Four Months Later Mabilis lumipas ang araw at apat na buwan na rin ang lumipas simula nang umalis si Nathan patungo sa America. Si Lorraine naman ay nagsimula na ang kalbaryo sa buhay pagkatapos niyang maikasal kay Francis na hanggang ngayon ay hindi matanggap na buntis si Lorraine kay Nathan. Andito kami ngayon ni Alex sa aming tambayan at hinihintay ang aming mga kaibigan. “Love, malimit bang pumunta si Macky kina Lorraine?’’ tanong ko kay Alex na mabilis niyang tinanguan. “Mabuti naman kung gano’n,” muling sabi ko. Abala si Alex sa pag-aayos ng mga CCTV na ikakabit nila sa mansion nina Lorraine. Naisipan nilang lagyan ng CCTV ang mansion dahil sa ginagawang pananakit ni Francis sa aming kaibigan, at dahil nanagako sila kay Nathan na walang

