Michelle POV
Ayoko talaga sa mga lalaki.
Sakit lang sila sa ulo katulad ng mga lesson's namin sa school na ang hirap intindihin.
Ganun din ang tingin nya sa mga lalaki.
Ang hirap intindihin like her dad.
Since birth, alam na nya kung saan sya belong.
Alam nyang iba sya sa kakambal nya.
Oo, magkamukhang-magkamukha sila pero magkaiba sila sa lahat ng bagay.
Mas gusto ko na maging ganito, para naman ako ang magiging tagapagtanggol ng kambal ko.
Sakaling may mag-away dito.
Pero hindi naman ito palaaway.
Masunuring bata yun at sunod-sunuran.
Sya pa kamo.
Palaaway.
Pasaway at matigas ang ulo.
Matigas man syang maii-describe at nakukuha ang gusto.
May kahinaan din sya.
Ang kambal nya.
Isa ito sa kanyang priority.
Lalo na ang happiness nito.
Mahal nya ito at gagawin nya ang lahat mapasaya lang.
"Boss Kevin.."
Tapik ko dito ng makita ito sa sulok ng stage na yun.
Katatapos lang kumanta nila ng banda.
Manager ko ito simula ng mag-umpisa akong magbanda.
2 years ago.
Ng panahong yun hindi ko pa sure kung makakaya ko ba
Ito ang unang naka-diskubri sa talent ko sa pagkanta sa isang videoke.
After nun, kinuha sya nito sa bandang binubuo nito.
Banda ng mga kabataan.
Unang geg nila sa isang fiesta sa isang probinsya.
Kalaunan nagsialisan ang mga dating kabanda at napalitan yun ng mas matanda sa kanya.
Ayaw man syang isali sa mga ganitong klase ng geg sa bar.
Ay, sa ang mapilit.
Gusto kasi nyang may mapatunayan sa buhay.
Hindi yung umasa lang sa daddy nya.
Tumingin ito sa kanya at tinaasan lang sya ng kilay.
"Bakit, Michelle? May problema ba?"
Nagkibit-balikat lang sya.
"Wala naman pero yung kambal ko meron."
Direktang sagot ko dito habang nakatingin sa kinaroroonan ng kakambal.
"Anong problema ni, Mikaela? Mukhang wala naman syang problema, ah.."
Sabi nito habang nakatitig sa kambal nya mula sa malayo.
Nasa isang table ito.
Umiinom ng juice.
Araw-araw lagi sya nitong sinasamahan kapag may geg sya.
Kahit saan pa yun.
Kaya gusto nyang bumawi dito.
"Kaylan ka paba magkakalakas ng loob? Mamaya maunahan kana ng kambal na manliligaw nito."
Sagot ko dito.
Kahit papaano ay naging malapit kami nito sa dalawang taon na yun.
Para na nya itong kuya at sya ay parang kapatid na dito.
Kaya alam ko ang isang sekreto nito.
Katulad ng kambal nya.
Nakakatawa mang isipin.
Parang naglolokohan lang ang dalawa.
Kapwa ayaw umamin sa feeling's sa isa't isa.
Ito naman kasing lalaking 'to ang tanda na.
Napaka-torpe.
Akala mo eh bata pa at nahiya pa umamin sa ka-puppy love.
Ang lagi nitong sinasabi matanda na ito sa ganung bagay.
Tanong ko naman.
May tamang edad ba para dun?
Nasa 25 na ito.
Samantalang sila 17 palang.
Mas gusto nitong deadmahin at i-sekreto ang feeling's nito para sa kakambal nya.
Malungkot itong ngumiti.
"Hindi kami bagay. Mas bagay sya sa batang manliligaw nya. Nasa marrying age na ako. Samantalang ang kambal mo nasa puppy love level palang."
Tiningnan nya ito ng hindi makapaniwala.
"So? Kaya takot ka sumubok dahil baka mabigo kalang, ganun? Dahil baka, pwedi pa mabago ang nararamdaman nito? Na baka hindi pa sya ready o ikaw ang hindi ready sa lahat ng sinabi ko sayo?"
Napailing-iling pa sya tanda ng hindi makapaniwala.
"Pano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"
Tumayo na sya.
"Alam mo kung hindi lang kita manager. Sinuntok na kita. Alam mo bang sister's knows best? Este brother pala.."
Napangiti naman ito sa 'sister' na sinabi nya na nagpangiwi lang sa kanya.
Bago sila umuwi ay nagpalit muna sya ng damit.
Well, may mga dala lagi silang extra t-shirt.
Dahil kapag mag geg biglaan lang gaya ngayon.
Dito na sila nagpalit ng kambal.
Habang inaayos ang sarili ay bumalik sa isip nya ang sinabi kanina ng kambal.
Masakit ang ulo nyang mag-isip kaya ayaw nya sanang isipin ang sinabi ng kambal tungkol sa weird na lalaki na kumausap dito kanina.
Pero kasi hindi sya mapalagay.
Yung pakiramdam ng araw na yun ay bumabalik.
Natatakot sya hindi para sa sarili kundi sa kambal.
Actually maraming beses ng nangyayari.
Simula ng mag-17 sila ng kambal 8 months ago.
Binabalewala nya minsan pero kapag mapag-isa sya.
May bigla nalang nagpaparamdam.
Kaya mas gusto nyang may kasama.
Kaya napagkakamalan syang babaero ng kambal.
Hinawakan ang ulo na inaalala ang nangyari ng araw na yun.
"Ang sakit ng ulo ko! Sh*t! Yelo nga kambal!"
Sigaw ko nang makauwi ako ng bahay at lasing.
Tumuloy agad sya sa sariling kwarto.
Nang mapagtantong.
Hindi nga pala sya maririnig ng kambal.
Dahil makapal ang pagitan ng kwarto nila.
"Hay? Tanga! Lasing ka nga.."
Inis na kausap nya sa sarili at pa-giwang giwang na naglakad palabas ng kwarto nya.
Muntik pa syang matisod sa hagdan at sinusumpang bakit nasa second floor pa ang kwarto nila.
"Bakit ba kasi sa laki ng bahay na ito, eh sa 2nd floor pa talaga ang kwarto namin?"
Singhal nya na akala mo may kaaway.
Kakatukin pa sana nya ang kambal pero ng maisip na baka nag-rereview at ngayon lang nya naalala na may exam pala sya.
Kahit naman alam nya siguradong tamad din sya magreview.
Mas gusto nya uminom.
Mag-lasing kasama ng barkada.
Kung wala syang geg.
Gaya ng araw na 'yun.
Pagbaba, bumungad sa kanya ang madilim na sala.
Tumuloy sya sa kusina na hindi binubuksan ang ilaw.
Mabuti nalang at kabilugan ng buwan.
Tanging sinag lang ng buwan ang naging ilaw nya.
Hindi naman kasi sya takot sa dilim.
Higit sa lahat marami silang katulong, guwardya at driver na nasa basement natutulog.
Alam nyang sa oras na yun tulog na ang lahat.
Nahihilong pumunta sya sa dako ng ref at binuksan yun.
Kumuha sya ng malamig na tubig at akmang iinom palang sana ng may nagsalita mula sa may likuran nya.
"Michelle--Michelle. Hanggang kaylan kaba magiging ganyan?"
Baritonong tinig na lalaki ang nagsalita.
Napatigil sya sa pag-inom ng tubig at pinakinggan mabuti kung kilala nya ba ang boses na yun.
Wala sa mga driver. Guwardya o hardinero nagmumula ang ganung klase ng tinig.
Mabilis syang napalingon sa may ari ng boses na yun.
Naaninag nya ang isang lalaking prenting nakaupo sa may sofa sa sala.
Bukod sa madilim ay hindi nya masyadong makita yun dahil sa nakaharang na pintuan.
Paano ito nakapasok?
At bakit parang kausap nya ang dating ng boses nito.
Hindi mahina.
Klaro yun kahit na nakainom sya.
"Siguro nagtataka ka kung paano ako nakapasok? Hindi na mahalaga yun, diba? Oh? Baka nagtatanong ka dyan sa isip mo kung sino ako at bakit kilala kita?"
Hindi parin ito umaalis sa kinauupuan nito.
Wala sa sarili na naghanap sya ng bagay mula sa likuran.
Kinapa lamang yun ng kamay nya.
Ng makakuha ng tinidor ay nagkalakas sya ng loob na lumapit dito.
Habang naglalakad ay pilit nyang inaaninag ang mukha nito.
"Sino kaba talaga? Magnanakaw o holdaper?"
Nakingising wika ko na akala mo eh superhero na walang kinatatakutan.
"Hindi ako pareho sa lahat ng iniisip mo at kung sa tingin mo ay kaya mo akong patayin ng isang tinidor. Ay nagkakamali ka. Mabuting bitawan muna yan. Wala ring kwenta yan sayo laban sa akin."
Napatigil sya sa ginagawang paglapit dito at gulat na nabitiwan ang tinidor.
"TIINNGGGG!"
Tunog nito na nagdulot ng takot at kaba sa kanya.
Sino ba talaga ito at anong kailangan sa kanya?
At bakit alam nito ang bawat galaw at iniisip nya lalong madilim sa salang yun.
"Bago ako umalis gusto ko lang sabihin sayo na, lagi akong nasa paligid mo at pinagmamasdan ang bawat galaw mo. Dadating yung tamang panahon at oras na makilala mo rin ako, Michelle. "
Pagkasabi nito yun ay mabilis itong umalis.
Sundan nya pa sana ito, pero dala ng takot ay agad syang umakyat papuntang kwarto nya at naglock ng pinto.
Bumalik ang isip nya sa kasalukuyan.
Napaisip muli.
"Iisa lang kaya ang lalaking yun at ang kumausap sa kambal nya kanina?"
Kausap nya sa sarili.
"Pero nagpakita ito ng mukha sa kambal nya. Baka magkaiba. Ah, ewan!"
Sagot nya ng lalong sumakit lang ang ulo nya.
Maya-maya
"Hello, Michelle. Ako ba ang nagpapasakit ng ulo mo? Andito ako.."
Ito na naman ang boses na nagpapakaba sa kanya.
Mula sa loob ay naaninag nya ito sa labas.
Medyo kalayuan at nasa bandang parte ito ng madilim na bahagi.
Nakasandal sa labas ng sasakyan at hindi nya parin makita ang mukha.
Bakit ba ang lapit ng boses nito kahit ang layo nya at bakit naririnig sya mula sa malayo.
Sino ba talaga ito?
Napailing-iling syang bumalik sa kambal.
At sinabi dito ang lahat ng nangyayari sa kanya.
Para balaan ito sa kanilang mystery stalker.