Bumukas ang pintuan ng opisina ko. Pumasok si Rhianne na matamis ang pagkaka ngiti sa akin. "Hello babe! I miss you!" at humalik pa ito sa labi ko. Iba ang awra nito. Maikli ang suot na dress at kita ang cleavage. Ibang iba sa Rhianne na nakilala ko noon. Simple ngunit napakaganda. Ngayon ay parang ibang tao ang nasa harapan ko. "Babe I really miss you, hindi mo manlang ako tinatawagan. Masyado kang busy sa negosyo." Nagtatampong sabi nito habang halos kumalong na sakin at hinahalikan ang tenga ko. "Rhianne ano ba nasa opisina tayo", "What's wrong babe? so what kung nasa office tayo? Sarado ang pinto and kung may makakita ano naman? Ikakasal na tayo in few months". Gusto kong magmura nang banggitin niya ang kasal. Hindi mabura sa isipan ko ang saya niya habang nakikipaglandian sa Lance na yon.
"Kasal?, bakit hindi ka ba willing pakasalan ni Lance?", natigil naman ito at saglit na natulala. "Come on babe, I already told you, were just friends and business partners". "Kasama ba sa business yung katawan mo?" at kinuha niya ang mga litrato ng dalawa mula sa kanyang drawer. Nagulat naman si Rhianne ng makita ang mga ito. "Hindi ka na nahiya, alam na ng buong bansa na magpapa kasal tayo pero lumalabas ka pa rin kasama ang ibang lalaki?" "Babe for sure edited lang yang mga yan. Alam mo naman diba andaming naiinggit sakin college palang tayo kasi ako ang girlfriend mo. For sure mas maraming nainggit nung iannounce ang wedding natin'. Lalo pang nag init ang ulo ni Darwin dahil mukang walang balak umamin ang babae. Kahit paano ay pinipigilan niya ang kanyang sarili dahil baka masaktan niya ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at ipinakita rito ang litrato na siya mismo ang may kuha. "And how do you explain this? I saw it myself Rhianne. Kung paano ka nakikipaglandian sa ibang lalaki. Yakapan. Halikan at mukang masayang masaya ka. Sayang nga lang at hindi ko kaya naabutan dahil kung nagkataon mapapahiya talaga kayo." Saglit naman tumahimik ang babae at saka nagsalita. Pero mas lalong ikinagulat ni Darwin dahil wala manlang siyang mabanaag na pagsisisi sa muka nito. "Fine, its me. Pero babe I promise ikaw ang mahal ko. Sumama lang naman ako kay Lance dahil nalulungkot ako. Wala kang time sakin. Puro negosyo. Kaliwat kanang meeting. Ni hindi mo ko tinutulungan sa preparation ng kasal natin. Hindi ganto yung pinangako mo sakin. You promised me that Ill be the happiest girl pero hindi pa tayo kasal wala ka ng oras sakin. You cant blame me kung hanapin ko sa iba yung hindi mo maibigay. ". Umawang ang bibig ni Darwin sa mga sinabi ng nobya. Hindi siya makapaniwala na ganito pala ang babaeng kaytagal niya minahal. Ito ang nagsabi sakanya na gusto niya na ang negosyo nila ang maging pinaka maunlad pagdating ng panahon kaya nagsikap si Darwin. Pero ngayon ay sinisisi sya nito dahil nawalan siya ng panahon. Pakiwari niya ay hindi ito ang babaeng maunawain na nakilala niya pitong taon na ang nakakaraan. Suportado lahat ng pangarap niya at malawak ang pananaw sa buhay.
"Dont worry babe, tuloy ang kasal. Kahit anong mangyari ikaw pa rin ang pipiliin ko over Lance. Mas importante pa rin ang merging ng companies ng mga pamilya natin." buong kumpyansang sabi ni Rhianne. Napangisi naman si Darwin sa narinig. "Im sorry Rhianne, but its not for you to decide kung ano ang mangyayari. Niloko mo ko and no one in my entire life dares to do that. Walang kasal na mangyayari. Walang merging ng companies. My company can survive without yours. Pero yung sa pamilya mo, I doubt. The reason I agreed to that merging kahit alam kong kritikal ang lagay ng kumpanya nyo is because magpapakasal naman tayo. I want to take full responsibility. Pero dahil sa ginawa mo, Im sorry. Ako na ang bahalang mag explain sa daddy mo kung hindi mo kaya." Halos maluha si Rhianne sa narinig. Hindi niya akalain na ganto ang magiging reaction ni Darwin. Ang alam niya ay mahal siya nito pero ego nito ang natapakan niya kaya ganto ito ngayon.
"Darwin, pag usapan natin to." garalgal na ang tinig ni Rhianne. "Im sorry but my decision is final. You may leave now.", "Babe I love you, dont you love me anymore. May iba na ba?". Natawa naman si Darwin sa sinabi ni Rhianne. "Huwag mo ibalik sakin yung ginawa mo. Pero thank you, dahil pinakita mo ang totoo mong kulay bago pa man tayo kinasal. Minahal kita ng matagal pero nakakatawa kasi hindi na ko nasasaktan ngayon." Tahimik namang nagpupunas ng luha si Rhianne. Aalis na sana ito nang biglang magsalita pa si Darwin. "Oh just to let you know, Lance has been competing with me ever since we were in college. Hindi natin sure baka you're just part of the competition because he knows that you're my fiance.". Padabog namang isinara ni Rhianne ang pintuan ng opisina niya at tuluyan ng umalis.
Kinagabihan ay nagtungo siya sa restaurant ng kaibigang si Jin. High school pa lamang ay kilala na niya ito. Kahit hindi sila nag aral sa isang school nung college ay hindi naputol ang kanilang komunikasyon. Lalo napadalas ang kanilang pagkikita nang magtayo ito ng restaurant na naging paborito niyang tambayan. Mayaman din ang pamilya ng kaibigan ngunit mas pinili nito na magtayo ng sarili nitong negosyo. Mas gusto nitong makilala bilang siya kaysa bilang Jin Lee na mula sa mayaman na angkan.
Laking gulat nga niya nang ang mag take ng kanyang order ay ang babaeng nakabangga sakanya noong nakaraang linggo. Ngunit mas ikinagulat niya dahil hindi siya nito natatandaan. Sadyang humihina na kaya ang appeal niya sa mga babae? Gusto pa sana niya ipaalala dito ang ginawang pagsuka sa coat niya ngunit dumating na ang kanyang kaibigan at pinaalis na ang waitress. Nakangiti naman siya sa pag iisip na madalas niya na makikita ang dalaga. "Tol huwag ganyan ikakasal ka na" pabirong sabi ni Jin. "Masama ba tumingin? Ang ganda ah" sabay tawang sabi niya.
Inilahad niya ang mga nangyari kay Jin. Nagulat pa ito dahil maging ito ay hindi inaasahang magagawa yon ni Rhianne. Mataas ang pagtingin niya sa kasintahan ng kaibigan. Napakahinhin nito at hindi nagpakita ng pagka gusto sa ibang lalaki sa loob ng pitong taon. Naparami naman ang kanilang pag inom habang nagkw kwentuhan. Mabilis na lumipas ang oras at nakatanggap ng tawag si Jin at kinailangan nitong umalis na. Inubos naman niya ang alak at napansin niyang sarado na ang restaurant at nagliligpit na ang mga tauhan ni Jin. Nagbayad na siya at nag iwan ng malaking tip. Lilinga linga naman siya, gusto niya sana makita ulit si Celine ngunit mukang nakauwi na ito.
Naglalakad si Celine sa madilim na bahagi ng kalsada. 12:30 na at wala na siya makitang tao sa paligid. Day off kasi ni Sophia ang isa pang waitress na kasabay niya ng shift kaya mag isa siya ngayon umuwi. Halos lakad takbo na ang ginagawa niya para marating agad ang sakayan ng bus. Nagulat naman siya ng isang itim na kotse ang sumalpok sa isang puno sa kabilang kalsada. Natatakot man ay agad siyang tumakbo patungo sa sasakyan. Walang ibang tao sa paligid at kailangan ng tulong ng driver ng kotse. Tinted ang salamin nito kaya hindi halos makita ni Celine ang tao sa loob. Umuusok ang harap ng sasakyan, natatakot siya na baka sumabog ito. "Lord bahala na po" sambit niya saka kumuha ng bato at pinukpok ang salamin ng sasakyan. Tumawag din siya ng ambulansya. Nang mabasag ang salamin ay sinungkit nya ng kamay mula sa labas ang lock ng kotse. Bahagya pang tumama ang kamay niya sa basag na bintana kaya maging ito ay nagdurugo na rin. Sa wakas ay nabuksan niya na ang kotse. Mula sa loob ay pinilit niyang ilabas ang pamilyar na lalaki. May dugo ito sa noo kaya siguro nawalan ng malay. Iniakbay niya sa kanyang balikat ang kamay nito at inalalayan na makalabas sa sasakyan. "Kapre ka ba? bakit napaka bigat mo?" reklamo niya. Sakto namang dating ng ambulansya at isang police mobile na nagpa patrol sa lugar.