Chapter 9

1206 Words
Maaga nagising si Celine para maghanda ng breakfast for Darwin dahil papasok ito sa opisina. Her head is aching so bad dahil sa dami ng nainom niya kagabi. Idagdag pa ang nangyari sakanila. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang binata. She started doing her chores one hour earlier than the usual. "Tama, para bago pa siya magising ay tapos na ko magluto. Pwede na ko magkulong sa kwarto" naisip niya. Binilisan niya ang kilos at natapos din agad siya. Nang marinig niya ang alarm ng cellphone ng lalaki ay patakbo siyang pumasok sa kanyang silid. Pinatay ni Darwin ang kanyang alarm ngunit lumipas muna ang sampung minuto bago siya bumangon. "Anong gagawin ko pag nagkita kami" tanong niya sa sarili. Naging mapusok siya kagabi at hindi napigilang halikan ang dalaga. Lumalim pa ang kanyang halik at muntikan ng may mangyari sakanila. Para siyang lumulutang habang inaalala ang nangyari. Ngunit nag aalala din siya dahil pakiwari niya ay natakot ang dalaga. Maya maya pa ay lumabas na siya ng silid. Nakita niyang handa na ang pagkain sa lamesa ngunit wala ang dalaga. Iba rin ang ginamit nitong tasa para lagyan ng kanyang kape. "Umalis kaya siya?". Tahimik siyang naupo at kumain. Pagkatapos mag almusal ay inayos niya na ang kanyang sarili at lumabas ng bahay. Gusto pa sana niya magpaalam sa dalaga tulad ng madalas niyang gawin ngunit hindi niya ito nakita. Nang marinig ni Celine na sumara ang pintuan ng bahay ay saka siya lumabas ng kwarto. Dali-dali siyang nagtungo sa banyo. "Grabe antagal niya umalis puputok na yung pantog ko". Hindi niya na nagawang magbanyo kanina dahil tumakbo na siya patungo sa kanyang silid. Laking gulat niya naman dahil paglabas ng banyo ay nasa kabahayan si Darwin. Bumalik pala ito dahil may naiwang file sa kwarto. "Nandito ka pa pala, akala ko nakaalis ka na" wika niya dito. "So, nandito ka lang sa bahay the whole time pero hindi mo ko sinabayan mag agahan?" tanong sakanya ng binata. "Ah may ginawa kasi ako sa kwarto kaya hindi na ko lumabas para kumain. Sige ah, ingat pagpasok sa work" aalis na sana siya ng bigla itong magsalita. "Celine, are you avoiding me because of what happened last night?" Halos malaglag ang panga ni Celine dahil sa diretsong tanong ng binata. "Ofcourse not. Nakainom tayo so may mga bagay na nawawalan tayo ng control. Kalimutan nalang natin" pinilit pa niyang ngumiti para itago ang kabang nararamdaman. May kurot sa dibdib namang naramdaman si Darwin dahil sa sinabi ng dalaga. "damn! she just wanted to forget it? Yung ibang babae halos maghubad sa harapan ko para lang makasama ako sa kama pero siya kakalimutan nalang? Ganto ba talaga siya" Dahil sa narinig ay hindi na napigilan ni Darwin ang inis "ok, seems like sanay ka naman sa ganong sitwasyon kaya andali lang sayo kalimutan, aalis na ko" at tuluyan na nga itong nawala sa paningin nya. "s**t Celine! ano ba yung sinabi mo. Haaay kung alam niya lang na first time ko kaya ako ganto" Dalawang araw ang lumipas at hindi pa niya nakikita si Darwin. Hindi ito umuwi sa condo kaya naman ay nakaramdam siya ng lungkot. Hindi siya sanay na nag-iisa. Nasanay siyang araw-araw itong umuuwi at sabay sila kumakain. Pero dalawang araw na ay wala manlang itong paramdam sakanya. Naisip niya itong tawagan ngunit naisip niyang isa lang naman siyang maid at hindi obligasyon ng kanyang amo na mag report sakanya. "Haaaay diba gusto mo iwasan? Ayan, hindi ka na inuwian. Happy?" himutok niya sa sarili. Simula na ang kanyang training sa trabaho. Alas tres ng hapon ang kanyang pasok kaya madaling araw na siya makakauwi. Naisip niyang mas maganda na rin iyon para hindi sila magtagpo ng lalaki pag umuwi ito sa bahay. Bago siya pumasok ay nagluto na siya ng hapunan at inilagay iyon sa ref. Nag iwan nalang siya ng notes para sa lalaki. Unang araw niya sa trabaho at gusto niyang mag iwan ng maayos na impresyon sa lahat. Nagbihis siya ng maayos. Hindi naman daw nila kailangan mag formal attire kaya nagsuot lamang siya ng maong pants, pink na blouse at flat shoes. Naglagay din siya ng mainipis na make up na lalong nag angat sa kagandahan niya. Matapos ayusin ang sarili ay nagtungo na siya sa trabaho. Masaya siya dahil may tatlo na agad siyang kakilala sa kanilang batch. Lagi silang magkakasama nila Rina, Lanie at Mon. Maging sa breaktime ay magkakasabay din silang kumain. Tinuturuan din siya ng mga ito tuwing may mga hindi siya maunawan. Magaan ang naging unang araw niya sa trabaho maliban nalang sa nararamdaman niya ang pagkairita sakanya ng kanilang trainer. Maganda rin itong babae. Humahanga siya sa tuwing nagsasalita ito dahil ramdam niya na full of confidence ito. Subalit tuwing siya na ang tatawagin ay mararamdamang inis lagi ito. Inisip niya nalang na marahil ay iniisip nitong mahirap siya matuto lalo nat first time niya sa ganitong trabaho. Pasado alas nuebe na nang makauwi si Darwin. Madilim ang kabahayan at napansin niyang walang tao. Nakaramdam siya ng lungkot dahil hindi niya nakita ang dalaga. How he missed her. Tatlong araw siyang hindi nakauwi dahil kinailangan niyang makipagkita sa kanyang pamilya dahil nalaman na ng mga itong hindi tuloy ang kasal niya. Nagalit ang kanyang ama dahil boto ito kay Rhianne at matalik na kaibigan din nito ang ama ng dalaga. Sinabihan pa siya nito na pag isipang muli at iconsider ang kanilang pinagsamahan. Mabuti na lamang at kakampi niya ang kanyang ina at suportado ang kanyang desisyon na hiwalayan ito. "Hindi kita binuhay para lokohin lang ng ganyang klaseng babae. Kung masyadong boto ang papa mo sa babaeng yon ay sila ang magsama!" naaalala niyang sabi ng kanyang ina na nagpatahimik naman ng tuluyan sa kanyang ama. Wala na itong nagawa nang magtaas ng boses ang kanyang ina. Gusto niya sanang makipag kwentuhan sa dalaga ngunit wala ito. Kung alam lamang nito kung gaano siya nag alala lalo nat nag iisa lamang ito sa bahay. Nagtungo siya sa kusina at nakita ang note na iniwan ng dalaga. "Ngayon na pala ang simula niya sa trabaho. Magkakaroon na siya ng ibang mundo" malungkot na wika niya sa sarili. Hindi niya na rin naisipang kumain at nagtungo na lamang sa kanyang silid para magpahinga. Wala siyang gana lalo at hindi niya ito kasabay kumain. Pag uwi sa bahay ay napansin ni Celine na bukas na ang mga ilaw. "umuwi na pala siya" ngunit hindi na siya nag abalang tawagin pa ang lalaki dahil 12:30 na ng madaling araw. Marahil ay mahimbing na itong natutulog. Dumiretso naman siya sa kusina para sana maghugas ng kinainan nito ngunit ganon na lamang ang lungkot niya ng makitang malinis ang lababo. Wala na ang sulat na iniwan niya ngunit hindi naman nito kinain ang niluto niyang hapunan. "Haaay sayang effort. Pero wala tayong karapatang magalit, maid lang tayo" uminom lamang siya ng tubig at pumasok na sa kanyang silid. Ang gutom na nararamdaman niya kanina ay parang biglang naglaho. Nakatulog naman siya agad dahil sa pagod. Hindi naman siya napagod sa mismong trabaho ngunit pakiramdam niya ay pagod na pagod ang utak niya dahil sa dami ng kailangan niyang tandaan at pag aralan sa trabaho... "information overload"..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD