Mikaela POV
"Wag kang obvious nandito naman ako.."
Wika ko sa kambal kong halatang kinakabahan.
Alam naman kasi namin pareho na kapag umuwi ang mga ito.
Laging may masamang balita na bungad sa kanila.
"Bakit ba kasi napaaga sila? Malayo pa naman ang graduation natin, diba?"
Sabi nito sa kanya.
Pababa na sila ng hagdan.
Mabuti nalang talaga at mahaba ang hagdanan nila.
Yun lang ata mapaglasalamatan nila sa bahay na ito.
Natatawang umiling ako.
"Hindi kapa nasanay, kambal? Ganyan naman sila lagi, eh. Parang bagyong biglang susulpot. Buti sana kung signal no. 1 muna eh, signal no. 4 agad, eh.."
Biro ko dito para mapagaan ang kalooban nito.
"Sinabi mo pa. Sana nga mag-eartquake para lamunin na sila ng lupa.."
Sabi nito na mukhang nagagandahan sa ideyang yun.
Napailing-iling nalang sya.
Pagkarating nila sa baba ay mukhang gugustuhin nalang nilang tumakbo paakyat at mag-lock sa kwarto nila.
Ikaw ba naman makakita ng lion at ikaw ay parang dagang takot sa pusa.
"Mom, dad.."
Mano ko sa mga ito sabay ngiti.
Ganun din ang ginawa ng kakambal nya at pilit ngumiti sa mga ito.
"Umupo kayong dalawa. May mahalaga tayong pag-uusapan."
Seryosong sabi ng ama na agad naman nyang sinunod.
"Lagi naman may bago ba?"
Rinig nya pang bulong ng kakambal na masamang tiningnan ng ama.
Mabilis nya naman itong hinila paupo at seryosong tiningnan.
"Hmmm."
Gising ng kanilang ama ng matagal na silang nakaupo.
Tiningnan sila nito isa-isa bago binalik ang tingin sa kanya.
"Mikaela. Alam mo naman siguro na kahit wala kami dito ay alam namin lahat ng ginagawa ninyo. Tama?"
Tumango sya sa tanong nito sa kanya.
Alam nyang galit at may nadiskubre na naman sa kapatid.
Ayun narin sa tono ng boses nito.
"And you know that every mistakes of your twins have consequences, right?"
Sunod na tanong nito na ikinatango nya naman.
Maya-maya ay tumayo ito ay may kinuha sa brief case nito.
"And what is this all about!!"
Sigaw nito sabay tapon ng hawak nitong mga litrato sa harapan nila.
Nagkalat yun sa sahig.
Napayuko sya para tingnan yun.
Hindi na sya nagulat o nagtaka.
Alam nyang kahit anong mangyayari.
Malalaman at malalaman yun ng daddy nila.
Tatayo sana ang kakambal at magsasalita ng mabilis nyang pinigilan sa braso nito.
Umiling sya dito ng tiningnan ito kaya bumalik ito sa pagkakaupo.
"I will explain it dad. Don't worry lahat naman ng lakad ni Michelle is with my consent at kasama nya ako--"
"Even with that picture kissing a girl? So, disgusting! I'm so disappointed with you, Mikaela! How can you gave permission to that thing na ang dala ay kahihiyan sa pamilya natin? How!"
Sigaw nito sabay duro sa kanya.
"I'm sorry about it dad. Pero hayaan nyo akong ayusin ang lahat since, responsibility ko ang kakambal ko. I will do everything you say. Lahat lahat ng parusa aakuin ko."
Sabi ko sa malumanay na boses.
Kahit durog na durog na ako kaya ko to para sa kakambal ko.
"Pero, kambal--"
Pinigalan nya na naman ito.
Hindi ito pweding magsalita kung hindi baka masaktan na naman ito ng ama.
Umupo ang daddy nila at prenting umupo.
"Kung ganun sa tingin ko it is about time. I planned this before and since may kasalanan ka it will serve as your lifetime punishment."
Naguluhan man ang kakambal nya sya hindi.
Alam nya ang tungkol dito.
Since hawak sya sa leeg ng ama dahil sa mga kasalanan ng kakambal nya.
May bago paba?
Ngumiti ito sa kanya at pumalakpak.
"Bukas na bukas din ay magaganap ang engagement party mo."
Galit na tumayo ang kapatid nya.
Hindi na nya napigilan ito.
"Lifetime punishment huh? Eh, sobra pa yun sa kinulong nyo ang anak nyo sa sarili nyang kaligayahan. Dad--ako yung may kasalanan. Bakit ang kambal ko parin ang sasalo nun?"
Sigaw nito sa ama nila.
Tinaasan nito yun ng kilay.
Akala nya sasaktan na naman ito ng daddy nila kaya mabilis syang pumagitna.
Natawa lang ang daddy nila.
"Bakit, Michelle? Kaya mo bang makasal at magka-anak sa isang lalaki?"
Pang-aasar pa ng ama dito.
Napangiwi naman itong napaupo.
"See? Hindi mo kaya. Paano mo maliligtas ang kakambal mo? Hindi diba?"
Sarkastikong wika ng ama.
Maya-maya ay bumaling ang tingin nito sa kanya.
"Did you understand, Mikaela?"
"Yes dad.."
Mabilis na sagot ko dito.
"Good. Hindi nyo kailangang pumasok bukas. Maraming dapat aasikasohin and you need to sleep early. Prepare yourself. Sana hindi magka-problema bukas."
Sabi nito at umalis na.
Pagka-alis ng ama ay mabilis na tumayo ang ina nila para damayan sya.
Hinawakan nito ang kamay at malungkot syang tiningnan.
"I'm sorry, hija. I'm really sorry to the both of you. Marami akong pagkukulang sa inyo, pero alam nyo naman kung ano lang ang role ko sa bahay na ito at sa buhay nyo."
Ngumiti sya dito at hinaplos ang kamay nito.
"Okay lang mom. Naintindihan ko."
Maikling sagot ko at umakyat na sa kwarto ko.
Masagana man ang buhay nila na akala ng iba perfect.
Ay nagkakamali sila.
Imposible mang pakingkan.
Ang totoo..
Ipinanganak sila sa mundong ito na para maging puppet lamang like their mother.
Their father hire their mother to be a surrugate mother na kalaunan ay na-inlove sa isa't isa.
Perfect na sana kaso dahil din dun napabayaan sila.
Gusto ng ama nila na 100 percent ng oras ng ina ay nasa ama nila.
Saan man ito magpunta.
Sa hirap ng buhay.
Walang nagawa ang ina nila kahit hindi man nito gusto na mapalayo sila sa isa't isa.
Dahil sa pagmamahal nito sa ama namin para narin itong puppet.
Na kung ano ang gusto ng ama nila yun at yun lang masusunod.
Lumaki sila sa mga maids.
Hindi naalagaan.
Hindi nakaramdam ng aruga ng isang ina.
At naiintindihan yan yun.
Gaya ng pagko-kontrol ng ama sa kanya.
Nakatulugan nya ang pag-iisip.
Hindi na nga sya nakakain.
Kinabukasan, ay dumating ang araw na kahit ayaw man nyang dumating.
Wala na syang magagawa.
Just go with the flow nalang.
Dumating ang soon to be husband nya na may malaking ngiti.
Hindi nya pa actually alam sa dalawa kung sino ang magiging fiance nya.
Yes, it's the twins brother.
Ang daddy rin nya ang dahilan kung bakit kailangan nyang i-date ang isa sa kambal.
Present ang lahat.
Both families and relatives.
Pati mga kaibigan nya at mga kaklase.
Dahil karamihan sa mga ito.
Anak ng mga business partner o anak ng mga kakilala sa business ng ama nya.
Together with their parents.
Napadako ang tingin nya sa stage.
Bisita at imbitado rin ng ang banda ng kakambal nya.
Ang tanging request ng kapatid sa ama na pinagtataka nyang pumayag.
Syempre ang pinakamasaya ay sya.
Kahit sa huling sandali.
Kahit sa oras lang na ito.
Masilayan nyang muli ang taong unang minahal.
Nakapormal ang mga ito.
Lahat naka-suits.
Pwera sa kakambal nyang.
Asiwang-asiwa sa suot nito.
Halata sa mukha nitong nangangasim sabay hila sa laylayan ng dress nito.
Kausap nito ang banda nito.
Napangiti sya.
Magkamukhang-magkamukha na tuloy sila.
Sa totoo lang kung babae ang kambal.
Pwedi silang mag-swap.
Parang fairytale lang.
Pero nasa real world sila lalo pa ng hilahin sya ng ama sa upuan nila.
"Mikaela. Magsisimula na. Let's go."
Sabi nito at mabilis syang sumunod.
Katabi nya ang kambal.
Hindi ito makakanta.
Hindi pinayagan ng ama.
Kaya nakabusangot sa upuan.
Biglang namatay ang ilang sa venue.
Ang tanging naiwang ilaw, ay ang sa stage.
Dumako ang tingin nya sa lalaking nasa gitna at may hawak ng mic.
Ngumiti ito pero may lungkot sa mga mata nito.
Maganda din ang boses nito na ngayon lang nya narinig.
'Hey there's a look in your eyes'
'Must be love at first sight'
'You were just part of a dream'
'Nothing more so it seemed'
'But my love couldn't much longer'
'Just can't forget the picture of your smile'
'Cause every time I close my eyes'
'You come alive'
'The closer I get to touching you'
'The closer I get to loving you'
'Give it time'
'Just a little more time'
'We'll be together '
Nakapikit pa ito habang kumakanta.
Damang-dama ang bawat lyrics ng kinakanta nito.
Ganun din sya.
Pakiramdam nya para sa kanya yun.
Kahit hindi naman.
Pagdilat ng mata nito ay nagkatinginan sila.
Kaya mabilis syang umiwas.
"Who's that guy? Ngayon ko lang nakita ah."
Rinig nyang nagsalita.
Daddy ito ng magkambal at nakatingin sa ama nya.
"Nothing. Just a normal guy."
Maikling sagot ng ama nya dito.
Nakakapagod ang gabing yun pero bago pa man matapos ay hindi inaasahang napadako ang tingin nya sa lalaking ngumiti habang umiinom ng wine sa kanya.
Hindi kalayuan yun.
Kumaway pa ito at nag-smirk sa kanya.
Bago nawala sa paningin nya.
Kinakabahan man sa presensya nito ay pinagsawalang bahala nalang nya.
Lalo ay kailangan nyang kausapin lahat ng bisita nila.
She got engaged to Jordan.
Bunso ito ng ilang minuto kay Justin.
But like her.
Ito yung matured and smart version nya.
Napagod sya at na-suffucate sa dami ng bisita.
Kaya napagpasyahan nyang lumabas muna ng bahay at tumuloy sa garden nila.
Pinagmamasdan nya ang nagagandahang mga bulaklak habang umiinom ng juice na hawak.
"Alone?"
Napapitlag sya sa boses na narinig.
Nagulat at the same time kinabahan ng mapagtanto ang boses nito.
Mabilis syang lumingon sa pinanggalingan ng boses at bumungad sa kanya ang lalaking perfect na perfect ata sa paningin nya ng gabing yun dahi sa suot nito na bumagay dito.
Para lang itong Prinsepe.
"Done, checking me?"
Pinilig nya ang ulo at umiling dito.
Napalakbay na pala ang isip nya.
"It's not what you thinking about, Mr. Mystery Guy? Hindi pa ako nasisiraan para mahibang sa isang stalker o kung ano man ang tawag sayo."
Ngumiti ito habang lumalapit sa kanya.
Bigla naman syang kinabahan lalo pang tumabi ito sa kanya.
"Good to hear that, Mikaela."
Sabi nito sabay inom ng hawak din nitong wine.
"Teka, nga? Ano bang ginagawa mo dito. At ano ba talaga ang kailangan mo sa amin ng kambal ko? I know paulit-ulit lang tanong ko. Pero, bakit ba kasi sulpot ka ng sulpot at sunod ng sunod kahit saan man kami. Like today? Hindi ka naman invited. Pano ka nakapasok?"
Mahabang litanya ko dito sabay distansya ng sarili ko dito.
Nagkibit-balikat naman ito.
"Wala naman wala pa sa ngayon. Malalaman nyo rin balang araw.."
Ito na naman sya.
Napairap nalang sya.
Sana hindi nalang nya tinanong.
Parehong sagot lang naman kasi nakukuha nya.
"I know what you're thinking about, Mikaela. Oo nga engaged kana ngayon but it doesn't matter na wala ng chance ang Kevin mo o pwedi ding ako. Bata kapa. Marami pang pweding mangyari. Changes na mangyayari. What you need is to prepare yourself."
Pinakatitigan nya naman ito.
Ito lang yata ang unang beses na kinausap sya nito ng matagal.
Pero hindi nya yun ma sense.
"Ano bang pinagsasabi mo? At bakit alam mo ang iniisip ko? Sino kaba talaga?"
Natatawa lang ito sa reaksyon nyang naguguluhan.
"Because I'm naturally capable of everything."
Pagkasabi nito ay mabilis ding umalis ito.
Inis man sa pangbwebwesit lalo nito ng araw nya ay binaling nalang nya muli ang tingin sa mga bulaklak.
"Alone?"
Rinig na naman nya sa salitang yun.
Alone na naman?
Inis na sabi nya sa isip.
"Ano na naman ba kailangan mo at hindi kapa umaalis--Kevin?"
Naputol ang sasabihin nya ng lumingon sya sa lalaki.
Hindi na nya napansin ang pinagkaiba ng boses ng dalawa dahil sa inis.
"S-Sorry kung nagulat kita. Mukhang na istorbo pa ata kita at wala sa mood."
Nahihiyang paumanhin nito sabay kamot sa batok.
"No. It's okay. It's not for you. By the way, anong ginagawa mo dito. Paano mo nalaman na nandito ako?"
Tanong ko dito.
Maya-maya ay may inabot itong box galing sa bulsa nito.
"Hinanap kita kasi wala ka sa loob. To give you this sana. Paalis narin ako."
Tiningnan ko ang hawak nito at tinanggap yun.
"Nag-abala kapa para dito. Para saan naman 'to?"
Taas-kilay ko dito.
"Gift.."
Maikling sagot nito.
Mukhang nahihiya pa
"Alam ko gift, Kevin. Pero para saan? Sa engagement ko ba? Then thank you. Kahit wag na sana. This night not even special to me."
Malungkot na sabi ko dito.
Yun naman ang totoo.
Aalis na sana ako at papasok sa loob since late night na yun ng agad sya nitong pinigilan.
Napaharap sya dito at tiningnan ang kamay nitong nakahawak sa braso nya.
"Pwedi bang mag-usap muna tayo, kahit saglit lang? May sasabihin lang kasi ako."
Sabi nito na ikinatango nya lang.
Mabilis naman nitong binitawan ang kamay nya.
"Alam kong this is not the right time to tell you o to confess to you. Pero pakiramdam ko wala na akong oras na sabihin yun."
"Na?"
Mabilis nyang sagot dito na natatawa pa sa seryoso nitong mukha.
"Alam kong engaged kana at soon magkakapamilya pero bago pa sana dumating yun. Gusto ko lang malaman mo that--i like you. Hindi ko sinabi ito para manggulo sayo o para maguluhan ka. Gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko. Alam kong gusto mo rin malaman yun."
Napangiti sya ng mapakla habang tumalikod dito.
Siguro sa ibang pagkakataon baka tumalon pa sya sa tuwa.
"And your dad talk to me a while ago. Alam nya ang feeling's ko for you at inutusan nya akong layuan ka. And i will do it for your own good. Ayokong makita kang nasasaktan o sinasaktan. Kaya gagawin ko."
Humalakhak sya na parang baliw pagka-alis nito.
Seryoso for my own good?
"Ayaw mo kong nakikitang masaktan, talaga? Hindi mo ba alam na labis na akong nasasaktan ngayon, huh?"
Sigaw ko