Chapter Four - Don't Reveal our Secret

2014 Words
(Jem's POV) Haaay, ang tagal naman nung kaibigan ni Ria. Naiinip na kaming maghintay .. "Oy Ria, matagal pa ba yung kaibigan mo?" mataray na tanong ni Gab "Wait lang kayo paparating na nga eh!" sabay tingin ni Ria sa phone "Baka naman nagbibihis pa lang yan huh?" inip na sabi ni Myx "Hindi nga kasi! Ang mainipin nyo talaga! Wait lang nga, malapit na nga sya. Okay?" medyo galit na tono ni Ria Hehe totoo naman kasi eh! Nakakainip maghintay ng matagal. Naghintay na nga kami kanina sa pila dun sa enrollment pati ba naman sa pagkain maghihintay pa kami? Aba naman sumusobra na ah! Charot lang! "Oh nandyan na pala sya sa labas eh!" sabay takbo ni Ria Nagsisunod naman kami sa kanya. Hehe syempre gutom na kami at kailangan na namin ng pambawi ng lakas. "Ah, hello! Ria, bumili na din pala ako ng mga gagamitin sa pagluluto" bati nung lalaking ahem! Gwapo, oo gwapo. "Ah sige! Salamat babayaran ka na lang namin. Pasok ka na!" pag-aya ni Ria dun sa bisita namin este tagaluto pala. Syempre yung mata ni Nix nagssparkle na naman. Hehe gwapo nga daw kasi! "Uy Jem! Nakita mo ba yun?" bulong sakin ni Nix "Oh? Ano na naman?" "Ang gwapo noh?" sabay tili ng ipit ni Nix Haaay nako! Lagi na lang ganito toh si Nix. Wala nang pinagbago! Hahaha, pero gwapo naman talaga eh! Oy hindi ako katulad ni Nix huh? Nagsasabi lang ako ng totoo :) Nilapag naman ni kuyang kusinero yung mga pinamili nya at nagsimulang maghiwa nung mga gagamitin nya sa pagluluto. "Teka ano bang pangalan mo?" tanong ni Gab "Ah, ako nga pala si Jay North Gonzales "JN" for short" nakangiti nyang sabi "Hahaha ang kulit ah! Wala ka bang kapatid na south, east and west?" natatawa kong tanong "Anong tanong yan Jem?" sabay-sabay nilang tanong sakin habang nakataas ang kilay "Hehe joke lang naman. Pero malay nyo diba?" nakangisi kong sabi "Okay lang yun. You know what! Lahat kaming magpipinsan ay may direction ang name. May south, east and west :)" sabi nung JN "Really? Nice naman!" sabay palakpak ni Nix Uma-aura na naman tong babaeng toh! Basang-basa ko ang nasa isip at kilos nya eh! Haha, sabi sa inyo eh! May south, east and west din na kamag-anak nya eh. "Yeah! Kaming walo. Nakakatuwa ngang pakinggan eh!" sabi nya sabay tawa "Okay, tama na yang kwentuhan! Paglutuin nyo na muna sya kasi gutom na ako eh! Baka bumalik ako sa pagiging--" Di na natuloy ni Gab ang sasabihin kasi tinakpan ni Ria ang bibig nya, hmm bakit kaya? Anong meron? (Ria's POV) Nakakatuwa naman at close na sila agad kay JN. Nakilala ko lang yun nung naglalakad ako ng 12midnight eh. Kakatapos ko lang mangbiktima. FLASHBACK >> Haaay, salamat at tapos na din sa wakas! Kawawa naman yung nabiktima ko ngayon. Ang ganda pa naman na babae. "Miss?" Sino kaya yun? Ako kaya ang tinatawag nun? Kasi kung ako baka sya naman ang sumunod na magiging biktima ko. "Miss?" Ay ang kulit! Tss .. Nakulitan na ako kaya humarap na ako tapos. Haha, isang lalaking gwapo naman ang nagpakita. "Oh, anong problema mo?" mataray kong tanong "Hmm, ako nga pala si Jay North. Gabi na ah!" sabi nung lalaki "Ano ngayon kung gabi na? Tsaka tinanong ko ba ang pangalan mo?" nakataas na kilay kong turan "Hindi naman, ang taray mo naman!" "Di naman. Pero ano bang kailangan mo sakin?" iritable kong tanong. Tsk, ang kulit kasi. "Hatid na kita gabi na kasi eh! Tsaka babae ka pa naman!" sabay lahad nya ng kamay "Tss yun lang ba ang problema mo?" "Yeah yun lang naman, so miss?" "Ria! Yun ang name ko" "So, miss Ria. Payag ka bang ihatid kita?" sabay lahad nya ulit ng kamay "Oo na, may magagawa pa ba ko?" END OF FLASHBACK << Yun yung istorya kung bakit ko sya nakilala. Tapos napag-alaman kong marunong syang magluto. Hehe, kasi naman ang sabi nya chef daw sya sa isang resto eh! So, sya na ang tinawagan ko para sa problema namin. Pero may hindi sya alam eh! Hindi nya alam na vampires kami, tsaka baka kapag nalaman nya layuan nya kami, diba? "Okay, tama na yang kwentuhan! Paglutuin nyo na muna sya kasi gutom na ako eh! Baka bumalik ako sa pagiging--" Bago pa man matuloy ni Gab ang sasabihin tinakpan ko na agad ang bibig nya at hinigit ko sa may sala namin. "Anong problema mo?" takang tanong ni Gab sakin "Hehe, may problema talaga!" "Ano nga?" "Kasi diba si JN?" kinakabahan kong pagpapaliwanag "Oh, anong meron sa kaibigan mo?" "Gab, hindi nya kasi alam na vampire ako! Na vampire tayo!" mahina kong paliwanag sa kanya "Hala ka! Bakit hindi mo sinabi?" biglang nagpanic si Gab sa sinabi ko "Sa tingin mo ba pag sinabi ko hindi yan matatakot? Tao lang sya kaya matatakot din yan!" "Nako Ria! Anong gagawin natin? Patayin na lang kaya natin sya?" suhestiyon ni Gab "Ano ba Gab! Hindi ka nag-iisip! Kawawa naman kung papatayin natin yan diba?" "Tss, ikaw may awa? Di nga? Hahaha, tawagin mo na lang sila Myx at ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Ikaw ang may kasalanan nito eh! Dapat hindi ka na lang nagdala ng tao sa bahay natin" inis na sabi ni Gab "Aba! Kayo ang nagpupumilit na magluto eh! Tapos sya lang naman ang kilala kong marunong magluto" depensa ko naman "Ay bahala na! Basta Ria, ikaw na ang bahala dyan sa JN na yan" "Oo na! Ako na ang bahala, unli ka lang?" "Di naman, all net lang. Ahaha" sabay tawa nya "Gab naman eh!" "Oo na nga, sabihan mo na yun sa iba" Agad naman akong lumapit dun sa tatlo na busy sa panonood sa pagluluto ni JN. Di ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa mga to kasi OA pa naman tong mga toh. "Excuse me! Pwede bang makigulo sa pag-uusap nyo?" tanong ko sa kanila "Oh Ria, bakit may problema ba?" gulat na tanong ni Myx "Hehe, wala naman. Kausapin ko lang kayo" "Hindi ba pwedeng dito mo na lang sabihin?" singit ni Jem "Hindi eh! Halika na kasi, dun ko sasabihin sa sala. Ah, JN excuse muna huh? Saglit lang toh!" pagpapaalam ko kay JN Pumunta kami sa sala at isa-isa ko silang pinaupo. Huminga muna ako ng malalim para magpaliwanag sa kanila kasi may dalawang OA dito at baka kung ano ang lumabas sa bibig. "Ano ba kasi yung problema na sinasabi mo?" tanong ni Myx "Oo nga ano ba yun?" tanong din ni Jem "Curious na kami eh!" pagmamaktol naman ni Nix "Pwede pagsalitain nyo na muna si Ria? Daldal kayo ng daldal eh!" iritang sabi ni Gab "Okay" sabay-sabay nilang sabi "Okay guys, kasi malaki talaga ang problem natin eh! Ah, kasi ano--" "Ano ba kasi yun? Pwede bang direct to the point kana?" sabay irap ni Myx "Oo na nga eh! Eh kasi, hmm wag nyong babanggitin kay JN na mga vampires tayo. Hindi nya kasi alam eh! Baka pag nalaman nya matakot sya satin. Alam nyo na! Tao sya eh, tapos vampire tayo baka matakot sya satin" mahaba kong pagpapaliwanag "Ah yun lang ba? Wait ANO?!? NAGPAPASOK KA NG TAO DITO?" gulat na sabi ni Myx "Wait tama ba ang rinig ko tao?" sigaw naman ni Nix "Ang OA nyo ah! Okay, tapos? Anong gagawin natin dun sa JN na yun? Papatayin na ba?" tanong naman ni Jem "Hindi natin sya pwedeng galawin, okay? Tsaka mabait naman sya satin. So, hindi natin kailangang pumatay tsaka ngayon nyo lang na-notice na tao yun? Tss" pagtataray ni Gab "Oo, hindi naman natin kailangang pumatay ang kailangan lang ay itahimik nyo ang mga bibig nyo, okay?" bulong kong sabi. Tumango-tango naman si Nix, Jem at Myx Haaay problema nga naman! Ano kaya kung sabihin na lang namin? Kaso di pwede eh, baka kasi ipahamak nya kami. Pero sa tingin ko hindi naman yun gagawin ni JN eh! Pero ewan ko lang din. (Gab's POV) Buti naman at nawarning'an na namin yung tatlo, kasi pag nagkataon madudulas sila at pwede nilang masabi na vampire kami. Shunga kasi ni Ria eh! Napaka talaga. "Basta act natural lang huh? Yung parang wala tayong pinag-usapan, dapat hindi mahalata ni JN na may nagbago. Gets nyo?" warning ko sa kanila "Okay sige! Pero -- sige na! Babalik na kami kay JN baka mapansin nya na ang tagal namin" paalam ni Myx. Pagkasabi nya nun ay bumalik na sila. Hmm makalayas nga muna. "Ria aalis ako, babalik din naman ako. Sandali lang din ako" paalam ko kay Ria "San ka punta?" tanong nya sakin "Sa puso mo" "Gab naman eh! San nga?! Tinatanong ng maayos eh" inis na sabi nya "Galit ka na nyan? Wala nga! May pupuntahan lang ako, tsaka saglit nga lang ako! Magpapahangin lang ako" "Magpapahangin? Bakit hindi ka tumapat sa electric fan at dun ka na lang magpahangin? Magpapagod kapang lumabas" medyo natatawa-tawang sabi ni Ria "Nang-aasar ka ba talaga? Gusto mo masaktan?" tinignan ko sya ng masama "Hehe, joke lang yun Gab! Sige na alis na! Balik ka agad huh?" "Oo na, wait nyo ako" "Okay" Agad naman akong umalis ng bahay. Teka san nga ba ako pupunta? Parang wala naman. Ang adik ko talaga eh! Mag-iikot-ikot muna ako dito sa lugar na toh. Wala din naman kasing magagawa sa bahay eh! Anong gagawin ko dun? Tumitig sa ginagawa nung JN? Tss, wag na noh baka mamuti pa ang mata ko sa kakahintay dun. Luminga-linga sa ako sa paligid ko na parang may hinahanap. Nahilo din naman ako sa ginagawa ko and then .. Hmm, kilala ko yun ah! Parang isa yun sa mga gangster! Ano naman kaya ang ginagawa nito gago na to dito? (Jae's POV) Teka saan ko nga nakita yun? Naalala ko na. Nakita ko na naman tong babae na to. Hmm, malapitan nga. "Hey miss!" sabay kaway ko sa kanya, effective ang kaway effect ko. Lumingon sya eh! "Oh it's you again" nakangiti nyang sabi "Hmm, nasan ang dog mo?" "Ah iniwan ko muna sya sa bahay, baka kasi makawala ulit eh!" "Ah ganon ba? Hmm, nung last time na nagkita tayo hindi ko nakuha ang name mo" nakangiti kong tanong para dagdag pogi points "Ah name ko? Lovely Jasmine. LJ for short" nakangiti din nyang tugon "Nice to meet you again Miss LJ. I'm Jhenrou Axel Ezekiel, Jae na lang para di mahaba" "Nice to meet you too. Hmm, i need to go na eh! So, see you around Mr. Jae" nakangit nyang sabi habang kumakaway palayo "Sige, ingat!" Nakita ko na naman yung amo nung huklubang aso. Sa totoo lang maganda sya huh? At parang gusto ko na sya, mahal na nga yata. Joke! Sya nga pala, uuwi na ako baka naiinip na sila Xiv sa kakahintay sakin! Hahaha baka mamaya lumabas na naman ang sungay nung mga yun. "Oy ikaw!" duro nya sakin. Anak ng tipaklong, eto yung babaeng maputla kanina ah! "Oh anong problema mo?" matapang kong sabi "Ikaw! Kayo! Ang yayabang nyo kanina ah! May ipapalag ba kayo?" tanong nung babae "Tss, kilala mo ba ang kinakalaban mo? Hindi mo ba ko kilala?" sabay turo ko sa sarili ko "Ikaw? Bakit? Sino kaba?" angas nyang sabi "Ako lang naman si Jae ang 2nd prince ng g**g dito" "Oh tapos?" "Anong tapos? Teka, miss baka di mo natatanong madami na ang napatay ko" "Haha, alam mo kahit bilangin mo pa ngayon kung ilan ang napatay mo. Pwes, sasabihin ko sayo mas madami na ang napatay ko" Aba ang angas ng babaeng toh ah! "Talaga lang huh? Yang mukha mong yan? Mukha ka ngang walang laban eh! Tsaka pwede ba umalis ka sa dadaanan ko" "Paano kung ayoko?" "Tss, gusto mong sumama sakin? Papakilala kita sa mga g**g mate ko" Sinabi ko lang yun panakot sa kanya ang kulet eh! "Sure! Gusto kong makilala ang pinakamalalakas daw? Na prince dito, tss malakas nga ba talaga?" Medyo nakakairita tong babaeng toh huh? Tignan natin kung may laban tong babaeng toh! Tss, puro lang yata yabang tong isang toh eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD