CHAPTER 3

1161 Words
CLARICE'S POV Pagkatapos magpakilala sa amin nina Alex ay nanood naman sila ng audition para sa cheering squad. Natatawa kami sa grupo nina Lavinia dahil ang hilig sumali sa audition kahit palagi namang bagsak. Habang may pa audition ay napatingin ako kay Alex. Halos mamula ang mukha ko nang mabasa ko mula sa buka ng bibig niya, ang kanyang sinabi. "Clarice, liligawan kita." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako— o hindi sa kaniyang sinabi. Iniiwas ko ang aking mga mata sa kanya. At napansin naman ni Laya. "Sis, nabasa mo ang sinabi sa 'yo ni Alex," biro niya sa akin. "Hoy, Laya, tumigil ka nga! Baka may makarinig sa 'yo," saway ko sa aking kaibigan. Ngumiti siya. "Siguro, panahon na— para ipakita mo sa kanila na mahinhin ka talaga at hindi boyish," muling sabi niya na narinig naman ni Joyce. "Korek, sis, nang hindi ka na pinagti-tripan ng Yvette na 'yon," segunda ni Joyce. Nagkibit ako ng balikat. "Alam n'yo naman, na hindi pwedeng malaman ng mga parents ko— na straight ako at hindi tomboy," diretso kong tugon. Hindi pwedeng malaman ng mommy mo na babae talaga ako. Dahil sa oras na malaman niya, paniguradong ipapadala niya ako sa kumbento. "Ewan ko ba diyan kay Tita Claire, kung bakit gusto niyang— sayangin ang lahi n'yo. At itengga ka sa kumbento," maarteng sabi ni Joyce. Ngumiti na lamang ako, dahil kahit ako'y hindi ko alam kung bakit— gusto akong pagmadrehin. "Ayoko nang isipin 'yon. Basta, hindi nila ako, mapipilit na pumasok sa kumbento," "Ang sabihin mo, gusto mo ring makatikim nang luto ng Diyos," malanding sabi ni Laya na ikinapula ng aking pisngi. "Tumigil ka nga— Laya," saway ko sa aking kaibigan. "Bakit ka namumula?" biro naman sa akin ni Joyce, dahilan upang magtawanan kami. Masaya kaming nagtatawanan nang biglang lumapit sa amin ang grupo nina Alex. "Mukang ang saya n'yo, ah— pwede ba kaming makisali sa inyo?" seryosong tanong ni Alex sa akin. Tumango ako. "Oo naman, bakit hindi?" tugon ko. Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako. "Clarice, p'wedeng magtanong?" muling sabi ni Alex. "Ano 'yon?" I asked him back. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "May— may boyfriend ka na ba?" nauutal niyang wika. Napakagat labi ako at umiling "Wala, akong boyfriend," pagtatapat ko sa kanya. Ngumiti si Alex. "Talaga?" paniniguro niya sa akin. "Yup, wala akong boyfriend. Kasi walang gustong manligaw sa katulad kong—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. "Sa katulad mong?" pagputol ni Alex sa sasabihin ko. "Boyish— boyish na kagaya ko," diretso kong tugon kay Alex Tinitigan niya ako "Hindi ka naman tibong talaga, 'di ba?" paninigurado niya. Tumango na lamang ako bilang tugon ko sa kanya. "Sabi ko na nga ba, tama ako," masayang sambit niya, sabay ngiti sa akin. Magsasalita na sana ako, ngunit biglang lumapit na sa amin sina Lorraine at Abby. "Nathan, tapos na kami," narinig kong sabi ni Lorraine. Lumapit si Nathan kay Lorraine at kinuha ang gamit nang huli. "Tara na," pag-aya ni Nathan sa amin. Nagtaas ng kilay si Lorraine. "Hindi mo man lang ba kami papaupuin ni Abby, kahit sandali lang?" mataray na tanong ni Lorraine kay Nathan. Napahawak si Nathan sa kaniyang batok. "Sinabi ko nga, mamaya na tayo umalis. Magpahinga ka muna," palusot ni Nathan. Nakakatuwang pagmasdan ang dalawa, dahil para silang magnobyo kung maglambingan. Katulad nang sinabi ni Nathan ay nagpahinga muna sina Abby at Lorraine. Hindi nagtagal ay nagkaayaan na kaming umuwi. *** Andito kami ngayon sa bandstand, dahil nag-aya sina Nathan na magmeryenda. Kasalukuyan kaming nagmemeryenda nang dumating si Tito Enrico na galit na galit. Nagulat si Abby nang makita niya ang kaniyang ama na galit na nakatingin kay Charles. "Tara na Abby! Iuuwi na kita!" galit na sabi ni Tito Enrico. Pagkatapos ay tumingin ito kay Charles. "At ikaw, Charles Hamilton, tigilan mo ang anak ko!" sigaw nito kay Charles, dahilan upang pagtinginan na kami ng ibang tao. "Sige mga Sis, uwi na ako," pagpapaalam ni Abby sa amin. Tumingin na lamang siya kay Charles, na nakatulala dahil sa sinabi ng ama niya. “Daddy, uwi na po tayo,” pag-aya ni Abby kay Tito Enrico. Nang makaalis na sina Abby ay nagsalita si Alex. "Pareng Charles, okay ka lang?" tanong niya sa kaibigan. "Okay lang ako, nagulat lang ako. Bakit galit na galit sa akin si Mayor Enrico," malungkot na wika niya. Bigla namang nagsalita si Rigor. "Siguro, anak ka ng kanyang katunggali sa pagiging mayor. Pagkatapos ay nag-protest pa si Tita Kassandra for re-count," seryosong komento ni Rigor. "Siguro nga," matipid na tugon ni Charles. "Mukang tinamaan ka pa naman kay Abby," ani ni Carlo. Ngumiti si Charles. "Oo, p're, tinamaan ako sa kanya. At kahit hadlangan pa ako ng kanyang ama— liligawan ko pa rin siya," seryosong wika niya. Lumapit ako kay Charles. "Tama ba ako nang narinig? Liligawan mo si Abby?" paninigurado ko. Mabilis na tumango si Charles sa akin. "Oo, dahil tinamaan ako dito." Sabay turo niya sa tapat ng kaniyang puso dahilan upang magtiliian kaming magkakaibigan. "Oh my gosh—" malakas naming tili na sinaway naman kami nina Alex. "Grabe, nakakbingi mga tili ninyo," biro sa amin ni Nathan. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at sabay-sabay kaming napakagat labi. Hindi nagtagal ay natapos na kaming magmeryenda. Tumabi sa akin si Alex at nagsalita. "Clarice, ihatid na kita. Saan ka ba nakatira?" Ngumiti ako at tumango. "Okay, sa Capistrano, ako nakatira," mabilis kong tugon. Kinuha ni Alex ang aking bag at siya na ang nagdala nito. "Mga p're, mauna na kami sa inyo ni Clarice," pagpapaalam niya sa kanyang mga kaibigan. "Sige p're, magkaiba rin tayo ng way. Sa Lovely Village kami nakatira ni Lorraine. Pagkatapos sina Joyce sa Intertown," mablis na tugon ni Nathan. "Sige p're, kita-kit's na lamang tayo bukas." Tumingin siya kay Charles. "Hey, p're, tutulungan kitang makaporma kay Abby." At humarap na siya sa akin. "Let's go," pag-aya niya sa akin. "Okay," matipid kong tugon at nagsimula na kaming maglakad. *** Habang naglalakad kami ay nagsalita si Alex. "Mabuti, naglalakad ka sa hapon," wika niya. "Oo, kasi— mas gusto naming magkakaibigan ang maglakad. Para may exercise na rin. Pero kung ang daddy mo ang masusunod ayaw niya," pagtatapat ko. "Kami ring magkakaibigan, mas gusto namin ang maglakad. Mas masaya. At gusto ko ring ma-enjoy ang pagiging highschool ko," masayang sabi niya. "Tama ka, mas masaya kapag sama-samang naglalakad." Sabay ngiti ko. "s**t, kahit ikaw lang ang kasabay ko. Masaya na ako, kahit ikaw lang ang kasabay ko," patili kong bulong sa aking sarili. Tumango si Alex. "Sana, Clarice, palagi kitang makasabay paglalakad," seryosong wika niya. Ngumiti na lamang ako bilang tugon, dahil ang pakiramdam ko'y, sasabog na ang aking puso. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ihahatid ako ni Alex sa aming bahay. Kahit pa-boyish akong kumilos, ay nawawala kapag kaharap ko na si Alex. Dahil siya ang crush ko sa maga kilabot ng kolehiyala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD