Chapter 4

3185 Words
Michelle POV "Ang weird talaga nya, diba? Hindi kaba natatakot kambal?" Sabi ko dito pagkatapos ng misteryosong tawag na yun galing sa isang misteryosong tao na 'yun. Hindi nya alam kung anong trip nito sa buhay at sila pa napagdisketahan. Natatawang tinaasan lang sya nito ng kilay. "Bakit kambal natatakot kaba? Sabihin mo nga sa akin paano mo sya nakilala. I mean paano nagkrus ang landas nyo nun?" Sabi nito sa kanya. Napaisip sya. Kunyari.. Nilagay nya ang daliri sa ilalim ng baba nya. "Alam mo bang napaisip din ako noon sa sinabi mo sa bar? Kahit ayoko man isipin. Bigla nalang syang nagprompt. Na sabi isipin ko daw.." Natatawa ko ring sabi dito. Inirapan lang sya nito at bumaling sa kabilang side. "Oh? Himala! Gumagana din pala minsan ang utak mo. Pero seryoso.." Sabi nito at seryosong bumalik ang tingin sa kanya. "May masama ba syang ginawa sayo o sinabi? Curious lang kasi ako sa reaksyon mo kanina." Naguguluhan nitong tanong sa kanya. Umiling-iling sya. "Hindi naman sa ganun. Unang beses ko kasi naramdaman ang presensya nya sa bahay. Lasing ako nun kaya akala ko guni-guni ko lang pero nung nagsalita sya. Nawala ata kalasingan ko at ang weird lang nya. Paano nya nalaman ang iniisip ko?" Naguguluhang sabi ko rin dito. "Kaya nga. Yan din ang tanong ng isip ko tuwing magpapakita sya.." "At yan pa. Never syang nagpapakita sa akin. Pero sayo? Anong dahilan nya at ayaw nyang magpakita sa akin?" Tanong ko dito na nakakonot na ang noo. Ang sakit sa ulo. Ang sakit sa ulo mag-isip kung wala ka namang maiisip. In short, walang laman ang utak. Hinawakan sya sa braso ng kambal. "Wag mo nang pakiisipin yun. Sasakit lang ulo mo. Ako na ang bahala. Basta mag-ingat ka lagi. Tsaka sabihin mo sa akin tuwing nagpaparamdam sya, okay?" Tumango ako dito. Alam kong matapang akong tao pero ngayon parang ang duwag duwag ko ata. Hahayaan ko muna sa kambal ang lahat. Well, magaling naman itong mag-isip ng plano and since nagpapakita ito sa kanya. Baka wala naman sigurong masamang motibo but since nakakatakot parin. Dahil hindi nya lubos maisip ang plano nito sa kanila. Kung masamang tao ba ito o isang stalker nila. Maya-maya ay binalingan sya ng kambal nang hinilot-hilot nya ang sintido at napahikab pa. Ang tamlay ng katawan nya. Pakiramdam nya tratrangkasohin sya. "Wag na tayong tumuloy. Message ko nalang si Jordan. Wala namang masama kung susundin natin ang sinabi ni Mr. Mystery guy na yun." Sabi nito at walang gana syang tumango. Kinunotan naman sya nito ng noo. Wari'y naguguluhan sa kinikilos nya. "Sabihin mo nga sa akin. Buntis kaba? Kanina kapa ganyan ah. Hikab ng hikab. Wala sa mood at higit sa lahat. Wala sa sarili." Nilakihan nya naman ito ng mata sa sinabi. "Porki't nahikab lang buntis na agad? Hindi ba pweding, kulang lang sa tulog o masama lang pakiramdam?" Taas-kilay nya dito. "Fine. Malapit na tayo. Sa bahay kana matulog." Pagsuko nito sabay tingin sa paligid. Isang oras kasi ang byahe mula sa school nila papuntang bahay nila. Nakatira sila sa isang subdivision na ang daddy mismo nila ang gumawa. Konti palang ang bahay dito at ang bahay nila ang pinakamalaki. Mukhang na-touch naman sya sa pag-alala ng kakambal kaya nagsalita syang muli. "Wag mo nalang akong pansinin. Masama lang kasi ang gising ko. Pakiramdam ko naglakad ako sa daang walang hangganan. Kaya para akong lalagnatin." Sabi ko dito. Bumakas naman sa magandang mukha nito ang pag-aalala sa kanya. "Uminom ka ng gamot pagdating natin at magpahinga. One of this day uuwi na sina daddy." Hindi na sya nagulat kaya tumango nalang sya dito. Para kasing kabuti ang magulang nya. Bigla nalang susulpot na hindi manlang nagsasabi na darating. Para surpresahin sila sa mga ginagawa nila. Rather, nya... Mikaela POV Alam nya ang iniisip ng kakambal. Alam nyang hindi nito gusto na makita na naman ang magulang nila. Mas gusto pa nga nito na wala sa bahay ang mga magulang. Napatingin sya sa labas ng gate nila ng mapansing nandito na pala sila. Gulat. Naguguluhan ng makita ang isang pamilyar na sasakyan. Anong ginagawa nito dito? Tumingin muna sya sa kakambal. Baka may alam ito. Nagkibit-balikat lang ito. Ibig sabihin. Hindi rin nya alam. Mabilis syang bumaba ng sasakyan pagkapasok sa gate nila. Dahan-dahang pinuntahan ang dako ng lalaking mukhang kanina pa naghihintay sa labas ng bahay nila. Naguguluhan man ay agad nya itong kinausap. "Ah--Kevin? Ahm kuya Kevin. Anong ginagawa mo dito?" Utal-utal kong bungad dito. Shock kasi syang makita ito at may dala pang kung ano ng dumako sa kamay nito ang tingin nya. Mabilis naman nito yung tinago sa likod ng mapansin sya. Naguguluhan man sa ginawa nito ay pinagsawalang bahala nalang nya. Kinikilig kasi syang makita ito sa bahay nila. Ito yung unang beses na dinalaw sya nito. Assuming? Baka hindi sya ang dinadalaw nito since never pa naman sya nitong kinakausap o pinapansin manlang. Napakamot naman ito sa ulo at ngumiti ngunit hindi para sa kanya kundi sa taong nasa likurang banda nya. Mabilis nya namang sinundan ng tingin yun. Napakamot lang sa ulo ang kambal at ngumiti din dito. Mabilis itong pumasok ng pinto at nilampasan lang sila. "Ahm. Dinalaw ko lang si, Michelle. Sabi kasi nya sa tawag kanina. Masama daw pakiramdam nya kaya hindi makakasama sa geg namin. Dinalhan ko na rin nga pala sya ng food." Nahihiyang sabi nito sabay pakita ng pagkaing tinago nito sa likuran kanina. Nasa loob yun ng paper bag, pero mahahagilap mo parin ang laman nito. Isa itong tupperware. At kung ano ang laman wala na syang pakialam dun. Nasaktan man dahil nag-assume sya na dahil nandito ito ay para makita sya, ay pinagsawalang bahala nalang nya. Natatawang binalik nya ang tingin dito. "Kung sya ang pinunta mo dito. Andun na sya sa loob, oh? Hindi mo napansin kanina na pumasok? Puntahan mo na sya..." Tulak ko dito at nauna ng pumasok. Pumasok narin ito pagkapasok nya. Nahagilap pa ng mata nya na magkatabi nang nag-uusap sa sala ang dalawa, kaya mabilis syang umakyat sa kwarto nya. Parang gusto nyang magkulong nalang duon buong araw. Michelle POV "Ang torpe mo talaga, batukan kita dyan, eh?" Amba ko dito ng suntok. Nawala yata ang sama ng pakiramdam ko ng makita itong walang ginawa. Dinamay pa sya at mukhang pinagselosan pa sya ng kakambal nya. Andun na nga at nag-usap na ang dalawa tapos ginawa pa syang excuse? Idea pa naman nya ang pa food food na dadalhin nito and take note paborito yun ng kakambal nya. Hindi nya. Tinutulungan na nga nya. Aba! Sisirarin pa ata sya sa kakambal nya. Napangiwi naman itong hinarang ang kamay sa ulo. Akala siguro, amasona syang sasaktan talaga ito. "Eh, kasi---" "Eh, kasi ano? Bakla kaba?" Putol ko dito at inis itong tiningnan. Umayos ito ng upo at winagayway ang kamay sa harapan nya. "Hindi noh!" Mabilis nitong sagot. "Ganun pala. Eh, di umayos ka!" Sigaw ko dito pero hindi naman yun ganun kalakas dahil baka maya-maya ay bumaba na ang kakambal nya. "E-prepare mo na yan sa kusina ang dala mo para matuwa naman ako sayo. Maya-maya ay bababa na ang kakambal ko. Tandaan mo? Matutuwa lang ako sayo kung magiging happy ang kakambal. Dun ka palang papasa sa akin at wala ng atraso, kahit manager pa kita." Banta ko dito na akala mo eh kaibigan lang ang kausap. Mamaya ako pa ang mawalan ng trabaho nito. Mabilis naman itong sumunod sa kanya. Saktong inaayos nito sa mesa na nandun sa sala ang dala ng bumaba ang kakambal nya. Akala nya wala na itong balak bumaba. Ang tagal kasi! Buti nalang ang bagal ng lalaking 'to. "Kamusta pala si, Mikaela?" Maya-maya ay tanong ng lalaki ng matapos ito sa ginagawa at naupo na sa tabi nya. Hindi nito napansin ang pababang kambal. "Bakit hindi mo sa kanya itanong yan? Ayan, oh? Pababa na." Nguso ko sa kakambal na malapit na sa kinaroroonan nila. Nahihiya naman itong umayos ng upo. Ang loko mukhang kinakabahan na naman. First time? Ganun? Pang-untugin ko kaya ang dalawang 'to. Baka magising sa katotohanan. "Ang sweet nyong dalawa, ah.." Biro ba yun? Tanong nya sa isip ng nandito na ito sa harapan nila. Umupo ito sa harapan nya. Nginuso nya naman na tumabi ito sa lalaki pero mukhang dineadma lang sya nito. "Okay na ako dito kambal. Maistorbo ko pa pinag-uusapan nyo. Hindi ko naman ma-gets yun---Wow! Dala mo?" Putol nito sa sinasabi nito ng makita ang nakahain sa mesa sabay baling sa lalaki. Salad yun. Buko salad. Isa sa paboritong dessert ng kakambal nya. Kakambal nya, hindi nya. Ang paborito nya. Simple lang. Pizza. "Ito ba yung dala mo kanina, kuya Kevin?" Baling nitong muli sa lalaki at inulit pa talaga ang sinabi nito kanina. Paano ba naman kasi parang natuod yata ang lalaki. Ayan kasi, gagawa ng dahilan. Mali-mali pa. Huli ka tuloy, loko! Natatawang kausap nya sa sarili. Maya-maya ay may umapak ng paa nya kaya napatigil sya. "Aray!" Sigaw ko na nakuha naman ng kambal nya ang atensyon nya. "Bakit kambal, anong problema?" Sabi nito at nagsisimula ng kumain. "Wala.." Maikling sagot ko at masamang binalingan ang lalaki. Napakamot naman ito sa ulo sabay sabing sorry sa hangin. Inirapan nya naman ito. Maya-maya ay napatigil sa pagkain ang kakambal ng may maalala. Napatingin silang dalawa dito ng magsalita ito. Patay ka! Ito na naman ang isip nyang inaasar ang lalaki. "Sabi mo kanina para sa kambal ko 'to? Hindi naman nya gusto 'to, eh. Mag-order ka nalang ng pizza. Nag-effort kapa. Mali lang din. Pero, salamat, huh? Nagustuhan ko, promise!" Malungkot nitong sabi pero kalaunan ay ngumiti ng malasap na naman ang kinakain nito. Napangiti narin ang lalaki. Kahit nanginginig na ang kamay nitong nakatago sa ilalim ng mesa. Alam nyang wala na itong masabing dahilan kaya to the rescue sya para sa career nya. Hehehe. "Eh, kasi kambal. Hindi nya alam ang gusto ko. Sigurado nagtanong sya sa kabandmate ko at yun ang sinabi. Yaan mo na. Wag mo nang isipin yun. Quits naman na kayo sa pa-kuya mo.." Natatawang biro ko pa. Pero ang kambal hindi na gets yun. "Anong ibig mong sabihin kambal?" Naguguluhang sabi nito at huminto sa ginagawang pagsubo. "Ah--mag-oorder na ako ng pizza. Anong gusto mong flavor?" Putol sa kanila ng lalaki. Natatawa man ay pinigil nya ang sarili. Akmang tatayo na ito ng magsalita sya. "Dito ka nalang mag-order. Hawaiian nalang tsaka Mozzarella. With drinks huh?" Sabi ko dito. Tumango naman ito at tumahimik lang ang kakambal. Lalo na ng dumako ang tingin nito sa kamay nyang hindi pa pala binibitawan ang lalaki. Nahihiyang tinanggal nya naman yun. Baka ano pang isipin nito. Yucks! Hindi pa nagbabago ang taste nya, noh? "Kambal ano bang sinasabi mo kanina?" Ito naman ito. Ayaw tumigil. "Ang sabi ko--" "No, it's okay, Michelle. Okay lang naman sa akin na tawagin nya akong kuya. Since, matanda naman na talaga ako." Putol sa sasabihin nya ng lalaki. Tapos na pala itong mag-order. Hindi na nya mapigilang matawa sa sinabi nito. Kunot-noong tiningnan naman sya ng kakambal. Kaya tumigil sya. "Opps! Sorry? Maka-matanda ka naman kasi, boss. Wagas! Lolo lang ang peg?" Natatawa parin ako kaya mabilis na tinakpan ko ang bunganga ng masamang tiningnan na sya ng kakambal. "Kuya Kevin. Wag kang magsabi ng ganun. Bad yun. Hindi ka naman talaga mukhang matanda. Sadyang to respect you. Mas, okay na may kuya. Kaysa Kevin lang diba? Tsaka mukhang hindi naman nalalayo ang edad natin sa mukha mo. Ang bata mo kayang tingnan." Sabi ng kambal nya na nagpangiti sa lalaki. "Oh? Narinig mo boss, diba? Kaya wang kang ewan dyan. Galaw galaw din.." Biro nya pa dito. Agwat lang naman ng edad ang prino-problema ng lalaki sa kakambal nya, kaya hindi pa man umaamin. Nadi-discourage na. "Alam ko. Narinig ko, Michelle.." Baling sa kanya ng boss nya sabay tingin sa kakambal nya. "By the way, Mikaela. Wag mo na akong tawaging kuya--" "Sweety pie nalang daw--" Singit ko na agad tinakpan nito ang bibig ko ng kamay nito. "Tumahimik ka nga! Baka masira pa plano ko sayo." Sabi nito sa mahinang boses pero may diin ang bawat salita nito. Bulong nito sa tenga nya. Napangiti naman sya ng mapakla habang hindi parin tinatanggal ng loko ang malapad nitong palad. "HMMMMM!" Malakas na tikhim ng kakambal nya kaya tarantang tinanggal nya ang palad ng lalaki sa bibig nya at bahagyang tinulak ito. Ang lapit eh.. May lungkot sa mata nitong tumayo na. "Sorry sa pagsingit sa inyong harutan. Tapos na akong kumain. Aakyat na ako sa kwarto ko may review pa kasi ako. Michelle, kaw na babala sa bisita mo. Bye.." Sabi nito at naglakad na paalis. "Ah--eh, kambal!" Sigaw nya pa ng makahulma. Nasa hagdan na ito at mabilis na lumingon sa kanya. Kumaway lang ito at ngumiti sa kanya sabay alis. Binatukan nya naman ang boss nya ng makaalis na ito sa harapan nila. "Kaw kasi, eh? Kung ano pa tuloy inisip ng kambal ko sa akin. Ayusin mo yan, huh? Lagot ka sa akin.." Inis na sigaw ko at naglakad narin paalis. "Ah, eh--Michelle. Pano yung order ko?" Kamot sa ulong pigil nito. "Kainin mo!" Inis na sagot ko at winaglit ang kamay nito. "Eh, paano ako aalis?" Masamang tiningnan nya naman ito at tinuro ang pinto. "Malamang sa pinto. Ayun, oh?" Aalis na sana sya pagkasabi nun ng may naalala. "Di ba, hinihingi mo ang number ng kakambal ko? Ayan.." Abot ko dito ng pirasong papel. Nakasulat duon ang numero ng kambal nya. Kanina nya pa yun sinulat sa school palang sila. Masaya naman yun nitong inabot at nagpaalam na sa kanya. "Kambal!" Katok ko sa pintuan nito pag-akyat ko. Maya-maya ay binuksan nito yun. Wala kang mababakas sa mukha nito. Mabilis itong bumalik sa ginagawa kanina. "Ah.." Umpisa nya sabay kamot sa batok. Hindi nya kasi mahagilap ang sasabihin dito. Lumingon ito sa kanya saglit. "Yung kanina--mali ka ng iniisip sa amin. Alam mo naman ang taste ko diba? At hindi yun lalaki. Never! Promise!" Taas ko pa ng kamay na nagpatawa lang dito. "Alam ko. At alam ko rin na ikaw ang nagsabi sa kanya ng paborito at ayaw ko." Lumapit ito sa kanya at tinapik ang balikat nya. Nangingiti naman sya. Alam nyang wala syang lusot sa kakambal nya. Ngumiti ito pagkatapos. "Salamat sa effort. Na-appreciate ko. Promise!" At sabay kami nagtawanan. Maya-maya ay sumeryoso ito. "Ang sa akin lang. Ayoko nung napipilitan ang isang tao na gawin ang isang bagay na hindi bukal sa loob nya. Diba mas maganda yung mag-effort sya dahil yun ang sinasabi ng puso nya hindi yung gagawin dahil yun ang sabi ng iba?" Napakonot-noo naman sya sa sinabi nito. Akala siguro nito na pinilit ko ang lalaki dahil alam kong gusto sya ng kambal ko. "Pero, kambal hindi sa ganun--" "I know, Michelle. Gusto mo lang akong maging masaya and i did. I'm very happy to see him here. Pero oo. Crush ko sya o baka gusto ko na yata sya. Pero, bata pa tayo. Oo gusto ko sya ngayon, pero hindi ko alam hanggang kaylan. And what if nga ligawan nya ako. Do you think may chance kami na maging? O may chance ba na sagutin ko sya? Diba, wala? Aasa lang yung tao. At kilala mo si daddy." Mahabang salaysay nito at lumungkot sa huling sinabi. Tiningnan ko ito ng hindi makapaniwala. "Sila parin ba iniisip mo, kambal? Hindi ba pweding kahit minsan. Isipin mo rin ang sarili mo at sariling kaligayahan mo?" Umiling-iling itong hinawakan ang kamay nya. "That's impossible kambal. What he wants is the best for the two of us. At may ipinangako ako sa kanya at balak kong tuparin yun, para sayo." Tinanggal nya ang kamay mula rito at inis na tumalikod dito. "Kung ano man ang gusto nya. Para lang yun sa sarili nya. Ang tingin nya sa atin parang puppet lang nya at hindi mga anak! Hindi ba pweding gawin natin yung mga bagay na magpapasaya sa atin at hindi sa kanila?" Sigaw ko dito. Lumapit ito sa kanya. "Kahit gustuhin mo man o hindi. Wala tayong magagawa, pero ikaw? You can do all things you want. Andito lang ako to help you and guide you para makamit mo ang mga gusto mo. Ako na ang bahala kina daddy. Don't worry about them." Sabi nito at bumalik na sa ginagawa nito kanina. Naiinis syang napaiyak. Hindi sya iyakin. Pero mas lalong hindi sya tanga para hindi malaman ang mga sakripisyo ng kambal nya para sa kanya. Hawak sa leeg ng daddy nya ang kakambal nya. Lahat ng gusto nito. Mapakaibigan. Hubby nito. Pag-aaral nito. Maging kung sino ang maging boyfriend nito at ang kapalit? Ang kalayaan nya. "Wala kang kwentang anak! Anong makukuha mo sa pagiging tomboy mo, huh?!" Sigaw nito sa kanya habang hinawakan sya sa kwelyo ng damit nya. Maya-maya ay sinapak sya nito. Subrang lakas nun na parang nayanig na ata ang mundo nya. Lagi naman sya nitong sinasaktan. Kahit tama o mali ang ginagawa nya lagi sya nitong pinag-iinitan. Kahit nasa ikaanim na sya na baitang sa Elementarya. "Tama na dad!" Pigil ng kakambal nyang si, Mikaela sa gagawin pa sanang suntok ng ama nya sa kanya. Pilit nitong tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak sa kwelyo nya ng ama. "Hindi! Hindi, hanggang hindi sya nagiging babae ng lubusan. Hindi ko sya tatantanan!" Sigaw nito sa kambal nya. Natakot man sa ginawang pagsigaw nito ay mukhang pinatatag nito ang sarili. "Umalis ka dito, Mikaela kung ayaw mong pati ikaw ay saktan ko!" Sigaw nitong muli pero hindi natinag ang kakambal kaya hindi nito naiwasan ang ginawang sampal ng ama. "Mikaela!" Sabay nila na sigaw ng ina. Umiiyak na ang ina nilang wala magawa kundi manood lamang. Natumba ito sa ginawa ng ama dahil sa lakas nun ay hindi nito yun inaasan. Nabigla rin ang ama sa ginawa nito kaya mabilis syang nabitawan. Lalapitan nya sana ang kambal pero mabilis itong umiling at dahan-dahang tumayo. Bumalik sa sarili ang at masama syang binalingan. Dinuro at minura. "Nakita mo na! Nakita mo na ang nangyari sa katigasan ng ulo mo! Bobo kana nga. Wala ka pang, kwentang anak!" "Dad, tama na please? Pwedi, tama na? Hindi ba kayo napapagod? Paulit-ulit nalang kayo. Paulit-ulit nalang tayo. Ako nalang ang saktan nyo. Ako nalang, wag na si, Michelle. Hayaan nyo nalang po sya sa gusto nya. I will take all the responsibility that you want from her." Umiiyak na turan ng kambal nya. "Ano bang pinagsasabi mo kambal?" Naguguluhang turan ko dito. Ngumiting umiling ito. "You shut up! Dahil wala ka namang alam at kahit kaylan wala kang silbi. Pasalamat ka dahil may kakambal kung hindi baka matagal na kitang pinatay!" Natatawa nalang sya. Yeah, right dahil matagal ng hayop ang tingin nito sa kanya. Mabuti pa nga ang hayop. Inaalagaan at minamahal, sya? Never mind... Bumalik sya sa kasalukuyan ng may biglang kumatok. "Kids, lumabas na kayo dyan. We're here.." Boses yun ng ama nya. Kinakabahang napatingin sya sa kambal na nasa harapan na pala nya. Pinisil nito ang kamay nya at nginitian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD