Masakit ang ulo ni Celine ng magising. "Parang binibiyak ang ulo ko", aniya. Hindi niya alam kung nakailang bote siya ng alak kagabi. Ang naaalala niya nalang ay sumasayaw silang magpipinsan sa dance floor. Naging masaya sila nang gabing iyon. Tila ba nakalimutan niya lahat nang problema at nakatawa siya ulit nang malakas. Madaling araw na nang ihatid sila nila Luis sa bahay nila Mila. Hindi naman iyon malayo sa kanilang bahay. Bago sila ihatid ay dumaan muna sila sa isang fast food chain at nag take out si Luis nang pasalubong nito para sa pamilya ni Mila. Maging silang mga kasama ay naabutan din nang take out. Kaya naman masaya siyang umuwi dahil kahit pano ay may pang almusal na ang dalawa niyang kapatid na papasok sa paaralan malapit sakanila.
Bumangon na siya at nag check ng kanyang email. Baka may nagreply na sa mga sinendan niya ng resume online. Nanlaki ang mata niya nang makitang may email siya galing sa isang Korean Restaurant. Sa dami ng sinendan niya ay hindi niya na maalala kung alin ang mga ito.
"Hello Celine, we are glad to invite you for an interview today, 2PM." Waitress ang kailangan nila at sabi dito ay urgent. Malakas ang t***k nang dibdin niya, pakiramdam niya ay makakakuha na siya ng trabaho. May experience naman siya bilang isang crew sa fastfood noon kaya sapalagay niya ay hindi siya mahihirapan sa trabahong ito.
Agad niyang inayos ang mga gamit niya. Nagluto na rin siya nang pananghalian ng mga kapatid para pag uwi nang mga ito galing eskwela ay may makain ang mga ito. Alas onse ng umaga nang matapos siya. Inayos niya na rin ang kanyang sarili. Sa Taguig pa ang restaurant at baka ma traffic siya kaya kailangan ay umalis siya nang maaga. Mas mabuti nang siya ang maghintay kaysa naman malate siya sa kanyang interview.
1:30PM nang makarating siya sa Taguig. Mabuti nalang at hindi ganon ka traffic. Nakasuot siya ng polo na peach at kulay itim na pants. Pinarisan niya iyon ng flat shoes. Hinayaan niya rin na nakalugay lang ang kanyang tuwid na buhok. Nakita niya agad ang restaurant. Pumasok siya at dumiretso muna sa CR para icheck ang kanyang sarili. Inayos niya ang kanyang buhok, naglagay ng pulbos at manipis na lipstick. Tama na iyon para sakanya. Pagkalabas niya ay dumiretso siya sa isang waiter na nakatayo malapit sa counter. "Excuse me, applicant po ako. Pinapunta ako ni Mr. Jin para sa interview" saglit namang natulala sakanya ang kaharap. "Ahhh ok sige sabihin ko kay sir Jin na nandito ka na. Please have a seat first." ngumiti ito sakanya saka tuluyang umalis.
Sa gilid na mesa na may 2 upuan niya napiling maupo. Iginagala niya ang tingin sa buong restaurant.."Hindi ito ganun kalaki, pero malinis at mukang mamahalin". Apat na tao lamang ang nakikita niya sa dining area maliban sa isang babae na nasa counter. Pag ganitong oras ay wala pa masyado pumupunta sa restaurant pero nakita niya na hanggang 12MN ito bukas. May mga karatula din sa gilid ng mga artistang koreano, siguro ay ito ang mga endorser ng restaurant. Busy pa siya sa pagtingin at hindi namalayan ang pagdating ng isang lalaki sa harapan niya. "Do you like the place?" medyo nagulat pa siya at biglang tumayo.. "Hello sir, Im Celine Andres. Pleased to meet you po" at iniabot niya ang kamay sa kaharap. Kinuha naman iyon ng lalaki at nagpakilala rin "Im Jin, the manager of this restaurant, please be seated".
Napaka gwapo ng kaharap niyang lalaki. Singkit ito at tingin niya ay isang koreano. Maputi ang balat. Naka longsleeve lang ito at maong pants. Matangkad. Grabe ngayon lang siya nakakita ng ganto kagwapo. Madalas sa TV lang ang mga gantong itsura. Nakayuko naman ang lalaki at binabasa ang kanyang resume kaya malaya siyang nakakatitig dito. Nag angat na ito ng kanyang ulo kaya ibinaling niya na rin ang tingin niya sa iba. "So Ms. Andres, are you aware that this is a restobar? From 7PM onwards, we are serving alcoholic drinks to our customers and if we will hire you, there is a possibility that you will encounter drunk customers, is it ok with you?" Tumango naman siya, "yes sir I am fully aware" pero ang totoo ay hindi niya ito alam. But out of desperation ay nag agree nalang siya. Kailangan niya talaga ng trabaho. "The job here is far different from what you have experienced in a fastfood chain. You will not just serve the food and drinks, there may be times that you will encounter customers that will ask you to have a drink with them. But do not worry because we will take care of you. We do not tolerate those. And most of our customers here are of good record." Nakahinga naman siya ng maluwang sa sinabi ng kaharap. Hindi naman talaga maiiwasan ang mabastos sa gantong klaseng trabaho lalo at makakasalamuha mo ay mga nakainom ng alak. Pero pasalamat narin siya at mukang mabait ang kanyang magiging amo.
Nagpatuloy pa ang kanilang pag uusap at inilahad din sakanya nito kung magkano ang sahod. Hindi ito ganun kalakihan pero meron naman daw tip at libre ang pagkain. Pwede rin sila uminom ng alak habang naka duty. Inabutan din siya ng tatlong pares ng uniporme. Polo shirt, maong skirt na ang haba ay sa ibabaw ng tuhod. Kung naiilang naman daw siya ay maaari siyang magsuot ng stockings. May apron din na may mga bulsa at isang pares ng sapatos. Natutuwa siya dahil hindi niya na kailangan problemahin pa ang uniporme. Nang araw din na yon ay pumirma siya ng kontrata at kinabukasan na agad ang kanyang training.
Masaya siyang lumabas sa reataurant na iyon. Gusto niya magtatalon sa tuwa dahil sa wakas ay masusuportahan niya na ang pag aaral ng mga kapatid at pang araw araw nilang pangangailangan. "Thank you Lord! Finally."
Lumipas ang isang linggo at maayos naman ang kanyang trabaho. Ang pasok niya ay mula 3PM hanggang 12 ng madaling araw. Mabilis niya nakabisa ang menu pati na ang ibat ibang inumin sa restaurant na iyon. Maganda rin ang kita dahil halos nakakapag uwi siya ng hindi bababa sa 500.00 na tip sa isang araw. Bukod pa dito ay mababait ang kanyang mga kasamahan sa trabaho kaya hindi niya nararamdaman ang pagod.
Bumukas ang pintuan ng restaurant at isang gwapong lalaki ang pumasok. Sanay na siyang makakita ng gwapong mayayaman pero iba ang isang ito. Malakas ang dating. Matangkad. Grabe parang artista. Pamilyar ang pigura na yon sa kanyang harapan ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Naupo ang lalaki sa gilid na lamesa at agad naman niya itong nilapitan para kunin ang order nito. "Good evening sir, can I take your order?" Inabot niya dito ang menu at kumuha ng ballpen at order form. "Sorry" naalala ni Darwin ang pamilyar na tinig. Napaangat siya ng tingin at nakita ang muka ng babaeng nakabangga sakanya sa bar. Matagal pa siya nakatitig sa babae dahil mas maganda ang muka nito ngayon kaysa nung nakita nyang lasing na lasing ito. Nakapuyod ang buhok. May manipis na make up at bagay na bagay rito ang suot na uniporme. Kung hindi nga nito kinuha ang kanyang order ay iisipin niyang model ito ng restaurant. "Sir?" ulit ng babae. Bumalik naman si Darwin sa ulirat at nagsalita. "Miss kilala mo ko?" "Sorry sir bago palang po ako dito hindi ko po kayo kilala. Ngayon ko palang po kayo nakita" sagot ni Celine. Ang mga huling salita niya ang nagpataas ng kilay ni Darwin. "Ngayon lang nakita eh halos yakapin mo nga ko nung nakaraan. At pwede ba hindi ako ang tipo na mabilis nakakalimutan ng mga babae" bulong niya sa sarili. Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo o nagpapanggap lang dahil ayaw niyang magbayad sa coat na nasukahan niya nung nakaraan. Magsasalita pa sana siya ng biglang "Darwin!" tawag ni Jin na papalapit sakanya. "sige na Celine ako na ang bahala dito", at pinaalis na nga ni Jin si Celine. "So siya pala si Celine".