CHAPTER 4

1508 Words
CLARICE'S POV Hindi ako makapaniwala na inihatid ako ni Alex dito sa aming mansion. "Ang laki pala ng mansion n'yo," puri ni Alex habang nakatingin sa napakalawak naming mansion. Sinong 'di hahanga sa isang mansion na kung titingnan mo ay isang palasyo. Dahil itinulad ito sa isang medieval castles. Para siyang Gothic architecture with dramatic style include vaulted ceilings . Lalong-lalo kang mamangha kapag pumasok ka sa loob, dahil may walong malalaking bedroom sa loob at dalawang maids quarter o servant room. Ang isa ay para sa mga kasambahay namin, at ang isa nama'y para sa mga hardinero, driver at security guard. Isang ngiti ang pinakawalan ko bago magsalita. "Malaki rin naman ang mansion n'yo 'di ba?" Tumango si Alex. "Oo, pero hindi katulad ng mansion n'yo. Parang castle, kung titingnan mo," paliwanag niya. "Itinulad kasi 'yan sa Gothic architecture'r house. Kaya ganiyan," mabilis kong tugon. Nagpalinga-linga si Alex at bigla akong hinalikan sa aking pisngi na ikinagulat ko. Napalunok ako habang hawak-hawak ang aking pisngi na hinalikan niya. "Okay ka lang?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako nang pilit at tumango. "Alex, ba—bakit mo ako hinalikan?" nauutal kong tanong. Napakamot si Alex sa kaniyang batok habang nag-iisip nang sasabihin sa akin. "Pasensiya ka na, nadala lamang ako. Ang ganda-ganda mo kasi," paghingi niya ng paumanhin. Napakagat-labi ako at 'di alam ang sasabihin ko sa kaniya. Hanggang sa hawakan niya ang aking kamay at halikan. Para tuloy akong kandila na unti-unting nauupos. "Cla—" Hindi na naituloy ni Alex ang kaniyang sasabihin nang may tumigil na Toyota SUV sa malaki naming gate. Bigla kong kinuha ang aking kamay mula kay Alex nang bumaba mula sa kotse ang aking mga magulang. Nakalimutan kong ngayon nga pala ang dating nila mula sa kanilang business trip. "Anak, sino siya?" tanong ng aking ina habang nakatingin kay Alex. Ngumiti ako nang pilit at nag-asta na parang lalaki. "Mommy, si Alex po. Tropa ko." Sabay tingin ko kay Alex. "Pards, si mommy nga pala," pagpapakilala ko sa kanila. "Hello po," pagbibigay galang ni Alex sa aking ina. Ngumiti ang aking mommy. "Hijo, may itatanong sana ako sa 'yo. Pero huwag mong mamasamain," seryosong sabi ng aking ina habang nakatingin kay Alex. "A—ano po 'yon?" nauutal na tanong ni Alex na tila ba may pasak siya sa kaniyang bibig. Pumormal ang mukha ng aking ina. "Nililigawan mo ba ang anak ko? Kasi kung, oo, huwag mo nang ituloy. Dahil ipapasok ko siya sa kumbento para magmadre," diretsong pahayag ng aking ina. Hindi nakapagsalita si Alex dahil sa sinabi ni mommy, dahilan upang saluhin ko siya. "Mommy, hindi nanliligaw sa akin si Alex! At sobrang bata pa namin para sa mga bagay na 'yan," singit ko sa kanilang usapan. Tumango si mommy at ngumiti nang pilit. "Sige, naniniwala ako sa 'yo, Clarice, pero— kapag nabalitaan ko at nalaman kong nakikipag-boyfriend ka sa lalaking 'yan. Ipapasok agad kita sa kumbento...at kung p'wede, kumilos ka bilang babae. Hindi 'yong ganiyan na para kang lalaki," mataray na bilin ng aking ina at pagkatapos ay sumakay na siya ng kotse. Nang maiwan kaming mag-isa ni Alex ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Habang si Alex ay tahimik at seryosong nakatingin sa akin. "Alex, pasens'ya nga pala sa nangyari. Ganoon talaga si mommy. Lahat nang makita niyang lalaking kausap ko, napapagkamalan niyang nanliligaw sa akin. Ngumiti nang pilit si Alex. "Okay lang 'yon. Pero totoo bang papasok ka sa kumbento?" malungkot niyang tanong. Humugot muna ako ng hangin mula sa aking dibdib bago magsalita. "Si mommy lang ang may gusto na pumasok ako sa kumbento. Kaya nga nagpapakatomboy ako, para hindi mangyari ang gusto niya. Dahil ayaw kong magmadre. Gusto ko pa ring magkaroon ng sariling pamilya," pagtatapat ko. "Ang ibig sabihin hindi ka tomboy?" paniniguro niya. Tumango ako. "Oo, straigh na babae ko 'no!" Sabay ngiti ko. Halos gumulong si Alex sa saya. Pagkatapos ay muling hinawakan ang aking kamay at tinitigan ako. "Hindi mo alam kung gaano mo 'ko pinasaya ngayon." Sabay pisil niya sa aking mga kamay. Hinila ko ang aking mga kamay dahil bigla akong nakaramdam ng malakas boltahe ng kuryente mula sa aking kamay. "Sige, Alex, papasok na ako sa loob. Salamat pala sa paghatid," pagpapaalam ko sa kaniya. Ngumiti si Alex. "Sige, pumasok ka na. Magkita na lamang tayo bukas sa school," pagsang-ayon niya. Tumango ako at mabilis akong nag-doorbell upang pagbuksan agad ng gate. Hindi nagtagal ay binuksan agad ng aming security ang gate. "Ma'am Clarice, pasok na po kayo," sabi ni Mang Albert sa akin. "Opo, Kuya Albert," mabilis kong tugon. Tumingin ako kay Alex. "Pasok na ako sa loob. Mag-iingat ka sa paglalakad." At isang ngiti ang aking ibinigay kay Alex bago ako pumasok. Halos tumili ako sa saya nang isara ko ang gate. Sino ba namang hindi kikiligin sa isang Alexander Madrigal na tinitilian ng lahat. Hindi ako makapaniwala na inihatid niya ako. "Ang haba talaga ng hair ko," bulong ko sa aking sarili habang hawak-hawak ang pisngi kong hinalikan niya kanina lang. Nang makapasok na ako sa aming mansion ay napatigil ako nang biglang nagsalita ang aking ina. "Clarice, napagdesisyunan na namin ng daddy mo na sa America ka na muna mag-aaral." Umiling ako bilang pagtutol. "No, Mommy! Ayokong mag-aral sa America. Bakit ba bigla mo na lamang naisipan na ipadala ako sa America?" tanong ko. Ngumisi ang aking ina at muling nagsalita. "Nagtatanong ka pa! Ipapadala ka namin sa America, para makaiwas ka sa lalaking 'yon! Sa ayaw at sa gusto mo! Susundin mo ang gusto ko," makapangyarihang wika ng aking ama. Nagsimula nang maglandas ang mga luha ko at galit kong hinarap ang aking ina. "Kung ikaw ang magdedesisyon sa buhay ko. Sana pinatay mo na lamang ako, Mommy!" At tumakbo na ako papunta sa aking silid. Hindi ko alam kung bakit kailangang ako ang tumupad sa pangarap ng lolo ko sa kaniya. Hindi ako papayag sa kagustuhan niya. Isinusumpa ko, sa oras sumapit ako ng disi-otso, ibibigay ko ang sarili ko sa lalaking mamahalin ko, dahil hindi ako papayag na maging madre. Habang nagdadalaga ako'y lumalayo naman ang aking loob sa aking ina, dahil wala na siyang ibang hinangad. Kung 'di ang makabawi sa aking lolo. Nag-iiyak ako nang biglang may kumatok sa labas ng pituan ng silid ko. "Clarice, can we talk?" tanong ng aking ama. "No! I don't want to talk to anyone!" sigaw ko. Wala rin namang saysay kung kakausapin niya ako. Kasi sunud-sunuran siya sa aking ina. Ewan ko ba, kung bakit ang ina ko ang kailangang magdesisyon dito sa bahay. "Clarice, I'm leaving already. I can't stand your mother anymore!" muling sabi ng aking ama na nagpabago ng desisyon ko. Ayokong lumaki sa isang broken family. Pero kung hindi na niya matiis ang ina ko, wala akong magagawa. Binuksan ko agad ang pintuan ng aking silid at niyakap ko ang aking ama. "Dad, please don't leave me," pagmamakaawa ko sa aking ama. "Clarice, me and your mother, already talk. You will stay with her. But during weekend, you can go to my apartment," pahayag ng aking ama. Tumingin ako sa aking ama. "Why did you and mommy, split up?" Huminga muna nang malalim ang aking ama bago magsalita. "I can't tolerate already her being nagger. I hate nagging people!" pagtatapat ng aking ama. Hindi na ako nakapagsalita pa, dahil alam kong bungangera ang aking ina. Gustuhin ko mang pigilan si daddy, hindi ko magagawa. Dahil ilang taon na rin niyang tiniis ang bunganga ni mommy. Minsan dumarating din sa puntong naiirita na ako sa bunganga ni mommy. Ang daddy pa kaya ang 'di makatiis. Simula ata magkaisip ako'y palagi na silang nag-aaway, dahil hanggang ngayo'y hindi matanggap ni lolo na nagpabuntis si mommy sa ama ko, at para mapatawad siya'y ipinangako niya na ako ang tutupad sa pangarap ni lolo na magkaroon ng isang madre sa pamilya. "Dad, I want to come with you," pakiusap ko na narinig ng aking ina. "No, Clarice! Hindi ka sasama sa ama mo!" pagtutol ng aking ina na punong-puno ng galit. Tumingin siya sa aking ama. "Steve, you can leave us now!" pagtataboy ng aking ina sa aking ama. Hindi na nagsalita pa ang aking ama at galit na binitbit ang kaniyang mga maleta. "Daddy! Please comeback! I don't want you to go!" sigaw ko habang bumaba ng magara naming hagdanan ang aking ama. Tuluyan na akong nawalan ng kakampi ngayong umalis na ang aking ama. Paano na ako ngayong naiwan ako sa aking ina na isang diktadora. Itinulak ko ang aking ina. "I hate you!" singhal ko sa kaniya at padabog kong sinara ang pintuan ng aking silid. Pakiramdam ko ay nagkaroon na ng pitak o lamat, ang relasyon naming mag-ina. Lalo na ngayong umalis ang aking ama, dahil sa ugali niya. Wala na akong ginawa kung 'di ang umiyak nang umiyak. Pati pagkain ng dinner ay hindi ko na ginawa. Isa lamang ang tumatakbo sa isip ko, kung 'di ang magrebelde. Tama lang naman na magrebelde ako, dahil nasira ang pamilya namin nang dahil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD