CLARICE POV
Kanina habang naglalakad ako papuntang classroom namin nakita ko ang grupo nila Alex Madrigal, ang grupo ng kilabot ng kolehiyala dito sa school.
Nang makarating ako ng classroom namin ay nagparinig agad si Yvette kaibigan ni Lavinia. "Mga classmate dumating na pala ang reyna ng mga macho, este ang hari pala." sabay ngisi nito.
Napapagkamalan akong tomboy kasi pinili kong magpaka-boyish dahil ang gusto ng mga parents ko ay pumasok ako sa kumbento.
Pagkaupo ko sa pwesto ko ay nagsalita ako. "Alam mo Yvette, kung talagang matapang ka. Hindi mo ako dadaanin sa pagpaparinig mo, at kung wala ka din namang sasabihin na matino. Pwede bang isara mo na lang 'yang bunganga mong mabaho."
Dahil sa sinabi ko ay nagtawanan ang mga kaklase ko.
Lumapit sa akin ang mga kaibigan kong sina Abby, Joyce at Laya.
"Sis, relax, baka masira ang beauty mo." biro sa akin ni Joyce.
Ngumiti ako, "Naku, kung hind ko papatulan ang malditang yon, mamimihasa yon." paliwanag ko.
"Tama lang naman ang ginawa mo, sis." sabi naman ni Laya.
"Hayaan n'yo na sila. May makakatapat din ang grupo ng mga yon." sabi naman ni Abby.
Nagkibit balikat na lamang ako sa sinabi ng kaibigan ko. Sa lahat yata ng kaibigan ko, itong si Abby ang pinaka ayaw ng away.
Masaya kaming nagkukwentuhan ng lumapit sa amin si Lorraine. "Abby, may practice pala tayo mamaya ng cheering." sabi nito kay Abby na kapwa cheer leader niya.
"Napapalimit yata ang practice natin." sabi ko.
Ngumiti si Lorraine. "Eh'kasi po, lalaban tayo sa Don Bosco ng cheering." mabilis nitong tugon.
"Talaga!" gulat kong reaksyon.
"Oo, kaya kailangan nating mag practice araw-araw." tugon naman ni Abby.
"Kailan naman ang laban natin?" tanong ni Laya.
"Next week na." mabilis na sagot ni Lorraine.
Hindi nagtagal ay dumating na ang teacher namin at nagbigay agan ng exam, dahil second periodical test namin ngayon. Madali kong natapos ang mga test paper ko.
Tahimik akong nakaupo ng tawagin ako ng teacher ko. "Ms Anderson, pwede ka ng lumabas." sabi nito sa akin na agad kong sinunod.
"Bye, Ma'am." paalam ko at lumabas na ako.
Andito ako sa may bench at hinihintay ang mga kaibigan ko, ng makita kong muli ang grupo nila Alex.
Halos matunaw ako sa mga tingin na binibigay sa akin ni Alex, pero hindi ko na lang pinansin.
Maya-maya ay narinig kong nag salita si Nathan. "Mga Pre, tara na sa gym." pag-aaya nito sa kanyang mga kaibigan.
Nang makalayo na ang mga ito dito sa bench ay napabulong ako sa sarili ko. "s**t, kung hindi lang kita crush, malamang sinapak na kita."
Hindi nagtagal ay dumating na ang mga kaibigan ko. "Ang tagal n'yo naman." sabi ko.
Ngumiti si Joyce. "Sorry naman Sis, naghintay ka ng matagal." maarteng sabi nito.
"Bakit ba ang tagal-tagal n'yo?" tanong ko sa kanila.
Si Abby ang sumagot. "Ito kasing si Joyce, hinabol pa ang grupo nila Carlo."
Ngumiti ako, "Alam mo Sis, kung pumunta kayo agad dito. Malamang nakausap mo na si Carlo mo." masayang sabi ko.
"Oh my gosh!" Tili nito. "Don't tell me, na nakasama mo silang tumambay dito!" patiling sabi nito.
"Opo, kaya nga busog na busog ang mga mata ko. Sa kakatingin ko sa ka-gwapuhan ng Papa Alex ko." pang-iingit ko kay Joyce.
"Sayang." tanging nasabi ni Joyce.
Napatawa na lang kaming lahat, dahil para itong pinag sakluban ng langit at lupa.
"Mga Sis, meryenda muna tayo sa canteen. Bago tayo pumuntang gym." pag-aaya naman ni Laya sa amin.
Nang makarating kami ng gym ay naabutan namin ang grupo nila Lavinia.
Bago pa làng akong o-order ng pagkain ko ng magparinig si Yvette. "Mga Sis, buti pa si Macho, kasali sa cheering. Samantalang ikaw, Lavinia, hindi man lang kuhanin." maarteng sabi nito.
"Mga Sis, pigilan ninyo ako." sabi ko at agad kong ibinalik ang hawak kong tray para lapitan sila Yvette.
"Hoy, Yvette! Ano bang problema mo at kanina mo pa ako pinaparinggan?!" galit kong tanong.
Tumayo ito at pinagtaasan ako ng kilay. "Nagtatanong ka pa! Eh'di ikaw!" galit nitong tugon sa akin.
Pinagtaasan ko din ito ng kilay. "Bakit? Anong ginawa ko sa'yo? Na hindi mo gusto?!" inis kong tanong.
Bago pa lang itong sasagot, ng magsalita si Lavinia. "Yvette, kailangan na nating pumunta sa gym." pag-aaya nito sa kanyang kaibigan.
Tumingin sa akin ng masama si Yvette. "Hindi pa tayo tapos!" galit nitong sabi at tinalikuran na ako.
"Sige, dahil oras paringgan mo ulit ako. Manghihiram ka na ng mukha sa aso!" galit kong sigaw.
Tahimik kaming kumakain dito sa canteen ng punahin ako ni Joyce. "Sis, huwag mo ng isipin ang sinabi sa'yo ni Yvette. Kaya huwag ka ng sumimangot."
"Sis, naaasar lang ako sa kanya. Dahil lagi niya akong pinag-iinitan dahil sa kilos ko!" inis kong pahayag.
"Bakit naman kasi, hindi ka magpaka-girl kumilos." singit ni Laya.
Huminga muna ako. "Mga Sis, alam n'yo naman, kung bakit nagpapaka boyish ako di'ba." mabilis kong tugon.
Alam ng mga kaibigan ko, kung bakita boyish ako kumilos. Dahil bata pa lang ako, napag desisyunan na ng mga magulang ko na mag Madre ako. Kaya nga bago ako sumapit ng bente-anyos plano ko ng mag boyfriend, para hindi matuloy ang balak nila.
Nang matapos kaming mag meryenda ay nag-aya na si Abby papuntang gym. "Mga Sis, punta na tayo sa gym."
"Tara." pag sang-ayon ko.
Naglalakad kami papuntang gym ng makasabay namin si Lorraine. "Hi, Lorraine." bati ko.
Ngumiti ito sa akin. "Hi, Clarice, mabuti nakasabay ko kayo." tugon nito sa akin.
"Oo nga. Alam mo bang nakasagutan ko na naman sa canteen. Ang kaibigan ng bestfriend mong si Lavinia." sabi ko.
"Sino? Si Yvette ba?" tanong nito.
Ngumiti ako, "Oo, si Yvette nga!" tugon ko sa medyo inis kong boses.
Nagkibit balikat ito. "Inggit lang yon sa'yo. Kasi lahat ng crush niya, sa'yo may gusto." tugon nito.
"Kaya pala kung pag-initan niya ako araw-araw, ganon na lang." walang buhay kong tugon.
Nang makarating kami sa gym ay andon ang grupo nila Yvette, at siyempre kasama ang reyna ng kamalditahan na walang iba kung hindi si Lavinia.
"Mga Sis, kumpleto pala ang alagad ni Valentina." sabi ni Joyce na talagang pinarinig kay Cristine na walang ginawa kung hindi magpapansin kay Carlo.
Napatawa na lang ako sa naging reaksiyon ni Yvette. "Sis, narinig ni Medusa." malakas kong sabi.
Nagdilim ang mukha ni Yvette. "Hoy, Clarice, kami ba ang pinaparinggan n'yo?!" galit nitong tanong sa akin.
Ngumisi ako, "Bakit, Yvette? Tinamaan ka ba?!" pang-aasar ko.
"Sis, kaya nag react, alam niyang ugaling ahas siya." sabi naman ni Joyce na madilim na nakatitig kay Cristine.
Magsasalita pa sana ako ng mag salita na si Lorraine. "Okay, pumunta na kayo sa mga pwesto n'yo, magsisimula na tayo." malakas nitong sabi at nagsimula na kaming mag practice.
Habang nag pa-practice kami ay nagkatitigan kami ni Alex. "s**t, bakit mo ako tinitigan?" bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ako, titigan ni Alex.
Nang matapos na kaming mag practice ay nagsalita si Abby. "Mga Sis, may pa audition pa tayo. Para sa cheering squad." sabi nito.
"Abby, puntahan ko lang si Nathan." narinig kong paalam ni Lorraine na agad namang sinang-ayunan ni Abby.
"Mga Sis, naniniwala ba kayong magkaibigan lang sila, Nathan, at Lorraine?" tanong ko sa mga kaibigan ko.
Si Abby ang sumagot. "Childhood friend daw sila."
Napatango na lang ako. "Kaya pala Ang sweet nila." tanging nasabi ko.
Bigla akong nagulat ng tumili si Joyce. "Oh my gosh! palapit sila Carlo dito!" tili nito na sinaway naman ni Abby, dahilan upang magtawanan kaming dalawa ni Laya.
"Kayong dalawa, makatawa wagas. Kung alam ko lang laglag na mga panty n'yo ng dahil kila Alex at Rigor." sabi nito.
Ngumiti ako, "Aminado naman ako na crush ko si Alex, pero ikaw naman, halatang-halata na may crush kay Carlo." depensa ko.
Hindi nagtagal ay nakalapit na sa amin sila Alex, at unang nagpakilala si Charles kay Abby. Nang maipakilala na ni Charles si Abby sa mga kaibigan niya ay ipinakilala naman kami ni Abby.
"Hi, I'm Alex, at your service." pagpapakilala sa akin ni Alex.
Halos makaramdam ako ng malakas na boltahe ng kuryente ng makipagkamay ito sa akin. Kaya agad kong hinila ang akin mga kamay dito. "s**t, bakit nakukuryente ako?" tanong ko sa sarili ko.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Alex.
"O_oo, okay lang ako." nauutal kong tugon. "Ang gwapo pala talaga ni Alex." bulong ng isip ko.
Biglang nawala ang inis ko,ng dahil kay Alex. Hindi ko lubos maisip na magpapakilala ito sa akin.