(Xiv's POV)
Haaay! Nakakatamad talagang maghintay dito sa hide-out namin. Ang bagal pa ng mga co-gangster ko. Magpapaenroll pa kami ngayon sa school eh! Daldal ako ng daldal, kilala nyo na ba ko? Haha. Syempre hindi pa!
Pangalan ko? Ako nga pala si Xedrell Ian Vincent Castro "XIV" for short .. Ako ang 1st prince at ako din ang leader ng g**g namin. Tama ang basa nyo! Leader ako ng g**g! Pakialam nyo? Sa gusto ko eh! Hahaha. Joke lang! syempre mabait naman ako kahit hindi halata. Pero totoo ang sinasabi ko na gangster ako. Naiinip na ko! Ang tagal naman kasi nila eh. Alam naman nila na matatagalan kami sa enrollment na yun eh! Tsk. Teka! Parang may grupo ng babae na papunta dun sa hide-out namin ah!
"Gangster Teritory?" narinig kong sabi ng isa sa mga babae
"Kalokohan!" sigaw naman nung isa
"At bakit naman?" maangas kong sabi. Halata naman sa kanila na nagulat ng magsalita ako
"Hu u?" tanong nung isang babaeng parang bata pa
"Ay? Text lang ang peg? Nyahaha" sabi naman nung isang babae na parang makulit ang dating
"Sshh" yung matured na girl naman
"Alam nyo bang bawal tumapak sa teritoryo namin?" sabi ko sa kanila habang papalapit dun sa isang babae na sa tingin ko ay ang leader yata nila
"Sino kaba para umasta ng ganyan?" sabi nung babaeng tinititigan ko
"I'm---"
Napatigil ako nang biglang sumulpot yung apat na kasama ko sa likod ko.
"Bro! Who are they?" tanong sakin ni Jae
"Chix mo?" tanong naman ni Ken
"Yan lahat?" sabay turo ni Ace dun sa limang babae
"Witwiw! Share naman dyan oh!" sumisipol na sabi ni Max. Haha. Babaero talaga eh!
"Will you please shut up?" sigaw ko sa kanila. Ang kukulit naman kasi eh! Tsk. Hindi man lang ako pinabayaan na magsalita muna. Tatalikod na sana sila kaso nagsalita pa ako.
"See you around Girls!"
Pagkasabi ko nun ay agad na kaming tumalikod at umalis. Tss, hindi kami pwedeng unahan sa pag alis noh! Babae lang sila at hindi nila kami kaya, anong binatbat ng babae sa mga lalaki? Suntukin lang yung mga yun siguradong tulog na eh!
"Bro, magaganda yung mga babae noh? Kaso parang mga anemic yata? Wala na yatang dugo yung mga yun eh! ang puputla!" natatawang sabi ni Max
"Tss, ewan ko sayo napakababaero mo talaga!"
Si Maxell Adrian Xeb Mendoza "MAX" sya ang pinakababaero samin. Walang araw na walang kasamang babae yan .. Cassanova nga diba? Pero hindi naman sya nag-uuwi ng babae sa bahay nya, 3 days lang yata ang pinakamatagal na relationship nyan eh! Tapos may kapalit na naman na bago, sya din ang 4th prince sa amin
"Sinabi mo pa! Wag mong sabihin Max na gusto mo din ang mga babaeng yun?" taas kilay na sabi ni Ken
Yan naman si Keith Enzo Niel Diaz "KEN" ang 3rd prince, napakalaitero na lalaki. Daig pa ang babae pero pag maganda talaga sa kanya at perfect ang babae maganda talaga, pag may mali naman sa mukha dun nya nilalait. Alam nyo na prangka sya masyado
"Hindi ah! Sinasabi ko lang naman kung ano ang nakikita ko ah!" pagtatanggol ni Max sa sarili
"Tumigil na nga kayo sa kakadaldal nyo. May balak ba kayong magmabilis dyan para makarating agad tayo sa school?" inis na sabi ni Ace
Hahaha. Ayan napagalitan na naman .. Adevance Carl Ethan Go "ACE" 5th prince namin, napakamoody nyan .. For example masaya yan ngayon tapos mamaya-maya magiging masungit na yan PMS nga kasi means "parang may sayad" Ahahaha.
"Easy ka lang dyan bro! Masyado na namang mainit ulo mo eh! Palamig ka muna!" cool na sabi ni Jae
Si Jhenrou Axel Ezekiel Lee "JAE" naman ang pinakacool sa lahat, walang iniisip yan kundi ang magpagwapo. Sabi nya nga "Madali lang ang buhay kaya kailangang i-enjoy, kailangang magpagwapo" Ganda ng kasabihan nya diba? Sya din ang pinakamakulet sa grupo at utusan, 2nd prince sya eh! Anong magagawa? Hahaha. Oh siguro naman kilala nyo na ang mga co-gangster ko. Dami ko nang nasabi sa inyo eh!
"Okay, magsitigil na kayo dyan! Bilisan na natin at baka mahaba na naman ang pila sa school" pag-aaya ko sa kanila
(Jae's POV)
Nakakatawa yung mga babaeng nakita namin kanina eh! Oo magaganda sila pero parang walang mga dugo yung mga yun eh! Ang puputla tama nga naman yung sinabi ni Max. Hahaha, dito na kami sa school ngayon kailangan magpaenroll eh! Kahit naman gangster kami nag-aaral naman kami kahit papaano. Hindi ba halata? Hehe pwes! Problema nyo na yun!
Nagmadali na kaming pumunta sa school para naman matapos na yung pag-eenroll namin.
"Wala na bang ibibilis tong pila na toh?" reklamo ng leader namin na si Xiv
"Hintay lang kayo ng konti. Alam nyo naman kasi na madaming mag-aaral ngayong taon diba? Tsaka ang bagal nyo din kasi kanina eh! Problema na natin toh!" angas na sabi ni Ken
Tama nga naman sya! Kasalanan nga naman namin. Hahaha, kundi dahil dun sa mga babaeng nakita namin kanina hindi kami magtatagal. Paharang-harang kasi sila sa daan eh!
"Oo na kasalanan na natin toh! Manahimik na lang kayo pwede?" sita ni Ace
"Aye! Aye! Mr. Moody" sabay-sabay naming sabi
Matapos ang mahaba at matagal na paghihintay na pila. Turn na namin. Well, marunong din naman kaming rumespeto sa pila kasi nasa school kami.
"Mga totoy magpapaenroll kayo para sa 4th year?" tanong nung babaeng medyo may kaedaran na din
"Yeah. Eto mga requirements namin!" sabay hagis ni Xiv ng mga papers na dala namin
"Ah sige! Ano mga pangalan nyo?" tanong ulit nung manang
"Diba nandyan na ang mga papers namin? Bakit hindi mo na lang tignan?" pilosopong sabi ni Xiv
"Sige na nga mga totoy, wala kayong galang sa matanda ah! Di yan pwede!" mataray na sabi ni manang
"Ano ngayon? Wala ka nang pakialam sa ugali namin. Bakit magulang ka ba namin? Tsaka pwede na ba kaming umalis? Wala na naman yata kayong kailangan sa amin eh!" seryosong sabi ni Xiv
"Hala sige! Magsialis na kayo!" sigaw nung matanda
Hahaha. Si Xiv talaga umiral na naman ang pagkapilosopo at init ng ulo! Matagal din kasi kaming naghintay kaya maiinit na ang ulo ng mga kasama ko.
"Uwi na tayo?" tanong ni Max
"Sige, wala na naman tayong gagawin eh! Tambay muna tayo sa tambayan!" -Ken
"Okay sige!" -Ace
"Sinong bibili ng mga beer?" tanong ni Xiv
"Sino pa ba? Edi si Jae! Sya naman ang laging inuutusan eh!" natatawang sabi ni Max
"Ako na naman?" turo ko sa sarili ko
"Sino pa ba? Sige na ikaw na eto na pera oh! Sunod ka na lang samin" sabay abot ni Ace ng pera
Eto na nga ba ang ayaw ko eh! Sa tuwing may bibilhin ako lagi ang inuutusan. Porket ba gwapo ako? At laging may discount ako na lang lagi? Aba sumusobra na sila! Pero okay lang, kailangan kong ipakita sa buong mundo ang kagwapuhan ko!
Agad ko namang kinuha yung pera at umalis, pupunta na naman akong grocery. Parang natatandaan ko pa yung nangyari sakin nung isang araw
Flashback >>
Naglalakad na ako pauwi nun ..
"Aww! Aww!" tahol nung aso na german shepherd yata ang breed
"Hala! Bad dog! Don't you dare bark again, okay?" sabi ko dun sa aso, parang baliw lang noh?
"Aww! Aww!" tahol nya ulit. Nako, patay ako dito di yata ako tatantanan nito eh!
"Uy doggie bati tayo diba? Di mo naman yata ako kakagatin eh! Hehe. Joke lang yung bad ka huh? Good dog ka nga eh!" Hehe patay na talaga ako .. Sayang ang kagwapuhan ko pag nakagat ako ng asong toh!
"Aww! Aww!" tahol ulit nung aso
"Hey star! Don't bark!" sigaw nung babaeng paparating, siguro sya yung amo nitong huklubang aso
"Miss sayo ba yang aso?" tanong ko sa kanya
"Ah yeah sakin nga sya. Sorry nga pala ha? May tinignan lang ako sandali tapos nakita ko yung tali nya na putol na eh! Sorry talaga!" sabay tungo nya
"Okay lang yun! Pero sana sa susunod bantayan mo nang mabuti ang aso mo ha? Nakakatakot kasi eh! Akala ko nga kanina kakainin na ako ng buhay :D" natatawa kong sabi
"Ha? Ganon ba? Sorry talaga! Hindi na mauulit" panghingi nya ulit ng pasensya
"Okay sige mauna na ako" paalam ko sa kanya sabay wave ng kamay
"Sige thanks!"
End Of Flashback <<
Oh diba? Nakakatakot yung nangyari sakin? Sino ba naman ang hindi matatakot sa ganong aso. Parang manlalapa ng buhay yung aso nung babae eh! Pero infairness maganda yung girl at humble pa! Baka makita ko na naman yun pag nag-grocery ako. Sana nga!
Pagdating ko ng store ay kinuha ko na agad ang mga pinapabili sakin ng mga kupal kong kasama.
"Ate pabili nga po ng can beer" nakangiti kong sabi dun sa tindera
"Ilan po?"
"Hmm 10cans lang. Eto bayad oh!" sabay abot ko nung pera
"Kuya oh!" sabay abot sakin nung girl ng binili ko habang pumipikit ng mabilis. Ano ba yun? Nagpapa-cute o nababaliw?
"Ate, ano pong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya
"Ah hehe. Oo naman! Hmm may gusto ka pa ba?"
"Wala na, beer lang naman ang binibili ko eh!"
"Ako ayaw mo?" malandi nyang tanong sakin
"Huh? Ah sige, miss alis na ako huh?"
"Babye! Balik ka ulit huh?" sabay kindat nya
Agad naman akong umalis. Yuck! Ang daming ganon na babae ngayon makakita lang ng gwapo nagiging wild na. Pero hindi naman lahat. Ganon na ba talaga ako ka-hot? Grabe naman!
Naglakad ako ng naglakad dala dala yung mga pinamili ko ng may mahagip ang mga mata ko. Teka parang kilala ko yun ah! Ah oo sya nga yung babaeng yun. Oo tama sya nga yun!