(Jae's POV)
Dumating na din sa wakas ang mga order namin na beer, kakauhaw na eh! Tsaka wala din naman kasi kaming magawa, buti nga nakagawa kami ng palusot kay Xiv para umalis eh!
"Ano ok na kayo dito sa beer?" tanong ni Max
"Ge, tama na ang 2 beer para sa isa. Baka naman kasi masobrahan tayo!" sabat ni Ace
"Nga naman!" -Ken
Medyo nakakatamad din talaga dito sa bar wala naman kasing ibang magawa eh! Inom lang kami ng inom dito, musta naman yun diba?
"Mga pre labas na muna ako huh?" pagpapaalam ko sa kanila
"Saan ka naman pupunta?" tanong ni Max
"Dyan lang sa labas!"
Pagkasabi ko nun ay lumabas na ako, sarap talaga ng hangin dito sa labas! Haay, sana laging ganito! Luminga-linga ako sa paligid para magmuni-muni nang may mahagip ang paningin ko. Teka parang kilala ko na naman yun ah! Ah, oo kilala ko nga sya!
Talaga bang favorite ako ng mga babae? Lagi kasi akong may nakikitang kakilala ko eh. Hmm, lapitan ko nga .. kaso may kasamang lalaki eh! Okay lang kaya? Tss, syempre okay lang! Aasarin ko lang naman yung babaeng yun eh.
"Hoy babae!" sigaw ko sa kanya kaya agad naman syang napatingin
"Sino ka ba? Ang kapal ng mukha mo!" sigaw nya. Haha, sabi na nga ba eh! Asar talo tong babaeng toh! Maasar pa nga!
"Ako? Sino ako? Ako lang naman ang pinakagwapong nilalang sa earth. Eh, ikaw?"
"Ako? Ako lang naman si Ria Shin ang pinakamalakas na babae sa lugar na toh! Tsaka pwede ba lumayas ka sa harap ko?! Baka kasi di ako makapagpigil at bigla ko na lang masapak yang mukha mo" mataray nyang sabi
"Talaga lang huh?"
"Pre, ano ba ang problema mo?" tanong nung lalaking kasama nya
"Problema ko? Wala naman. Bakit mo tinatanong? Tsaka pwede ba wag kang mangialam? Ang baho din ng pasok mo eh!"
"Anong--" di na nya napagpatuloy ang sasabihin nya kasi pinigilan na sya ni Ria. Hahaha, wala naman kasing ipapalag yung lalaking yun noh!
"Pwede bang umalis ka na dito?! Di ako magdadalawang isip na bangasan yang sinasabi mong mukha mong gwapo. Tsaka bakit kaba nanggugulo samin? Ano bang atraso namin sayo huh?" sigaw nya
"Kayo wala. Pero ang isa sa kaibigan nyo malaki ang atraso samin lalo na sa leader namin. Maghanda na lang kayo pag yun na ang gumanti sa inyo"
"Ano? Ano bang sinasabi mo? What do you mean by that?"
"Kilala mo naman yata si Gab diba? Sya lang naman ang magaling na bumugbog sa leader namin"
"Huh?" gulat nyang sabi
"Huh?! ka dyan. Oo, ginawa yun nung Gab na yun! Bakit hindi mo ba alam ang ginagawa nyang kalokohan? Pwes, sinasabi ko na sayo ngayon para naman hindi kayo magulat kung may humarang sa inyong mga kagang-mate namin" maangas kong sabi
"Nananakot kaba?" taas kilay nyang tanong
"Bakit natatakot kaba?"
"Psh. Ako matatakot? Para sabihin ko sayo tukmol ka hindi ako natatakot! Kayo dapat ang matakot, okay?"
Aba maangas din tong babaeng toh ah! Katulad nya din si Gab. Baka naman malakas din toh? Ano ba toh? Kamag-anak ba nila si Batista?
"Talaga lang huh? Hahaha, okay! Paghahandaan namin kayo!"
"Tama na nga yan Ria, halika na! Sumasama ang ihip ng hangin dito!" pag-aaya nung lalaking kasama nya
"Pre, bakit kaba nangingialam? Kanina ka pa ah! Gusto mong samain ka sakin?" matapang kong sabi, kasi naman diba? Pakialamero kalalaking tao
"Ikaw ang sasamain sakin pag di ka pa tumigil hayop ka!" sabi ni Ria
"Sige na nga, titigil na ako! Nakakaawa na kasi yang kasama mo eh! Mukhang tutang ligaw!" sabay tawa ko, halata naman sa mukha nila ang pagkaasar. Galing ko talaga eh!
"Magkikita pa ulit tayo, maghintay ka at masasapak din kita!" seryosong sabi ni Ria
"Okay, babye"
Pagkasabi ko nun ay umalis na sila. Haha, asar talo talaga! Aaminin ko parang gusto ko laging asarin yung Ria na yun. Nakatutuwa kasi sya eh! Ang kulit nung itsura nya kapag naaasar na
Pero don't get me wrong guys! Hindi ko sya gusto at hindi ako magkakagusto sa kanya. Basta, gusto ko lang talaga na lagi syang asarin. Sana lagi ko syang makita para naman lagi akong may maaasar.
(Ria's POV)
Badtrip talaga ang araw ko na toh eh! Bakit sa lahat ng makikita ko yung gagong gangster pa na yun? Pasalamat sya at nakapagtimpi pa ako kanina kasi kung hindi ako nakapagpigil. Pinaglalamayan na sya ngayon ng mga kaibigan nyang talunan. Tsaka si Gab? Binugbog ang leader nila? Parang hindi naman yata magagawa yun ni Gab eh! Kasi ang sabi nya titigil na daw sya sa gawain nya na yun. Pero teka lang ..
FLASHBACK >>
"Hi Gab! Saan ka galing?” tanong ni Nix
"Ah, naglakad-lakad lang nainip ako eh!"
"Liar! Nakikita ko sa vision ko na may iba ka pang ginawa" sigaw ni Myx
"Ano naman yun? Tsaka malay mo mali lang ang vision mo diba?" sabay iwas ng tingin ni Gab. Parang may hindi ako nalalaman sa babaeng toh ah! Tss, baka may ginawa na namang kalokohan
"Umamin ka nga Gab, ano ang ginawa mo sa labas?" tanong ko sa kanya
"Wala nga kasi! Nagpahangin lang! Bakit ba ang kulit nyo?"
"Hey girls! Anong problem?" singit ni Jn
"Walang problema, sige na! Balik kana sa pagluluto!" ngiting sabi ni Jem
"Okay, sige!"
"Okay, back to our topic. Saan ka nga galing Gab?" mataray kong tanong
"Sa labas, nagpahangin nga!" matigas parin talaga si Gab at ayaw umamin
"Talaga lang huh? Okay, Myx ano ang nakikita mo sa vision mo?" tanong ko kay Myx
"Hmm, wait lang! Nakikita ko si Gab na nakikipag-away sa mga lalaki! Pero di ko makita ang mga mukha eh! Basta lalaki sila" sabi ni Myx at nilingon ko si Gab
"Yan ba ang nagpahangin? Nakikipag-away?" mataray kong tanong sa kanya
"Pero Ria, wala lang yun! Hehe, nagpractice lang ako" sabay papungay nya ng mata sakin
"Nako Gab! Dapat sinama mo ko eh!" sabay irap ko
"Isa ka pa eh!" sigaw ni Myx. Hahaha, naasar na yata
"Tama na nga yan! Sa susunod, wala nang maglilihim satin huh?" sabi ni Nix
"Oo nga! Agree ako dyan" sang-ayon ni Jem
"Okay!" sagot naming lahat
END OF FLASHBACK >
"Wag ka nang maraming tanong. Basta kailangan natin magmadali tsaka may sasabihin din pala kami sayo! Kaming lahat. Pero bago yun kapit kana sakin! Tatakbo tayo!" sabay lahad ko sa kanya ng kamay ko
"Huh? Ah Ria kaya ko namang tumakbo eh!" nagtataka nyang sabi
"Trust me! Mas mapapadali tayo pag humawak ka sakin"
Humawak sya sakin at tumakbo ako ng mabilis. Wala naman syang imik kasi nga hawak ko sya ng mahigpit.
END OF FLASHBACK <<
"Wait lang Ria! Bakit mo ginawa yun? Diba ang sabi mo hindi natin ipapaalam sa kanya yung ano yung alam mo na!" singhal ni Myx sakin
"Ah yun ba? Pwes, kailangan na nyang malaman!" matapang kong sabi
"Sure ka?" paninigurado ni Jem
"Oo nga sure ka?" paninigurado din ni Nix
"Oo sure na ko sa binabalak ko! Basta sasabihin ko na sa kanya na --" Naputol naman ang pagsasalita ko ng magsalita si Gab.
"Ria, mamaya mo na muna sabihin sa kanya. Mukhang shock pa toh sa ginawa mo sa kanya eh! Pahupain na muna natin ang pagkagulat nya"
"Ah oo nga naman, sige mamaya na!"
Agad naman nilang pinaupo si JN sa sofa. Hahaha, malay ko ba na magiging ganon ang epekto sa kanya ng ginawa kong pagtakbo. Tsaka wait lang! Oo nga pala, kaya nga pala kami nagmadali ay dahil kay Gab. Kakausapin ko nga pala sya about dun sa ginawa nyang kalokohan! Tsk. Tsk.
"Wait lang Gab!" tawag ko sa kanya
"Ano yun?"
"May pag-uusapan nga pala tayo!" sabay higit ko sa kanya sa labas
"Ano nga?"
"Naalala mo nung umalis ka?" seryoso kong tanong sa kanya
"Oh ano naman?"
"Alam ko na ang ginawa mo nun!" sigaw ko sa kanya
"Ano ba! Wag mo nga akong sigawan! Ano ba kasi yung nalaman mo?" pasigaw nyang tanong
"Binugbog mo daw yung leader nung mga gangster na nakita natin?"
"Huh? Ah. Eh. San mo naman nalaman yun?" tanong nya sabay iwas ng tingin sakin
"Dun sa isang kasama nya, kanina ko lang nakausap. Then tell me Gab. Totoo ba yung sinabi nung lalaking yun sakin?"
"Ah kasi --"
"Sagutin mo ko ng diretso! Ano totoo ba?" medyo pasigaw kong tanong
"OO TOTOO! Binugbog ko nga yung leader nila. Pero Ria, kilala mo naman yata ako diba? Hindi ko naman gagawin yun ng walang dahilan"
"Oh anong dahilan? Bakit mo binugbog ang leader ng mga yun?" tanong ko sa kanya
"Eh kasi naman sila naman talaga ang nauna eh! Hinamon nila ako. So, ano pa bang gagawin ko? Eh napapaligiran nila ako. Tinanggap ko na lang at yung leader nila na si Xiv ang nakalaban ko. Tsaka di naman malala ang lagay nung leader nila eh! Isang suntok lang naman ang natanggap nya mula sakin eh! Hahaha, pero ang nakakatawa dun bagsak agad ang leader nila. Weak type pa silang nalalaman eh! Sila nga tong weak type eh!" mahabang paliwanag ni Gab sabay tawa ng pagkalakas-lakas
"So, paano tayo nyan?" tanong ko sa kanya
"Anong paano?" taka nyang tanong
"Eh kasi ang sabi nung isa sa kasamahan nung Xiv na yun babalikan daw tayo at gagantihan"
"Talaga? Okay lang yun Ria! Tanggapin natin!"
"Sure ka?" tanong ko ulit sa kanya
"Yeah! Sure!"
Haha, sige! Deal! Ako pa ba? Magaling yata ako dyan. Hintayin lang nila ang araw na gaganti tayo sa kanila. Uunahin ko na talaga yung lalaking mahangin kanina na myembro din nila. Tss.
"Bakit ano bang ginawa sayo?" tanong ni Gab
"Binantaan ba naman ako na gaganti daw sila satin kaya maghanda daw tayo! Pwes, hindi tayo uurong!"
"Yan ang gusto ko sayo Ria eh! Hahaha, so okay na? Hindi mo na ko kukulitin sa kakatanong?"
"Hindi na! Kasi alam ko na ngayon! At handa na akong pumatay ulit!"