Chapter 12

1165 Words
Unang araw ng training ni Celine as Junior Team Lead ng kanilang kumpanya. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman niya. Maagang siyang umalis ng bahay upang masigurado na hindi siya maiipit sa traffic lalo na't araw ng Lunes ngayon. Excited rin sya dahil makikita niya ang kanyang mga unang kaibigan sa kumpanya na sina Lanie, Rina at Mon. Ilang buwan na rin kasi nang malipat ang mga ito sa pang umagang shift kaya naman hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na magkasabay kumain at mag bonding. Maayos naman ang naging simula ng training. Tatlo silang napili para sa position na Junior Team Lead. Mabilis nakasundo ni Celine si Alex. Dahil na rin siguro sa napaka friendly na awra nito at sa pagiging palabiro at mga kabaklaan na sinasabi nito. Tila ba hindi ito nauubusan ng energy sa pagpapatawa kaya naman hindi naging boring ang training na iyon. Ngunit kung may nakasundo siya ay meron din naman na halos tingnan siya mula ulo hanggang paa. Iyon ay si Victoria. Mas matagal na ito sa kumpanya ngunit ngayon lamang na promote dahil may attitude ito. Pakiramdam niya ay siya ang pinaka maganda sa lahat ng empleyado kaya naman walang preno ang bibig nito sa panlalait ng mga katrabaho. May usap usapan din na nakikipag relasyon ito sa mga boss kahit na may asawa pa para lamang ma maintain ang magandang status sa kumpanya. Madalas napapansin ni Celine na masama ang tingin sakanya ng dalaga at tila ba hinuhusgahan siya nito sa mga tingin palang. Nang lunch break ay nakipagkita siya sa kanyang mga kaibigan sa pantry. Halos hindi sila magkamayaw sa kwentuhan, tawanan at kamustahan. Wala pang taon na magkakakilala sila ngunit tila ba matagal na silang magkakasama. Dumagdag pa ang baklang si Alex na ipinakilala niya sa mga kaibigan kaya naman hindi na sila natigil sa kakatawa dahil sa mga jokes nito Hindi naman nakaligtas kay Alex ang maya't mayang pagsulyap ni Mon kay Celine. "Alam mo ba papa Mon, nung nakita kita sabi ko sa sarili ko 'Siya na' kaya lang hindi ako yung type mo e" sabay kindat sa lalaki. Sabay sabay naman silang napatingin kay Mon dahil sa sinabi ni Alex. "Ano ka ba Alex, single yan si Mon. Wala kang kaagaw diyan. Fight lang beks" biro naman ni Rina. Tila nagda drama naman sa isang teleserye ang boses na sumagot si Alex. "Hindi mo ko naiintindihan Rina. Hindi niya na kailangan magsalita. Sa mga tingin niya, sa mga sulyap. Hindi pa ko lumalaban pero talong-talo na ko". "Bakla ka ng taon, ano ba kasi sinasabi mo?" tanong naman ni Lanie. "Mga bakla kayo, obvious naman, bet ni Mon si Celine girl" diretsong wika niya sa mga kaharap. Saglit silang natigilan at napalingon kay Mon na tahimik lamang at hindi manlang itinaggi ang sinabi ni Alex. Habang si Celine naman ay halatang nagulat ngunit pinili na rin na manahimik upang hindi maging awkward ang sitwasyon. Matapos ang lunch break ay bumalik na si Celine at Alex sa kanilang training ngunit hindi pa rin tinatantanan ni Alex ng kakatanong si Celine kung may pag-asa ba sakanya si Mon kung sakaling manligaw ito. "Girl ano? bet mo rin ba si papa Mon? If manligaw siya sayo girl sasagutin mo?" "Alam mo Alex, ikaw talaga hindi naman sinabi ni Mon na gusto niya ko. Ikaw lang nang aasar don ano ka ba. Tigilan mo nga yan." saway niya dito. "Haay nako girl, bakla ako malakas ang radar ko. Hindi ko yun sasabihin kung hindi ko napapansin. And girl, hindi siya nag deny. So it's really true. Pero girl, sabi ko sayo, gwapo si papa Mon. Papable talaga." "Hindi ko naiisip yan. Kaibigan ko siya, tapos." "Ay yung mga ganyang sagot girl alam ko yan. Meron ka nang someone special dyan sa imong heart." halos mapatili pa ito sa pagkakasabi. Natawa naman si Celine sa kaibigan. Pero ang totoo, si Darwin ang pumasok sa isip niya. Matagal niya nang hindi nakita ang binata. Wala rin siyang balita kung kamusta na ito. Ni hindi na ito nagparamdam manlang sakanya. Ayaw niya naman mauna mag text dahil ayaw niyang magmukhang cheap at naghahabol dito. Maya maya pa ay nagsimula ng muli ang kanilang training kaya naman pinilit ni Celine na alisin sa isip ang binata at mag focus nalang sa mga itinuturo. Makalipas ang dalawang linggo ay ganap ng Junior Team Lead sina Celine. Permanente na rin siya sa pang umagang schedule kasama si Alex kaya naman madalas niya na rin nakakasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan sa trabaho. Ngunit hindi niya inaasahan ang narinig na balita mula sa kaibigan. "Girl, narinig mo na ba yung tsismis?" malungkot na wika ni Alex. "Puro ka tsismis beks, ano ba yun?" "Hoy bakla ka, reliable yung source ko. Hindi mo ba talaga nabalitaan? Ito daw kumpanya, last Month pa pala naibenta. Ang usap usapan girl magbabawas sila ng tao" halos naiiyak na sambit ng kaibigan. "Beks seryoso ka ba? Kaka promote pa lang natin. For sure kung may babawasin, makakasama tayo. Sana beks hindi totoo, sobrang saya pa naman ng mga kapatid ko nung na promote ako" worried na rin si Celine dahil sa nakikitang reaksyon sa mukha ng kaibigan. "Girl I told you reliable yung source ko. Kasi sabi one of these days, ipapakilala na daw yung bagong may ari. Sobrang mahigpit daw yun." "Hayaan mo na, basta hanggang wala namang announcement na aalisin tayo o ayaw ng bagong management satin, mag trabaho lang tayo ng maayos and give our best. Kaya natin to." para silang mga bata ba naghawak pa ng kamay habang nag uusap. "Anong ginagawa niyong dalawa? Panay kayo tsismis. Kung nagta trabaho nalang kayo nang maayos baka sakaling ma retain kayo" sarkastikong sabi sakanila ni Victoria. "Aswang ka ba? kung san san ka sumusulpot. Inggit ka lang wala gusto kumausap sayo" inis naman na sagot ni Alex sa babae. "Hoy bakla, tingnan mo nga itsura mo sa salamin. Sino kaya satin yung mukhang aswang. Alam mo bang ang ganda ng mood ko nung narinig ko yung news? For sure kasi hindi ko na kayo makakasama sa mga susunod na araw" nakangiting pang aasar nito sa dalawa. "Alam mo Victoria hindi naman ako magtataka kung alam mo agad yung news at kung ikaw yung ma retain. Syempre, kapit na kapit ka sa malakas diba? Kung ako sayo huwag mo nang antayin na ipagsigawan ko pa kung anong klaseng malakas yung kinakapitan mo. Umalis ka na nga." mataray na sabi ni Alex. Tila naman nakaramdam si Victoria ng hiya lalo na't pinagtitinginan na sila ng ibang empleyado. Umirap nalang ito at tuluyang umalis. Kinabukasan ay nakatanggap ng email si Celine. Dahil parte na sila ng management ng kanilang department ay kasama na siya sa meeting na gaganapin sa susunod na araw. Ayon sa email ay tungkol daw iyon sa bagong rules and regulations ng kumpanya. Nakaramdam naman siya ng kaba dahil baka magkatotoo ang ibinalita sakanya ni Alex at makasama nga sila sa mga mawawalan ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD