Chapter 11

1341 Words
Hindi namalayan ni Darwin na lumipas na nga ang isang buwan at nangangahulugan lamang ito na tapos na rin ang kanilang kontrata. Nagising siyang nagluluto si Celine ng almusal gaya ng araw araw nitong ginagawa. Tahimik lamang siyang nagmamasid dito. Tila ba sinusulit niya ang mga oras na makikita niya ito sa kanyang bahay. Mabigat sa kanyang puso na iiwan siya nito ngunit ayaw niya rin naman itali si Celine sa ganitong trabaho lalo na't nakikita niyang may potensyal ito at angking talino. Sa loob ng isang buwan na pinagsilbihan siya nito ay naging malapit na siya sa dalaga. Kailanman ay hindi niya ito itinuring na kasambahay kundi isang kaibigan. Araw-araw siyang excited umuwi para makita ito subalit lahat ay may katapusan "Gising ka na pala, tara kain na tayo" bati sakanya ng dalaga habang matamis ang pagkakangiti. "Parang andami mong niluto ngayon ah" wika naman niya dito. "Last na breakfast ko na kasi dito. Ang bilis lang ng isang buwan. Pero maraming salamat sa lahat ng tulong mo Darwin. Hindi ko malilimutan lahat ng kabutihan mo sakin" Saglit namang natahimik si Darwin. Ngunit ayaw niya ipahalata ang lungkot na nararamdaman. "Ano ka ba, pwede ka pa rin namang magpunta dito. Laging bukas yung bahay ko para sayo. Lalo na't napakalapit lang nito sa trabaho mo. Pwede ka pa rin umuwi dito kung nais mo." "Nakakahiya na yun kung makikitira pa ko. Pero pag may time ay dadalaw ako sayo. " Matapos mag almusal ay naglinis ng bahay si Celine. Sinigurado niyang walang matitrang kahit isang alikabok. Inilibot niya ang tingin sa buong kabahayan "I will surely miss this place. Pati ikaw Darwin" . Nalulungkot siya ngunit ayaw niya ipaalam sa binata. Iniisip niya nalang ay sa wakas makakasama niya na ulit ang kanyang mga kapatid. Nakapag-impake na siya ng kanyang mga gamit. Magpapaalam na siya sa lalaking tinulungan siya ng hindi nagdadalawang isip. "This is it. Babye na talaga. Hindi ko na makikita ang gwapo niyang mukha araw araw." Pagtapos ay lumabas na siya ng kanyang silid. Nakaupo si Darwin sa sofa habang inaantay siya. May hawak itong sobre. "Celine come here. Eto tanggapin mo." Binuksan ni Celine ang sobre at nagulat sa laman niyon. Limang libong piso. "Darwin para san to? Sobra-sobra na ang naitulong mo saakin" " Nakalagay yan sa kontrata. You will receive five thousand pesos after a month." Saglit naman natigilan si Celine. "Oo nga kontrata. Ayun lang yung gusto niya. To fulfill what's written on it. Nothing more, nothing less." napabuntong hininga naman siya saka pilit na ngumiti. "Sige salamat dito" wika niya. "Ihahatid na kita at huwag kang tatanggi. Please consider this as last favor that I can do for you" ngumiti ito sakanya at tuluyan ng tumayo. Ito na rin ang nagbitbit ng kanyang bag hanggang sa marating nila ang kotse ng binata. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Celine. Pakiramdam niya ay namamahay siya sa sarili niyang tahanan. Isang buwan lamang ang inilagi niya sa bahay ni Darwin ngunit tila ba komportable na siyang manirahan doon. Hindi dahil marangya ang pamumuhay nito ngunit dahil naging parte na ng kanyang pang araw-araw na buhay ang makita at makausap ito. Subalit ngayon ay hindi niya na ito masisilayan. Kailangan niya ng harapin ang realidad at bumalik sa buhay kapiling ang kanyang mahal na mga kapatid. Tumayo siya mula sa pagkakahiga at naisipang iligpit ang kanyang mga gamit. Laking gulat naman niya nang makita ang duplicate key na ibinigay sakanya ni Darwin. "Oh no! hindi ko pala to naibalik sakanya" dali-dali niyang kinuhaan ito ng litrato at isinend sa binata. "Darwin, nakalimutan ko palang ibalik sa iyo ang duplicate keys mo" sandali niyang inantay ang reply ng binata ngunit napansin niya ang oras. Alas onse na ng gabi. "Malamang tulog na yon" naisip niya habang nakaramdam ng kaunting lungkot. Akmang ibababa na niya ang cellphone nang bigla itong tumunog. "Bakit gising ka pa diba restday mo ngayon? You should sleep" reply nito sakanya. Bahagya naman siyang napangiti ng mabasa ang reply nito. "Nagulat kasi ako na nasakin pa pala to. Baka kasi hanapin mo" reply niya rito. " You can keep it. I told you pwede ka magpunta dito anytime. Mas malapit ito sa office mo, if mas convenient for you to stay here, feel free to do so" Magre reply pa sana siya ngunit nag send ulit ito ng message sakanya. "by the way, namiss ko agad yung luto mo. Goodnight" Nakagat nalang ni Celine ang pang ibabang labi habang binabasa ang message ng binata. "Shiit puso! yung luto mo yung namiss hindi ikaw. Huwag ka assuming" "Sige goodnight na" gusto pa sana niyang pahabain ang usapan nila ngunit naisip niya rin na maaga pa gigising ang binata kinabukasan. Lalo at wala na siya, kailangan na nitong muling asikasuhin ang sarili. Darwin's POV "Celine, hindi mo manlang ba ko nami miss? Parang ang hirap matulog sa sarili kong bahay dahil wala ka na dito. Kung pwede lang kita pigilang umalis gagawin ko" Nakatingin lamang siya sa kisame habang nakahiga sa malapad niyang kama. Nami miss niya ang dalaga ngunit tila ba wala siyang lakas ng loob na tawagan o ichat man lamang ito. Sanay siya manligaw ng babae. Ngunit mas sanay siya sa mga babaeng kusang loob na lumalapit sakanya. Pagdating sa dalaga ay tila siya nauutal, kinakabahan at hindi malaman ang gagawin. Gusto niya sanang subukan na ligawan ito subalit tila napakailap nito sakanya. Tila ba wala siyang epekto dito at hindi siya sanay sa ganoong pakiramdam. Siya si Darwin dela Vega na pinapangarap ng napakaraming kababaihan ngunit tila hindi siya makita ng mga mata ni Celine. Few months passed at nagkaroon na nga sila ng kanya kanyang buhay. Celine got very busy in her work and she really performed well. Her performace became obvious and got an email from her supervisor. "Congratulations Celine! Because of your outstanding performance, we are very much happy to tell you that you are now promoted as Junior Team Lead..." Hindi maipaliwanag ni Celine ang saya. Finally, lahat ng efforts niya nagbunga na ngayon. Hindi man siya nakapagtapos sa pag aaral pakiramdam niya ay kahit pano, may laban na siya sa buhay. Mayroon na siyang narating at may mga taong naka appreciate ng kaya niyang gawin. Hindi na siya makapag hintay na ikwento sa mga kapatid ang natanggap niyang balita. Sumagi naman sa isip niya si Darwin "Sayang, gusto ko rin sanang ikwento sakanya, kaya lang baka busy. Antagal na rin mula nung huli kaming nagkausap. Magiging proud kaya siya sakin?" napabuntong hininga naman siya sa naisip. Naputol ang kanyang pag-iisip nang tawagin siya ng isang katrabaho. "Celine! pinapatawag ka ni Ma'am Florence" "Thank you Lena, sige pupunta na ko don" Sa harap niya ngayon ay ang kanyang mabait na supervisor na si Florence. Nasa 50's na ito ngunit hindi mahahalata sa pangangatawan. Fit pa rin ito at mahusay magdala ng damit. Napakabait nito at napaka professional sa trabaho. Isa ito sa mga humubog sakanya kaya lalo pa siyang naging magaling sa trabaho. "Have you received my email?" tanong sakanya ni Florence. "Yes maam, sobrang thank you po. Hindi ako makapaniwala. Para parin po akong nananaginip hanggang ngayon." masayang sabi ni Celine. "Well, you deserve it. Kaka regular mo palang pero kahit dati pa I really appreciate your attitude towards your work, your dedication and your willingness to learn and to improve. I'll never forget those days na kahit rest day ko ay mine message mo pa ko kapag may hindi ka maintindihan." bahagya pa itong natawa nang alalahanin ang nakalipas. "Again, congratulations and Im really happy and proud of you. For your training as Junior Team Lead, it will start next week. You'll get a new schedule which is 8AM to 5PM. Dont worry kasi mabait naman ang magte train sainyo, he is from other branch and on the day ng training nyo na siya makikilala" Saglit pa silang nag usap bago tuluyan na itong magpaalam na uuwi. Bumalik naman si Celine sa kanyang mesa at itinuloy ang trabahong naiwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD