Kinabukasan ay hindi pumasok si Celine sa trabaho. Wala doon si Sir Jin at hindi pa niya handang harapin si Larry. Nagagalit pa rin siya pag naaalala ang ginawa nito kagabi. Tumawag na lamang siya sa restaurant at sinabing masama ang kanyang pakiramdam. Nag-iisip rin siya kung seryoso ba si Darwin sa sinabing aayusin nito ang problema niya sa bahay.
Isang envelope ang inabot ni Roger kay Darwin. "Sir ayan na po ang files na hinihingi niyo". Nang maihatid niya si Celine ay agad naman niyang tinawagan si Roger para ipa background check ito. Malinis ang record ng dalaga. Totoo ngang may problema ito sa bahay at may kapatid din ito sa probinsya na gusto niyang makuha. Nakalagay sa envelope ang iba pang detalye tungkol sa dalaga ngunit hindi na iyon binasa pa ni Darwin. Inutusan niya rin si Roger na ayusin ang problema ni Celine at iuwi ang kapatid nito na nasa probinsya.
Dalawang araw ng hindi pumapasok si Celine. Nagdadalawang isip siya kung babalik pa ba siya sa trabaho. Nahihiya siya kay Sir Jin ngunit naisip niya na sa klase ng trabaho niya ay pwedeng hindi lang si Larry ang mambastos sakanya. Naisip niyang mag apply nalang sa iba.
Sunod-sunod na katok ang narinig niya. "Ang aga naman bumalik ni ate" naisip niya. Nagpaalam kasi itong maghahanap ng trabaho habang ang dalawa naman niyang kapatid ay nasa paaralan. Laking gulat niya ng napagsino ang nasa pintuan. Si Ralph!
"Paano ka nakabalik? hindi ko pa naipadal ang perang pamasahe mo" tanong niya rito
"May tumulong sakin ate, kaibigan mo daw. Sinundo ako sa probinsya at inihatid ako sa Manila" tugon ng kapatid.
"Pero sino?" wala naman siyang maalalang kaibigan na nakakaalam kung saang lugar naroon ang kapatid niya.
"Darwin daw ate, pero tauhan niya lang ang sumundo sa akin dahil busy raw ito"
Nagtataka man ngunit masaya siya dahil narito na ang kapatid. May nag iwan din ng resibo sa kanilang pintuan katunayan na nabayaran na ang bill nila sa ilaw. Wala na siyang problema. Masaya siyang napayakap sa nakababatang kapatid.
Sinusubukan niyang tawagan si Darwin para magpasalamat ngunit hindi nito sinasagot ang telepono. "baka busy siya" naisip ni Celine.
Sa kabilang linya ay pilit namang pinipigilan ni Darwin ang sarili na sagutin ang mga tawag ng dalaga. Alam niyang seryoso ito ng sabihing gawin na lamang siyang katulong. Pagkatapos ng naranasan nito kay Larry ay mukang wala itong balak tumanggap ng libreng tulong.
"Ang babaeng to napaka tigas ng ulo nahihirapan tuloy ako mag isip".
Hindi niya naman ito pwedeng iuwi sakanilang bahay dahil siguradong magugulat ang pamilya niya na may dala siyang ganon kagandang babae at sasabihing katulong niya.
Naalala niya ang condo sa Quezon City. May dalawang kwarto iyon. Minsan ay doon siya tumutuloy kapag may mga kailangang asikasuhin sa negosyo nila na malapit doon. Binili niya ang condo dahil ito sana ang magiging pansamantala nilang tahanan ni Rhianne habang hindi pa tapos ang mansyon na pinapagawa niya. Mismong ang dalaga ang nag disenyo ng mansyon ngunit mukang ibe benta na lamang niya iyon pagkatapos.
Nang muling tumawag si Celine ay sinagot na niya ito. Sinabi niyang makipag kita siya rito at sumang ayon naman ang dalaga.
Sinundo niya si Celine at nagtungo sila sa malapit na restaurant.
"Sir gusto ko po magpasalamat sa pag uuwi sa kapatid ko at pag solve ng problema ko sa bahay" saad nito. Nginitian naman siya ng lalaki.
"sana wag niya na maalala yung pagiging katulong" bulong ni Darwin sa sarili.
Ngunit desidido talaga ang dalaga. "sir about sa sinabi ko nung nakaraan, sana napag isipan mo na" kinuha rin nito ang isang envelope mula sa bag na may 3000 piso at iniabot sakanya. "Ito pala yung dapat pamasahe ng kapatid ko pero dahil pinasundo mo na siya dapat ibigay ko to sayo"
Namamangha naman si Darwin sa babaeng kaharap. Hirap ito sa pera ngunit mukang walang balak tumanaw ng utang na loob kahit kanino. Napabuntong hininga na lamang siya.
"Ok, if this is really what you want..Here, read and pirmahan mo nalang" iniabot niya dito ang kontrata.
Binasa naman ito ni Celine ngunit napataas ang kilay niya. "Sir, isang buwan lang? at pagkatapos ay makakatanggap pa ko ng 5000? sobra sobra po ito"
"Isa kang dela Vega bakit nagpapatalo ka sa babaeng yan?" nagtatalo na ang isip ni Darwin.
"Well Ms. Andres, ayan lang ang kasunduang gusto ko..I believe I have the right to set the conditions since I am the one who make you a favor" at ngumiti siya rito.
Narealize naman ni Celine na tama ang lalaki. Kaya pinirmahan niya nalang ang kontrata. Sinabi naman sakanya ni Darwin kung saan siya tutuloy. Inabutan din siya nito ng duplicate key..Malinaw ang mga gagawin niya. Luto at linis lamang. Dahil mismong si Darwin ang naglalaba ng damit niya at naggo grocery.
Kinabukasan ay nag send siya ng email kay Sir Jin. Nagpasalamat siya rito at humingi na rin ng tawad sa biglaang pag alis. Hindi niya na binanggit pa ang nangyari sakanila ni Larry. Inattached niya rin ang kopya ng kanyang resignation letter. Nag text din siya kay Sophia para magpaalam..Pagkatapos ay kinausap niya ang mga kapatid at sinabing isang buwan siya mawawala. Naintindihan naman nila iyon at sinabi pa ng kanyang mga nakababatang kapatid na pagbubutihan nila ang pag aaral.kahit wala siya. Nakahinga naman siya ng maluwag.
Pinuntahan niya ang address na sinabi ni Darwin. Maganda ang lugar. Napapalibutan ng maraming building halatang pang mayaman. Pagpasok niya sa loob ng condo ay may dalawang silid. May nakadikit na papel sa pintuan ng isang silid na nakasulat ang pangalan niya. Pumasok siya dito at namangha siya dahil kumpleto ang gamit. May aircon pa! Inayos niya muna ang mga damit sa isang cabinet at lumabas na sa kwarto. Nagsimula naman siyang maglinis ng bahay. Sinigurado niyang walang kahit maliit na alikabok ang matitira para hindi siya mapulaan ng lalaki.
Kinagabihan ay naisip ni Darwin na sa condo sa QC tumuloy. Mag isa lang ang dalaga at baka malungkot ito roon. Bago siya umuwi ay dumaan siya sa isang restaurant at nag take out ng hapunan nila. 7PM palang naman. Naalala niya rin kasi na hindi pa siya nakapag grocery so malamang wala pa silang hapunan. Nagkagulatan pa sila ng pumasok siya sa condo. Natawa naman siya sa reaction ng dalaga. "Haha sorry natakot ba kita? Dapat pala kumatok muna ko" sabi niya.
"Hindi naman nagulat lang ako nawala kasi sa isip ko na may susi ka nga pala" sagot ng dalaga.
"Tara kumain na tayo, bumili nalang ako sa labas wala kasi laman yung ref"
Masaya silang kumain. Kahit paano ay nakapag kwentuhan sila at marami syang nalaman tungkol sa dalaga. Nakaka awa ang naging buhay nito ngunit kahanga hanga ito dahil napaka tatag niya. Bihira ang babaeng tulad niya. Kapansin pansin rin na may angkin itong talino kahit pa hindi ito nakatapos ng kolehiyo. Lalong humanga si Darwin sa katangian ng dalaga.