Chapter 6

2019 Words
Mikaela POV Sa lumipas na maraming taon ang daming nagbago. Siguro kung may isang bagay o tao man na hindi nagbago ang kakambal nya yun. "Hindi kapa ba pagod sa pagiging aso mo kay daddy, Mikaela? I mean look at yourself?" Pang-aasar sa kanya ng kambal habang nasa loob sya ng opisina nya. Inirapan nya lang ito at nagpatuloy sa ginagawa. "Kambal? Bakit hindi yang sarili mo ang pansinin mo? May plano ka bang magkapamilya?" Ito na naman ang kambal nyang nasusuka pag ganito ang topic nila. "Eww! No way! High way!" Sabi nito na natatawa nalang sya. "Kung ganun makakaka-alis kana at may meeting pa ako. Wag ako ang guluhin mo. Yung bestfriend mo daw.." Pagtataboy ko dito. "Fine!" "Ma'am magsisimula na po ang meeting nyo, within 15 minutes po." Bungad sa kanila ng secretary nya. Tumango sya dito at sabay na silang naglakad ng kakambal nya. "Oy? Michelle! Andito ka pala. Napadalaw ka ata sa akin." Biro dito ng fiance kong si Jordan. Nasalubong namin ito sa hallway at papunta narin sa meeting room. "Kapal men? Asa ka!" Irap nito dito na nagpatawa lang sa lalaki. Pano ba kasi eh, inakbayan pa ito. Marahas na tinanggal yun ng kakambal nya. Napailing-iling sya. "Umalis na nga kayo at alam kung busy kayo. Bye! Alis narin ako. Kambal, see you later.." Paalam nito at tumango sya bilang sagot. "Saan ang punta nyo? Remember may dinner date tayo?" Nagulat sya. Oo nga pala. Nakalimutan nya ang tungkol dun. "Pwedi bang nextime nalang, Jordan? Nagpromise na kasi ako sa kakambal ko. Alam mo na, ngayon lang din sya free.." Pa-cute ko pa dito. Napabuntong-hininga muna ito bago tumango. Nagulat naman ito ng bigla nyang niyakap. Sila actually pareho nagulat. "So, let's go?" Yaya ko dito papasok at nauna ng maglakad. For the past years. 8 years narin silang engaged ni, Jordan. At the age of 25 pwedi na sya magpakasal. Nakapagtapos narin naman sya ng college sa dalawang kurso. May trabaho and one of a business owner. Share sila sa kompanyang ito ni, Jordan as a wedding gift of both parties. Pero, kahit gustuhin man nya. Laging naka-cancel ang wedding nila. Hindi rin nya maintindihan kung bakit. Since, then hindi nya pa alam kung ano ang label na nararamdaman nya kay, Jordan. Mabait naman ito sa kanya. Maalaga. Sweet at may reapito sa kanya. Lalo na sa mga desisyon nya. So, ang set up nila. Para lang silang magbarkada. Magkaibigan. At kung bakit hindi nya kayang e-level up yun as lovers. Hindi rin nya alam sa sarili nya. Baka may hinihintay pa sya o dahil narin sa mystery admirer nila ng kambal na kahit ngayon. Hindi parin sila tinatantanan. "Ipa-blotter na kaya natin yan kambal? Hindi na normal, eh. Nakakatakot na." Suhesyon ng kambal nya na minsang nakisayaw pa ito sa kanya ng birthday nya last year. Hindi sila magkasama ng araw na yun ng kakambal nya. Busy ito sa career nito at nagkita lang sila the next day para i-late celebrate yun ng magkasama sa isang restaurant. "Hayaan mo na. Wala namang ginagawang masama." Sagot ko dito. "Kaw bahala. Pero pag dumating talaga ang araw na magpapakita yun sa akin. Kulong ang abot nun sa akin." Ngumiti sya dito. "Yun, eh? Kung may balak magpakita sayo? Kasi kung meron man. Sana noon pa. Pero mas okay narin yun. Di mo naman type ang opposite sex." Biro ko dito na nagpa-irap lang dito. Bumalik sya sa kasalukuyan at gulat na tumingin sa harap. Isang lalaking pamilyar lang naman ang dumaan dun and take note. Makakasama nila sa meeting na yun. Is he one of a investor? Mas nagulat sya sa kasunod nito. Anong meron ngayong araw at mukhang minamalas sya. Dasal nya sa taas habang pumipikit. Pagdilat nya. "You're not dreaming, Ms. Mikaela or rather Ms. Sophomore." Bulong nito sa kanya at umupo sa tabi nya. Napa-smirk pa ito kaya mabilis syang tumingin sa paligid. Nakita nyang naging seryoso ang mukha ng fiance nya lalo pa ng bumaling ang tingin ko sa katabi nito. Pinakatitigan ko ito. Hindi parin sya nagbabago. He's still the same. Ang lalaking unang minahal at isa sa dahilan kung bakit hindi nya magawang mahalin ang fiance nya. "Matutunaw yan kung tititigan mo buong araw, Mikaela." Gising sa kanya ng katabi nya habang umayos ng upo. It's a mystery guy. At anong nakain nito at nandito? Don't tell me... Rich sya? At bakit naging stalker sya sa amin at the young age kung nakukuha naman nito lahat. "Not everything, Mikaela." Sabi nito na mukhang nabasa na naman ang iniisip nya "Love. Magsisimula na ang meeting. Everyone is here." Lapit sa kanya ng fiance nya sabay hawak sa kamay nya para pagsiklupin yun. Hindi sya tumutol dito at sabay na silang naglakad sa harap. "Good morning, everyone. Welcome to Sophomore Industrial Company. I'm glad that everyone here has a great interest in our growing company. First of all, I'm Jordan Freshmen CEO of the company and the gorgeous lady beside me is my fiance and President of the company, Ms. Mikaela Sophomore. " Umpisa ng fiance nya at masigapong nagpalakpakan naman ang mga taong nandun. Napadako na naman ang tingin nya sa lalaking kanina ay katabi ng fiance nya. Nakangiti ito pero may lungkot sa mga mata. Maya-maya ay napaiwas sya ng tingin dito ng magtama ang mata nila. It's Kevin. He change a lot from a manager in a band to a investor. Lahat ng mga nandun ay mga bigatin. May kanya-kanyang kompanya at successful. "Ms. Sophomore, baka may gusto kang sabihin." Gising muli sa kanya ng lalaki. "Ah--oo, thank you." Ngiti ko dito at lumapit sa may microphone. "Ahm. First of all. I know that everyone is aware of our business. It's about manufacturing, resource extraction and construction. And for that we want to expand it with the help of your company. Everyone idea is very important and your interest is our key." Sabi ko at alam ko ay nakuha ko lahat ng atensyon nila. "Ms. Sophomore. How can you encouraged us to invest our shares in your company. What will be our benefits?" Tanong ng lalaking manggugulo. Inirapan nya ito. Kahit kaylan panira. Nawala sa sarili nyang nasa harapan sya. "Hmm sorry for that--Mr?" Hingi nya ng pumanhin dito na nagpatawa lang dito. "Just, Mr. Mystery." Mabilis na sagot nito. "Mikaela. Mr. Michael Mystery is one of a richest investor in the country. He's company is in the top 10 famous company worldwide. Because of it's success in the machinery. Mag-ingat ka ng mga sasabihin mo sa kanya. Isa sya sa kailangan natin sa kompanya." Bulong sa kanya ni, Jordan. Tumango sya dito. Nahiya. Ganun pala ito kasikat. Why she didn't know it. Since nakapagtapos sya ng Business Management and Engineering. Bukod dun. Inaral nya lahat ng kompanya sa Pilipinas. "Okay, Mr. Mystery. Sorry for my behaviour a while ago. Ang masasabi ko lang. Machinery has a great impact in our company and has a big help in our construction and manufacturing company and vice versa. We can share our knowledge in industrial to your company. And the most important you can raise your sales if we advertise your machinery to all industrial company we know." Tumango-tango ito. "Kung sa bagay. You have a point. Give me time, i will think about it." Sabi nito na nagpangiti sa kanya. "Ms. Mikaela. I mean Ms. Sophomore." Kinabahan pa sya ng tumayo si Kevin. Ibang-iba na talaga ang aura nito. "Based on what i heard. I think my company cannot do anything with your company. I'm sorry about it." Sabi nito na nagpalungkot sa kanya. Hindi manlang sya magkaka-chance na makatrabaho ito. "It's okay, Mikaela." Tapik sa kanya ni, Jordan. Magiging okay ngaba sya? Parang ganito rin yung pakiramdam ng una. Magsisimula pa ngalang. Wala na.. Natapos ang meeting na malungkot sya. Hindi dahil sa walang nag-invest sa kanila. Kundi ang mabigo muli sa lalaking minamahal. Mas masakit pa yata tanggapin yun kaysa mabigo ka sa mga investors mo. "Hey? Wag ng sad. Mag-e-invest naman ako sa company mo. It doesn't matter kung hindi man sila mag-invest. Wala namang panama ang mga yun sa kompanya ko. Hmmm. Ngiti na. Pangit mo." Bungad sa kanya paglabas ng room ni Mystery Guy. Asar man dito ay ngumiti nalang sya. Mapakla ngalang yun. "Mayaman ka naman pala. Bakit kailangan mo pang maging stalker namin ng kakambal ko?" Sagot ko dito. "Wala lang trip ko lang. Tsaka for your information. Hindi ako stalker. May stalker bang kumakausap sayo?" Taas-kilay nito at hinarangan pa talaga sya. Lalaking 'to carefree masyado. Hindi nya ba maisip na baka ma chismis sya? "Love. Kita nalang tayo maya sa lunch." Pagitna sa kanila ni Jordan at nginitian lang nito si Mystery Guy. Nauna na itong naglakad at naiwan sya. Maya-maya ay mabilis naring umalis ang lalaki. Kumaway pa ito habang naglalakad sa hallway. Kaloka talaga. Nagulat sya ng may biglang humila sa kanya sa bandang C. R. Akala nya ay bumalik si, Mystery Guy. Pero nagkakamali sya. Iba pala ito. "K--Kiven? Bakit?" Tanong nya sa lalaki. Pinakawalan nito ang kamay nya at pinasok yun sa magkabilang bulsa. Sumandal sa may bandang pinto. Isa pa ito. Hindi nag-iingat. C. R kaya ito ng mga lalaki. Humarang ito sa pinto. Sana lang walang tao sa loob. "Don't worry walang tao sa loob at wala akong gagawing masama sayo. I just want to talk to you. Kaya ako nandito." Ah, kaya pala pumunta ito kahit walang balak mag-invest dahil gusto lang syang makita. Assuming... "A-Anong pag-uusapan natin?" Naguguluhang baling ko dito. "I'm sorry kung iniwan kita noon at never ng nagpakita. Kasi hindi ko pa alam kung dapat ko bang ipagpatuloy nun ang nararamdaman ko sayo. Kung pwedi ba. If i have right to loved you." "Tapos?" Natatawang wika ko. "Nakita mo ba sa paglayo mo yung mga sagot sa tanong mo?" Sarkastiko kong sabi dito. Hinawakan nito ang kamay ko. "No." "Ganun naman pala. So, what's the point of telling that to me, Kevin? Alam mo? Mas ma-appreciate ko pa sana kung ang bungad mo. Kamusta kana, Mikaela. Masaya akong makita ka ngayon at masaya ako para sa mga narating mo ngayon. Kaysa ibalik mo lang yang mga bagay na matagal ko nang kinalimutan. You, didn't see? Malapit na akong ikasal and thank you. Thank you dahil sayo may dahilan na ako para maging masaya sa iba." Sabi ko dito at tinulak ito para makalabas ng banyo. Pero nagmatigas ito. Niyakap sya nito ng mahigpit. "Ano ba, Kevin? Let me go!" Sigaw ko dito. Wala na akong pakialam kung may makarinig pa. Mas okay nga yun para may tumulong sa kanya. Nagpupumiglas ako sa yakap nito. "Just give me chance, Mikaela. One more chance. Umalis ako to proved something to your dad and to you." "Pero, Kevin. Iba na ang noon at ngayon. Iba na ako noon at ngayon. Lalo na yung nararamdaman ko." Halos maluha ko nang sabi. Pinakawalan sya nito mula sa pagkakayakap at iniharap sya. "Bakit hindi ganun ang nakikita ko sa mga mata mo." Sabi nito. "Ano bang gusto mong sabihin ko? Na mahal kita, ganun? Fine! Mahal nga kita. Mahal na mahal. Masaya kan----" Naputol ang sasabihin nya ng nilapit nito ang mukha sa kanya at mabilis sinunggaban ang labi nya. "Ahm--Kevin." Putol nya sa halik na yun. "Sorry. Aalis na ako." Nahihiyang sabi nito at umalis na ito. Ito na naman ito. Aamin. Hahalikan sya tapos sa huli. Iiwanan din sya. "Feeling good? Mukhang okay kana. Ganun ba pakiramdam ng mahalikan?" Bungad sa kanya ng lalaking hindi nya inaasahang nasa opisina na nya pagbalik nya. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko umalis kana?" Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at umiling-iling. Anong problema nito. Mukhang mas affected pa sa kanya. "Nothing. I'm happy for you. Aalis na ako. Bye the way. I already signed the contract. Ang bagal mo, eh. Mas inuna mo pa ang love life. Bye." Paalam nito sabay lapag ng folder sa mesa nya. Natulala pa sya. Ang bilis namang mag-isip nun. Agad-agad? That Mystery Guy, alam nyang hindi ito kasing sama gaya ng iniisip ng kakambal nya. Napangiti sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD