Chapter 5

1429 Words
Masaya si Celine dahil nakapag ipon na siya ng sapat na halaga para may pamasahe ang kanyang kapatid pabalik sa Manila. Nakausap na ng kanyang ama ang tyang Rita niya, itinanggi nito ang sinasabi ng kanyang kapatid. Kaya kung gusto daw nila makuha si Ralph ay sila ang gumastos. Naiinis man siya ay hindi niya na lamang pinansin ito. Nag focus siya sa pag iipon. Ilang araw din siya nagtipid para makaipon ng tatlong libong pamasahe ng kapatid. Natigil naman ang kanyang pagmumuni muni ng marinig ang sunod-sunod na katok sa kanyang silid. Ang ate Florence niya iyon. "Celine pasensya ka na, dumating yung bill natin ng ilaw. Mahigit tatlong buwan na tayo hindi nakabayad. Kapag daw hindi nabayaran hanggang due date, hihilain na yung kontador natin", natahimik naman si Celine sa sinabi ng kapatid. "Magkano ba ate, baka magawan natin ng paraan" kiming tanong niya. Iniabot naman sakanya ni Florence ang bill at laking gulat niya ng umabot ito sa halos sampung libo. Yung tatlong libo nga na pamasahe ng kapatid ay hirap na hirap na sya mag ipon, pano pa kaya ang sampung libo at kailangan niya na mabayaran sa loob ng isang linggo. "Pasensya ka na Celine kung hindi kita matulungan ah, sinusubukan ko naman makahanap ng trabaho pero ang hirap talaga e". Ngumiti naman sya sa kanyang ate "ano ka ba ate ok lang yan. Sige gagawan ko ng paraan." Pumasok si Celine sa trabaho. Tipikal na araw. Ang plano niya ay susubukan niyang mag advance kay sir Jin, siguradong maiintindihan siya nito. Para namang gumuho ang mundo niya nang malamang nasa Korea ang amo at sa susunod na buwan pa babalik. "shiiit pano na" bulong niya sa sarili. Natapos ang shift niya. Akmang uuwi na siya ng tawagin siya ni Larry, ang head chef sa restaurant ni Jin. "Celine uuwi ka na ba? halika samahan mo muna kami uminom dito" Isang buwan na rin naman siyang nagta trabaho sa restaurant at nakapalagayang loob niya na ang mga kasamahan. Nakakailang bote na rin siya ng punahin siya ni Larry. "Celine parang antahimik mo may problema ka ba?" Napabuntong hininga naman siya, at sinabi kay Larry ang problema. Sinabi rin niya dito ang plano sana na mag advance kay sir Jun ngunit wala naman ito. Ngumisi naman si Larry at sinabing "Sige mag usap tayo mamaya". Medyo kinabahan naman si Celine sa inasal ng katrabaho. Maya maya ay nagpaalam na siyang uuwi dahil alas dos na rin ng madaling araw. Paglabas niya ng restaurant ay sinundan siya ni Larry. Tinawag siya nito kaya siya napatigil sa paglalakad. "Ano ka ba? Diba sabi ko sayo mag usap tayo? saad nito. Ang totoo ay iniiwasan niya ito. Dati pa man ay hindi na maganda ang pakiramdam niya dito. Madalas niya itong nakikitang malagkit ang tingin sakanya ngunit hindi niya nalang iyon pinapansin. "Ahh nakalimutan ko, and late na rin kasi, I really have to go" katwiran niya. Nagulat naman siya ng bigla siya nitong akbayan at pisilin sa braso "Ano ka ba? diba kailangan mo ng pera. Pwede naman kita pahiramin o kung gusto mo huwag mo na bayaran. Basta papayag ka kahit isang gabi lang. Alam mo kasi Celine type na type kita eh..Naiisip ko kung pano ka ba sa kama" Hinahaplos haplos siya nito sa balikat. Ngayon alam niya na ang tunay nitong pakay sakanya. Inalis niya ang kamay nito at sinampal "Ang kapal ng muka mo anong akala mo sakin bayaran? Subukan mong sumunod sisigaw ako" mukang natakot naman ito sa banta niya kaya hindi na ito sumunod. Hindi naman mapigilan ni Celine ang umiyak habang naglalakd. Parang nanghina ang tuhod niya kaya naupo siya sa gilid ng daan habang lumuluha. Napakahirap na nga ng buhay niya ay gusto pa siya pagsamantalahan ng ibang tao. Sa di kalayuan ay natatanaw ni Darwin ang lumuluhang dalaga sa gilid ng daan. Para itong bata na pinupunasan ang muka habang nakaupo. Nag meet sila ng mga kaibigan niya sa Taguig, naisip naman niyang puntahan si Jin ngunit ayon sa tauhan nito ay nasa ibang bansa daw ito. Naisip niyang antayin si Celine para sana makausap ito at muling magpasalamat sa pagliligtas sakanya. Inabutan niya kasi ito ng business card ngunit dalawang linggo na ay hindi manlang ito tumawag. Wala yata talaga siyang appeal dito. Pagbalik niya sa restaurant ay nakita nyang nag iinuman ang mga staff nito at si Celine ay katabi ng Head Chef na si Larry. Umalis na siya at kinuha ang kotse niya sa parking ng makita niyang lumabas na si Celine ngunit nakasunod si Larry at umakbay pa rito. "Ano yan boyfriend niya? Mahilig ba talaga siya sa matanda?" inis na naisip niya. Paandarin na sana niya ang kotse ng makitang sinampal ni Celine si Larry at naglakad ito palayo. Ngayon ay nakikita niya ang dalagang umiiyak sa gilid ng daan. Wala namang ibang tao sa paligid. Hindi na napigilan pa ni Darwin ang sarili. Bumaba siya ng kotse at nilapitan ang umiiyak na dalaga. Inabutan niya ito ng panyo. Nag angat naman ito ng ulo at nagulat pa na naroon siya. "Sir Darwin, bakit po kayo nandito" nagawa nitong magsalita ngunit umiiyak pa rin. "May nakita kasi ako umiiyak na bata sa gilid ng daan" pabiro niyang sabi. "Nag break ba kayo ng boyfriend mo kaya ka ganyan?", ngunit wala naman siyang nakuhang sagot sa kaharap. Lalo lang itong umiyak. "Shiiiit! so boyfriend niya talaga ang kumag na yon?" bulong ni Darwin sa sarili."Halika na, tumayo ka na dyan baka pag may nakakita satin dito isipin pa na ako nagpaiyak sayo", sumunod naman ito sakanya. Hawak niya ang braso nito ng patawid sa daan hanggang sa maisakay niya sa kotse. "Sige kung ayaw mo magkwento samahan mo nalang muna ako kumain nagugutom na kasi talaga ko" at pinaandar na nga ni Darwin ang kotse. Tahimik naman si Celine sa byahe. Ayaw niya rin muna umuwi sakanila dahil nahihiya siya sa kanyang mga kapatid dahil wala pa siyang nahahanap na solusyon sa problema nila sa bahay. Huminto sila sa isang kainan..Tinanong siya ni Darwin kung ano ang kanyang gusto ngunit tubig lang ang naiisip niya. Hindi siya gutom. Ngunit pagbalik ng lalaki sa mesa ay may dala itong bag ng pagkain. Nag take out nalang ito para sakanya at sinabihan siyang kumain na lamang kung magutom. Ngumiti naman siya sa lalaki. Pagkatapos kumain ay dinala siya ni Darwin sa isang kapihan na may overlooking view. Kahit pano ay narelax ang kanyang itsura. Ngunit hindi na kinakaya ni Darwin ang katahimikan kaya nagsalita na ito. "Ahmm Celine, kanina nakita ko kayo ni Larry na magka akbay. Pero bigla mo siya sinampal, huwag ka magagalit ah, boyfriend mo ba siya?" tanong niya sa babae. Agad namang tumaas ang kilay ni Celine. "Muka ba kong desperada?!" galit ang boses nito at saka tumulo na naman ang luha. Tuloy tuloy ang pag iyak nito. Nakikita sila ng ibang mga tao roon kaya tinabihan na siya ni Darwin at tinapik sa balikat. Medyo nanginig ito sa ginawa niya. "Celine may problema ba?" nag aalalang tanong niya dahil sa ikinikilos ng dalaga. Patuloy pa rin ito sa pag iyak habang nilalahad ang mga nangyari. Pakiramdam niya ay nagkaroon ito ng trauma sa ginawa ni Larry. Nanginginig naman ang bagang niya dahil sa galit. Niyakap niya si Celine at tinapik sa likura para patahanin ito sa pag-iyak. "Huwag kang mag alala sisiguraduhin kong matatanggal siya sa trabaho dahil sa ginawa niya". Hindi naman maipaliwanag ni Celine ngunit nakaramdam siya ng seguridad sa lalaking kasama niya. Pauwi na sila ng magsalita si Darwin "binigyan kita ng calling card, sabi ko sayo tawagan mo ko kung kailangan mo ng tulong, bakit hindi ka tumawag?", tanong nito sa dalaga. "Ahhh nakalimutan ko, tyaka hindi naman kita kilala", "Ngayon magkakilala na tayo, bawal pa rin?". Sandali namang natigilan si Celine. "Sincere kaya siya na tutulungan ako? Pero kailangan ko talaga ng tulong. Hindi ko kayang mahirapan lalo ang mga kapatid ko" "Sir Darwin, kailangan ko ng sampung libo. Pero wala akong pambayad sayo, pwede bang gawin mo nalang akong katulong?" Natigilan naman si Darwin sa sinabi ng dalaga. "seryoso ka ba?" medyo natatawa niyang sagot "See? kaya ayoko mag try humingi ng pabor sayo" at tumahimik na ito. "Sorry, ang ibig kong sabihin, hindi mo naman kailangan maging katulong, pwede kita bigyan dahil niligtas mo naman ako" saad nito. "Ayoko, kung tutulungan mo ko sana tanggapin mo yung inaalok ko. Ayoko ng libre. Kung hindi huwag nalang din, hahanap nalang ako ng ibang paraan." seryoso ang muka nito. "Fine, ipapaayos ko bukas ang problema mo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD