Chapter 8

1136 Words
Walang gana kumain si Darwin. Sanay naman siyang mag isa ngunit ngayon na hindi niya kasabay kakain ang dalaga ay parang nawawalan siya ng gana. Marahil ay masyado na siyang nasanay sa presensya nito..Kumuha siya ng ilang bote ng beer at naupo sa upuan na nasa terrace ng condo. Tanaw na tanaw niya ang mga ilaw sa siyudad. Nakakailang bote na siya ng marinig na may pumasok sa pintuan. Marahil ang dalaga na iyon. Masayang umuwi si Celine. Worth it lahat ng pagod at paghihintay niya dahil natanggap siya sa trabaho. Sa susunod na linggo ay simula na ng kanyang training. Kasama din niyang natanggap ang tatlong bagong kakilala na kasama niya kanina. Ngunit pagpasok niya sa bahay ay patay ang ilaw. Mukang wala si Darwin. Nakaramdam siya ng konting lungkot. Balak pa naman sana niyang ikwento dito ang tagumpay niya ngayong araw. Pumasok na siya sa kwarto at nagbihis. Naka suot siya ng maikling shorts at sando. Wala na rin siyang gana kumain dahil naisip niyang wala naman siyang kasabay. Hindi na rin niya binuksan ang mga ilaw. Nauuhaw siya kaya nagtungo siya sa kusina para kumuha ng tubig. Binuksan niya ang ref at nagsasalin ng tubig ng may marinig siyang tinig. Halos mabitawan niya ang hawak na baso dahil sa sobrang gulat. Naglakad si Darwin papasok sa bahay ng makita niya si Celine sa kusina. Naiilawan ito ng ilaw mula sa nakabukas na ref. Bahagya itong nakayuko. Maikli ang shorts nito kaya naman tumambad sakanya ang mapuputing hita ng dalaga. Hindi niya alam kung epekto lang ba ng alak kaya mainit ang pakiramdam niya. Saglit niya munang tinitigan ang dalaga saka siya nagsalita. "Andito ka na pala" Halos mapatalon naman ang dalaga dahil sa gulat. Ang buong akala niya ay wala ang lalaki. Napaka ikli pa naman ng suot niyang shorts. Kung bakit naman kasi hindi ito nagbukas ng mga ilaw. "Papatayin mo ba ko sa takot?" sagot niya rito. Bahagya naman natawa ang lalaki. "Bakit hindi ka manlang nagbukas ng ilaw? akala ko tuloy wala ka" nagsesermon pa rin ang tinig ng dalaga. Lumapit naman sakanya ang lalaki at inilapit ang muka sakanya "bakit namiss mo ba ko?" Ngunit imbes na sagutin ay inilapit pa lalo ng dalaga ang kanyang muka sa binata na tila ba inaamoy siya nito "nakainom ka ba?" Hindi na makakilos si Darwin, napakalapit ng muka ng dalaga sakanya. Lalo siyang nag iinit at bumibilis ang t***k ng kanyang puso. "Hooy ok ka lang? hindi ka manlang nagyaya" nagtatampong tinig ni Celine. Napangiti naman si Darwin. "Tara" at kumuha pa siya ng ilang bote ng alak sa ref. Sumunod naman si Celine sa lalaki ngunit napaangat ang kilay niya ng pumasok ito sa kwarto. Ngayon lang siya makakapasok sa kwarto ng lalaki. Nagulat pa siya dahil napakalinis non. Halatang masinop ito. May sliding door doon papunta sa terrace. Manghang mangha siya sa ganda ng view mula doon. Tanaw na tanaw ang ilaw ng syudad. "Wooow ang ganda naman dito" wika niya. "Maupo ka" tugon naman ni Darwin. Naginh masaya ang kanilang gabi. Tawanan. Kwentuhan. At hindi na rin nila namamalayan na nakakarami na sila ng inom. Masaya niyang ikinwento sa lalaki ang pagkaka tanggap sakanya sa trabaho. Kumikislap pa ang mata niya habang nagsasalita. Masaya naman ang lalaki para sakanya. Nahihilo na si Celine dahil sa dami ng kanyang nainom. Hindi na rin maayos ang pagkakaupo niya. "Antok na ko" mahinang sabi niya halos pikit na ang mga tama. Tumayo naman si Darwin at lumapit sa dalaga.. Aalalayan niya ito papunta sa silid nito. Tinulungan niya itong tumayo ngunit dahil sa kalasingan ay napayakap ito sakanya. Sandali pa nitong isinandal ang ulo sa dibdib niya. Bumalik naman kay Darwin ang araw na una niyang nakita ang dalaga. Ganitong ganito rin yon. Hinayaan naman ni Darwin na nasa ganong ayos muna sila. Kahit siya ay naguguluhan sa nararamdaman tuwing kasama niya ang dalaga. Masaya siya pag kasama ito at namimiss niya naman tuwing hindi niya ito nakikita. Hinahaplos niya ang buhok ng dalaga ng marinig niya itong magsalita. "Darwin... thank you ah" saglit pa itong nagtaas ng tingin at dinampian siya ng halik sa labi. Saglit lang iyon. Ngunit parang may mainit na kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao ni Darwin.. Hindi na siya nakapagpigil pa. Dinampian niya ng halik sa labi ang dalaga. Nang hindi ito umatras ay lalo siyang nag init. Naging mapusok ang halik niya at nararamdaman niyang gumaganti na rin ito ng halik. Sabik na sabik siya sa mga labi nito. Kung pwede nya lang yon isubo ng buo. Ang mga kamay niya naman ay naglalakbay sa katawan ng dalaga. Para siyang halimaw na gutom na gutom. Nagawa niya na rin iangat ang damit nito at tanggalin ang lock ng kanyang bra. Napaigtad naman ang dalaga ng bahagya niyang pisilin ang kaliwang dibdib nito. Parehas silang hinihingal ng matapos ang halik na yon. Ngunit hindi na kayang pigilan ni Darwin ang sarili. Binuhat niya si Celine at ipinasok sa kanyang silid. Maingat niya itong ihiniga sa kanyang kama at muling siniil ng halik habang ang kanyang mga kamay ay malayang hinahaplos ang malusog nitong dibdib. Bumaba ang kanyang halik sa leeg nito. Nararamdaman niya namang nagugustuhan ito ng dalaga. Akmang aalisin niya na ang damit nito ng biglang nag ring ang kanyang cellphone. Parehas naman silang nagulat. Para silang binuhusan ng malamig na tubig. Tila bumalik sa katinuan si Celine. Inayos niya ang kanyang damit at umalis sa ilalim ng lalaking kaharap. Kahit sya ay nagulat sa mga ikinilos niya. Ni hindi siya tumutol ng ihiga siya nito sa kama. Kahit kailan ay hindi siya nagkanobyo. Ito ang unang lalaking nakahalik sakanya at humawak sa katawan niya. Naguguluhan siya sa nangyayari sakanya kaya minabuti niya na lisanin nalang ang silid na iyon. Patakbo siyang umalis at nagkulong sa kanyang silid. Naiwan namang tulala si Darwin. Hindi rin siya makapaniwala sa nangyari. Nag aalala siya na baka natakot sakanya si Celine kaya ito tumakbo palabas. Kinuha niya naman ang kanyang cellphone para tingnan kung sino ang tumawag. Si Rhianne. Ilang araw na siyang tinatawagan nito at nagmamakaawa na kausapin siya. Ngunit ayaw niya ng makita ang dating kasintahan. Para sakanya ay tapos na sila at wala siyang balak na balika pa ito. Pagpasok sa silid ay nahiga si Celine sa kama. Hinawakan niya ang kanyang pang ibabang labi. "shocks! we kissed and we almost make love" nang maisip niya ang salitang love ay natigilan siya. "impossible. Walang love. Nadala lang kami sa alak" sa pag iisip nito ay medyo kumirot naman ang kanyang puso. Gusto sana niyang umasa na gusto siya ni Darwin ngunit alam niyang malabo iyon dahil napaka layo ng agwat nila sa buhay. Hindi niya maaaring kalimutan kung bakit nandito siya. Dahil sa utang na loob. Isa siyang katulong. At tuluyan na nga siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD