are you waiting for? Shall we?" tanong ko
Isa-isa na kaming lumabas ng bahay. Haha, kung nagtataka kayo bakit hindi kami nasusunog sa araw. Immune na kami kaya naman wala nang talab samin. Okay lang na lumabas kami kahit tirik ang araw. Maglalakad lang kami. Para naman maikot namin ang mundong ginagalawan namin.
"Saan tayo magsisimula?" tanong ni Ria habang ngumunguya ng bubble gum
"Sa park! Yiee!" sabi ni Jem. Sinamaan naman namin sya ng tingin at sinapak sya ni Ria ng mga very light.
"Ouch naman, joke lang naman Ria" sabay kamot ni Jem sa ulo nya
"Sige! Try mong mag-aral sa park!" mataray na sabi ni Ria
Mukhang wala yata sa mood si Ria ngayon? Baka naman dahil sa biktima nya to kagabi na lasing? Haha, malakas yata yung epekto nung dugo.
"Hey! Tignan nyo yun oh!" sabay turo ni myx sa pader na puno ng vandals
"Ano yan?" sabay turo din ni Nix sa pader
"Wag tanga Nix! Pader yan!" entrada naman ni Jem. At ito na naman ang barahan nilang dalawa. Haaay~
"Gangster Teritory?" sabi ni Myx habang nakahawak sa ibaba ng baba nya
"Kalokohan!" sigaw ni Ria
"At bakit naman?"
Napalingon kami sa nagsalita. Isang lalaki na nakasandal sa poste. Hmm, maangas ang dating nya ha?
"Hu u?" tanong ni Jem dun sa lalaki
"Ay? Text lang ang peg? Nyahaha" -Nix
"Sshh" -Myx
"Alam nyo bang bawal tumapak sa teritoryo namin?" sabi nung lalaki habang lumalapit sa amin at bigla syang tumingin sa akin.
"Sino kaba para maasta ng ganyan?" angas ko na tanong sa kanya
"I'm ---"
Napatigil sya nang biglang may sumulpot na Apat na lalaki sa likod nya.
"Bro! Who are they?" -boy2 na nakapamulsa
"Chix mo?" -boy3 na naka shades
"Yan lahat?" -boy4 na red ang buhok. Nyay! Manok lang ang peg?
"Witwiw! Share naman dyan oh!" -boy5 na sumipol pa
"Will you please shut up?" sigaw ni boy1
Parang out of place yata kami ah! Makaalis na nga! Tatalikod na kami nang biglang magsalita ulit si boy1
"See you around Girls!" then he smirked at tinalikuran na kami. Teka! Nauhan kami sa pag-alis ah! Tsk. Tsk.
Umalis na rin kami. Ang kakapal ng mukha nila! Akala mo kung sino. Tsk. Tignan lang natin ang tapang nila baka wala silang palag samin pag nakilala na talaga nila kami. Tao?! Haha. Patawa sila! Kung may ibabatbat ang katulad nilang tao sa amin.
"Grr. Ang sarap pilipitin ng ulo nila" asar ngunit kalmadong sabi ni Myx
"Tama ka dyan! Ang yayabang! Baka naman wala silang ibatbat sa atin" -Jem
"Kaya nga! Agree ako sa inyo. Pero ang gugwapo nila noh?" ngiting sabi ni Nix. Sinamaan naman namin sya ng tingin
"Woah! Bakit ganyan ang tingin nyo sakin? Tama naman ang sinabi ko ah!" nakapout na sabi ni Nix
"Okay sige! Agree na kami sayo. Pero tama naman kami na ang aangas nila" sabi ko habang nakatitig kay Nix
"Hayaan nyo na lang sila. Sa susunod na makita ko ulit ang pagmumukha nila ako na ang tatapos sa mga yun!" -Ria
"Tss. Dont cha worry guys! Ako na ang bahala sa mga yun. Pag nakita ko ulit sila, ako na ang tatapos. So, Ria! Wag nang mainit ang ulo dyan!" nakaakbay ko sabi kay Ria
"Yan ang leader namin!" nakathumbs up nilang sabi
"Hahaha, oo na! Hayaan nyo na yung mga lalaking nakasalubong natin kanina. Bilisan natin baka mahuli pa tayo sa pupuntahan natin. Tara!" aya ko sa kanila
Oh! Alam nyo na siguro ang ginawa namin diba? Syempre, takbuhan time na naman. Palagi naman eh!
Nakarating na rin kami sa school at tinignan ang buong school para bang iniinspeksyon ang buong lugar.
"Oh Girls! Handa na ba kayo?" ngiting tanong ni Myx
"Game na! Kaya natin to. Fighting!" sigaw naming lahat
"Sana matanggap tayo sa school na to! Tsaka ang gaganda ng facilities dito eh!" sabi ko sa kanila
"Oo nga naman ang ganda dito tsaka may swimming pool sila" ngiting turan ni Jem
"So, dito na talaga tayo?" tanong ni Ria
"San pa ba ang gusto nyo?" taas kilay kong tanong
"Wala naman! Hmm, tara na nga!" aya ni Ria
Haaay, nakakatuwa naman tong school na to. Kumpleto kasi sila sa mga facilities, hindi na kami magkakaroon ng problema dito. Sana naman maging maganda ang magiging school life namin dito.
(Myx's POV)
Nandito kami ngayon sa registration ek-ek. Hahaha, Kasi nagpapalista kami ngayon ng mga pangalan namin para makapasok kami dito sa school na to.
"Ang tagal ng pila!" reklamo ni Jem
"Tiis lang kayo! Matatapos din toh" -Gab
"Nga naman! Tsaka ngayon lang naman to no! Kasi hindi naman tayo araw-araw magpapaenroll eh!" -Ria
"Tapos ang init pa!" Isa pa tong si Nix. Reklamo din eh!
"Guys! Ayan na oh! Limang tao na lang at tayo na. Easy lang! Malapit na eh!" sabi ko sa kanila
"Oo na!" sabay-sabay nilang sabi. Nagsitahimik na lang kami at naghintay ..
Naghintay kami ng kalmado kahit na puro reklamo ang mga kasama ko. Hindi kasi matyaga na maghintay to. And then dumating na ang oras na kami na ang magfifill-up.
"Yes! It's our turn!" sigaw ni Nix
"Uhm. Magpapaenroll po kayo?" tanong nung babaeng nag-aassist
"Hindi! Nakikipila lang kami" pilosopong sabi ni Gab
"Ah, hehe. Ate, joke lang po yung sinabi ng kasama namin. Joker to eh! Yeah! Magpapaenroll kami. Fourth year po!" nakangiti kong sabi. Si Gab naman kasi eh! Masyadong pilosopa
"Pangalan po?" walang tingin-tingin na tanong ni ate
"Ate, sasabihin ko na lang po lahat huh? Tsaka iaabot ko ang mga requirements" sabay taas ko ng mga papers na hawak ko
"Sige lang"
"Hmm. Eto na po! Bibilisan ko lang. Ito pangalan naming lima. Glaizel Ashiville Brixie Imperial, Renesmee Ivannah Ayukiimie Shin, Madison Yvonne Xhiena Perez, Jamicha Evelyn Mashia Ruiz at Nishaline Irish Xyla Arellano. Tapos eto na po ang mga papers namin" sabay abot ko ng mga requirements na kailangan
"Ahehe. Mga hija ang gaganda nyo tapos ang hahaba pa ng mga pangalan nyo. Hindi ba kayo nahihirapan?" taka nyang tanong
"Hindi naman kasi sanay na kami eh! Tsaka may mga nicknames kami" -Gab
"Talaga? Ano naman?" curious na tanong ni ate
Hahaha :D Chismosa si ateng ha?! Kailangan talagang alamin ang mga nicknames namin? Well, hindi naman masama! Tsaka mabait naman kami eh! Pag tulog! De joke lang!
"I'm GAB"
"I'm RIA"
"I'm MYX"
"I'm JEM"
"and I'm NIX"
Pagpapakilala naming lima sa kanya. Nakangiti naman si ate nang marinig ang mga pangalan namin na hangang-hanga sa mga pangalan namin
"Ang cute naman ng mga nickname nyo, kasing gaganda ninyo" puri nya samin
"Thanks for the compliment! Pero kailangan na kasi naming umalis eh!" medyo iritableng sabi ni Gab
"Ah sige! Pwede na kayong umalis. Pero bago man lang kayo lumabas ng school. Ikutin nyo na muna ang mga facilities dito para naman maging familiar kayo dito" nakangiting sabi ni ate
"Sige po! Salamat!" -Jem
Pagkatapos ng mahaba naming bolahan nung ate. Nag-ikot ikot kami sa campus. May napapansin ba kayo? Kasi ako meron eh!
"May tanong lang ako .." tanong ko sa kanila habang naglalakad
"Ano yun?" sabay-sabay nilang tanong
"Maganda na ba tong school? Okay na ba kayong dito tayo mag-aral?" tanong ko
"Hmm. Okay naman! Tsaka mukhang magiging komportable tayo dito" -Ria
"Tama! Tsaka ang gaganda ng rooms" -Nix
"Tsaka ang lawak!" -Jem
"Eh ikaw Gab?!" nakaturo kong tanong kay Gab
"Ha? Ah. Eh. Oo, okay na ako dito. Bakit?" takang tanong ni Gab
"May problema ba? Pwede mong sabihin samin" -Ria
"Ah. Wala lang toh. Pagod na yata ako" sabi ko sa kanila
"Haaay! Tama na nga ang kadramahan bilisan na lang natin sa paglilibot" -Nix
"Ano tara na?" -Jem
"Tumigil ka sa iniisip mo Jem! Madaming tao dito at hindi pwedeng gawin yang iniisip mo" sita ni Gab
"Sayang naman!" nakapout na sabi ni Jem
"Hahaha. Kasi naman eh! Alam mo yan Jem" pang aasar ko
Pagkatapos ng asaran at paglilibot namin ay umuwi na rin kami. Nakakapagod pala ang ganito noh? Naranasan nyo na rin ba? Tsaka ang init pa. Sobrang tagal pa ng pila!
(Nix's POV)
Yieee, ang saya ko sa ngayon. Ang ganda ng new school namin tsaka ang daming gwapo. Hehehe, sarap lang kasi sa mata. Sigurado akong magiging maganda ang magiging araw ko sa school na to.
Nagmadali na rin naman kaming lumibot para lang maging pamilyar sa mga facilities ng school then umuwi na rin kami pagkatapos.
"Nakakapagod din pala sa school na yun noh? Ang lawak eh!" -Ria
"Oo nga! Pero maganda naman diba?" -Myx
"Magiging maganda naman kaya yung 1st day natin?" tanong ni Jem
"Basta ako magiging maganda ang 1st day ko dun!" sabat ko
"Bakit naman?" takang tanong ni Jem sakin
"Eh ano pa ba ang dahilan? Edi yung mga gwapong sinasabi nya. Pwee! Di naman gwapo ang mga tao dun eh! Parang mga hipon lang! Tapon ulo, kain katawan" sabi ni Gab sabay tawa ng malakas
Alam ko na po ang iniisip nyo. Baliw talaga si Gab. Kaya sya ganyan. Okay? Gets nyo na ko?
"Sige Gab! Tawa pa mamatay ka!" mataray kong sabi
"Ako? Nako ingat ka sa sinasabi mo baka ikaw ang mamatay sating dalawa! Hahahahaha" sabay tawa nya ulit
"Tama na nga! Anong oras na oh! Kain na tayo" -Myx
"Mamaya na ako" -Gab
"Okay? Jem? Nix? Kayo hindi pa ba kayo sasabay?" tanong ni Myx samin
"Hindi pa. Mamaya na lang din siguro kami kasi busog pa ako" sabi ko
"Sige. Una na ako sa inyo" sabay talikod nya
"Myx!" tawag ni Gab
"Oh?" sabay harap ni Myx
"Try mo kayang lutuin yung mga kinakain natin diba? Kasi parang napapansin ko sa mga tao kanina nung nasa canteen tayo ng school parang mas masarap yata kung lulutuin hindi yung raw foods ang kinakain natin" napangalungbabang sabi ni Gab
"Ha? Ako magluluto? Eh hindi nga ako marunong eh!" sabay tawa ni Myx
Di ko alam kung anong nangyayari sa mga ulo nitong mga kasama ko, parang nababaliw na pare-pareho eh.
"Ako may kakilala ako" sabay taas ng kamay ni Ria
"Sino?" tanong ni Myx
"Kaibigan ko. Marunong sya eh. Wait lang tatawagan ko lang sya" sabay labas nya ng bahay
"Pag nagluto kayo titikim ako ha? Tapos pag masarap kakain na talaga ako" sabi ni Jem
"Kung makakapunta dito yung kaibigan na sinasabi ni Ria" sabi ko
"Tiwala lang! Dadating yung kaibigan ni Ria" sabi ni Jem
"Eh? May kaibigan si Ria? Weird!" sabi naman ni Gab