Chapter 1
Mikaela and Michelle are identical twins.
Parehong maganda.
Sexy.
Pero magkaiba ng type sa lalaki.
Well, hindi naman lalaki ang type nung isa.
They are different in comes with there style too.
Mikaela is a quiet type of girl.
Friendly.
Mabait.
Maganda.
Matalino.
Pero, walang talent.
Laging palpak ito lalo na sa talent portion.
Michelle is a boyish one.
Kahit mahaba ang buhok ay lagi nitong tinatali at tinatago yun sa ilalim ng sumbrero nito.
Sa kanilang dalawa, sya yung talented.
Madaling makasama.
Pero walang laman ang utak.
In short bobo hehe.
Suplada din ito, i mean suplado.
Ayaw na ayaw nitong tinatawag sya sa pangalan nya.
She's always wearing simple clothes like big t-shirt at maluwang na pants at rubber shoes.
Magka-klase ang dalawa at nasa Senior High na.
Ilang buwan nalang ay gra-grauate na sila. Magkakalayo na ng landas na tatahakin.
Kahit magkaiba sa hilig ay close na close ang dalawa.
Just like other twins.
Meron silang kambal na manliligaw.
I mean, Mikaela have.
Nanliligaw ang kambal sa kanya.
Since, hindi boys ang type ng kakambal nya.
"Hi! Michelle--i mean, Mikaela. Tara pasyal tayo sa mall after class."
Yaya sa kanya ni Justine.
Napairap lang ang kakambal nya dito.
"Ano kaba bro! Nauna na akong magyaya sa kanya kanina."
Inis na baling ng kambal na si Jordan sa kapatid.
Identical twins din ang dalawa.
Pareho ng type na babae.
Binalingan nya muna ang kambal nya.
May kausap na itong babae sa tabi nito.
May naisip sya.
Ngumiting tumingin sya sa lalaking kambal.
"Eh, di yayain mo si, Michelle. Ayan, oh?"
Nguso nya sa kambal na katabi na inambaan lang ng suntok nito ang dalawa.
Napangiwi naman si Justine at nagtago sa likod ng kakambal.
"Oy? Wag nga ako ang pagtripan nyo! At hindi Michelle ang pangalan ko--Michael!"
Sigaw nito at umasta-asta pang macho.
Napailing-iling nalang sya sa inasta nito.
"Sa susunod nalang, Jordan at Justine, huh? May geg kasi itong si Michelle--Michael pala."
Tumango-tango naman ang mga ito at umalis na.
"Tara na kambal. Umalis narin tayo. Malayo-layo pa ang geg nyo at gusto ko pang mag-meryenda. Daan muna tayo sa fastfood."
Yaya nya sa kambal dahil masyado ng PDA ang mga ito.
Makarating pa ang balitang 'yun sa daddy nila.
Tumango lang ito at hinatid muna ang babae nito.
Napabuntong-hininga nalang sya sa pagiging babaero nito.
Makaraan ang ilang minuto.
Napatingin sya sa orasan ng matagal na syang nakatayo duon.
"Sorry, kambal. Traffic.."
Humihingal na dating ng kambal nya.
Inirapan nya lang ito at nauna ng sumakay ng sasakyan.
"Michelle, pwedi ba? Bawasan mo naman yang kakababae mo. Babagsak kana maya, eh? Pag hindi ka maka-graduate. Magagalit sakin sina daddy."
Inis kong sabi dito na habang nasa sasakyan kami ay may katawagan na babae.
Nag-drive thru na ngalang sila dahil wala ng oras para kumain.
Nag-order lang sila ng pizza at drinks.
Binalingan sya nito.
"For your information kambal--Michael nga. Tsaka, hayaan mo na sina daddy. Kahit hindi naman ako maka-graduate. May mga geg ako. May pera ako. At may trabaho ako. Ikaw sa ating dalawa ang kailangang mag-aral, dahil kung hindi ka makatapos. Hindi ka rin makahanap ng trabaho. Tsaka, hindi ako babaero. Friendly lang talaga ako."
Napapailing nalang sya sa kayabangan nito.
Talagang pinamukha pa sa kanya.
Buti nalang talaga at mahaba ang pasensya nya.
Kumain nalang sya ng pizza sa inis dito.
Ang isa pa sa kinaiinis nya, ay mas maganda at sexy pa ito sa mga chicks nito.
Sya wala pa syang boyfriend.
Bukod sa bata pa sya ay maganda lang sya.
Hindi attractive.
Pili lang manliligaw nya like Jordan and Justine.
Ewan nya ba?
Girly-girly naman sya.
Maganda manamit.
Matalino, pero sadyang wala syang dating sa mga kalalakihan.
Baliktad naman sa kambal nya.
Kahit boyish ito, ay maraming nagkakagusto dito.
Mapalalaki o babae.
Siguro dahil sa talented ito, kaya ma-appeal ito.
Magaling kumanta.
Sumayaw.
Umarte.
Mag-host.
Lahat-lahat na.
"Hay? Buti naman, Michelle at nakarating ka din. Kanina kapa namin, hinihintay."
Wika ng manager nito pagkadating nila.
Napabuntong-hininga pa itong niyaya pa stage ang kakambal.
Si, Kevin.
Sekritong crush nya.
Matagal na.
Pero, hindi manlang sya matingnan nito.
Napakamot ang kapatid sa ulo.
"Sorry, boss. Natraffic lang. Andito naba lahat?"
Tumango-tango naman ang lahat at nagsimula ng kumanta sa isang bar na 'yun.
Main vocalist ang kambal nya.
Ang lambing ng boses nito.
Parang diwata.
Magtataka nalang sya isang araw may manliligaw na itong diwata o anghel.
Pumwesto sya malapit sa harap ng stage.
Pagkatapos um-order ng orange juice.
Nakangiting umino ng juice.
Nilalasap ang matamis at medyo maasim nitong lasa.
Habang ninanamnam ang kantang naririnig.
'Wag kanang umalis'
'Wag kanang lumayo'
'Dito kalang, sa aking tabi'
'Nang dumating ka sa buhay ko, oh'
'Binago mong lahat, pati ang aking mundo'
'Binigyan mo ng ngiti at ligayang buhay'
'Pangako ko sayo, na hindi kita'
'Iiwan'
Sinasabayan nya ang kanta ng kambal sa isip kahit wala sa tono yun habang tinitingnan si, Kevin.
Napangiti sya sa isip ng may naalala.
"Kapag lumingon ka. Akin ka.."
Mahinang usal nya pero agad ding nabigo.
Hindi ito sa kanya lumingon.
Kundi sa kambal nya.
Para senyasan sa susunod na kanta.
Napabuntong-hininga nalang syang nilapag ang juice
Badtrip!
Sana ako nalang sya.
Yung kapatid ko.
Hindi naman ako naiinggit dito.
Dahil kong academic achievers lang pag-uusapan.
Marami na syang natanggap na medals and certificates.
"Alone?"
Gising sa kanya ng lalaking bigla nalang tumabi sa kanya.
Agad syang lumingon sa nagsalita at pinakatitigan ito.
Napa-smirk kahit hindi naman lasing.
"Paano mo namang nasabi na, alone ako?"
Taas-kilay na sagot ko dito.
Malamang mag-isa kalang dyan, ngayon.
Sagot ng kabilang isip ko.
Natawa ito sa inasal nyang binalingan sya.
Tumitig ito sa mga mata nya pero agad ding bumaling sa kabilang dako.
"Naiinggit kaba sa kambal mo dahil nakakausap at nakakasalamuha nya lagi ang taong gusto mo?"
Natawa syang tumayo.
Umiling-iling.
Hndi makapaniwala.
Pinatong ang dalawang kamay sa mesa at masamang tiningnan ito.
"Are you crazy? Sorry, pero wala akong time para sa kalokohan mo."
Sabi ko dito at aalis na sana ng pinigilan ako nito.
Ano bang problema nito?
He's just a stranger.
Bakit ako ang napagtripan nito.
And i don't care on Earth kung bakit nasasabi nya ang naiisip ko.
Kahit na.
Yeah.
Intimadating sya.
Knowing hindi nya ako kilala.
Yet, alam nyang kambal ko ang nasa stage higit sa lahat yung feelings ko kay Kevin na ni kakambal nya.
Hindi nya sinasabi yun.
"Siguro nagtataka ka. Well, it's normal. Pano ba yan. Mauna na akong umalis sayo. I know magkikita pa naman tayo, nextime."
Paalam nito at tuluyan ng nawala sa paningin nya.
Ang weird talaga ng lalaking 'yun.
Nakasinghot ba 'yun?
High na high eh..
"Oh? Kambal. Okay na okay ka naman ba dyan?"
Tapik sa kanya ng kambal ng mag-break muna ang mga ito.
Agad itong kumuha ng vodka na agad naman nyang pinigilan.
Pero wala syang nagawa ng tingnan sya nito ng pamatay.
"Nag-aaral pa tayo, Michelle. You're not yet in the right age para uminom ng alcoholic drinks."
Umiling-iling lang ito sabay tungga ng isang baso.
"Hayaan mo ako, Mikaela. Kung sina daddy nga walang pakialam sa akin. Ikaw pa kaya?"
Taas-kilay nito sa kanya.
"Well, i care for you, Michelle. Kapatid kita at ate mo ako."
Napangiti naman ito ng mapakla.
"Then, sorry--ate? Hayaan mo nalang ako. Sa ganitong bagay lang ako nagiging masaya."
Malungkot nitong turan.
Sa kanilang dalawa kasi ay mas pinaboran sya ng magulang dahil matalino daw.
Normal at higit sa lahat may desiplina.
Kaya hindi nya masisi ang kapatid.
Bata palang sila ay lagi na itong nakakatikim ng palo at kung anu-anong parusa kapag bumabagsak ito sa exam.
Kaya sinikap ng kapatid na makapagtrabaho at i-pursue ang mga talents nito without their parents consent.
Simula ng maliit palang sila.
Responsibility na nya ito.
Sa pag-aaral.
Bahay.
Sa labas ng bahay.
Kaya kapag may narinig sila tungkol sa ginagawa ng kapatid.
Sa kanya ang sisi dahil yun ang hiniling nya sa mga ito.
Na sya nalang ang saktan.
Wag lang ito.
Kaya ganun nalang sya nag-aalala dito.
Simula ng magbisyo ito.
Babae.
Barkada.
Alak.
Lagi wala sa bansa ang magulang nila.
Busy sa mga business ng mga ito, outside the country.
Tanging sila.
Katulong.
Driver nila ang naiiwan.
Kahit may sari-sarili silang sasakyan ay sasakyan lang ng kambal nya ang ginagamit nila dahil lagi naman silang magkasama o sinasamahan ito.
Ng maalala ang lalaki ay diniscribe nya ito sa kambal.
"Kambal may kilala o namumukhaan kabang lalaki na regular customer dito. Hindi ko alam kung regular customer sya. Basta! Matangkad sya. Gwapo. Maputi. Medyo singkit ang mga mata tapos laging naka-gel ang buhok."
Naguguluhan naman syang tiningnan ng kambal.
"Alam mo naman kambal ang pinaka-ayoko ang mag-isip at alalahanin ang isang bagay, tao o lugar. Pano ko makikilala yang sinasabi mo? Wait, ngalang bakit mo naman natanong yan? Type mo? Akala ko ba si--type mo."
Inirapan nya ito sa huling sinabi dahil nasa malapit lang ang manager nito.
"Wala lang. Bakit masama ba magtanong? Malay ko ba kung baka ngayon. Gumagana ang utak mo."
Pang-asar nya pa dito.
Kalaunan ay napatawa dahil sa kunot na noo nito.
"Natanong ko lang. Kinausap nya kasi ako at ang weird nya. Hindi ko sya kilala pero mukhang kilala tayo."
Nagkibit-balikat lang ito at tumayo na para pumunta sa stage.
"Bahala ka mag-isip. Dyan ka naman magaling. Sumasakit ulo ko dyan."
Sa di kalayuan ay may lalaking nakatingin mula sa labas ng bar na yun.
Tanging makapal lang na glass ang pagitan nito sa loob.
"Sino ba talaga ang gusto mo sa kambal na 'yan? Yung maganda na kausap mo kanina o yung boyish na kumakanta.
Tanong ng katabi nitong lalaki na nakatingin din sa tinitingnan nito.
"Una sa tingin ko mas challenging yung boyish na yun kasi typically babae ang gusto. Pero yung isa--"
Napangiti pa ito ng kakaiba habang inaalala ang pag-uusap nila kanina.
Hindi kasi ito natakot.
Akala nya dahil sa gandang ito.
Matatakotin.
Nagkakamali sya.
Interesting.