Chapter 7

1134 Words
Mikaela POV "Really? Nagkita na kayo sa wakas ni, boss Kevin?" Tumango sya dito at natatawang pinagmasdan ang kakambal na halos mabilaukan na sa kinakain nitong steak. Inabutan nya ito ng tubig at umayos ng upo. Andito sila sa isang sikat na restaurant. Malapit sa condo nito sa Makati. "Yup. He's one of a 10 investors that we invited and take note! Hindi lang sya ang nandun." Lumaki ang mata nito na parang luluwa na. Ganun na ba sila katagal na nag-usap nito? 3 months is not that long. Pero para sa kanila parang isang taon na yun. "Talaga? Sino pa? Ang dami nating pasabog, ah?" Natatawang wika nito habang umiinom ng wine. Hindi na ito pala inom. Kung kaylan tumanda saka umiwas sa mga bisyo. And that's good to her twins. "That Mystery Guy at alam mo bang wala akong ka ideya-ideyang rich sya and one of a famous." "Oh? Talaga? Hindi ako interesado. Give me his name ng ma search nga at makita ko na mukha." Sabi nito at mabilis na kinuha ang phone sa bulsa. Atat lang. "Akala ko ba hindi ka interesado? Bakit gusto mo makita?" Taas-kilay ko dito. "Hep! Hep! Burahin mo yan sa utak mo, Mikaela. Hindi ba pweding curious lang?" Sabi nito na mukhang susugod lang sa laban. Sinulat ko sa tissue ang buong pangalan nito na mabilis naman nitong ni-research. Naka-konot ang noong pabalik-balik ang tingin nito sa kanya at sa phone nito na pinagtataka nya. "Oh? Anong problema nakita mo naba? Na-gwapuhan kaba at ganyan, reaksyon mo? Priceless.." Natatawa ko pang biro dito. "Anong priceless ka dyan? Ano 'to? Ganito naba kalabo ang mata ko? Bakit blurred ang mukha." Sabi nito sabay pakita sa kanya ng phone nito. "Malinaw naman, ah?" Sagot ko dito ng binalik ang phone nito. "Pahiram nga phone mo. Baka may sira na 'tong phone ko." Mabilis ko namang binigay yun dun at agad itong nag tipa. "Bakit, ganito? Ang labo parin.." Maktol na nito. "Alam mo kambal? Magpatingin kana sa, doktor. Naku! Baka, malala na yan." Sabi ko dito. "Mukha nga..." Sagot nito. "So, nag-invest naman ba?" Maya-maya tanong nito. Tumango naman sya. "Pero parang may something sa kanya ngayon." "Oh? Nagulat kapa. Lagi namang may something yan. Kwentuhan mo nalang ako ng kay boss Kevin. Kamusta sya?" Pagbabago ng topic nito. Bigla syang nalungkot kaya napainom ng wine nito halos ubusin ko na ata yun. "Anong drama na naman yan? Pinagtripan mo pa talaga ang wine. Di ka naman umiinom.." Ngumiti sya dito pero halos hindi umabot yun sa magkabilang pisngi. "Gaya ng sabi mo. Pampalakas ng loob." Sabi ko dito. "May problema ba? Sa inyo?" Tumango sya. "He asking for another chance and he kiss me." "Kiss, what?" Gulat na sabi nito sabay takip ng bibig. Napalakas na kasi yun. "Tomboy kaba? Kung makasigaw ka wagas." Sita ko dito. "Hoy? Wala nabang rights sumigaw ang tomboy? Eh, gulat eh.." Paliwanag nito. "So, kwento mo nga. Anong nangyari?" "Walang nangyari. At walang mangyayari dahil after that he left again." Inis na sabi ko dito. "Bakit kasi hindi mo nga bigyan ng chance?" Umiling-iling sya. "Nasisiraan ka naba? I'm f**king engaged and soon to get married. That's just puppy love at binaon ko na sa limot." Sarkastiko kong sagot dito. "Binaon mo na ngaba sa limot? Kilala kita, Mikaela. Pwedi ba kahit minsan lang. Piliin mo naman yung happiness mo? Nasa tamang edad kana at may career para sundin parin ang gusto nina daddy for you." Malungkot nitong turan. "Alam mong imposible yan, Michelle. Besides wala namang ginawang masama si, Jordan para iwanan at saktan ko sya. He deserves to be happy." "At ikaw? Hindi mo ba deserved maging masaya?" "Let's stop this, Michelle. I'm not in the good mood to talk about it. At nandito ako para sayo. Kamusta ka naman?" Pag-iiba ko ng usapan. "Happy naman kahit kulang sa tulog ang importante nakawala na ako sa poder nina daddy and that's the most important." Natawa rin sya sa sinabi nito. Nakapagtapos ito ng Music and Arts. Bagay na ipinagmamalaki nya dito. Dahil kahit papano. Nagkalaman din ang utak nito dahil narin sa pagmamahal nito sa musika. "I--I'm happy f-for you kambal. U-Uwi na tayo. Lashing na ata ako." Utal-utal ko nang sagot dito. Hindi ko alam na nakaka-lasing pala ang wine. "Okay. Hatid na kita. Kunin mo nalang bukas dito ang sasakyan mo." Sabi nito at inakay na sya paalis ng lugar na yun. "Putik ka! Anong ginagawa mo dito?" Napasigaw na gulat nya ng pagka-gising nya kinabukasan ay mukha ng lalaking misteryoso ang bumungad sa kanya. Prenting nakaupo ito sa sofa. Higit sa lahat nakapambahay din ito at may kumot at unan sa tabi nito. "Hindi ba obvious? Kakagising lang. Dahil dyan sa alarm clock mong bibig. Hindi lang naman ako nakatulog ng maayos.." Inis na sagot nito. Aba! Ito pa ang may ganang mainis sa kanya. "Ano ngang ginagawa mo dito? At bakit dito ka natulog? Wala naman akong naalalang pinatuloy kita dito at makitulog." Inis ko paring sagot dito. "Alam kong wala kang maalala dahil lasing kalang naman. Para sabihin ko sayo ako ang naghatid sayo dito at pasalamat kapa nga. Tinulungan pa kita, kahit ang bigat mo at ang ingay mo pag lasing.." Maktol nito. Naguguluhan naman sya. "Anong ikaw? Wag mo nga akong lokohin? Kakambal ko ang naghatid sa akin kagabi!" Nangigigil na sigaw ko dito. Ki-aga-aga. Highblood na ata ako. Lumapit ito sa kanya na inis narin. "Sabihin ko sayo lasing na lasing ka at napagkamalan mo na akong kambal mo. Hindi mo ba alam na unang nag knock-out sa inyong dalawa ang kambal mo? Sa tingin mo, paano ka nya mahahatid?" Natahimik sya. Napatakip ng bibig. Kung ganun ang lalaki ang niyakap nya at hinalik-halikan sa pisngi kagabi? Higit sa lahat ito yung nasukahan nya paglapag sa kanya sa higaan? Namilog ang matang binalingan nya ito. "Oo, ako nga yun. Ako rin naghatid sa kambal mo sa condo nya. Higit sa lahat. Buti pa yung kambal mo tulog lang. Ikaw ang clingy mo pag lasing. Tinulungan na nga. Sinukahan mo pa." Maktol nito sabay busangot. Tinapik-tapik nya naman ito. "Hoy? Sorry, huh? By the way thank you. Teka nga? Anong ginagawa mo sa restaurant at paano mo nalaman ang condo unit namin ng kakambal ko?" Sabi ko dito ng makapag-isip ng maayos. Tinawanan lang ako nitong tinalikuran. "Remember? Dakilang stalker nyo ako? I'm capable of everything." Napairap na naman sya sa sinabi nitong paulit-ulit lang. "Tsaka pala. Dito na ako natulog. Baka kasi di kana magising ng tuluyan. Nakakatakot kang mabangungot. Wag kanang uminom kung hindi mo naman kaya. Baka sa susunod. Matuluyan kana talaga." Napangiwi naman sya dito. "Wow, huh? Salamat sa concern..." Sigaw ko dito ng naghahanda na itong umalis. "I'm not.." Sabi nito na parang ikinalungkot ata nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD