Chapter 3

2013 Words
Mikaela POV "Oh? Anong mukha yan kambal? Hindi kana naman natulog noh?" Biro ko sa kambal kong humihikab pang papasok ng sasakyan. Dineadma lang sya nito. Pumasok narin sya sa loob katabi nito sa likuran. May family driver sila kahit may sari-sarili silang sasakyan. Meron naman sila parehong student license pero hindi nya hilig mag drive. Nagda-drive lang sila pag kasama nya ito at nakainom. No choice sya eh. Binalingan ko itong magsisimula na sanang pumikit habang nakasandal sa upuan. "Kung ako sayo mag lie-low ka muna sa mga geg mo. Tsaka bawas-bawasan mo muna ang kakalabas. Kakabarkada at higit sa lahat ang kaka-bisyo mo. Naapektuhan na ang studies mo. Gusto mo bang hindi maka-graduate ngayong taon?" Pangaral ko dito na nagmulat lang ito saglit para irapan sya pagkatapos ay pumikit na naman. Maya-maya ay may kinuha sya sa mga folders nya. Isang brown envelope yun. "Ayan! Aralin mong lahat yan habang nasa byahe tayo. Kaysa matulog ka dyan. May oras sa pamamahinga at sa pagre-review. Lahat nun hindi mo ginagawa sa tamang oras. As usual. Ayan! Aralin mo kung ayaw mong ma-zero sa quizz at maka-abot kina daddy yun. Tinulungan na kita para mas madali mong ma memorize. Lagi naman, eh." Inis na sabi ko dito. Natatawang nagmulat naman ito ng mata. Kinuha ang inabot nya at nakataas ang kilay na binalingan sya. "Salamat huh? May oras ka rin! Tsaka bakit ang dami naman nito. Hindi pa naman finals diba?" Inis nitong turan. Napabuntong-hininga naman sya. "Hindi kapa nasanay. Lagi namang may quizz sa school natin at hindi lang yun basta-bastang long quizz. Masahol pa sa finals. Mahaba pa naman ang oras mo may isang oras kapa. Kaya mo yan. Kaw pa!" Pampalakas loob ko dito na mukhang hindi naman effective. Inis na tinapon nito sa harapan ang envelope. "Wala ako sa mood mag-saulo nyan. Nakikita mo ba? Bukod sa wala na ngang laman ang utak ko. Wala pang tulog. Papaano papasok sa utak ko maski isa dyan. Kaloka!" Inis nitong sabi. Kinuha ko naman sa harapan ang envelope at binalik muli dito. Ngayon nilapag ko na ito sa kundungan nito. "Sa ayaw at gusto mo kailangan mong subukan. Ano kaba, Michelle? Grow up! Hindi kana bata na kung ayaw mo! Ayaw mo! Remember? hindi lang grades mo nakasasalay dito pati narin ang kapakanan ko." Pangaral ko dito habang nakabusangot na ang mukha. Sino ba naman hindi? Sobra pa sa Grade 1 ata kausap nya. "Okay. Okay. Fine! Susubukan na nga!" Sabi nito at binasa na ang nasa loob ng envelope na yun. Halata mang sumasakit ang ulo nito sa bawat letra na nandun ay wala din itong magagawa. Katulad nya. ....................... Mukhang ito na nga ata ang sinasabing oras nya ng kakambal. Ang pinaka-ayaw nyang subject in the history. Not history subject but the subject in her school. Music the 'M' in MAPEH. Actually sa Music and Arts sya mahina. Pero ang hindi nya talaga matanggap ay ang Music. The word itself 'Music'. Dahil pag ganitong subject. Ito na naman ang kaba nyang hindi mapigilan. "Class we have group activity for today." Napangiwi sya sa sinabi ng guro nya. Lagi namang may activity. Meron bang puro nalang lecture? Mabilis naman na nagtalunan ang mga kaklase nya. Hindi namang halatang excited sila diba? Napabuntong hininga nalang ako habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng guro nila, kahit hindi naman sya excited. Kaba.. Ito na naman ang oras nang kahihiyan nya sa buhay. Wala namang exempted kasi kahit gaano kapa kayaman sa bansang ito kung nakasalalay ang grades. Pwera nalang siguro sa ibang, they uses their own money to achieved everything. Kahit na ang manuhol at mandaya. But she's not them. Meron syang dangal kahit hindi artistic na tao "Ganito yun. Group yourself into five. Then the four will dance and the leader will sing. Okay ba?" Pagpatuloy ng guro nila at sabay-sabay namang nagpalakpakan ang mga kaklase nya. Hindi na sya nagulat. Dahil kahit anong sabihin nito. Hindi sya belong sa subject na ito. Yun ang totoo. Napatingin sya sa paligid. Ang daming tao. Mapapahiya talaga sya at baka kinabukasan nasa bulletin board na ang mga nakakatawang pictures nya. Andito kasi sila sa gym. "Pumili kayo ng kanta. Latest o old man yan na pweding gamitin sa ballroom dancing. Pagkatapos nyong mag-grupo ang leader nyo ang bubunot sa box na ito ng sayaw na sasayawin nyo. Ano, go naba kayo?" Masayang wika ng guro nila at nag-senyales na itong mag-umpisa na sila. Dahil sa kawalang gana nya ay napansin nya nalang na mabilis nakahanap ng grupo ang mga kaklase nya at ang mga naiwan? Katulad nyang kaylan man ay walang pipili. "Okay lang yan, Mikaela!" Pampalakas ng loob sa kanya ni Abby. Isa sa mga naging ka-close nya sa mga classmates nya. Tumango sya dito at in the end isa sya sa mga sasayaw. Mas okay na yun kasya maging leader at kakanta. Atleast hindi sya magiging center of attraction but center of mistakes. Mistake of steps. "Class you can use your mobile phone pala to choose the song you want. Take note: Ang pagbabasihan ng grade nyo ay 50% sa song choices nyo at 50% sa performance nyo. Meron lang kayong 30 minutes para magpractice." "30 minutes, ma'am?" Gulat na tanong ko. Dahil kahit kalahating araw o habang buhay man yan. Hirap syang maayos pa, ang mga paa nya. "Oo, Mikaela. Bakit, may problema ba?" Naguguluhang tanong ng guro nila. Umiling-iling naman sya ng pilit. "Good. Then, the 30 minutes start now." Oras ng guro nila at sila ito. Bukod sa hindi ka-close ang ibang kasama ay hirap din pakisamahan. "Ayusin mo, Mikaela. Ayokong mapahiya ng dahil sayo. We all know naman na wala kang talent." Baling sa kanya ni Lorraine sabay smirk. "Ikaw kaya ang umayos kung ayaw mong mapahiya? We all know also na wala ka ring talent! Bakit hindi mo itanong sa nanay mo na paayusin yang boses mo? Makapag-sabi, akala mo kung sinong magaling. Baka nga ikaw pa ang pumahamak sa amin. Remember? ikaw ang kakanta?" Inis na baling din dito ni Abby sabay cross ng mga kamay. Hinila nya naman ito. Mas lalong babagsak sila. Kung matatapos na ang 30 minutes ay wala pa silang nagagawa. "Tama na yan. Mas okay na magsimula na tayong magpractice. Practice makes perfect nga diba? Kahit hindi perfect atleast sinubukan at binigay natin ang best natin, diba? Lorraine, nakahanap ka naba ng kanta?" Baling nya sa babae. Kahit masama ang tingin nito sa kanya ay mabilis naman itong tumango. "So? tara na. Wala na tayong oras.." Yaya ko sa mga ito at nagsimula na kaming magpractice. Cha-cha ang nabunot ng leader nila. Kaya ang partner nya ay si Abby. Kahit na ilang beses ko itong naapakan eh, go lang ng go. Natapos ang performance nila sa isang palakpakan. Kahit hindi ganun kaganda. Kahit na may mali. At alam nyang may ilan-ilang pinagtatawanan sya o kinukunan ng picture. Pinagsawalang bahala nalang nya. Walang magagawa din naman qang mga classmates nya kung malakas sya sa guro nila. Kaw ba naman samaan ng tingin, kung hindi ka mapilitan pumalakpak. "Galing natin, Mikaela ah. Nakakuha tayo ng 7 out of 10. Hindi na masama. Kahit namamaga na itong mga daliri ko sa paa at pasa pasa na ang katawan ko sa kamay mong hindi alam kung saan ang dako." Natatawang sabi ni Abby. Maya-maya ay nakangiting lumapit din ang kambal nya. "Galing ah, congrats! Iba na talaga ang malakas." Sabi nito sabay shake hands sa kanya. Inirapan nya lang ito. "A-Ah, Mikaela. Una na ako sa inyo, huh. B-Bye.." Nahihiyang paalam ng katabi nyang si Abby. "Anong nangyari dun? Dumating lang ako nagkanda-utal na?" Naguguluhang wika ng kambal nya. Pinalo nya naman ito. "Bakit hindi mo itanong sa sarili mo? Sa dinami-dami kasi halos lahat na pati ba naman kaibigan ko. Idadala mo dyan sa pakilig-kilig mo. Tapos paasahin mo. In the end. Iiwanan mo sa ere na parang walang nangyari. Ewan ko sayo!" Inis na unang umalis na ako dito. Kahit kaylan kasi. Babaero ang peg ng kakambal nya. Maya-maya ay may katawagan na ito na pumasok ng sasakyan. Ang loka eh, ni loudspeaker pa talaga ng pumasok. Alam kasi nito na gustong-gusto nyang marinig ang boses ng manager nito. Oo, ito ang katawagan nya. Hindi babae. "Oh? Gusto mong kausapin.." Bigay sa kanya ng cellphone nito. Mabilis syang umiling dito. "Sige na! Wag ng pakipot. Nangangalay na ako." Nguso nito sa kamay nitong may hawak ng cellphone at kanina pa nakanguso sa kanya. "Sino ba kasi nagsabi sayong iabot yan sa akin? Pwedi namang ibaba diba? Dapat ba talaga naka-hanging? Tsaka wag na nga. Wala naman kaming pag-uusapan." Inis na baling ko dito. "Rinig mo? Ang sabi nya ayaw ka nyang kausap.." Konot-noong binalik ko naman ang tingin dito. "Hindi pa pala nakapatay yun, Michelle? Kainis! Nakakahiya!" Inis na ginulo ko ang buhok ko. Natatawa naman itong tinapik ang balikat nya. "Ewan ko kasi sa inyo. Pareho kayong magulo.. parang mga ewan.." Iling-iling pa nito. Maya-maya ay phone naman nya ang tumunog. Mabilis nyang kinuha yun sa bag nya at agad sinagot. Madami itong sinasabi sa kabilang linya kaya agad nyang nakilala. Hindi nya kasi tiningnan ang caller kanina. "Hello, Jordan? Okay, free kami after school. Message mo lang kung saang address. Isama mo narin ang kambal mo. Para may kasama itong si, Michelle." Natatawang binalingan nya naman ang kambal na mukhang sasabog na sa inis. Mabilis nyang pinatay ang tawag ng makitang umuusok na ang ilong nito. "Bakit pati ako dinamay mo dyan sa date date mo!" Baling nito sa kanya. "Remember? Hindi ako pweding umalis na walang kasama at higit sa lahat ng hindi ka kasama. Justine and Jordan is not far from us. At hindi naman magandang tingnan na. Dalawa-dalawa ang date ko, diba?" Paliwanag ko dito. Ng may maalala ay mabilis itong sumang-ayon. "Fine! Basta last na ngayon. Hinding-hindi na talaga ako sasama lalo sa kambal na yan." "Okay.." Maikling sagot nya. Hindi pa man tumagal na tumawag si Jordan ay nag ring na naman ang phone nya. Naguguluhang napatingin din sa phone nya ang kambal. "Si, Justine?" Mabilis na umiling sya at ito na naman yung kaba. Hindi katulad sa kaba nya sa school habang nagpe-perfom. Mas malala pa dun. "Unregistered number. Sasagutin ko ba?" Naguguluhang tanong ko sa kambal. "Sagutin mo para malaman natin." Alam nyang kinakabahan din ito. "He--" "Ang tagal mo namang sagutin, Mikaela." Putol nito sa kanya. Pareho silang napatingin ng kambal sa isa't isa. Gulat. Kinakabahan. Natatakot. Familiar kasi ang boses na yun. Yun ang boses ng kumausap sa kanya sa bar at mukhang kilala din ito ng kambal nya base sa ekspresyon nito. Ni-loudspeaker nya kasi ito bago sinagot. Maya-maya ay mabilis na inagaw ng kambal nya ang phone nya. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa amin ng kakambal ko, huh?" Sigaw nito sa kabilang linya. "Well, Michelle. Gustuhin ko man ay hindi ikaw ang gusto kong makausap sa ngayon. Bigay mo na kay Mikaela. Kakausapin ko sya at pakisabi wag ng i-loudspeaker yung phone nya." Nagtataka man katulad ng dati ay mabilis syang tumango sa kambal para sya na ang kumausap. Sya na ang bahala. Bumuntong-hininga muna ito bago binigay sa kanya. "Si, Mikaela na ito. Ano bang gusto mong sabihin sakin, Mr. MYSTERY GUY?" Diin ko sa mystery guy dahil inis narin ako. "Wala naman but i like the name 'mystery' huh?" Natatawang sabi pa nito. Napasimangot naman sya. Papatayin na sana nya ito ng magsalitang muli. "May sasabihin pa ako, Mikaela. Wag mo munang patayin. Since, ayaw mo na akong kausap sasabihin ko na. Wag na wag kang sasama sa kambal na suitors mo. They're not good for you o kay Michelle." Napataas-kilay naman sya sa sinabi nito. "At ano naman, aber ang connection ng pagsama namin ni, Michelle sa kambal na yun, sayo? At ano bang paki mo sa nakakabuti at sa hindi sa amin?" Napa-hmm naman ito sa kabilang linya. "Sa ngayon wala but in the very near future meron." Sabi nito at pinatay na ang tawag. Sya naiwang puzzle sa utak ang sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD