Chapter 4

2919 Words
"Arsyn, okay ka lang ba talaga?" may halong pag-aalala sa tono ni Rafie ng tanungin niya ako. Tanging tango lamang ang sagot ko sa kanya habang wala sa sariling hinahalo ang yelo sa cucumber juice na inorder ko sa convinience store. Lunch break kasi namin ni Rafie at may isang oras pa kaming hihintayin para sa susunod naming klase. "Baks ha. Hindi ka nagsasalita. Para lang akong kumakausap ng pipi at tanging tango at iling ang sagot sa akin. Ano bang nangyari sa'yo? May problema na naman ba?" Umiling ako at humigop ng aking inumin. "O, wala naman pala eh pero bakit parang lutang at hindi ka na naman makausap." Nagkibit-balikat ako. Sa totoo lamang ay hindi dapat ako papasok ngayong araw. Napilitan lamang ako dahil mayroon kaming mga quiz sa mga subject namin ngayon at magrereport pa ako sa huli naming subject. Bukod doon ay hindi ko malimutan ang nangyari sa amin ni Mr. Zamora kahapon. Shet! Bakit ba kasi ako nawalang kontrol kahapon? Aminado ako na ginusto ko rin pero nakakahiya. Naging agresibo ako. Kahapon lang ako nakaramdam ng ganoong pananabik at excitement. Alam ko ring gusto niya. Nagustuhan rin niya. Ngunit, kinakailangan kong lumayo. Kailangan kong maiwasan ang temptasyon na nararamdaman ko. Mali. Sobrang mali. "Oy, ano na?!" Parang biglang bumalik ang diwa ko sa sigaw ni Rafie. "Baks, hindi ko na alam gagawin ko sa'yo ha. Kaunti na lang sasabog na ko. Pasalamat ka, matimpiin akong tao. Yoko na. Bahala ka. Tatahimik na lang din ako para fair!" "S-sorry." mahinang tugon ko pero sapat lang para marinig niya. "Finally!! Akala ko tatahimik ka na lang talaga poreber. Maghahanda nako ng maliit na whiteboard at marker para isulat mo na lang ang sasabihin mo!" sabi ni Rafie at nilantakan ang kinakain niyang Pesto Pasta. "Di ko lang talaga feel ang araw ngayon. Basta, wala talaga akong gana. Kung wala lang akong report, aabsent na ko eh. Babawi na lang ako sa quiz kung nagkataon." "May nangyari ba? Di ba pinapunta ka ni Mr. Zamora sa faculty room niya. May ginawa ba siya sayo, may sinabi o ano?" "Wala." mabilis kong sagot pero natigilan ako. Baka kasi mahalata niya. Mausisa pa naman tong kaibigan kong ito. "Isa pa, pinatawag niya ko kasi nga late ako pati inatasan lang niya akong mag-asikaso ng kanyang lecture next week." alibi ko sa kanya. Pero totoo naman. Matapos ang gawaing iyon, pinababalik niya ko bago man ulit dumating ang Thursday next week para sa mga hand-outs na kanyang ituturo sa next class namin. Buti nga ay isang beses lamang sa isang linggo namin siya mami-meet. Kung hindi, baka halos mawalan na ko ng bait sa kakaisip kung paano siya iiwasan. Napag-isip-isip ko rin ang bagay na iyon. Hindi ako mangangako pero iyon na dapat ang huli. Ang masakit pa doon ay mayroon siyang inaabot sa aking pera. Binabayaran niya ko para sa ginawa naming makamundo. Akala ko magiging iba siya. Akala ko iba ang nararamdaman niya. I warned myself about that, but I never saw it coming. Siguro, isang bayaran lang talaga ang tingin niya sa akin na pwede kahit kailan niya gustuhin. And that hurts. I shouldn't feel that pain. But that's the saddest thing about pain, it demands to be felt. Hindi ko tinanggap ang pera at sinabing hindi ko siya customer sa pagkakataong iyon. Ginusto ko ang nangyari at hindi ako humihingi ng kapalit. Pilit niyang inaabot pero pilit ko ring itinatanggi. Bago man tuluyang masaktan pa sa ipinakita niya ay agad akong nag-ayos at kumaripas paalia ng faculty niya. Hinahabol niya ako ngunit hindi na ako muling lumingon at bumalik pa. Ibinigay ko ulit ang sarili ko sa kanya. Nagpaubaya ako at hindi ko akalaing ako lang pala ang makakaramdam ng ganito. Maaring umasa ako na dapat hindi naman talaga. Tinatak ko na dapat sa sarili kong wala talaga, wala talagang chance para makaramdam ng espesyal para sa akin ang tulad niyang lalaking nakasiping ko lamang. "Okay. I see. Parang punishment mo ganon? So next week, ako naman ang magpapalate. Chars!" at nagpeace sign siya at tumawa. Kung alam lang niya ang totoo, baka nabatukan na niya ako. Mapagkakatiwalaan naman si Rafie pero ayoko munang may ibang makaalam lalo na't mali ang sitwasyon namin ni Mr. Zamora. Alam kong kapag nalaman niya, mahaba pa sa sermon ng nanay ko ang mga sasabihin niya. Parang kapatid na rin kasi ang turing niya sa akin. Isang anak lamang siya at sa lola pa niya siya lumaki. Nasa ibang bansa kasi ang kanyang magulang at t'wing Disyembre lamang nauwi sa Pinas. May mga pinsan naman siya, pero dahil simula high school pa lamang ay magkaibigan na kami, mas masaya raw kahit di niya ako kadugo. Bago pa humaba ang usapan ay niyakag ko na siya sa room ng susunod naming subject matapos kaming kumain. May 30 mins pa bago magsimula ulit ang klase kaya hindi naman kami nagmadaling pumunta roon. Habang binabagtas ang hallway ay may familiar na mukha akong nakita di kalayuan at makakasalubong namin. Shet! Bakit ngayon ko pa siya makakasalubong? Tumungo ako bigla at sinabi kay Rafie na bilisan ang lakad. Akala ko ay hindi na ako haharangin ng lalaking makakasalubong namin pero bigla na lamang akong hinawakan sa balikat. "Hep! Arsyn! Nagmamadali ka ba?" bungad sa akin ni Victor. Si Victor, isa sa mga tagong silahis dito sa eskwelahan. Hindi lamang halata dahil sa kanyang pagkahalf-German and Half-Filipino type na hitsura, tangkad at sa atlethic built niyang katawan. Hindi makakaila na gwapo si Victor at marami na rin na babae ang nalink sa kanya. Hindi rin naman halata sa kanyang kilos dahil talagang lalaking-lalaki ang kanyang dating. Sino bang mag-aakala na mabibilang siya sa third s*x community? Nalaman ko na lamang ang buong pagkatao niya ng isang gabing maging customer ko siya. Oo, isa siya sa mga nagbayad sa akin para sa serbisyong aliw. Hindi ko inaasahan na kaeskwela ko pala siya dahil hindi naman ako fan ng mga sports tulad ng nilalaro niyang basketball at wala rin akong pakialam kung sino ang kilala sa buong paaralang pinapasukan ko. Ang pagkakamali ko ay nagbigay ako ng tunay at personal na impormasyon sa kanya at doon niya ako napagtantong kaeskwela ko siya matapos naming gawin ang bagay na iyon. Nagkaroon kami ng kaunting konbersasyon at iyon nga ang kinalabasan. Hindi ko tinanong kung bakit siya napunta sa bar na pinapasukan ko at anong pakay niya pero nagbigay naman agad siya ng kanyang dipensa na gusto lamang niyang maglibang. Binayaran naman niya ako at masasabi kong galante siyang magbigay kahit hindi ko ginawa lahat ng gusto niya. Gusto niyang ulitin at bayaran ako ulit pero tumanggi ako. Tama na yun. Hindi talaga ako umuulit sa mga naging customer ko. Pero nagawa ko kay Mr. Zamora... na hindi dapat. Na mali ang muling ibigay ang sarili ko sa kanya. Simula noon ay nagkaroon kami ng komunikasyon ni Victor. Kahit napipilitan ay hindi ko naman siya binaliwala at nakipagkaibigan ako sa kanya. Buwan ang lumipas at hindi ko inaasahang aamin siyang nagustuhan niya ako. Noong una ay ginawa kong biro ang sinasabi niya pero nagiging seryoso siya kapag harapan kong inililihis ang topic na iyon sa ibang bagay. Sinabi ko naman na hindi ko kaya ang gusto niyang mangyari. Siguro ay attractive siya para sa lahat ng kababaihan at kabaklaan pero, hanggang pagpuri lang sa kanyang mukha at katawan ang kaya kong maramdaman. Subalit siya ay mapilit at palaging nangungulit. Hanggang sa pilit ko siyang nilalayuan. Dinerekta ko na sa kanyang wala talaga kahit subukan kong gustuhin siya pero wala pa rin. Hindi daw siya susuko hangga't di niya nakukuha ang loob ko. Kaya hanggang ngayon ay iwas pa rin ako. Siya na mismo ang lumalapit at laging nangungulit sa tawag o chat at text. Wala na nga akong paramdam sa kanya mahigit limang buwan na rin. Kaya nahihiya akong makita siya ngayon dahil alam kong kukulitin niya ako. "O-oo, Victor. May pupuntahan pa kasi kami." sabi ko at pilit na inaalis ang kanyang pagkakaakbay. "Ganun ba? Free ka ba later? I just want to say something. At para makamusta ka na rin." sabi niya. "Hindi ko lang alam." "Can you please give me this chance? I'm sorry. I just badly want to talk to you." paggigiit niya. "Talk to him na lang, baks. Maybe titigil na siya pag pinagbigyan mo." bulong sa akin ni Rafie sa likuran ko. Sa tingin ko nga ay baka pareho kami ng iniisip ni Rafie. Kung sakaling kausapin ko siya ay siguro baka tigilan na niya ako and maybe he realized that I'm not really into him. Bumuntong-hininga ako bago magsalita. "Okay. Mamaya. Tapos pa ng class ko is 5pm. Pero sana mabilis lang ha. Kailangan kong umuwi, gawa ng mga kapatid ko." "Salamat. Okay, see you later. Will wait you sa parking lot." "Sige." Iyon lang at nagpaalam na siya. Mukhang nagmamadali naman din siya. "Alam ko baks, hindi talaga ko boto sa Victor na iyon para sa'yo. Parang ang dami niyang hidden chenilin sa katawan. Just like yung sexuality niya di ba? Never thought that he's belong to LGBT. Panahon nga naman ngayon, iba na talaga. Pero sana no, sana tigilan ka na niya." "Sana nga. Para hindi ko na rin siya iniiwasan. Baka kasi kapag nalaman pa ng mga kababaihang nagkakagusto sa kanya, kuyugin pa ko at i-bully. Kaya sana lang itigil na niya ang pangungulit sa akin." "Kapag namilit pa rin mamaya, talakan mo na. Direktang sabihin mo na ayaw mo at kaibigan lang ang maaring ituring mo sa kanya. Wala ng hihigit pa roon." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Hindi na naman ako nagsalita pa at niyaya siyang magpunta na ng classroom. ---- Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang dapat matapos sa school. Kagaya ng sinabi ko kay Victor ay makikipagkita ako sa kanya at makikipag-usap. Nagtext siya at naghihintay na siya sa parking lot ng school. May sariling sasakyan din kasi siya at regalo daw iyon ng kanyang Mommy sa kanya ng makatuntong siya sa kolehiyo. Hindi naman ako nagmadali dahil inihahanda ko pa ang sarili ko. Kung ano man ang mapag-uusapan namin ay bahala na. Basta pakikiusapan ko siyang tigilan na niya ako. Hindi rin ako sanay at lalo na sa sitwasyong naghihintay siya at gawin ang mga bagay na hindi ko naman nakasanayan. Pumunta ako sa parking lot at nakita ko naman agad siya. Nakatayo siya sa likuran ng kanyang gray na kotse at nakasandal habang abala sa pagcheck ng kanyang phone. Huminga akong malalim at nilapitan na siya. "Sorry, kanina ka pa ba?" bungad ko. Napalingon siya at agad na inilagay ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. "No. Sakto lang. So let's go?" "Hindi ba pwedeng dito na lang tayo mag-usap?" takhang tanong ko sa kanya. "I will take you to dinner. Please. Last na 'to promise." "Victor, di kasi ako pwede magtagal eh." pagdadahilan ko. Nakita ko naman ang pagsuko niya. He sighed. "Alright. Doon na lang tayo sa covered court kung okay lang sa'yo? Walang tao ng ganitong oras doon. I just want this na private between you and me." Tumango ako at iginaya ako papuntang court ng school. Nakasunod lamang ako sa likuran niya. Nakarating kami doon ng walang nagsasalita sa aming dalawa. Ewan ko. Ang weird lang. Hindi naman siya ganito katahimik kapag magkasama kami. Wala ngang tao dito. Nang makapasok ay ilang distansya pa bago siya tumigil ng paglalakad. "Arsyn..." pagbasag niya sa katahimikan naming dalawa. Humarap siya sa akin. "Alam mo naman ang pakay ko di ba?" Hindi pa rin ako kumibo. "Lately, I realized na siguro ayaw mo nga pero hindi na ba talaga mababago yun? I never been in this situation. I mean, I never felt yung ganito sa iba, sa'yo lang. I feel so helpless kapag nababaliwala mo ako. 'Di ba talaga pwede, Arsyn? Na mahalin mo rin ako?" Napalunok ako sa sinasabi niya. Naaawa ako. Pero hindi ko dapat ipakita iyon at maramdaman dahil baka makagawa ako ng desisyong hindi ko kayang mapanindigan. "Victor, sinabi ko na naman sa 'yo 'di ba? Wala talaga sa isip ko ang pag-ibig. Oo, parang nasa iyo na lahat ng pwedeng kahumalingan ng sino mang normal na tao, pero sinubukan ko naman eh. Hindi talaga, wala talaga." Biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha. Ang kaninang nagmamakaawa ay parang napalitan ng galit at inis base na rin sa nakakunot niyang noo. Alam kong hindi na maganda ang susunod pang mga mangyayari. Hahakbang na sana ako patalikod ng bigla niyang kabigin ang aking dalawang braso. Nanlaki ang mata ko at doon kumabog ng malakas ang aking dibdib. "Alam mo, pabebe ka eh no. Lalaki na nga ang sumusuyo sa 'yo, mayaman, galante, may kotse, may ipagmamalaki, gwapo at hinahabol ng halos lahat ng kababaihan at kabaklaan, tapos ayaw mo pa? Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkagusto sa 'yo eh." may gigil sa bawat salitang binibitiwan niya at nakikita kong nag-iiba na ang kanyang awra. Lalong humigpit ang kanyang kamay sa aking magkabilang balikat dahilan para masaktan ako. "V-Victor! Nasasaktan ako!" "Ako ba hindi mo tatanungin kung hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo sa akin? Napakachoosy mong bakla ka. Eh ilan na rin naman ang nakatikim sa 'yo at naikama ka! Tapos ako itong gustong manatili sa 'yo aayawan mo pa? Bakit ha? Masarap ba ang iba't-ibang putahe ha, Arsyn? O mas gusto mo lang na matikman lahat para naman lamang ka sa iba di ba? Sabi nga nila, the more, the merrier! O di kaya, pera? Magkano ba kailangan mo, Arsyn? Bahay at lupa pa ba ha? O magarang sasakyan? Napakatalino mo rin namang bakla!" "PAK!" Wala akong ideya kung saan nanggaling ang lakas ko para maigalaw ang kanang kamay ko at buong lakas na sinampal siya. Napabitaw siya sa akin at natigilan na para bang inirerehistro niya sa saeili niya ang nangyayari. Kasabay no'n ay ang pagtulo ng luha ko. Luhang namuo dahil sa mga masasakit na sinabi niya. "Bakit? May alam ka ba Victor sa buhay ko ha? May alam ka ba sa mga pinagdadaanan ko para pagsalitaan mo ko ng ganyan? Oo bakla ako pero hindi ibig sabihin no'n hayok ako sa mga lalaki! Oo, bakla ako at maaring kinakailangan ko ng malaking halaga para sa pamilya ko at pag-aaral ko. Pero hindi ako greedy! Oo! Tama ka at marami na akong natikman na lalaki, marami na kong nakasama sa kama at para sabihin ko sa'yo, ni isa sa mga makamundong gawain na iyon ay wala akong nagustuhan! Hindi ko ginagawa yun para sa pangsarili kong kaligayahan, para makarami o kung ano pa man! Ginagawan ko yun dahil kapit na ako sa patalim! Hindi ako katulad ng iniisip mo! Oo, gwapo ka, mayaman at mayroong magarang sasakyan! Lahat nagkakandarapa sa 'yo pero yun ba ang gusto mo? Mahalin ka dahil sa kotse mo? Sa pera mo? Sa taglay mong hitsura? Hindi naman kita pinilit ah! Ikaw mismo ang kusang nagpumilit, Victor! Kaya bago sabihin sa akin yang mga yan, sana kinilala mo muna ko! Sana nagtanong ka at sana inintindi mo ang kalagayan ko! At dahil diyan sa ipinakita mo sa akin, mas lalo akong nawalan ng amor sa kagaya mo. Itinuring kitang kaibigan kahit di kita ganoon kakilala pa pero, kapareho ka lang nila! Makitid ang utak at hindi marunong magmahal!" mahang wika ko kasabay ang mga luhang kumawala sa aking mga mata. Masakit. Akala ko, makikipag-ayos at maaalok ko siyang maging magkaibigan ka mi dahil alam kong doon kami magiging ayos. Dahil naniwala akong mabuti siyang tao. Pero hindi. Pinakita lang niya sa akin na tama ang desisyon kong hindi piliting magkaroon ng puwang ang katulad niya sa puso ko. Tatalikod at aalis na sana ako nang bigla niya akong hinaplot pabalik sa kanya. "Dami mong drama! Eto naman ang gusto mo di ba?" bigla niya akong hinalikan sa labi at pilit naman akong nagpumiglas. "Victor! Ano ba!" Nasampal ko pa ulit siya ng isa pang beses ngunit bigla niyang nahawakan ang mga kamay ko. "Kung hindi kita makukuha sa santong dasalan, ganito na lang... paspasan kitang aangkinin. Alam ko naman gusto mo 'to eh!" At saka niya ako hinalikan sa leeg. Nagpupumiglas ako at nagmamakaasang tigilan niya pero patuloy lamang siya sa kanyang kababuyang ginagawa. Hanggang sa napatumba na kami sa sahig at dumagan siya sa akin. Hindi ko siya kaya dahil sa laki ng kanyang katawan. Umiiyak na ako at sumisigaw ng tulong dahil bigla niyang sinira ang damit kong suot at doon ay patuloy ang kanyang ginagawa. Nagulat ako dahil walang hirap niyang nasira iyon at doon lalo lumakas ang aking pag-iyak. Sa halip na maawa ay parang mas lalo siyang nademonyo at nagsasabi ng kung ano-anong bagay. Hindi na tama ang ginagawa niya. Isa natong panggagahasa. Nagpatuloy ako sa pagsigaw at baka sakaling mayroong makarinig at makatulong sa akin. Pero nawalan ako ng lakas bigla niya akong suntukin sa pisngi at maging sa tiyan ko. Wala na kong nagawa kung hindi ang ang mamilipit at pimikit sa sakit kasabay ang aking pag-iyak. Ngunit bigla ko na lamang naramdaman na nawala sa ibabaw ko si Victor at naaninag ang isang lalaking hindi pamilyar sa 'kin. Naririnig kong sinasabihan niyang 'gago' habang sinusuntok nito si Victor. Pasalamat na lamang ako dahil akala ko ay magtatagumpay si Victor sa balak niya Pilit akong gumapang palayo habang umiiyak. Naririnig ko silang nag-aaway dahil na rin sa mga salita ng dalawang lalaki. Subalit wala na akong pakialam pa roon. Ang tanging gusto ko ay makaalis at makatakas palabas ng court. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD