Chapter 3

2435 Words
"And you are?" tanong niya matapos ipakilala ng bago naming teacher ang sarili niya sa akin. Hindi agad ako nakasagot. Nakatingin lamangako sa kanya na para bang naghahanap ng kasagutan sa itinatanong niya. "Mr, are you going to stand there all day? Matatapos ang araw nating walang matututunan. If you are not going to introduce yourself, maupo ka na at nang makapagsimula na tayo." Agad naman akong tumalima sa kanyang sinabi. "I-I'm sorry, Sir. I'm Ariel Syron Gomez." "Okay Mr. Gomez. Have your seat. I hope this is the last time you will be late. Understood?" Tumango ako at hindi na nagsalita. Agad kong tinungo ang aking upuan sa pangalawang row ng upuan sa likuran. Pagkaupo ko ay agad akong hinatak ni Rafie, isa sa mga matalik kong kaibigan. "Baks! Ang gwapo niya di ba? Pak na pak!" Agad akong tumingin sa aming teacher na ngayon ay nakatalikod at nagsusulat sa whiteboard. Well, tama naman talaga siya. Kahit naman sinong babae at bakla, kaya nitong tunawin sa unang tingin pa lamang. Pinalibot ko ang aking tingin at halos lahat ng babae ay nagbubulungan at nakatingin sa aming guro. "Ewan ko. Wala ako sa ganyang pag-iisip ngayon, Rafie. Nakakahiya na-late ako." sabi ko sa kanya. "Okay lang yan. Mukha naman siyang mabait eh. At isa pa, bakit parang nakakita ka ng multo ng makita mo siya? Don't tell me, kakilala mo siya?" Umiling ako bilang pagtanggi. Ngunit alam kong ang lalaking iyon ay at ang teacher namin ngayon ay iisa. Malakas ang pakiramdam ko. "Hindi ah. Isa pa nagulat lang talaga ko. Akala ko nga mali yung napasukan ko ng room." pag aalibi ko na lang. "Kung sabagay. Kami rin kanina malaking gulat nang siya ang pumasok sa room." Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi ni Rafie. Nagsimula na kasing magturo si Mr. Zamora ng kanyang subject. Pero hindi ako maaring magkamali. Siya ang lalaking iyon. Hindi ko makakalimutan ang hitsura niya at ang pangalan niya. Habang nagtuturo ay nakatitig lamang ako sa kanya. Alam kong wala sa focus ang pag-iisip ko. Gustuhin ko mang makinig sa itinuturo niya ay hindi ko magawa. Alam kong alam niya na nakatitig ako sa kanya at nagagawi rin ang kanyang paningin sa akin.. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa akin noon kung kaya't nagkaganito ang naging epekto sa akin at hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. "By the way, I'm Jeremy." Tila isang record na naglaro sa isipan ko ang nangyari nang gabing iyon. Ang tono ng kanyang salita. Totoong ibinigay niya ang kanyang pangalan at ngayon ay nasa harapan ko, ng mga kaklase ko... nagtuturo at ang sistema ko ay hindi mapanatag. Pero ano bang ipinangangamba ko pa? Nakaraan na iyon at mahigit tatlong buwan na rin ang pangyayaring iyon. Malamang sa malamang, hindi naman niya ako maaalala pa. Hindi dapat ako kabahan o mataranta dahil isang gabi lang naman yun at ayun ang huling pagkikita naming dalawa. Isang gabing pinagsaluhan at hindi ko dapat bigyang kahulugan. Lumipas ang tatlong oras sa subject na Visual Arts. Hindi naman boring ang pagtuturo niya. Masasabi kong mas magaling siyang magturo kaysa kay Miss Trinidad. May ilan akong naalala sa mga tinuro niya. Pinilit kong makinig kahit sa kabilang isipan ko ay ang pangyayari ng 'gabi' na iyon ang naiisip ko. Dahil last subject ko na sa araw na ito ay napagdesisyonan kong umuwi nang maaga. Nagdismiss nang class si Mr. Zamora. Palabas na ang aking mga kaklase at sasabay sana ako kay Rafie nang biglang tawagin ni Mr. Zamora ang aking atensyon. Kaya nagpaalam si Rafie na mauna na sa labas at hintayin na lamang ako. Naiwan ako at si Mr. Zamora ngayon sa classroom. "Mr. Gomez, I want you to be in my faculty before you go home." Tumingin naman ako sa direksyon ni Mr. Zamora upang sabihin na pupunta ko kagaya ng gusto niya kahit na kinakabahan ako. Ang atraso ko lang naman ay ang pagkahuli ko sa klase niya subalit parang big deal sa kanya ang bagay na iyon. Tango ang tangi kong naisagot kay Mr. Zamora at lumabas na ng room. Nanduon naman si Rafie upang masabi ko sa kanyang hindi na ako makakasabay pa sa kanya. Pumayag naman ito at tuluyang nagpaalam. Hinintay kong lumabas ng classroom namin si Mr. Zamora dahil hindi ko rin naman alam ang kanyang sariling faculty. Oo. May sariling faculty ang mga professor dito sa University. Maliit na kwarto pero sapat lang para sa isa o dalawang tao. Nang makalabas siya ay nagulat siya. "Mr. Gomez, anong ginagawa mo d'yan? Sabi ko di ba sa faculty ko?" Napapitlag naman ako at dali-daling sumagot kahit nauutal. "H-hindi ko kasi a-alam yung f-faculty niyo , S-sir..." nakatungo kong sagot. "I see. Well, follow me." Tumalikod siya at nagsimulang maglakad. Sumunod naman ako agad at nasa likuran lang niya ako. Habang binabagtas ang daan papuntang faculty ay nakatingin lamang ako sa likod niya. Matangkad siya. Halos hanggang dibdib lamang niya ata ko. Matipuno at nakabakat ang mga braso sa kanyang long sleeves. Maging ang kanyang mamuscle na katawan ay talagang hapit sa kanyang suot na semi formal attire. Dumako pa ang aking tingin sa kanyang bandang ibaba. Hindi ko alam pero he got a bubble butt. "Oh M! Arsyn!". Sabi ko sa isip ko. Kahit yata sinong lalaki maiinggit sa kanyang likuran. Hindi nga makakailang hot ang teacher na ito. Likuran pa lamang at nakakaakit na paano pa kaya kung masuri ko pa ang kanyang kabuuan. Okay, I feel like hindi na tama ang nasa isip ko. Buti na lamang at walang mga estudyante kaming nakita sa daan. Alam kong pag uusapan iyon kung sakaling makita nilang ang tulad ko ay kasama ang bagong teacher ng buong eskwelahan. Alam kong gumawa ka ng mabuti o masama o kahit man wala kang ginagawa, may masasabi at masasabi pa rin ang tao tungkol sa'yo. Bigla na lamang tumigil si Mr. Gomez na akin naman ding ikinatigil sa paglalakad. "We're here." sabi niya. Pagkapasok niya ay pinapasok niya rin ako. Kinakabahan man ay pinilit ko pa ring baliwalain ang presensya ng awra niya na hindi ko malaman kung anong epekto sa akin. Isinara niya ang pinto dahilan para mapatingin ako sa kanya ngunit hindi ko namalayang malapit pala siya sa akin. Kung kaya't nabundol ko siya at muntikan na akong mawalan ng balanse at tumumba. Napakapit siya sa aking tagiliran at akmang sasambutin niya ang aking likuran. Napatingin naman ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Ngayon ay kompirmado ko na. Siya nga ang lalaking aking nakasiping tatlong buwan na ang nakalipas. Sa mga mata pa lamang niya, alam ko ng siya iyon. Hindi ako palatandain ng mga mukha ng customers ko subalit malaking exception ang nangyari noong gabing iyon. "S-sir..." pinikit kong magsalita. "Arsyn?" Sa pagkakataong binanggit niya ang pangalan ko, doon ko naramdaman ang sobrang kaba pero ibang kaba sa nararamdaman ng normal na tao. Kaba pero nakakatuwa. Kabang may halong pananabik. Naalala niya ako? "Hindi ako maaring magkamali. Ikaw. Ikaw si Arsyn. Sabi ko na, hindi ako nagkamali. Amoy mo pa lang at sa mga matang mayroon ka, tinupad mo ang sinabi mo noon na hindi ko makakalimutan ang gabing iyon." sabi niya. Rumehistro naman sa isipan ko ang mga katagang sinabi ko noon sa kanya. Tama siya. Sinabi kong hindi niya makakalimutan ang ginawa namin noon. "S-si.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lamang niyang inilapat ang kanyang labi sa sa aking mga labi. Mabango at nakakaadik ang amoy. 'Di ko mawari kung anong nangyayari sa katawan ko ngunit parang may sariling utak ang mga parte ng katawan ko at ipinulupot ang aking kamay sa kanyang batok. Gumanti ako ng halik. How much I miss this! Nagpatuloy pa ang halik na yon at lumalim. Bakit ako nagkakaganito? Mali. Teacher ko ito pero iba ang sinasabi ng katawan ko. Taliwas man sa tama ay nakakaramdam akog kakaibang init at pananabik. Sa kanyang mga halik at galaw ay hindi ako nagdalawang isip na bumigay ulit. Pero mali. Nasa loob kami ng eskwelahan, sa kanyang faculty at teacher ko siya, estudyante niya ako. Hindi maari ang ginagawa naming ito. Maling-mali ito. Ako na ang pumigil sa aming halik at lumayo bigla sa kanya. "Sir!" halos paos kong pagkakabanggit. "Why?" tanong niya habang naghahabol ng kanyang hininga. "Ma-mali ito." "I know but, pareho nating gusto ito. Akala ko hindi na kita makikita pa. You just left my condo nang hindi man lang nagpaalam." Sabi niya at nakita kong may lungkot sa kanya ang mga sinabi niyang iyon. Ramdam ko sa boses niya. "Nakaraan na iyon, Sir. Estudyante niyo na ko at kung ano man ang namagitan sa atin noon ay doon lamang iyon. One night stand lang iyon and I got a cash from you. Tapos na iyon at kailangan nang kalimutan iyon." May kung anong kumirot sa aking puso sa mga huling katagang sinabi ko. Totoo naman eh. Isang tawag ng laman lamang iyon at natapos na. Kaya hindi na pwedeng ungkatin pa. "Talaga bang hanggang doon lamang iyon?" may halong galit sa kanyang boses sa pagkakataong ito. "Opo, Sir. Trabaho ko po ay pagsilbihan ko kayo at bigyang satisfaction ang init ng katawan niyo. Isa akong bugaw na nangangailangan ng pera at kayo ay isa sa maraming lalaking dumaan sa kama kasama ako. Pagnaibigay ko na ang serbisyo at binayaran niyo na ko, tapos na ang lahat ng iyon. Ano mang nangyari noon ay isang nakaraan na lamang 'yon. Walang ibang ibig sabihin, wala ng iba." Nakita ko ang kanyang gulat at napabuntong hininga siya. "Maybe, you're right. It's just a night we shared together. But it was something, I know there is something when we do it. Alam kong naramdaman mo 'yon. But..." napapikit siya at muli siyang nagpakawala ng isang buntong hininga. Napakamot sa kanyang batok at muling nagpatuloy na magasalita. "...yeah. One night stand. Nag-explore lang ako ng gabing iyon. Yeah. Tama. Tama. I should forget about it." Wala sa sariling napayakap ako sa kanya. Nasasaktan ako. Kakalimutan niya ba talaga ako? Seryoso? Hindi. Pero anong nangyayari sa akin? Maging sarili ko ay hindi ko na maintindihan. Bakit? Ayoko. Alam kong nagulat siya ng yakapin ko siya. "Ayoko, ayokong kalimutan mo ko, Sir." Hindi siya agad sumagot. Naramdaman ko ang dalawang kamay niyang pumulupot sa aking katawan. Niyakap niya ako pabalik. "I never said, I will forget you." Lalong humigpit ang yakap ko. "Hindi ko alam, Sir. Alam kong kailangan na iwaglit ko lahat ng nararamdaman ko. Alam kong hindi ako yung tipo ng taong gugustuhin mo. Hindi ko naisip na magkikita pa ulit tayo, na hahanapin mo ulit ako. Isa lang akong prosti. Bayaran." Nag-hush siya. Pinatitigil niya ako sa pagsasalita. At katulad ko ay humigpit din ang yakap niya. "Wag mong sabihin yan. You are more anything than that." "Pero Sir, mali talaga ito. Teacher ka. Estudyante mo ko. Bawal ang ginagawa natin. Nagkataon lang siguro ang lahat ng nangyayaring ito pero, alam kong hindi na natin dapat pa ipagpatuloy ang bagay na ito, bilang paggalang na rin sa inyo at sa eskwelahan natin." Alam kong nasa tama ang desisyon ko. Pero hindi ko alam kung makakayanan ko. Nang gabi ginawa namin ang makamundong na iyon, binigay ko lahat. Ipinagkatiwala ko ang sarili ko sa kanya. I broke my own rules. I gave my best that night... my body, my soul and even my heart. Naaawa ako sa sarili ko dahil sa ganoong bagay ay nahulog na ako. Hindi ko natupad sa sarili kong, sa taong mahal ko at mahal ako ibibigay ang buong pagkatao ko. Alam kong mali ang mahulog sa isang lalaking nakasiping ko lamang isang gabi, sa lalaking isang beses ko lamang nakasama at hindi tumagal ng isang araw. Ilang oras lamang iyon pero iba ang nararamdaman ko. Wala rin kasiguraduhang ganoon rin ang kanyang nararamdaman. Bago pa siya muling makapagsalita ay kumalas ako sa aming yakap. Tinignan ko ang kanyang mukha. Tinitigan ko siya at parang minememorya ko ang kanyang mukha. His silver eyes, nakakaakit sa ganda samahan pa ng kanyang mga talukap na nagbigay ng kakaibang tingin. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong mata. Nakakalusaw pero hindi dahil sa kilig, kung di dahil sa apoy na ibinabahagi ng ng kanyang mga mata. I really wonder kung anong lahi ang mayroon siya. His nose is pointed at kahit hindi ako ganoong kapango ay nakakainggit pa rin. His lips... shet! Those pinkish-to-red curved and pouty lips. Alam ko sa sarili ko na nasasabik na ako muling hagkan iyon. Matikman at muling ilapat sa king labi. Ang gwapo niya pala talaga. His jawline are on point at nakapagpadagdag pa ang kanyang beard sa kanyang angking kagwapuhan. Sino ba naman ang hindi gustong makaulit kung ganito nga naman ang customer di ba? Pero ang mangyayari ngayon ay hindi ko siya customer. More than of that ang tingin ko sa kanya. I missed this. Oo, bakla ako. Binabayaran ako ng mga customers ko para magkapera at maibigay sa mga kapatid at sa mga pansarili kong interest. Subalit sa pagkakataong ito, hindi ko siya ituturing na isang lalaking babayaran ako kapag katapos ng kababalaghang mangyayari. Hindi ko masasabing ito na ang huli pero, gusto kong gawin ulit ang ginawa namin. Alam kong mawawalan ako ng respeto sa paaralan at bilang estudyante niya, alam kong reputasyon ko ang nakasalalay dito, pero wala na akong pakialam. Sabihin mang ako'y hayok, ngunit alam kong gagawin ko ito hindi dahil sa sarili ko. Kundi ito ang gusto ko ng puso ko. Umalis ako sa pwesto ko para abutin ang pinto at siguraduhing nakalock ito. Pagkaik ko ay agad kong kinabig ang kanyang batok at hinalikan sa kanyang labi. Walang dalawang isip na ginantihan niya iyon. Namiss ko nga iyon. The taste of his lips and how it moves in mine, shet! I really gone crazy. Binuhat niya ako kagaya noon upang sa gayon ay maabot kong mabuti ang kanyang labi. Hinawakan niya ako sa magkabilang pang upo ko. Isinandal niya ako sa may dingding at doon ay nagpatuloy ang aming malalim na halikan. Tumigil siya at pareho laming hinapo sa aming ginawa. "It's wrong and we both know it. But this time, let's just do it again. Not as a teacher and a student, but as you and me." banayad ang pagkakasabi niya ng mga katagang iyon at muling hinagkan ang aking labi. Maybe it's wrong pero pa'no mo masasabing mali ang isang bagay kung ang tanging nararamdaman mo ay tama? Hindi ko na alam. Ngayon ko lang masasabi sa sarili ko ito.. Mukhang hindi ko na kilala ang sarili ko. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD