Araw ng linggo, walang pasok sa opisina si Darwin. Naisip niyang mag grocery upang may pagkain sila ni Celine. Isang linggo na itong namamasukan sakanya. Magaan naman itong kasama sa bahay. Hindi na ito bumalik pa sa restaurant ni Jin.
"Aalis muna ko" wika niya sa babaeng naglilinis.
"Sige" sagot sakanya ni Celine. Lalabas na sana niya ng maisip niyang isama nalang ang dalaga. Mula kasi ng dumating ito ay hindi na ito nakalabas ng bahay. Malapit lang naman ang supermarket kaya makakabalik din sila kaagad.
"Celine, gusto mo bang sumama? Para makapaglakad lakad ka naman"
Napangiti naman si Celine sa narinig. Ang totoo ay bagot na bagot na siya. Isang linggo nang ang apat na sulok ng kabahayan lamang ang nakikita nito.
"Talaga pwede? sige sasama ko. Saglit magbibihis lang ako", mabilis naman itong tumakbo patungo sa kwarto.
Maya maya pa ay lumabas na ito. Naka maong pants at tshirt lang ito ngunit kita mong maganda ang katawan nito. "Tara na" wika nito.
Hindi naman nagtagal ay narating na nila ang supermarket. Kumuha sila ng cart saka sinimulan na ang pamimili. Pansin naman ni Darwin na madalas silang pagtinginan ng mga tao. Hindi niya alam kung dahil ba naga gwapuhan sakanya o dahil sa magandang dalagang kasama niya. Naririnig niya rin ang bulungan ng iba "grabe ang perfect naman ng couple na to. Sana all" lihim naman siyang nangigiti sa naririnig niya. Naisip niya rin kung ano kaya ang reaction ni Celine ngunit tahimik lang ito.
"Celine if you need or want anything, kunin mo lang ah. Don't worry about the bill." Ngumiti naman ito sakanya. Nakita niyang may mga kinuha itong personal needs ngunit kaunti lang ang mga iyon. Napadaan naman sila sa mga gamit sa bahay at kinuha ng sales lady ang kanilang atensyon.
"Maam/Sir baka gusto nyo po mag avail nang aming limited edition na kawali. Ganito po ang ginagamit ng mga chef sa TV. Pag bumili po kayo ay may libreng personalized couple mug." Napatingin naman sila parehas sa mug. Hindi pa napigilan ni Celine ang sarili. "wow ang cute" sambit nito.
"Bagay na bagay ito sainyo maam. Nako ang perfect nyo pa naman tingnan ni sir" sabi na naman ng sales lady.
"Sige bigyan mo ko nyan." wika ni Darwin na ikinagulat naman ng dalaga.
"Seryoso ka?" tanong niya dito.
Binulungan naman siya nito "sayang yung free" at kinindatan pa siya.
Bahagya naman siyang natawa sa ginawa nito.
Hindi naman maalis ang ngiti ni Celine habang tinitingnan ang pink na mug na may pangalan niya. Maliliit na puso ang design nito. Ang isang mug naman ay may pangalan ni Darwin. Kapag pinagdikit ang dalawang mug ay mabubuo ang isang malaking puso.
Pagkatapos mamili ay niyaya siya ni Darwin na kumain sa isang restaurant. Oras na ng pananghalian at magugutuman sila kung magluluto pa sila pagkauwi. Sa loob ng restaurant ay napansin ni Celine ang isang grupo na may mga suot na ID habang kumakain. Mukang masaya ang mga ito. Napansin din niya na mayroong mukang mas bata pa sakanya. Pagdating ni Darwin ay dala na nito ang kanilang pagkain.
"Kahit pala Sunday merong mga opisinang bukas? tanong niya sa binata habang nakatingin sa kabilang mesa. Saglit naman nilingon ni Darwin ang mga ito.
"Ahh malamang sa BPO yan nagta trabaho. Marami kasing ganyang kumpanya dito sa lugar." sagot naman ng binata.
"Ano yung BPO?" muli niyang tanong.
"Kung pamilyar ka call center, ayan yun" sagot nito.
"Tingin mo ba mahirap makapasok sa ganyan? Tingnan mo kasi yung iba oh mukang bata pa"
"Matalino ako, mayaman, gwapo kaya kahit anong trabaho ay madali akong makakapasok" pabirong sagot nito sabay tawa.
Napangisi naman si Celine sa sinabi ng kaharap. "Yabang,kumain na tayo para ka ng nalipasan kung ano ano naiisip mo"
"haaay pero totoo naman kasi lahat ng sinabi niya..Sana all favorite ni Lord" sabi niya sa isip.
Kinagabihan ay hindi makatulog si Celine. Naisip niyang mag research tungkol sa BPO dahil talagang napukaw nito ang atensyon niya. Marami naman siya nakitang mga post tungkol dito at namangha naman siya sa komento ng ibang mga tao na maaari kang makapasok dito kahit hindi ka graduate at pwede ka rin kumita ng mas malaki. Na excite siya at sa isip niya ay gusto niya ito subukan.
Naghanap pa siya at nakita nga niya na totoo ang sinasabi ni Darwin, maraming kumpanya na malapit lang sa condo na tinutuluyan niya ngayon. Buo na ang loob niya, magpapaalam siya kay Darwin na maghahanap ng trabaho habang nasa poder siya nito.
Pagkagising ni Darwin ay nakita niya si Celine na nagluluto ng agahan. Nakahanda na rin ang kanyang kape sa bagong mug na nakuha nila kahapon. Kabisado na ng dalaga ang oras ng kanyang gising kaya naman pag lumalabas siya ng kwarto ay halos handa na ang kakainin niya. Lihim siya napangiti. Pakiramdam niya ay mayroon siyang mapagmahal na asawang nag aasikaso sakanya bago pumasok sa opisina.
Pakiramdam ni Celine ay may mga matang nakatingin sakanya. Pagpihit niya ay nakita niya si Darwin na nakangiti habang nakatingin sa ginagawa niya. Bumilis naman ang t***k ng puso niya. "lahat ba ng mayayamang bagong gising ganyan agad kagwapo haaay" Binasag naman niya ang katahimikan.
"Maupo ka na, ngumingiti ka na mag isa mukang nalilipasan ka na naman" wika niya sa lalaki. Natatawa naman itong naupo sa hapag.
Ipinaghain niya na ang lalaki at nagsimula na itong kumain. Natutuwa siyang makita na magana ito indikasyon lamang na nagustuhan nito ang hinanda niya.
"Ahm Darwin, ok lang ba kung habang nandito ako ay maghanap aq ng trabaho?"
Nag angat naman ng tingin ang lalaki bago siya sinagot.
"Oo naman. Gusto mo ba tulungan kita?
"Nako huwag na maabala pa kita. Kaya ko na. May mga nakita na rin naman akong aaplyan at malapit lang dito" masaya niyang tugon.
Nginitian naman siya ng lalaki at tumango.
Pagkaalis ng lalaki ay nagsimula ng maglinis si Celine. Ngayong araw ay mag aapply na rin siya. Susulitin niyang dito pa siya nakatira para makatipid sa pamasahe. Ang mga target niya naman applyan ay walking distance lang. Pagkatapos maglinis at inayos niya na rin ang kanyang sarili at inihanda ang mga dadalhin sa paghahanap ng trabaho. Lalabas na sana siya ng bahay ng mapansin niya ang papel na nakapatong sa center table. Kinuha niya ito at binasa "Goodluck sa pag aapply mo. Alam ko makakahanap ka agad ng trabaho. I want to treat you lunch kaya lang Im busy. Please eat well" may smiley pa ito sa dulo. Napansin niya rin ang isang libong pisong nakaipit kasama ng sulat. "Haaay grabe talaga ang lalaking yon. Parang panaginip na nagkaroon ako ng kaibigang gaya niya" masaya naman si Celine na umalis ng bahay.
Narating naman niya ang kumpanyang aapplyan. Ipinasa niya ang kanyang resume at matapos ang initial interview ay may mga exam na kailangan niya ipasa. Natutuwa rin siya dahil may mga nakakausap siyang ibang aplikante. Dahil matagal ang proseso ng application ay sinabihan muna silang kumain. Kasama niya ang nakilalang dalawang dalaga na sina Rina at Lanie. Gayundin ang isang lalaki na ang pangalan ay Mon. May mga experience na ang mga ito sa ganoong trabaho kaya kahit pano ay nakakakuha siya ng tips. Pagkatapos kumain ay bumalik na sila sa kumpanya..Hindi niya namalayan na inabot na pala siya ng gabi. Alas otso na at hindi pa siya nakakauwi. Inaantay niya pa ang final interview. Kinuha niya ang cellphone at nag text sa lalaki. "Sorry hindi pa ko tapos mag apply. Hindi pa ko makakauwi. Nagluto na ko kanina bago umalis, initin mo nalang."
Agad namang kinuha ni Darwin ang cellphone ng mag vibrate ito. Kanina pa siya nag aalala sa dalaga dahil anong oras na ay wala pa ito. Nang mabasa niyang hindi pa ito makakauwi ay nawalan na rin siya ng gana kumain. Akala niya pa naman ay makakapag kwentuhan sila ng dalaga.