Mikaela POV
Dumating na sila sa huling yugto ng paligsahan.
Naging dikit ang laban nila ng kakambal.
Dahil sa gumugulong damdamin ay nawalan sya ng focus sa paligsahan.
Tatlong sunod-sunod na laban na talo sya.
Ang score 3-3.
Kaya nya kayang manalo sa huling larong 'to?
Lalo pa't na di-distract sya kapag kaharap ang Prinsipe.
May nararamdaman na nga ba sya dito?
Umiling sya.
Hindi pwedi lalo pa't hindi parin naman talaga mawala sa puso nya ang unang lalaking minamahal.
Baka naguguluhan lang sya sa ngayon dahil laging kasama ito.
Tama ito pag pinagpatuloy nya ang nararamdaman nya.
Sa huli sya lang din ang masasaktan.
"Nasa magandang kondisyon kaba ngayon, Mikaela para maglaro?"
Napapitlag pa sya sa gulat ng biglang dumating sa harapan nya ang lalaki.
Wala sa sariling tumango sya dito habang hindi ito tiningnan.
"Good. Mabuti kung ganun."
Sabi nito pagkatapos ay tinalikuran na sya.
Ang cold talaga nito sa kanya.
"Ah--wait Prinsipe--"
Pigil ko sa braso nito mabilis naman syang hinarap.
Nakakunot ang noong nakatingin ito sa kanya.
"Bakit may problema ba?"
Inis na sabi nito.
Nahihiyang tinanggal nya naman ang kamay na nakahawak sa braso nito.
"Eh--kasi gusto ko lang malaman bakit mo ako iniiwasan since that day? Kasi naguguluhan na ako eh.."
Halos maiyak ko nang tugon dito.
Ngumiti ito ng tipid.
"Wag kang maguluhan, Mikaela. Kaya kita iniiwasan kasi hinihintay ko ang araw na ito."
Kumunot naman ang noo nya sa narinig.
Hindi na gets.
"Bakit ano bang meron sa araw na ito?"
Naguguluhang wika ko na dito.
"Sa huling paligsahan na ito mabibigyan linaw ang naguguluhan mong damdamin. Ganun din ako. Malalaman ko kung yang nararamdaman mo ay para sa akin talaga o baka para sa ibang tao parin."
Makahulugang wika nito na mas lalong nagpagulo lang sa kanya lalo sa huling sinabi nito.
Pagkatapos nitong sabihin yun ay mabilis itong naglaho sa harapan nya.
"Oy? kambal okay kalang?"
Gising sa kanya ng bagong dating na kakambal nya.
Tinaasan nya naman ito ng kilay.
"Mukha ba akong okay? Congrats pala in advance. One step a time. Ikaw na magiging reyna dito."
Pang-aasar ko dito na nagpangiwi lang dito.
"Mga binibini. Pasensya na sa istorbo pero ang huling paligsahan ay magaganap na ngayon mismo. Halika na kayo sa lugar na huling pagdadausan."
Yaya sa kanila ni Servant Bulaklak.
Tumango sila at sabay na sumunod dito.
Kinakabahan man ay kailangan nyang gawin ang best nya para manalo
Pagdating sa lugar na gaganapan ay gulat ang namayani sa kanyang sarili.
Kinakabahan at natatakot sya ng makita ang huling laro nila ng kakambal nya.
Kahit ito ay nagulat din.
Walang humpay ito sa pagkusot ng mata nito.
Sya naman pabalik-balik ang tingin sa dalawang lalaki na nakagapos sa puno.
Ngunit mas naguluhan sya ng dumako ang tingin sa lalaking hindi inaasahan na dito nya pala muling matatagpuan.
Napangiti sya ng mapakla.
She really don't know him, huh?
Yung lalaking una nyang minahal hindi nya pala talaga kilala.
How's that possible?
Napayuko ito ng magtama ang tinginan nila.
Lalo pa ng tingnan nya ito ng pamatay at hindi makapaniwala.
Nasasaktan sya hindi nya alam kung bakit at para saan.
Dahil ba niloko sya nito o niloko nya lang ang sarili nya at patuloy na niloloko yun.
Kung nasasaktan sya ibig sabihin.
She didn't done with him.
Umiling sya.
Naguluhan sya sa sariling damdamin.
Konti nalang babagsak na ang luhang kanina pa pinipigilan.
"Kambal okay kalang?"
Simpatya ng kambal sa kanya habang hinahawakan ang kamay nya.
Tumango sya ng alanganin.
Maya-maya ay nagsalita na si Servant Bulaklak para ibigay ang alintuntunin ng laro.
"Ang alintuntunin ng inyong huling paligsahan ay--"
Nagtinginan silang dalawa ng kakambal.
May ideya man ay kinakabahan parin sya.
"Kung sino ang unang makakahulog sa dalawang lalaki na nakagapos sa puno ang syang mananalo. Gamit lamang ang mga bolang papel na nakikita nyo hindi kalayuan--"
"Posible bang mahulog sila nun eh. Papel lang yan. Kahit siguro abutan kami ng buwan yan hindi parin mahuhulog ang nakatali."
Singit ng kakambal nya na sinang-ayunan nya rin.
Natawa naman ng konti ang Servant.
Batuhin ko kaya ito ng papel.
Tinawanan lang talaga kami?
"Mali kayo dyan mga binibini. Dahil ang papel na gawa sa aming kaharian ay may kakaibang lakas na taglay. Kayang gibain nito ang pader ng inyong tahanan."
Paliwanag nito na ikinatango nya lang.
Wala sya sa mood magsalita.
"Wala naba kayong katanungan mga binibini?"
Sunod nitong sinabi na ikinailing lang nya.
"Kung ganun ay ipagpatuloy ko na ang alintuntunin."
Pagkasabi nito ay tumingin ito sa lalaki na ikinatango lang nito.
"Nakikita nyo naman siguro ang dalawang lalaking yan, diba? At alam natin na nakikilala nyo sila. Ang huling paligsahan ay kung sino ang gusto nyong patamaan sa dalawa. Gusto man yan o may galit man kayo nyan. Bahala kayo. Ang mahalaga ay kung sino ang unang makakahulog ni isa sa dalawa ang mananalo. Mag-uumpisa kayo sa baybaying ito. Lalangoy kayo simula dito papuntang gitnang yun. Kung saan nakagapos sa puno ang dalawang lalaki. Pagkatapos nun ay mag-uumpisa na kayong batuhin sila ng mga bolang papel na nandun sa mahiwagang batyang yun. May importanteng bagay pa pala akong sasabihin."
Sabi nito at bumaling sa kanilang dalawa.
Tinaasan nya naman ito ng kilay.
Ang daming pa suspense ng lalaking 'to.
"Ang isa sa kanila ay mag hawak ng gintong singsing. Kapag natalo ka pero ang lalaking napahulog mo sa punong nyan ang may hawak ng singsing na yun, may premyo ka parin."
Sabi nito na nagpa-isip lang lalo sa kanila.
"Handa naba kayo mga binibini?"
Tumango sila pareho.
"Kung ganun ay ang hudyat ay magsisimula na ngayon."
Sabi nito kaya wala syang inaksayang oras.
Tumakbo sya at nag umpisa na lumangoy.
Hirap man dahil sa hindi nya forte ang paglangoy ay ginawa nya parin ang best nya.
Medyo kalayuan din kasi ang lalanguyin nya.
Akala nya kanina ay malapit lang dahil nakikita pa naman nya mula sa kalayuan ang mga mukha at ekspresyon ng mga lalaki.
Hindi pala.
Marami talaga ang naloloko ng maling akala.
Pinilig nya ang ulo nya at nag focus sa ginagawa.
Nauna na kasi sa kanya ang kakambal nya.
Dahil hindi naman lingid sa kanya na hilig nito ang paglalangoy.
Pagdating nya sa kinaroroonan ng mga lalaki ay nakailang bato na ang kakambal nya.
Nilalamig man ay nag-umpisa na syang bumato.
Napansin nya na ang pinatatamaan ng kakambal ay ang dati nitong manager na si Kevin.
Sa inis dito ay hindi nya namalayang ito narin pala ang binabato nya.
Parang may pinanghuhugutan ang bawat bato nya dito
Dahil meron naman talaga.
She hates him very much.
Yung pawang kabuti itong susulpot sa harapan nya at magsasabing mahal sya.
Kung gaano ito kabagal magpakita sa kanya ay ganun naman ito kabilis hindi magparamdam sa kanya.
Ano sya dakilang tanga?
Na dapat lang paasahin na paasahin at paghintayin ng ilang beses.
Ganun?
Pero ang huling natatandaan ko ako ang nagtaboy dito.
Sabi ng kabilang utak nya.
Umiling sya at pilit tinatanggal sa isip ang mga nangyari na.
Maya-maya ay napagdesisyunan nyang ang Prinsipe ng mga diwata ang batuhin nya.
Ayaw nya itong masaktan pero mukhang mas sya pa nga itong nasasaktan lalo sa tinginan nitong pamatay.
So, ito pala ang sinasabi nitong pagsubok sa kanyang nararamdaman?
Ito pala ang basis nya para malaman kung may nararamdaman na ba sya dito o yung nararamdaman nya ay pangungulila lamang sa unang lalaking minahal?
How pathetic!
Sa inis ay sunod-sunod nya itong binato na binato.
Parang nagkalakas ata sya at bigla nalang nawala ang pagod na nararamdaman nya kanina.
"Hey! take it easy. Masakit kaya."
Reklamo nito sa sunod-sunod nyang ginawang pagbato.
Kinunotan nya lang ito ng noo.
"Talagang masasaktan ka! What the hell you think of my feelings? Yung parang games lang ganun?"
"Ouch! Tama na nga yan, Mikaela.."
Ngiwi na nito ng matamaan nya ang ilong nito.
Natawa naman sya ng slight sa ginawa.
"Hoy! kambal! Hindi halatang gigil na gigil ah.."
Natatawang wika ng kakambal nya.
Maya-maya ay may malakas na tunog ang narinig nila.
Natanggal na pala ng kakambal ang pagkakatali ng manager nito sa ginagawang pagbato.
Napatingin sya duon ng masayang lumapit ang kakambal para yakapin ito.
"Whoaah! I win! Kevin i win!"
Masayang sigaw nito.
Bumaling sya sa Prinsipeng nakatingin din pala duon at sa magiging reaksyon nya.
"I'm not affected. Masaya kana?"
Inis na sabi ko at pinagbabato naman ito.
"Oy? tama na, Mikaela. Suko na ako! Sasabihin ko na ang lahat, okay?"
Pagsuko nito pero ayaw nya paring tumigil hanggang nahulog narin ito mula sa pagkakatali.
Mukhang hindi nito napaghandaan ang pagkakahulog kaya, ayun!
Basang-basa.
Natatawa naman sya sa inis nitong reaksyon ng makaahon lalo na ng balingan sya.
Napatitig sya sa bakat nitong katawan at sa mga muscles nito.
Siguro kung ibang babae lang sya naglaway na sya sa harapan nito.
Hindi nga ba?
Diba? Ang hot lalong tingnan nito.
Reaksyon ng kabilang isip nya na pinilig nya lang.
Nagtipon-tipon silang lahat sa baybayin para malaman ang resulta na alam naman nyang talo sya.
"Ang nanalo sa huling paligsahan ay si binibining--Michelle. Ngayon, hindi pa tapos ang paglalahad natin ng nanalo. Mga Prinsepe magsilapit kayo at ilahad ang inyong kanang kamay."
Sabi nito nagtaka man sya sa sinabing 'mga Prinsipe' ni Servant Bulaklak ay pinagsawalang bahala nya muna.
Ang atensyon nya ay sa mga kamay ng dalawa.
Sabay na naglahad ng kamay ang dalawa.
Mukhang nawalan ata sya ng lakas ng mapag-alamang nasa Prinsipe ng Diwata ang gintong singsing na yun.
Natawa naman ang Sevant.
"Talagang itinakda kayo Mahal na Prinsipe."
Komento nito.
Wala naman syang emosyon na makikita sa mukha ng Prinsipe.
"Dahil ang singsing ay nasa palad ng aming Mahal na Prinsipe ng mga diwata. Ang nanalo sa paligsahan ay ang itinakda si binibining Michelle!"
Nagpalakpakan naman ang mga audience nilang mga diwata.
Pero sa halip na matuwa ang kakambal ay nagtago ito sa kanyang likuran.
Lalo na ng lumuhod ang Prinsipe para isuot yun sa kakambal.
"Ikaw nalang kambal. Mahal mo naman yan. Di baleng mamatay, wag lang makasal sa lalaki at matali habang buhay. Kadiri!"
Senenyasan nya naman itong tumahimik.
Lalo na masyadong bulgar ang sinabi nito.
Ibubuking pa ata sya.
Ngumiti sya ng pilit sa lalaki at natatawang binalingan ang kakambal.
"Kung inyong mamarapatin. Kakausapin ko muna saglit ang itinakda para sya ay malinawan. Pwedi?"
Kausap ko sa mga ito.
Hindi ko na hinintay ang sagot ng Prinsipe at hinila na ang kakambal hindi kalayuan duon.
"Michelle we should obey and follow the rules here. Alam mong wala tayo sa mundo natin at alam mo rin ang kakayahan nila, diba?"
Nag-aalangang tumango ito.
"Mabuti kung ganun. Alam mo naman na gustuhin ko man sa hindi. Wala na tayong magagawa. Sana ganun ka rin. Sana magagawa mo ring tanggapin kung ano man yung kapalaran na binibigay sayo. Kasi mahal kita at ayokong mapahamak ka kapag tumanggi ka. Rules is rules, Michelle. Kahit saan ka magpunta. We should follow it. Just accept for me, please? Kaya mo bang gawin yun para sa akin? Ito lang ang hinihiling ko, Michelle. Please do it.."
Pangungumbinsi ko dito.
Sa tagal ng pamamalagi namin dito kahit papaano alam namin ang kakayahan ng mga ito at hindi ko alam kung ano pa ang kayang gawin ng mga ito kung magmamatigas ang kakambal nya.
Umiiyak na tumango ito.
Nasaktan sya sa nakikita.
Ngayon lang kasi ang unang beses na makita nya itong umiyak dahil nahihirapan din ito.
Inis na pinahid nito ang mga luha at galit na hinablot sa lalaki ang singsing at umalis na ito.
Sya napaluha narin.
Natatawang binalingan ang Prinsipe.
"Binibining Mikaela. May isa pa pala akong sasabihin. Dahil nahulog mo ang Prinsipeng may dalang singsing ay may gantimpala kang matatanggap. Ang Prinsipe na ang magsasabi sayo. Paalam."
Sabi ni Servant Bulaklak at nakangiting umalis na sa harapan nya.
"Mikaela--"
"Oo alam ko! Just tell me, para maka-alis na ako."
Putol ko sa lalaki sabay iwas ng kamay sa tangkang paghawak nito.
"Gusto kong malaman mo na nagbunutan kami ni-- kung sino ang hahawak ng singsing--"
"Just stop explaining, pwedi ba? Just tell me my price ng maka-alis na."
Inis na putol ko ulit dito.
"Ayokong isipin mo na pinaglaruan ko ang damdamin mo. God knows kung paano ko pinigilan ang sarili ko na wag mahulog sayo. I really love you, Mikaela. I do. Pero katulad mo naguguluhan din ang puso ko. I did everything kahit ang imposible. Mabago lang ang lahat. Siguro kung normal lang akong tao at walang responsibilidad. Magagawa ko ang lahat. Susundin ko yung tinitibok ng puso ko. Pero, alam natin pareho kung ano ang tama at kung ano ang dapat."
Natatawang tumango sya.
"Yeah. I'm matured enough para hindi maintindihan ang lahat. Maybe it's just a mistake loving you back. Mali sigurong minahal kita. Kasi ang tanga-tanga ko, eh? Alam ko naman na may ganitong set-up na. Pinagpatuloy ko parin yung nararamdaman ng puso ko. Ngayon, sinisisi kita kasi sa totoo lang it was my mistake, diba?"
Umiling ito.
Sya naman ay napaiyak na.
"No! Don't be say that, Mikaela. You've never been a mistake. May kasalanan din naman sa part ko. Nagpakita ako ng motibo para mahalin mo ko. I was so good to be true para mahulog ka. Kaya sana patawarin mo ako. Ang gusto ko lang maging masaya ka sa buhay mo and forget about me. Goodbye."