CHAPTER 1

1265 Words
ALEX'S POV YEAR 1997 Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa labas ng mansyon namin. "Pareng Alex," malakas na tawag sa akin ng mga kaibigan kong sina, Charles, Carlo, Rigor, at ng bestfriend kong si Nathan. "Alex, labasin mo na ang mga kaibigan mo," utos ng Yaya Nely ko sa akin. "Sige po, Yaya Nely," maikli kong tugon at lumabas na ako ng aming mansyon. Dahil Sabado ngayon, ay napagkasunduan naming magkakaibigan na pumunta sa aming tambayan sa tabing-ilog. Naglalakad kami nang biglang magsalita si Charles. "Mga p're, tulungan n'yo naman akong magdahilan kay Karen." Napailing ako. "Bakit, Pareng Charles? Sawa ka na naman ba sa s’yota mo?" tanong ko sa aking kaibigan na sobrang pilyo sa babae. Sumingit naman si Nathan. "Siguro, may bago na naman ‘yang prospect," sabi niya kay Charles. Ngumiti si Charles. "Mga p're, ayaw ko na kay Karen. Masyadong liberated," pagtatapat niya sa amin. "Puta, p're, ikaw? A-ayaw sa liberated!" gulat na reaksiyon ni Rigor. "P’re, ang sabihin mo, may bago ka na ulit," singit naman ni Carlo. "Kayo talaga. Ang sama-sama ng tingin ninyo sa akin," sabi ni Charles habang napapailing. Nagkatawanan kaming magka-kaibigan, dahil sa sinabi ni Charles. Nang makabawi ako sa pagtawa’y, nagsalita ako. "P’re, paano kami maniniwala sa 'yo? Kung halos buwan-buwan na lamang, ay nag-iiba ka ng girlfriend." "Oo nga, p're, pagkatapos ay pinagsabay mo pa sina, Anne, at Lizzy noon," sabi naman ni Rigor. Pumormal ang mukha ni Charles. "Mga p're, pwede ba? Huwag na nating pag-usapan sina Lizzy. Dahil naaalala ko lang ang kagaguhan ko," seryosong sabi ni Charles. Tinapik ko siya sa kaniyang balikat. "P’re, sorry, naninibago lang kami sa 'yo," hingi ko ng paumanhin. "Sorry, p're," sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan namin. Lima kaming magkakaibigan at lahat sila ay napasok sa school na pag-aari ng aming pamilya. Isa ang pamilya ko sa kinikilala dito sa bayan ng Tayabas. At ako ang tagapagmana ng AMIS o Alexander Montesorri International School. Samantalang, ang lupang tambayan namin ay pag-aari ng pamilya ni Rigor, na siyang pinakamadaldal sa aming lima. Sa mura naming edad ay natuto na kaming mag-inom ng alak. Pero hanggang inom lang. Kasi kailangan naming alagaan ang aming mga katawan. Dahil mga basketball player kami at pangarap naming magkakaibigan na mapapasok sa PBA. Hindi nagtagal ay nakarating na kami dito sa tabing-ilog. "Pareng Nathan, kailan mo balak ligawan si Lorraine?" tanong ko habang hinuhubad ko ang aking damit. "P’re, darating din tayo doon," mabilis niyang tugon. "P’re, ang tagal-tagal mo ng sinasabi ‘yan," singit naman ni Charles sa usapan namin ni Nathan. Sa tuwing mapag-uusapan namin si Lorraine, ay hindi mawala sa isip ko na muntik nang masira ang samahan nina Charles at Nathan. Dahil si Lorraine pala ang lihim na minamahal ni Nathan, na niligawan naman ni Charles. "Mga p're, kailan kaya tayo, may makakasama na babae dito?" pag-iiba ni Carlo sa usapan. "Problema ba ‘yon? Eh'di mag-girlfriend ka," biro ko kay Carlo. Si Carlo ang nag-iisang tagapagmana ng pinakamalawak na hacienda dito sa buong Quezon Province. At si Carlo ay naipagkasundo na sa anak ng bestfriend ng mga magulang niya. "Mga p're, alam n’yo naman na wala na akong balak makipagrelasyon. Dahil sa edad kong ito. Naipagkasundo na ako ng mga magulang ko," paliwanag nito. "Ikaw na ang tapat, sa hindi mo naman mahal," singit naman ni Rigor. "Mga p're, maligo na muna tayo sa ilog," pag-aaya ko sa kanila. Tuwing Sabado, ay lagi kaming naliligo dito sa ilog. Minsan nga'y sa kubo na kami natutulog. Kapag mga nalalasing kami. "Mga Pre, pustahan, si Pareng Charles, ang unang makakapagdala ng babae dito," sabi ko. Dahilan naman upang batukan ako ni Charles. "Aray ko! P’re, masakit," daing ko. Ngumiti si Charles. "Ikaw kasi, p're, palaging ako ang nakikita mo," biro niya. Nagtawanan na lang kami, dahil kay Charles. Pagkatapos ay mga lumusong na kami sa ilog at masayang mga naligo. Nang matapos kaming maligo, ay nagsimula na kaming mag-inom. Masaya kaming nag-iinuman nang magsalita si Rigor. "Mga p're, sa Monday, may practice ang mga cheering squad. Manood tayo." Ngumiti si Nathan bago nagsalita. "Mga p're, ako talagang manonood. Dahil nandoon ang mahal kong si Lorraine," masayang sabi niya. "Ikaw lang ba, p're? Ako rin, manonood. Kasi nandoon ‘yong crush kong boyish na member cheering squad," pagtatapat ko. "Talaga p're? May crush ka rin sa mga nasa cheering squad?" paninigurado sa akin ni Rigor. Ngumiti ako at tumango. "Oo, kaso hindi ko siya kilala," tugon ko. "Pero p're, bakit sa boyish pa?" tanong naman ni Carlo. "Bakit p're? Masama ba? Kung sa boyish. Maganda naman siya at sexy din, kumpara sa ibang babae." katwiran ko. Napailing na lang si Carlo sa sinabi ko. Tinitigan ako ni Rigor. "P’re, sa Monday, ituro mo sa amin," singit naman ni Rigor. "Oh sige, basta ipangako ninyo, sa akin. Hindi n’yo siya pupormahan," seryosong sabi ko. Nang matapos kaming mag-inom ay nag kaakitan na kaming umuwi. "Mga p're, tara na," pag-aaya ko sa kanila, na agad nilang sinang-ayunan. Nang makarating ako dito sa aming mansyon ay naabutan ko ang aking mga magulang. "Anak, andiyan ka na pala," bati sa akin ng aking ina. "Hi, Mommy, Daddy," bati ko sa kanila. Naamoy ako ni mommy na amoy alak. "Alex, tuwing Sabado na lang yata,ay nag-iinom kayo ng mga kaibigan mo," puna niya sa akin. Ngumiti ako. "Nagkauntian lang po kami, Mommy," pagtatapat ko. "Anak, teenager ka pa lang. Kaya huwag mong abusuhin ang katawan mo. Sa pag-iinom," paalala sa akin ni Mommy. Sumigundo naman ang aking ama. “Anak, tama ang mommy mo. Huwag ka sanang sasama ang loob.” Tumango at ngumiti sa kanila. “Opo,” tanging nasabi ko at nagtungo na ako sa aking silid. *** Lunes ngayon at mamayang hapon ay manonood kami ng practice ng cheering squad. Andito kami ngayon sa bench, dahil break-time namin nang biglang magsalita si Rigor. "Mga p're, yung crush ko." Sabay turo niya sa isang second year student. "Mga p're, hindi ba't cheering squad din ‘yon." Turo ko sa babaeng estudyante na tinutukoy ni Rigor. Si Nathan ang sumagot. "Classmate siya ni Lorraine." "Talaga p're?" paniniguro ni Rigor. "Oo, p're, nakikita ko siya. Kapag hinahatid ko si Lorraine sa classroom nila." sabi ni Nathan. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko nang makita ko naman ang crush ko. "Mga p're, siya 'yong crush ko." Sabay turo ko sa isang second year student na daig pa nito ang lalaki. Dahil sa angas nitong maglakad. Nagbiro si Rigor. "P’re, mas babae ka pang maglakad sa crush mo." Sabay tawa niya. "May nakakatawa, p're?" tanong ko. "Sorry, p're, binibiro lang kita." sabay senyas nito ng peace sign. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Sa tuwing nakikita ko ang crush ko ay kumpleto na ang araw ko. "Makikilala din kita." bulong ko sa sarili ko. "P're, classmate din 'yon ni Lorraine." sabi nito nang makilala niya ang crush ko. "Kung gayon, p're, sasama na ako palagi sa 'yo sa paghahatid kay Lorraine," masayang sabi ko. Simula ng malaman ko kanina na classmate ni Lorraine ang boyish kong crush ay palagi ko nang kinukulit si Nathan kung pupuntahan ba nito si Lorraine sa classroom nila. “Pare, pupuntahan mo ba si Lorraine?” tanong ko kay Nathan. “Hindi ko siya pupuntahan. Usapan namin sa gym kami magkikita.” Mabilis nitong tugon sa akin. Kung alam ko lang na classmate siya ni Lorraine. Sana ay lagi ko nang sinamahan si Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD