Chapter Twenty Five - Behind the Story

1405 Words
(Max's POV) Para akong tanga ngayon na naglalakad papunta sa Tambayan ng Barkada. Nagfa-flashback padin sa isipan ko yung nangyari .. FLASHBACK >> Nakita ko na si Jem na paparating, kaso parang nanghina yung loob ko eh! Naguilty ako bigla .. Papaalis na sya . "Jem, teka! Saglit lang" sigaw ko "I-ikaw? Ikaw yung nagbato ng papel? Ikaw yung nagpapunta sakin? Ikaw yung naghihintay sakin?" sunod-sunod nya na tanong na para bang gulat na gulat "Yup! Ako nga." "Ano na naman ba ha? Guguluhin mo na naman ba ang buhay ko?" "Teka. Hindi ganon yun Jem!" "Anong hindi ganon? Ginawa mo na nga dati diba? Nung nasa mini-store tayo! Nung araw na bumili ako ng coke in can! Pinahiya mo na ko nun diba? Ano pa ba ang gusto mo huh? Ano na naman ba?" "Gusto lang kitang makausap" "At bakit?" "Magpapaliwanag lang ako sayo" pagmamakaawa ko "No need to explain Max! Nakamove-on na ko! Tama na! Masakit na nga eh! Kaya nga every time na makikita kita tinuturing na kitang stranger! Kaya please lang? Wala ka ng halaga sa buhay ko! Wag mo na kong guluhin" "Jem! Let me explain" Bago pa man ako makapagsalita, tumakbo na sya papalayo sakin. END OF FLASHBACK > "Ano pre? i-break mo na sya! Panalo ka na naman sa pustahan natin eh!" sabi ni Xiv "Ayoko" sagot ko "Hahaha. Wag mong sabihin na nafall kana sa Jem na yun! Hahaha. Wala ka na ba talagang taste?" Ayoko naman talagang makipagbreak kay Jem kasi napamahal na sya sakin pero, ayoko namang maapakan ang ego ko! "Makikipagbreak na ko" "Good! Panalo kana eh! Tsaka wag kang mag-alala nandyan pa naman si Mikki eh! May reserba kapa!" sabay pat nya sa balikat ko. Ipapaliwanag ko na sa kanya ang lahat mamaya, sana lang hindi sya magalit sakin. Papunta na sana ako sa Room nila Jem ng may biglang humigit sakin. "Mikki? Teka, anong kailangan mo sakin?" higit higit nya ko papunta sa Library "Wait ka lang dyan" Nakarating na kami sa Library pero hindi nya parin sinasabi ang kailangan nya sakin "Ano bang kailangan mo sakin?" tanong ko ulit, hindi nya ko sinagot at hinila lang ako dun sa bookshelves ng History Books "Anong kailangan ko? Gusto ko lang ng halik mo" tapos hinalikan nya na ko ng hinalikan, hindi ko maintindihan kung bakit nya toh ginagawa. "Teka, Mikki. Bakit? May problema ba?" tanong ko, hindi na naman nya ko pinansin at hinalikan lang ako ng hinalikan "Max?" Teka, parang pamilyar ang boses na yun ah! Kay Jem "Jem! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya "Huh? Ah Wala. Teka sino yan?" tanong nya sabay turo kay Mikki "Me? I'm his girlfriend. Mikki nga pala! And who are you?" sagot ni Mikki pero hindi sya pinansin ni Jem at sakin tumuon si Jem, nakikita ko ang mga mata nya na naluluha. Sheett!! "Max, ano toh huh?" maluha-luha nyang tanong "Jem, Let me explain!" "Explain what? Eh kitang-kita naman ng mga mata ko na naghahalikan kayo!" "Hahaha. Sya ba yun Max? Kawawa naman pala yang babaeng yan. Walang alam?" natatawa-tawang sabi ni Mikki. Sana lang hindi na sya makiaalam dito. Kasi lalong gugulo toh "Anong kawawa huh?" tanong ni Jem kay Mikki "Hindi mo talaga alam? Let me tell you!" matapang na sabi ni Mikki "Mikki! Ano ba! Shut up!" sigaw ko "Ano kaba Max! Mas maganda nang malaman na nya ang totoo. Para naman hindi sya nagmumukhang tanga! Ikaw babae, makinig ka! Pinagpustahan ka lang nila Max, kasama ang mga kaibigan nya. With in 2 weeks mapapasagot ka nya. It's just a bet. Sineryoso mo naman?!" Sheett! Wala na! Nasabi na ni Mikki! Ano pang ipapaliwanag ko? T*ng*na "Totoo ba?" mangiyak-ngiyak nyang tanong "Jem~" "Sumagot ka! Totoo ba huh? Totoo bang pinaglaruan mo lang ako? Na pinagpustahan nyo lang ako ng mga kaibigan mo?! Ano?" sigaw nya sakin kasabay ng pagtulo ng luha nya. "Oo. totoo" tanging sagot ko. "So ganon pala yun? Pustahan lang pala ang lahat. Salamat huh? Salamat kasi nagpakatanga ako! Salamat kasi ginago mo ko! Masaya kana huh?!" "Jem. Magpapaliwanag ako" "No need! Di ko na kailangan. Ngayong alam ko na ang lahat, di ko na kailangan pa ng paliwanag mo! Pero pagsisisihan mo ang araw na toh!" Pagkatapos nyang masabi yun umalis na sya, naiwan naman akong tulala. So ganon ganon na lang? Sheet! "Haha. Tapos na ang problem mo! Break na kayo ni Jem" sabi ni Mikki sabay pulupot sakin "Hindi pa kami break! Wala syang sinabing break na kami!" "Pero nalaman na nya ang lahat! Di ka ba magtthankyou sakin?" Thankyou? Sa kanya? Teka .. "Mikki, may alam ka dito?" tanong ko sa kanya "Yup, actually ako ang nagplano nito eh! Para naman mawala na ang asungot na si Jem sa buhay natin. Wala na sya. So magpakahappy na tayo" "Plinano mo toh?" tanong ko ulit "Bingi kaba? I said YES! Planado ang lahat ng ito!" Para akong natanga sa mga sinabi ni Mikki at iniwan ko syang mag-isa, nagsisisigaw naman sya. Pero hindi ko sya pinansin. Ang alam ko lang nun ay gusto kong makuha ulit si Jem. Pero parang huli na ko .. Nakita ko sya sa may swing, may kasama syang lalaki at yakap-yakap nya. Pinalitan na nya agad ako? Ang sakeett! END OF FLASHBACK << Yun ang totoong nangyari, dahil sa pride ko. Hindi ko naipaglaban si Jem. At ang tanga ko! Kasi sinayang ko yung pagmamahal nya na yun. Gusto kong ibalik yung dati pero paano? Hindi ko na alam kung paano eh! Galit na galit sakin si Jem. Yung pang-aasar ko na lang sa kanya ang naglalapit samin eh! I want to win her heart back! No matter what. Pero paano? Pag sinabi ko naman toh kila Xiv, siguradong pagtatawanan lang ako ng mga yun. Tsk, kilala ko na sila eh! *Here at Tambayan* "Oh andyan kana pala" sabi ni Xiv, teka ang alam ko nasa Condo nya toh ah "Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya "Masama? Hahaha, maagang natapos yung s*x namin eh! Kahit kailan hindi na yun mauulit" nakangisi nyang sabi "Bakit?" "May feelings daw sya sakin eh!" sabi ni Xiv habang nakatanaw sa malayo "Ano?!" sabay sabay naming sabi "May feeling si Miya sayo?" -jae "Mahal ka nya?" -ken "Oo nga! Ang kulit! Mga bwisit kayo!" "Oh? Anong sabi mo?" tanong ni Ken "Sabi ko itigil na namin yung ginagawa namin, kasi para sakin. Kaibigan lang si Miya. Wala talaga akong feelings for her! Alam nyo naman diba?" napatigil bigla si Xiv "Oo alam namin" pag agree naming lahat .. Oh Yes! Si Charity lang naman kasi ang mahal nya eh! Ewan ko ba! At patay na patay padin sya kay Charity. Lumayo na nga at lahat, sya parin ang tinitibok ng puso ni Xiv. Umupo na ko at nakiinom na din sa kanila, si Ace nga pala nasan? "Si Ace?" tanong ko sa kanila "Nasa bahay nila Nix" sagot ni Jae, halos mabuga ko naman ang beer na iniinom ko. Oh? Close na sila? Astig ah! Sana maging ganon din kami ni Jem Para kaming mga tanga dun na naglalaro ng bato-bato piks. Pambata eh! "Guys! Miss me?" sabi ni Ace, sa wakas dumating na din sya! "Nandyan kana pala" sabi ni Ken "Hindi! Clone lang ako ni Ace. Naiwan kasi yung totoong Ace kila Nix. Seriously, syempre! Pwede ba namang hindi ako pumunta sa tambayan? Hahaha" tignan mo toh, baliw din "Kamusta ang pagbisita kay Nix?" tanong ni Xiv "Ok lang. Kami na daw" Sila na? Ang bilis naman! "Kayo na?" tanong ko "Oo daw eh. Yun ang sabi nya sa mga kaibigan nya. So kami na" Astig! Buti pa sya "Nice! Nagsisimula na si Pareng Ace ah!" sabi ni Jae "Tama na nga yang intriga nyo! Tara uminom!" Habang nag-iinom kami pinag-uusapan na yung plano daw. Yung pupunta kaming lahat sa Bahay nila Gab. Haaayy. Hindi ko din naman kasi maintindihan eh! Lutang ang utak ko ngayon tss. Bahala na! Batman, ikaw na ang bahala bukas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD