Rest day ni Celine sa trabaho. Isang linggo na simula ng kanilang training at masasabi niyang marami na siyang natutunan. Na build rin lalo ang self-confidence niya. Noong una ay nahihiya pa siya tuwing may makakasabay na mayayaman sa elevator ng building ngunit ngayon ay natural na sakanyang nakakasalamuha ang mga iyon. Nag improved din ang kanyang pananamit at pag aayos sa sarili dahil kina Lanie at Rina. May usapan sila ngayong araw na kakain sa labas para icelebrate ang kanilang unang sahod. Kahit paano daw kasi ay kailangan nilang i treat ang kaninang sarili para mas maapreciate ang pagsusumikap nila sa trabaho.
Alas otso ng umaga ng lumabas siya sa kanyang silid. Nasanay na rin siyang hindi nakikita ang lalaki dahil magkaiba ang kanilang oras. Pagtapos niya maghanda ng almusal nito ay pumapasok na siya sa kanyang silid para bumalik sa pagtulog at gigising na lamang siya dalawang oras bago ang kanyang pasok para naman maghanda ng hapunan nito at maghugas ng mga plato. Ngunit dahil rest day niya ngayon ay maaga siya lumabas ng kwarto. Naghugas siya ng mga plato at naglinis ng bahay. Pagkatapos at naligo na rin siya dahil bago mananghalian ang usapan nila.
Nagsuot siya ng floral na bestida na hanggang ibabaw ng tuhod. Hapit na hapit ang kanyang bewang at kitang kita ang kurba ng kanyang katawan. Hinayaan niya lang na nakalugay ang kanyang mahaba at tuwid na buhok. Naglagay din siya ng manipis na make up pink na lipstick. Paglabas niya ng kwarto ay nakita niyang nakaupo sa sala si Darwin. Bahagya pa siyang nagulat ng makita itong muli. Gustong tumalon ng kanyang puso dahil sa totoo lang ay miss na miss niya na ito. "kung pwede lang kita yakapin kanina ko pa ginawa" sambit niya sa kanyang utak.
Halos matulala si Darwin sa babaeng kaharap. Pakiramdam niya ay lagpas sampung taon niya itong hindi nakita. Gusto niya sana itong yakapin at muling halikan ngunit baka matakot ito sakanya. Lalo pang bumilis ang t***k ng puso niya ng makita ang ayos nito. "bakit sobrang ganda niya"
"Aalis ka?" kaswal na tanong niya rito.
"Oo kakain kami sa labas ng mga katrabaho ko. Hindi ko alam na nandito ka, hindi tuloy ako nakapagluto ng pananghalian mo" tugon ng dalaga.
Tila nakakita naman siya ng dahilan para makasama ito. Sa itsura ng dalaga ay siguradong luluwa ang mata ng mga kalalakihan pag nakita ito. At hindi siya papayag na may makalapit dito.
"Saan kayo kakain? Sumama nalang kaya ako sayo tutal wala naman akong pagkain dito" bahagya pa siyang ngumiti na parang bata pagkasabi nito
Nagulat naman si Celine sa sinabi ng binata. Ngunit may point naman ito. Kasalanan niya kung kaya wala itong pagkain at siguradong matatagalan rin siya kung ipagluluto niya pa ito.
"Sige kung gusto mong sumama ok lang. Kaya lang baka hindi mo magustuhan yung pupuntahan namin" sagot niya rito.
"Hindi naman ako mapili. Saglit at magbibihis ako" at agad naman itong tumayo at nagtungo sa silid.
"Girl, grabe ka! bakit hindi mo naman sinabing may boyfriend kang ganyang ka gwapo" halos nanggigigil na sabi sakanya ni Rina.
"Oo nga girl, ang tangkad pa. Nako baka kanin nalang ang iorder ko pwede na yang ulam!" exaggerated namang sabi ni Lanie.
"Hoyy grabe baka marinig kayo. Hindi ko yan boyfriend." sagot niya sa mga ito.
Nakangiti naman si Darwin habang naririnig ang bulungan ng mga kaibigan ng dalaga. Sanay naman siyang makarinig ng compliments sa mga tao dahil sa physical appearance niya ngunit iba ngayon dahil galing iyon sa mga kaibigan ni Celine.
"Hello, ka work ako ni Celine. Mag BFF kami sa trabaho. Sabi niya dati wala siyang boyfriend. Pwede malaman kung ano ka niya?" tanong sakanya ni Lanie habang nagpapa cute pa ito.
Sasagot na sana si Celine at sasabihing amo niya ito ngunit agad namang nagsalita ang lalaki.
"Kaibigan niya ko" tiningnan niya ito saglit at ngumiti pa kay Lanie.
Sa isang mall sa Cubao sila nagpunta. Kasalukuyan silang nag uusap usap kung saang restaurant kakain nang biglang magsalita ang lalaki.
"Pili kayo kahit saan, my treat"
Napatili naman ang mga kaibigan ni Celine sa sinabi ng binara.
"Girl hindi lang siya pogi, galante pa. Mahal ko na siya" malanding sabi ni Rina.
Natawa naman silang lahat sa sinabi ng dalaga. Lumapit naman siya sa binata.
"Nakakahiya naman, hindi mo naman kami kailangan ilibre" wika niya dito.
"Okay lang, hindi naman kita na treat nung natanggap ka sa trabaho. Hayaan mo na ko dito" nakangiting sagot nito.
Halos matunaw naman ang puso niya dahil sa gesture nito. Palagi siyang inaalalayan sa pagsakay sa escalator at paglalakad. Kahit ng kumain sila ay ito pa ang naglalagay ng pagkain sa plato niya. Nakikita niyang maraming kababaihan ang halos mabali ang leeg kakatingin sa gwapong lalaking kasama niya kaya lihim syang napapangiti lalo na at ang buong atensyon nito ay nasakanya.
"Manood daw tayo ng sine sabi ni Mon. Sagot niya na daw ang tickets. Aantayin niya daw tayo sa 4th floor" wika ni Rina.
Medyo napataas naman ang kilay ni Darwin. ,"Mon? pangalan ng lalaki yun ah. So may kasama silang lalaki. Mabuti nalang sumama ako."
Nang marating nila ang 4th floor ay nagpaalam munang bibili ng popcorn si Darwin. Nakatayo naman silang tatlo ng biglang lumapit sakanila si Mon. May kasama din itong dalawa pang lalaki na mga kaibigan daw nitong nagta trabaho rin sakanilang kumpanya. Ipinakilala sila nito sa isat-isa. Magiliw naman nila itong kinausap lalo ng malaman nilang katrabaho nila ang mga ito.
Sa di kalayuan ay nakatanaw naman si Darwin sa mga ito. Kitang kita niya kung pano titigan ng mga lalaking dumating si Celine. Mula ulo hanggang paa animoy ine eksamin nila ang dalaga. Nakuha pa ng mga itong makipag kamay. Nilapitan niya ang mga ito at iniabot kay Celine ang binili niyang popcorn at drinks. Nagulat naman ang mga lalaki partikular si Mon dahil sa pagsulpot niya.
"May kasama pala kayo" wika ni Mon.
"Oo, si Darwin nga pla kaibigan ko" sagot naman si Celine.
"Kaya lang, paano kaya yan. Anim na tickets lang ang binili ko. Akala ko kasi tayo tayo lang" tiningnan pa nito si Darwin habang nagsasalita.
"Its ok. I can buy my own ticket" wika naman ng binata.
Pagpasok sa sinehan ay ramdam ni Darwin na mainit ang tingin sakanya ni Mon. Marahil ay naiinis ito na naroon siya lalo na at halata naman dito na nais nito pormahan si Celine. Tumabi pa ito sa kinauupuan ng dalaga kaya naman ay nakipagpalit siya ng upuan dito para maiiwas sa binata.
"Celine, medyo hindi ako kumportable dito sa upuan ko. Ok lang bang palit tayo?" bulong niya rito ng makaupo sila.
Tiningnan naman siya ng dalaga at agad ring tumayo para makipagpalit sakanya ng upuan. Kita niya naman ang inis sa muka ni Mon dahil sa ginawa niya. Lalo pang nanlisik ang mga mata nito sakanya ng hubarin niya ang suot na jacket at ipatong sa hita dalaga dahil lalong umiksi ang dress nito ng nakaupo na.
Samantala, lalo naman lumakas ang t***k ng dibdib ni Celine dahil sa ginawa ng binata. Pakiramdam niya ay siya ang pinaka magandang babae sa buong mundo dahil sa pag aasikaso nito. Isang linggo niyang hindi nakita ang binata kaya naman ganun na lamang ang saya niya dahil kasama niya ito ngayon. Hindi siya halos makapag concentrate sa palabas lalo na't nakadikit ang braso nito sa braso niya. Malamig ang aircon sa sinehan ngunit pakiramdam niya ay malapit na siyang pagpawisan dahil sa init ng kalooban niya.
"self kalma. Puso huminahon ka huwag kang tatalon please..." kausap niya sa sarili.