"Cirrhosis, Mr. Gomez." sagot ng doktor nang aking itanong kung anong findings sa kalagayan ni Mama.
"Ano po yun, Doc?"
"Isa itong sakit sa liver, Mr. Gomez. It caused by many forms of liver diseases. It is a late stage of fibrosis of the liver. And luckily, your mother still manage to survive to this kind of disease. Pero hindi natin hawak ang kapalaran. Bihira lang ito." paliwanag ng doctor.
"Pero paano? Bakit di ko man lang nalaman ang symptoms o hindi man lamang niya ininda sa akin?"
"I dunno, Mr. Gomez. Pero alam mo naman ang mga nanay natin, ayaw nilang nag-aalala tayo. At sa nakikita ko, hindi niyo rin napansin na halos nag-iiba na ang kanyang kulay. Her color is turning to yellow. She already got Hepatitis C which is the severe inflammation of liver due to excessive intake of alcohols."
"Anong mga paraan kaya para gumaling siya, Doc?"
"Sa case ng iyong Ina, I suggest her to have a liver transplant. That's the only way if you really want her to survive."
"Hindi ba kakayanin na ng mga gamot, Doc?"
"I'm sorry Mr. Gomez. Kung gamot lamang ay mayroon naman. But she have to take high dosage of medicines. Unfortunately, it can cause again severe damage of the liver at baka iyon pa ang maging dahilan para magkaroon ng liver failure. Or else, I don't want to say it but, it can cause her death."
"Magkano naman ang kakailanganin kung magpaliver transplant siya?"
"3million to 4million."
"Po?" doon ako muntikang mapasigaw. Milyon? Saan ako kukuha no'n?
"It's really expensive in some institutions. But if you will go to NKTI, under the agreement of NKTI and Philippine Charity Sweepstakes Office, PSCO will 1.5 million for every beneficiary who will undergo the expensive procedure. Kung ililapit natin siya sa National Kidney and Transplant Institute Liver Center, she can have the 1.5 million and provide the other medical needs. Just give the original papers they need and once approved, maari ng maisagawa ang operation basta may available na rin silang liver na ipapalit sa liver ng iyong Ina."
Napaupo ako sa sinabi ng Doctor. Nanghihina talaga ang buong katawan ko. Parang wala na akong lakas para tumayo ulit.
Diyos ko, bakit ganito? Bakit parang sa amin lahat ng kamalasan. Bakit ako? Bakit? Pakiusap, tulungan mo ko sa pagkakataong ito. Wag ngayon, wag ang Nanay ko.
"Sige, Doc. Salamat."
"Okay. Maiwan ko na kayo ha. I hope makayanan niyo ang pagsubok na ito, Mr. Gomez."
Napagsalamat ako muli sa doktor bago siya tuluyang umalis.
Parang walang buhay akong pumasok sa room kung nasaan ang Nanay ko. Nasabi ko kay Mang Pete na naroon at nagbabantay ang dahilan at ang mga sinabi sa akin ng doktor. Nasabi naman niyang nasa akin ang desisyon at sila ng kanyang asawa ay susuporta sa aming pamilya. Nagpaalam si Mang Pete na uuwi na dahil baka hinahanap na rin siya ng kanyang asawa. Hindi pa raw ito nagpapaalam. Nagpasalamat ako at saka siya lumabas kwarto ni Nanay.
Napaupo ako sa tabi ni Nanay. Pinansin ang mga nakasalpak na aparato sa kanya at saka dumako sa kanyang mukha.
Ang dating ganda ay nawala. Napalitan iyon ng mga maliliit na linya bunga ng kanyang pagtanda at stress. Ngayon ko lang napagmasadan ang Nanay ko. Maaring sa kanya nga ako nagmana. Nakikita ko ang hugis ng mukha niya na halos katulad ng sa akin.
Mula sa kanyang mata na halos mapalibutan na ng itim dahil sa kanyang eyebags, hanggang sa mga labi niyang nanuyo at wala na ang dating pula nito. Hindi ko mapigilang mapaluha. Ang dating makinis at maputing balat ngayon ay naninilaw at dahil iyon sa sakit niya. Bakit di ko man lang napansin? Bakit di ko man lang nalaman na may sakit na siya? Bakit siya pa? Diyos ko...
Niyakap ko siya. At doon at tuluyang bumagsao ang kanina pang nagbabadyang mga luha. Mga ilang minuto sa ganoong posiayon ay naramdaman ko ang kamay sa aking likod. Gising siya.
Agad akong humiwalay sa pagkakayakap at bumungad sa akin ang nakangiting si Nanay. Ang mga ngiti na may halong lungkot at pait.
"Nay. Teka lang tatawag ako ng Doktor."
Paalis na ako ng pigilan niya ang laylayan ng aking damit. Napatingin akong muli sa kanya at nakita kong umiling siya.
"H-hindi na... k-kailangan, A-Arsyn. Pakiramdam ko ay hindi na rin ako magtatagal." wika ng Nanay at agad naman akong bumaling sa kanya.
"Nay, Wag mong sabihin yan Nay. Please. Kayanin mo. Gagawa ko ng paraan. Nay, wag kang susuko."
"Arsyn, gusto kong humingi ng tawad sa'yo, sa mga kapatid mo sa malaking pagkukulang ko bilang Ina." ani niya sa malumanay at nanghihina niyang boses.
"Nay, tatawag na ko ng doktor. Wagang susuko, Nay!" napahagulgol na ako sa pagkakataong ito. Ayoko. Ayoko pang mawala siya. Marami pa akong tutuparin at kasama siya sa lahat ng iyon.
"Hindi na, Arsyn. Pasensya na. Hindi ko na rin makakayanan. Dapat kayo ang naging inspirasyon ko. Dapat hindi ako sumuko ng mawala ang Tatay niyo, dapat naging malakas ako at itinaguyod kayo. Pero ang pangungulila ko sa kanya at ang sakit na naramdaman ko ay tuluyang nasakop ang aking puso. Masakit pa rin hanggang ngayon, anak. Ilang beses ko na ring sinubukan na maging okay, na magsimula ulit pero hindi ko kaya, anak. Kaya pasensya na sa mga pakukulang ko bilang ilaw ng ating tahanan. Pasensya na kung ikaw ang nagpakahirap ng ilang taon para maging maayos ang mga kapatid mo. Pasensya na kung nanirahan tayo sa isang maliit na bahay hindi katulad no'n, komportable kayo at walang problema. Pasensya at naging mahina akong Ina. Patawarin mo ko anak. Alam ko lahat ng pinasok mo at pasensya na kung napunta ka sa ganang gawain para sa akin, para sa mga kapatid mo. Alam kong hindi ko na maibabalik at maitatama ang lahat pero alam kong ang paghingi sa iyo ng tawad ay kulang pa. Gusto kong bumawi pero, hindi ko na rin makakayanan, Anak. Patawad kung sa'yo ko iiwan ang lahat ng responsibilidad ko. Patawarin mo ko, anak. Nagsisisi ako sa lahat lahat. Patawad..." bumubuhos ang luha ni Nanay habang sinasabi niya iyon. At panay ang aking iling at hagulgol.
"Nay, lumaban ka. Wala yon sa akin. Basta para sa inyo, gagawin ko lahat. Wag mo kaming iwan, Nay!"
"Pasensya na talaga, Anak. Marupok ang Nanay. Hindi ko na kakayanin pa. Magalit ka man ay tatanggapin ko dahil hindi ko natupad ang pangako mong maging isang artist. Naalala mo ba nung ipinta mo ang litrato ng kasal namin ng iyong Tatay, iyon ang pinaka magandang regalo na natanggap ko. Siyam ka pa lamang noon, pero napakagaling mo na. Pasensya na kung hindi ko matutupad ang mga pangarap ko sa inyo ng mga kapatid mo. Nangako ako sa Tatay mo pero hind ko kaya, na wala siya kasama ang mga pag-abot ng inyong mga minimithi, Arsyn. Napakasakit sa puso ko. Patawad ng marami, Anak."
"Nay. Wag ngayon. Please. Kalimutan mo na 'yon. Mabuhay ka lang wala na kong gagawin kung hindi ang itaguyod kayo. Please Nay. Gusto pa kita makasama. Gusto ko pang makita mo ang mga ipipinta ko at mga makakamit ko. Kasama ka do'n, mga kapatid ko pati si Tatay. Please, Nay. Wag. Wag ngayon."
Napayakap ako kay Nanay habang humahagulgol. Naramdaman kong umakap siya pabalik sa akin.
"Salamat, Arsyn. Pero..." napatigil siya at doon ako napahiwalay sa kanyang yakap. Umubo siya. Parang nahihirapan. Hinawakan niya ang aking mga kamay. Ramdam kp ang lamig sa mga kamay niya.
"Nay..."
"A-ayos lang ako. Gusto ko nang mamahinga, anak. Alam kong wala akong naidulot sa ilang taon na paghihirap mo. At dadalhin ko ang paghingi ng tawad hanggang sa kabilang buhay. Pagod na ko, Arsyn. Gusto ko nang makita ang Tatay niyo, pasensya na kung 'di ako naging mabuting Ina, kung hindi ako kasing lakas ng ibang babae para maging Ina at Ama ng sabay, pasensya, kung sa'yo namin iiwan lahat ng Tatay mo. Isa lang ang gusto kong itanim mo habang sumasabak sa buhay. Gamitin mo ang utak mo, lalo na sa pag-ibig. Turuan mong maging malakas at hindi magdalos-dalos sa desisyon mo. At kung sakaling makita mo ang taong magmamahal na sa iyo, huwag palagi ang puso ang gamitin. Gusto kong maging malakas ka, Arsyn. Pasensya, kung hindi ko na kayo masasamahan hanggang sa pag-abot ng mga pangarap niyo. Palagi ko kayong gagabayan kasama ang Diyos at ang Tatay niyo."
"Nay... Mahal na mahal ka namin Nay! Wag mo kami iwan Nay!"
"Mahal na mahal ko rin kayo, Arsyn. Mahal... na mahal..." tuluyang nanghina ang boses niya. Napapapikit na siya. Hindi..
"Nay! Huwag! Please.. Lumaban ka... Tulong! Dok! Nurse!!!"
"P-paalam." tuluyang pumikit ang mata ni Nanay. Ang kapit ng kanyang kamay sa aking kamy ay tuluyang humiwalay. Naramdaman ang kakaibang lamig sa kanyang kamay.
"Nay.. Nay! Ang daya mo naman eh! Nay! Nay!" niyugyog ko si Nanay pero wala na. Tumawag ako ng mga nurse at doktor pero kahit anong gawin nila, wala na.
Wala na si Nanay.
"Nanay!!!!!"
-----------
3months later...
"Arsyn! Narinig mo na ba ang balita?" bungad na tanong sa akin ni Hance, kaklase ko siya at kasamahan ko siya sa bar. Magkaibang course ang kinukuha namin pero magkaklase kami sa Sociology at General Psychology.
"Anong balita? Good or Bad?" tanong ko pabalik.
"Good news para sa iyo. Kasi for sure magiging professor mo siya. Fine Arts ka di ba?"
Tumango naman ako saka ako bilang "Oo" ang sagot at bumalik sa pagkain. Nasa school kami ngayon. Isang buwan na rin na nagsimula ang klase.
"Magiging professor mo ang bagong teacher dito sa University! And from what I heard, he will be handling the Fine Arts Courses dito sa University. Actually, hindi naman siya bago. Pero matagal siyang nawala sa kanyang career so, ayon. At ayon sa usapan, ang hottie ng teacher na ito! He's one of the hunks na kahit yata ang lola mo ay mapapatili!" sabi niya sa may masaya at malanding tono.
"Wala yun sa akin no. Parang normal na sa akin ang ganyang bagay. Hindi ka pa ba nasanay sa trabaho natin sa bar. Maraming mayayamang gwapo na customer pero wala ng epekto sa atin." sabi ko.
Umupo si Hance sa tabi ko at inilapag ang binili niyang mga pagkain.
"No, bakla. Parang iba itong teacher na ito eh. Alam mo yun? Nakita ko nga ang picture niya at masasabi kong iba talaga ang kanyang dating! I dunno. But I think, nakita ko na siya somewhere. Or maybe model din siya. Pero alam kong chismosa ko. Kala ko naman kasi baka maenganyo kita. You are so tahimik after what happened. Nag-aalala lang ako sa'yo." sabi niya.
"Masakit pa rin kasi."
"I feel you. I understand. Pero ngayon, kailangan ka ng mga kapatid mo. Alam kong hindi ko nararamdaman ang tunay na sakit na nararamdaman mo pero kahit papano, I considered your feelings. Sana kahit papaano, maisip mo na hindi pa ito ang katapusan. I mean, maybe, God will lead you to something better. Just keep the faith, ani nga sa kanta ni Miley Cyrus."
Tama siya. Pero ewan ko ba. Hindi na ako palasalita ng mangayari ang lahat ng iyon sa akin. Miski ang pagtatrabaho ay nagawa kong mapabayaan. Hindi naman sobrang napabayaan pero, isang beses sa isang linggo na lamang ako pumupunta sa bar at gawin ang trabaho ko. Kababalik ko nga lang noong nakaraang buwan dahil dalawang buwan akong hindi makausap at wala sa sarili. Ang tanging pinagkukunan ko ng lakas ay ang mga kapatid ko. At ang pangarap ko.
"Salamat. Hayaan mo. Hindi man sa ngayon, pero I'll be better soon. Promise." ngumiti akong pilit.
"You will be. I'm always here for you. Pati yung mga Mama natin sa bar. Wag kang mag-alala. Hindi ka namin pababayaan."
"Salamat."
-----
Natapos kaming kumain ng lunch. Dalawnag oras naman ang bakante kaya napasyahan kong umakyat muna ng rooftop ng Unversity upang makapagrelax. Wala naman masyadong tumatambay doon kaya okay lang na makapagpahinga. Hindi naman gaanomg kainit at may masisilungan naman doon na maliit na kubo.
Nakatulog ako ng hindi ko namalayan. Dahil na rin sa sobrang pagod.. Bumalik kami sa kani-kanilang klase. Pero nalate ako dahil nakatulog ako. Trenta minutos na akong na late para sa aking next subject kaya sobrang pagmamadali akong bumaba at pumunta sa room.
Pagbukas ko ng pintuan ay agad akong humingi ng tawad sa professor.
"I am sorry Ma'am, I'm late." nakatungo kong sambit. Alam kong nakatingin ang mga mata nila sa akin. Maging ang professor ko.
"Do I look like a woman to you?" boses ng isang lalaki at napakamanly ng boses. Pero parang narinig ko na ang boses na iyon kung saan.
Napatingala ako at nakita ko ang lalaking tila hinulog ng langit. Nanlaki ang mga mata ko. Siya? Pero hindi. Baka nagkakamali lang ako. Imposible. Ang lalaking iyon at ang lalaking nasa harapan ko ngayon...
Gusto kong sabihin na "Sorry, Sir." subalit maging ang aking mga dila ay umuurong na sabihin iyon.
Bakit lalaki ang professor namin? Ang alam ko ay si Miss Trinidad ang aming professor namin ngayon. At hindi ako maaaring magkamali.
"Oh, it's my fault. I replaced Miss Trinidad as your professor in this subject. I am Mr. Jeremy Zamora and from now on, I will be your new Visual Art Teacher."
------