Chapter 1

2425 Words
Huli kong natandaan ay akin siyang inakit sa aming inuupuan at nakapatong ako sa kanya habang hinahalikan ko ang leeg niya. Siya mismo ang pumigil sa akin at nagsabing kailangan namin ng pribadong lugar. Agad ako namula sa aking ipinakita dahil ngayon lamang ako nabuhayan ng ganito sa aking katalik at sadyang ako ay nasasabik. Tinawag niya si Mama Chaser habang kami ay papalabas ng bar at may iniabot na pera. Kasabay no'n ay ang pagpapaalam niya na kukunin na niya akong sa gabing ito. Kinuha pa ni Mama Chaser ang aking bag at iniabot sa akin bago tuluyang lisanin ang bar. Natagpuan ko ang aking sarili sakay ng mamahaling kotse nang customer ko ngayong gabi. Nakahawak ang kanyang kaliwang kamay sa manibela habang ang kanan naman ay nasa aking hita na kanyang pinanggigigilan. Nahihilo ako. Alam kong dis-oras na nang gabi dahil ang tinatahak naming daan ay wala nang masyadong sasakyan. Tinanong ko na siya kanina kung saan kami pupunta at ang sabi niya ay sa kanyang condominium. First time kong dalhin sa condo ng mga guest dahil lahat ata nang aking naging customer ay sa motel lamang ako dinadala. Hindi na ako pumalag pa. Dahil naiinitan sa aking maskara at wig na suot ko kahit may aircon sa loob ng kotse ay napagpasyahan kong hubarin iyon. Wala na kami sa Bar kaya pwede ng alisin iyon. Makikilala lang naman ako ng customer ko sa mukha at kinabukasan ay paniguradong hindi na niya ako muling kilala. One night stand. Sanay na ako sa bagay na iyon. May ilang mga bumalik na customer ngunit hindi ko na inulit pa. Ang pinagsaluhang gabi ay ang una at huling makikita namin ang isa't-isa. Isang reyalisasyong natutunan ko sa ganitong klase ng trabaho, magtutulungan kayo upang alisin ang ang inyong damit at ilabas ang init ng nadarama. Pagkatapos ay mag-isa kang ibabalik ang iyong mga suot at magkaila na parang walang nangyari. Kalimutan ang gabi at umalis ng may pait sa mga ngiti. Naiisip ko tumigil na sa ganitong uri ng trabaho pero hangga't nakikita ko pa ang aking pamilya sa isang maliit na bahay at hikahos ay hindi ako maaring bumitaw. Hindi ko maaaring pakawalan ang patalim na aking kinakapitan. Sa ganitong paraan ko magagawa ang makapagtapos at itataguyod ang aking pamilya at mga pangarap. Kapag naabot ko na iyon ay maari ko nang kalimutan lahat ng ito at linisin ang sarili ko. Biglang huminto sa pagpapatakbo ang kotse ng guest ko. Napatingin ako sa kanya at nakatingin na siya sa akin. May pagkadilim pero kita ko ang kanyang mga mata dahil sa maliit na ilaw na mayroon dito sa loob ng kanyang kotse. "Damn!" pagbigkas niya noon ay agad niya akong hinila palapit sa kanyang mukha at hinalikan. Ramdam ko ang kanyang pusok at pagkasabik. Nakakangilo ang kanyang halik. Nakakakiliti ang kanyang balbas at hindi iyon sagabal para manamnam ang kanyang malalambot at matatamis na labi. Naglaban ako ng halik at humawak sa kanyang batok. Ang kanyang kaliwang kamay na nasa manibela ay naroon naramdaman ko na lamang sa aking baywang at pilit na iginaya papalapit sa kanya. Gusto niyang gawin ko ang kaninang ginawa ko sa kanya... ang umupo ako sa mga hita niya. Napatigil naman ako dahil ang alam ko ay nasa daan kami ng kalsada. "Don't worry. I parked. Walang makakakita sa atin dito." sabi niya habang hinahabol ang kanyang hininga. "Sabi mo po sa condo tayo, Sir." pagdadahilan ko. "Fvck that condo! But we are here in front. I just want you now. Hindi na ko makapaghintay. Nakakabaliw pala ang ganito." pagkuway agad niya ulit akong hinila. Nadala ako sa kanyang ipinakita. Kahit ako ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Nasasabik na natatakot pero mas lamang ang aking pananabik. Masarap pala ang halik. Ganito pala ang pakiramdam sa labi. Kung alam ko lamang ay matagal ko nang ginawa... matagal na kong nagpahalik. Pero ang pangako sa sarili ko ay aking nilabag. Tanging ang pinakaiingatan ko na lamang ay ang huwag magalaw ang hinahawakan ng kanyang kamay ngayon. Ang aking pag-upo na kanina pa niya pinapalo. Gumalaw ang aming mga labi sa ritmo. Hindi ako marunong subalit bigla na lamang sumunod ang aking halik sa ginagawa ng kanyang labi. Nalalasahan ko ang aming ininom namin kanina. Pinagagalaw niyaga kanyang dila na siya o namang pinagsaklob ng aking labi. Narinig ko na naman ang kanyang impit na ungol na hindi nagtagal ay lumakas dahil sinipsip ko ang ang kanyang makasalanang dila. Ang kaninang kamay iyang nasa aking pang-upo ay umakyat patungo sa aking batok at ulo. Idiniin niya ang aking halik at tuluyan akong napaupo sa kanyang gitnang hita. Naramdaman ko ang kanyang ipinagmamalaki at alam kong mamaya akin siyang makikilala na. Tama siya. Nakakabaliw. Kagaya niya ay inilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang ulo, bahagyang sinabunutan ang may kahabaan niyang buhok at lalong pinag-inut ang aming halik. Ilang minuto pa naming ninamnam ang aming halik at naririyan ang minsang kakagati niya ang aking labi at hihilahin, pakakawalan ay biglang hahabulin na siyang aking ginagawa rin sa kanya. Parang may sariling pag-iisip ang aking labi na gawin kung anuman ang ginagawa ng kanyang labi. Hindi naman nagtagal ay bumaba ang kanyang halik sa aking baba dahilan para maiangat ang aking ulo. Nakakakilit ang buhok sa pagitan ng kanyang bibig at nakadagdag iyon ng aking pananabik. Masuyo niyang hinalikan ang aking leeg. Parang may trace siyang sinusundan hanggang makarating sa pagitan ng aking collarbone. Doon siya nagtagal ng ilang segundo at mabilis din na ibinalik ang halis sa ibang parte ng aking leeg. Kaliwa't kanan niyang ginawa ang paghalik at lalo kong napanggigilan kanyang buhok at idiniriin siya sa aking leeg. Walang kontrol ang aking pag-ungol dahil siya pa lamang ang nakagawa sa akin ng ganito. Lalo lumakas ang aking halinghing nang maramdaman kong naabot niya ang aking tainga at dinilaan iyon... Sobrang kilit at pag-iinit ang aking naramdaman. "Moan. Just moan. It drives me crazy, honey." kanyang wika sa nakakaakit na boses. At pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa kanina. Nasisikipan ako sa maing posisyon kaya pinilit ko siyang pumasok kami sa loob na lamang ng kanyang unit. May pagmamadali at hilahila niya akong iniakyat sa aa kanyang unit. Nasa itaas na bahagi iyon at nag-elevator pa kami. Alam kong kami lamang ang tao. Hindi pa rin siya nakapagpigil at patuloy akong hinahalikan hanggang sa makarating kami sa kanyang unit. Pagkapasok ay agad niyang isinara ang pinto, itinapon ang dala kong bag na may mga damit ko at ipinihit ako pasandal dito. Dahil sa tangkad niya ay kinailangan niya kong buhatin upang mag-abot ang aming mga labi. Tumalon ako sa kanya ay ipinulupot ang aking paa sa kanyang bewang. Inalalayan nkya ako bago naglakad at inihulog ako sa malambot na kama. Nakita kong hinubad niya ang kanyang pang itaas at parang bang slow motion na napagmasdan ko kaagad ang mabatong katawan. Parang inukit tulad ni machete at kuta ang ilang buhok sa dito. Nakadagdag ako ng pananabik na gusto kong hawakan at maangkin siya. Itinapon niya ang damit kung saan at saka ako muling binalikan ng padagan sa kama. Hinalikan niya ako at kasabay no'n ay ang pagsira niya sa aking suot. Literal at nagulat ako. Napatigil ako sa aming halik. "Sshh. I won't hurt you. Sorry. Nakakagigil ka lang kasi. I can't control it. Forgive me. Promise, wala kong gagawin na makakasakit sa 'yo." Tumango lamang ako bilang sagot at muli ay pinagpatuloy ang aming makamundong gawain. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito pero bago ito sa akin. Bago sa aking lahat ng ginagawa naming ito. Ako dapat magtrabaho dahil kailangan ko ng pera niya. Pera para pamilya ko. Pera na kikitain ko para sa pag-aaral ko. Nagkaroon ako ng lakas upang pumaibabaw sa kanya. Tanging pantalon na lamang ang suot niya kaya naramdaman ko ang kanyang itinatago. Ramdam ko yun sa pagitan ng aking pang-upo pero upang mabaling sa iba ang aking takot ay ako na ang kumilos. Tinularan ko ang kanyang ginagawa kanina. Halik sa labi, pinsgi at kanyang leeg hanggang makarating ako sa kanyang dibdib. Matigas at nakakaadik ang kanyang bango. Pumaibaba pa ako lalo at aking natikman ang kanyang mga pandesal sa kanyang tiyan. Napapahawak siya sa aking ulo at bago pa ako tuluyang bumaba sa kanyang kumakawalang sandata ay hinila niya ako pabalik sa kanya at magkaharap kami. "I want to know if you are ready?" tanong niya habang hinahabol ang kanyang hininga. "Yes Sir. Katulad ng sinabi ko hindi mo makakalimutan ang gabing ito." sagot ko. Kailangan kong ipakita sa kanya na totoo ang sinasabi ko. "Pano ka makakasigurado na hindi ko nga nakakalimutan ang gabi ko sa'yo." tinitigan ko siya sa mata. Maganda pala ang kislap ng mga iyon at bumagay sa katamtamang kapat haba ng kanyang pilik mata samahan pang maayos na kanyang mga kilay. Ang ilong niya ay nakakainggit. Ang labi niyang kaysarap halikan sa lambot at tamis. Pumagat labi ako bago ko tuluyang magsalita. "I can make you moan my name, Sir." mahina pero may landi kong sabi sa kanya. "Fvck. Do it now!" at muli niya akong hinalikan. Pinabayaan na niya akong gawin ang aking trabaho at tumupad sa aking sinabi. Sa pagkakataong ito, iba ang pakiramdam ko. Iba ang nararamdaman ng puso ko. Iba ang kanyang mga halik at iba ang kanyang haplos 'di tulad ng mga naging customer ko. May init at may halong ligaya nag ginagawa naming ito. Pero hindi maaari. Isang gabing kaligayahan lamang ito. Kaligayahn ng aming katawan. Makikinabang ako dahil kikita ako. Makikinabang aiya dahil pinaligaya ko siya. Kapag tapos ay wala na. Hindi na uli magkukrus abg landas naming dalawa. Isa ulit kaming mga estranghero sa labas ng mapaglarong mundo na ginagalawan namin at maaaring hindi na ulit pagtagpuin pa. ---- Nagising ako sa sikat ng maliwanag na araw. Natumatama saking mata. Naramdaman ko ang lamig sa aking katawan. Iminulat kong pilit ang mata ko at buong lakas na bumangon. Ang sakit ng katawan ko. Medyo nahihilo pa rin ako. "Oo nga pala, nasa condo ako ng customer ko." sabi ko sa isip ko. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto na ito. Malinis. Nakaayos din ang aking mga gamit na nakapatong sa mesa malapit sa kama. Agad kong nakita ang isang envelop sa mesa at alam kong bayad iyon ng customer ko kagabi. Sanay naman na ako sa ganito ang bayaran ang serbisyo ko. Minsan nga ay pagkatapos na pagkatapos pa ibibigay sa akin ang pera at bigla na lamang akong aalisan. Ang iba naman ay ganitong senaryo. Bigla ka na lamang iiwanan at kasabay non ay pera na makikita mo na lamang sa malapit mong makita. Nakakalungkot lamang na isipin na ganito ang trabaho ko. Hindi ko kailangan magreklamo dahil para rin naman sa pamilya at sarili ko ito. Nalulungkot ako dahil umaasa rin ako na baka may makakita na hindi ako nababagay dito. Na gusto kong umalis sa punto ng buhay kong kailangan ko pa ng magbigay aliw para kumita. Umaasa rin ako na baka sakaling may magmahal sa akin na aking mamahalin din.... Wala ang customer ko. Hindi ko na siya hahanapin dahil tapos na naman ang pagitan sa amin. Yun na yun. Pagkatapos ay magpapanggap na lamabg akong walang nanyari. Pumunta ako ng cr ng kwarto para linisan ang sarili ko. Kumpleto naman ang gamit at masasabi kong parang hindi lalaki ang may ari ng condo na ito dahil sa linis at organisado ng mga bagay dito. Naglinis ako ng katawan at pagkatapos ay humarap ako sa salamin. "Shettt!" bulaslas ko ng nakita ko ang mga marka ko sa katawan. Grabe ang customer kong yun! Buti na lamang ay wala sa aking leeg. Mayroon din ako sa pagitan ng collarbone ko pero hindi naman iyon makikita kapag nagbihis ako ng tshirt kong dala. Wala naman akong magagawa kaya nagpasya na lamang akong magbihis. Nag-ayos muli sa harap ng salamin at kinuha ang aking gamit na nakalagay sa aking sling bag at paper bag at pinulot ko rin ang bayad na hindi ko pa sinisilip kung magkano ang laman sa loob. Nang makalabas ay muli kong sinulyapan ang kwartong iyon. Para bang nagflashback doon ang lahat nang nangyari kagabi. It was a great night. Iba sa lahat ng aking naranasan. Iba ang aking naramdaman. Mukhang ang sinabi kong hindi niya makakalimutan ang gabing iyon ay parang sa akin mangyayari. Hindi ko makakalimutan ang gabing nagdaan. Ngumiti ako ng pilit at unti-unting isinara ang pinto. Hanggang doon lang 'yon, Arsyn. Nothing more than that will ever happen. ---- "Alliro, Allina, Akiro, Nay! Nandito na ko." bungad ko kapag pasok ko ng bahay. Agad kong narinig ang mga yabag ng nga paa ng mga kapatid ko at bumungad din naman sila ain agad. "Kuya Arsyn!" biglang yapos sa akin ng bunso naming kapatid na si Akiro. "Kamusta naman ang baby namin ha?" "Okay naman po. May pasalubong ka po kay Akiro?" tanong niya at kumalas sa yakap. "Oo naman baby Akiro." kinuha ko ang kaing pinamili at ibinigay sa kanya ang isang garapon ng stick-O. "Yeheyy! Payborit ko 'to." nagagalak na wika ni Akiro at umupo sa upuan. Binigay ko rin ang pasalubong ko sa kapatid kong si Alliro at Allina. Binigyan ko rin sila ng pera pambaon nila sa eskwelahan at pang ulam na iluluto nila. "Asan nga pala si Nanay?" tanong ko sa kanila. "Hindi pa nauwi eh. Kala nga namin natutulog na siya doon sa itaas." Malamang ay naroon pa rin siya sa mga kasugalan niya. Hindi ko na talaga makontrol si Nanay. Ilang beses ko na siyang pinagsasabihan at parang walang siyang naririnig. Pasok sa kanan labas aa kaliwnag tenga ang aking mga sabihin sa kanya. Ang hirap makita siya sa ganoong kalagayan. "Sige. Sunduin ko lang ha. Dito lang kayo. Eto oh. Ulam natin yan mamaya. Lutuin mo Allina." ibinigay ko pa ang isang supot ng plastik na naglalaman ng baboy. Kinuha naman ni Allina iyon at ako naman ay naglakad palabas. Ngunit sa b****a pa lang ay bumungad sa akin si Kuya Pete, kapitbahay namin na may pwesto sa palengke at mabait. "Arsyn! Yung nanay mo!" "Ha? Bakit po? Anong nangyari?" "Nakita sa may eskinita dalawang kanto ang layo dito sa atin. Nakahandusay at walang malay!" "Ano po? Anong nangyari?" "Hindi pa rin namin alam! Sumama ka sa amin bilisan mo!" Binilinan kong manatili muna ang mga kapatid ko sa bahay at babalik ako saka lumabas ng bahay. Gulo ang isipan ko hindi ko alam ang iisipin ko. Nanalangin na lamang ako sa aking isipan. "Lord. Please... wag naman po sana ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD