Nagising akong nakahiga sa hospital. Medyo makirot ang kanang bahagi ng ulo ko. Kinapa ko ito at nagulat ako na may benda ito. May mga patak din ng dugo ang suot kong blue pants. Ipinikit ko ang aking mata at pinilit inalala ang nangyari. Madami akong nainom at hindi ko namalayan na napapikit ako habang nagmamaneho. May babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada at ano mang oras ay maaari ko siyang mabangga kaya ipinihit ko ng malakas ang manibela. Sumalpok ito sa isang puno..Salamat sa airbag at hindi ako napuruhan. Amoy sunog na sa loob ng sasakyan at hinang hina ako, ni hindi ko magawang buksan ang kotse. Unti-unti na rin ako naso soffucate. Pero bago pa ko mawalan ng malay ay nakita ko ang muka ng isang babae mula sa labas. Pilit niyang pinupukpok ang salamin ng sasakyan at sumisigaw. Nasira niya nga ang bintana ng kotse pero nakita kong dumudugo ang kanyang kamay. Napamulat si Darwin ng maalalang nasaktan din ang babaeng nagligtas sakanya. Natuon naman ang kanyang atensyon sa bag na nasa gilid ng kanyang kama. "Nandito pa siya" sabi niya sa sarili. Tatayo na sana siya nang biglang may pumasok sa kanyang silid. Isang pamilyar na babae. Ngunit kumunot ang noo niya nang makitang may benda ang kamay nito.
"Celine?", sambit niya. Nagulat naman si Celine dahil kilala siya ng lalaki. "Gising ka na pala, saglit tatawagin ko yung nurse" bago pa man siya makapag salita ay naglakad na agad ito palayo. Pumasok ang doctor na nag examine sakanya kanina. Mabuti nalang daw at hindi grabe ang kanyang natamo..Pwede na rin daw siyang makalabas. Umalis ang doctor at naiwan nalang sila ni Celine sa loob ng kwarto. "Sir kailangan ko na po umalis, baka nag aalala na po ang pamilya ko sakin" sabi ni Celine. 4AM na at siguradong nagtataka na ang kanyang mga kapatid bakit wala pa siya. Sumabay pa kasing lobat ang kanyang cellphone. "Ako nga pala si Darwin, maraming salamat sa pagliligtas mo sakin. Mukang pati ikaw nasaktan. Pasensya ka na. Kung gusto mo ihahatid na kita sainyo." wika nito na tinutulan agad ng dalaga. "Huwag na po sir, wala naman kayong kotse, nabangga nga diba?" napailing naman si Darwin sa sagot ng dalaga. "Kung ibang babae to baka nagmamakaawa pang ihatid ko". "Ahm here"s my calling card, if you need help or anything please contact me. Para makabawi manlang ako sa pagliligtas mo sakin" wika ni Darwin at tinanggap naman ni Celine ang card na inabot niya. Akmang aabutan sana niya ng cash ang dalaga "eto pamasahe mo nalang-" ngunit hindi pa man sya natatapos magsalita ay tumanggi na ito. "Huwag na po, kumuha pala ko ng 1000 sa wallet mo. May nireseta kasi saking gamot at cream para hindi magpeklat ang kamay ko. Wala akong pera kaya naisip ko dyan nalang kumuha. Eto pala ang sukli at resibo" awang naman ang bibig ni Darwin ng iabot sakanya nito ang pera at resibo. "ibang klase ka". "Pasensya ka na rin pala kung binasag ko ang bintana ng kotse mo. Wala na kasi ako ibang maisip kung pano kita ilalabas don. Sige mauna na ko". Hindi pa man nakakasagot si Darwin ay mabilis na itong nawala sa paningin niya. "ngayon lang ako nakakita ng babaeng kukuha ng pera sa wallet ng iba at ibabalik ang sukli" natatawa naman siya mag isa habang inaaalala ang dalaga.
Day off ni Celine ngayon. Maglilinis siya ng bahay at maghahanda ng masarap na pagkain para sa mga kapatid. Simula kasi ng mag trabaho siya ay hindi niya na halos naaasikaso ang mga kapatid kaya gusto niyang bumawi. Meron pa naman siyang naitatabing pera kahit pano. Balak niya magluto ng spaghetti dahil paborito iyon ng mga nakababata niyang kapatid. Matapos maglinis ay namili na siya ng mga rekado at nagsimula ng magluto. Kinahapunan ay dumating na ang kanyang 2 kapatid mula sa paaralan at sabay sabay silang nag meryenda. Sinabi rin ng ate niya na magsisimula na rin itong maghanap ng trabaho para kahit pano ay may katulong siya sa mga gastusin. Masaya naman siya dahil sakabila ng hirap ng buhay, biniyayaan naman siya ng mabubuting mga kapatid. Sana nga lang ay kasama nila ang isa nyang kapatid na lalaki. Kinuha kasi ito ng kanilang tita at inuwi sa probinsya dalawang taon na ang nakakaraan. Wala silang pera ng panahon na iyon kaya hindi manlang niya nabilhan ng cellphone ang kapatid. Hirap tuloy itong maka contact sakanila. Nakapag enrol na daw ito ng kolehiyo sa tulong ng kanyang tita. Masakit man ay pumayag na sila ng ate niya na umuwi ito roon para makapag aral.
Kinagabihan, matutulog na sana siya ng tumunog ang kanyang cellphone. Masaya siya ng makitang number ng nasa kapatid sa probinsya ang tumatawag. "Hello Ralph kamusta ka na?" masayang bati niya. Ngunit ang tinig ng kapatid ay halatang malungkot.
"Ate, pwede bang umuwi na ko?", ramdam ni Celine na may problema ang kapatid. "Bakit naman? diba nag aaral ka pa? kamusta na ba ang pag aaral mo?" sinisiglahan niya ang kanyang tinig ngunit kahit siya man ay gusto ng maiyak habang naririnig na sumisinghot ang kapatid sa kabilang linya. "Ate, hindi na po ako nag aaral. Isang sem lang nila ko pinag aral. Kinuha lang ako ni tita para may gumawa ng mga trabahong bahay. Pero hindi na daw nila ko kaya pag aralin. Wala din daw silang pera para bigyan ako ng pamasahe pauwi dyan. Narinig kong nag uusap sila ni Tito Bert. Balak nila kong mamasukan sa isang hacienda dito. Sorry ate hindi ko agad nasabi sainyo na hindi ako nag aaral. Ayoko makadagdag sa mga problema nyo ni ate" umiiyak na sabi nito. Hindi na napigilan ni Celine ang pagluha. Awang awa siya sa kanyang kapatid. Alam niyang nagsisinungaling ang tiyahin na hindi nila kayang bigyan ng pamasahe ang kanyang kapatid. Madalas niya itong nakikita sa social media na panay post ng mamahaling restaurant sa probinsya. Marahil ay ayaw lamang nila mawalan ng utusan. Galit na galit si Celine sa sinapit ng kapatid. "Kakausapin ko si tatay bukas Ralph, huwag ka mag alala, kukunin kita dyan. Magpahinga ka na"
Kinabukasan ay maaga siyang nagtungo sa bahay na tinutuluyan ng ama. "Tay, tumawag po sakin si Ralph kagabi, umiiyak, hindi na daw siya pinag aaral ni Tyang Rita at balak pa daw siyang pag trabahuin sa malapit na hacienda sakanila. Tay kunin na natin si Ralph sa kapatid mo". Tahimik naman ang ama. Maging ito ay hindi makapaniwala sa nangyayari sa anak. Kumpyansa siyang makakapagtapos ito ng pag aaral dahil ang mismong kapatid niya ang nagsabing pag aaralin ito. Sinundo pa ito sa Maynila para makasiguradong ligtas na makakarating sa probinsya. "Pwede ba Celine wag ka pabigla bigla, bakit? anong kaibahan na andito ang kapatid mo? Parehas lang naman din na mahihirapan siya" sabat naman ng kinakasama ng kanyang ama. "Pwede rin ho huwag ka makialam sa usapang pamilya?" sa kauna unahang pagkakataon ay sumagot siya rito. Tulala naman ito sa mga sinabi niya. "Tama na yan, hayaan mo at kakausapin ko ang tyang Rita mo. Pasensya ka na anak" wika ng kanyang ama. "Aalis na po ako Tay". Nagmano na siya rito at tuluyan ng umalis.