Andito kami ngayon magkakaibigan sa labas ng simbahan at hinihintay si Lorraine, dahil ngayon ang araw ng kasal nina Francis at Lorraine. Ang araw ng kamatayan ng puso nang aking kaibigan, at lahat kami ay nalulungkot para kay Lorraine dahil mapapatali siya sa lalaking hindi niya mahal. Napatingin ako kay Joyce nang bigla siyang magsalita. ‘‘Siguro, kung ako ang nasa kalagayan ni Lorraine. Baka nagpakamatay na ako,” malungkot na wika ni Joyce nang makita niyang dumating na ang bridal car kung saan nakasakay si Lorraine. “Kahit siguro ako. Hindi ko kakayanin magpakasal sa lalaking muntikan nang sumira sa buhay ko,” segunda ni Laya. Napailing na lang ako dahil wala na kaming magagawa, nakatakda nang ikasal si Lorraine. Siguro kung kay Nathan siya ikakasal ngayon ay masaya kaming lahat. H

