Chapter 19

2145 Words
"Hi! Can I get your name? I'm Victor." nakangiting bungad ng lalaking ito sa akin. Isang linggo pa lang ako sa club at ginagamay ko pa ang mga nagiging customer ko. Medyo bata ang isang ito hindi katulad ng ibang naging customer ko na. Binigay ko ang pangalan ko at nag-usap kami ng bahagya. Nang maging tahimik ang aming pagitan ay nagpasya na siyang gawin ang serbisyo ko. Katulad ng pinangako ko ay hindi ko hinayaang magamit sa akin ang lahat. Napakadedicated ko pa noon sa aking katawan at may takot din ako. Matapos ang gabing 'yon, ay hindi na niya ko tinigilan na suyuin sa eskwelahan. "Si Victor 'yon, 'di ba? Bakit siya nakikipag-usap do'n?" "Ang swerte naman niya! Isang athlete na ang lumapit sa kanya. Wait, into gays ba siya? Gosh!" "Sana ako na lang nilapitan niya. Mukhang first year ang kanyang kausap!" "Chika ko, siya daw yung nililigawan ni Victor. I'm not sure pero usapan na daw iyon sa kabilang building." At kung anu-ano pa. Napapatingin na lamang ako sa kanila. May ibang deadma na lang at ang iba naman ay nanonood. Pero marami ang medyo masama ang tingin sa akin. Wala naman akong ginagawa. At isa pa hindi na ko komportable. May isang lunch time na iniiwasan ko si Victor dahil medyo nakukulitan na ako sa kanya. At saka hindi ako sanay na may ganitong lalaki kaya sa aking pagtatago ay napatakbo ako. Hindi ko namalayang may mabubunggo ako.. "Shet! I'm sorry! Hindi kita napansin. Sorry." Tinulungan ko siyang makatayo. "Okay lang! No need to worry. I was too busy rin kasi sa pagtetext. Wait... are you in the GenPsych class 1-3?" "Hmm. Oo." "Magkaklase tayo. Sabi na kaya pala mukhang pamilyar ka. By the way, I'm Hance! Wanna be friends?" nakangiting sabi niya sa akin. Medyo alinlangan man ay tinanggap ko ang alok niya. This is the second time na may nakipagkaibigan sa akin kaya wala namang mawawala kung pauunlakan ko ang alok niya. "Ako naman si Arsyn. Yes. Okay lang tayo maging friends. Para may kakilala na rin ako sa class natin sa Psych1." "Okay! That's good! Tara! Lunch?" "Kakatapos ko lang. Siguro sa susunod na lang." sabi ko. "How about, ice cream? Ayoko rin kasi kumain kaya magdessert na lang tayo! May alam ako, alapit lang dito. Promise aabot ka pa sa next class mo kung mayroon man." Wala na akong nagawa at sumama sa kanya dahil hinila na niya ako palabas ng eskwelahan. Simula ng araw na iyon ay nakakasama na namin siya ni Rafie. Tuwing lunch at minsan ay pag-uwi. Alam ko no'ng una ay hindi sila ganoon kalapit ni Rafie. Pero nang tumagal naman ay naging okay rin kaming tatlo. Ang aking buong akala ay hindi na ako guguluhin pa ni Victor. Pero, kahit sa harap nila Hance at Rafie ay nagiging vocal siya. Dahil sa akin ay muntikan na siyang mag out bilang bisexual at sinasabing gusto niya ko. I was shocked that time pero hindi ko magawang matuwa o maappreciate man ang lang kanyang ginagawa. Sabi niya ay liligawan niya ako kahit gaano katagal na siyang namimilit ay hindi ko pinayagan. Wala naman kasi akong oras para doon. Isa pa ang nasa isip ko ng mga panahong 'yon ay ang pamilya ko. Gusto kong igugol ang sarili ko para maitaguyod ang sarili ko at ang pamilya ko. Nasa kasagsagan din ako ng pakikibaka ko sa club noon at kailangan kong sanayin ang sarili ko. Kaya alam kong kapag nalaman niya 'yon ay baka layuan niya ako. Hindi ako nababagay sa kanya. Patuloy pa rin ang pangliligaw na ginawa ni Victor. Kahit naman anong sabihin ko ay hindi siya nakikinig. Ilang beses ko na rin siyang sinabihan na itigil at basted siya pero nando'n pa rin siya. Hanggang sa hinayaan ko na lamang siya. Isang activity ang naganap no'n sa school. Kung hindi ako nagkakamali ay Acquaintance Party ng gabing iyon. Ayoko sana pumunta pero kailangan daw lahat ay umattend. Nasa kalagitnaan na ng party nang makaramdam ako ng bigat sa aking pantog. Nagpaalam ako kay Rafie dahil siya pa lang ang kasama ko. Hindi ko alam kung nasaan si Hance. Nagpunta ako ng restroom. Walang tao. Nagdesisyon akong sa isang cubicle magbawas. Nang matapos ay akma akong lalabas ng cubicle ng biglang may narinig akong galabog sa pintuan ng restroom. "Nababaliw ka na ba? Bakit ko gagawin kay Arsyn 'yon?" boses ni Victor. Nagulat ako at hindi muna lumabas ng cubicle. Medyo kinakabahan ako. Kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong makinig. "Ako si Victor. Kilala mo ko. Seriously? You take it so serious na talagang gusto ko si Arsyn? At ano naman sa 'yo? Hindi ba ganito rin ang ginagawa mo sa akin ngayon, Art? Gagawin ko ang gusto ko at gawin mo na lang ang gusto mo. This relationship is so toxic!" galit na sabi ni Victor. "Kaya ko nga pinipilit na bumalik tayo sa dati! Hindi ko na ginagawa ang mga bagay katulad ng ginagawa mo ngayon kasi pinagsisisihan ko na! I said sorry and regret it! Talaga bang gusto mong makaganti pa sa akin?" boses ng kausap niya. Si Art. "Regret? Sorry? Akala mo ba madali lang para sa akin na tanggapin ang lahat, Art? For f*****g 3 years! Ginago mo lang ako ng gano'n gano'n lang. At sa kapatid ko pa talaga! May kulang ba sa akin ha? Sana nga madali lang talaga magpatawad, pero sa tuwing nakikita kita ngayon at nakakasama, wala na akong ibang nasa isip kundi ang makaganti sa 'yo! Wala ng pagmamahal o siguro, kaunti na lang. Pero wala eh. Hindi mo na ako maibabalik pa sa dati. Hindi mo na mababalik iyon at hindi ko na maibabalik ang pagmamahal kong ikaw mismo ang pumatay!" Narinig kong humagulgol si Art. At may ilang sandaling katahimikan ang bumalot at tanging pag -iyak ni Art ang naririnig ko. Maya maya ay tumigil ito at siguro ay nag-ayos ng sarili niya. "I'm sorry. Pati ba si Hance? Kasama sa mga pagganti mo?" tanong ni Art. Hance? Medyo nanlaki ang mata ko. "Wala ka ng pakialam do'n kung sino ang maging parausan ko!" galit na sabi ni Victor. "May nangyari na ba sa inyo?" "Sa ngayon, wala pa. At mahuhulog naman siya sa akin. Kaibigan ko siya pero alam ko kung saan ang limit ko. Pero who knows? Magpapaangkin din siya sa akin at siguro yung dalawa niyang kaibigan. Arsyn at Rafie. Then I will just dumped them. Wala na akong panahon para magseryoso pa, Art. And that's all because of you. Ginawa mo kong ganito kaya don't be surprised at wag mong sisihin sarili. I choose it and I'm starting to like it." "Go on. I give up. I'm sorry for everything." Nakarinig ako ng yapak at maya-maya pa ay ang pagsara ng pinto. Hindi pa ako lumabas dahil alam kong naiwan si Victor. Sumigaw pa ito ng pagkalakas-lakas bago lisanin ang restroom. ---- "Dahil sa nalaman ko, lalo akong nawalan ng amor kay Victor. Sinubukan kong sabihin sa inyo. Pero ikaw Hance, lagi mong isinisingit na wala kang nakikitang mali sa kanya at sa tingin mo ay seryoso. Bakit, Hance? Dahil ba pagsinagot ko siya, may reward siyang matatanggap mula sa 'yo? I know na magkaibigan kayo. At the back of the campus, narinig ko kayong nag-uusap. At kung hindi ako nagkakamali, nagconfess ka na rin ng feelings mo sa kanya. I heard na... Once na mapasagot niya ako, gagawa rin kayo ng eskandalo at palalabasin ako ang nang-aagaw sa kanya. Pero bakit hindi ako nagtanim ng galit? Bakit di ko magawang magalit sa inyo? Bakit 'di kita inaway at kausapin? Kasi kaibigan ko kayo, masyado akong mabait at hinihintay kong kayo ang umamin ng kasalanan niyo. Akala ko nga ay okay na ng mawala si Victor pero, ganito rin pala. Hindi na sana ako nagpatumpik noon at nilakasan ko ang loob ko nang matagal ng natapos ang lahat ng ito. Para hindi na rin ako nasaktan ng ganito!" Nagagalit ako. Gusto kong magalit ng todo. Naiinis ako sa mga nangyayari. Gusto kong sumabog! "Maliwanag na ba sa inyo? O baka mapupurol pa rin yang mga kokote niyo? Alam ko ang mga bagay na akala niyo ay hindi ko alam. Pero bakit nga ba hindi ko napili na kumprontahin ko kayo ha? Nagkamali ako ng mga pinagkatiwalaan. Both of you are betraying me for so long. But I don't mind. Alam ko kasi sa sarili kong wala akong kasalanan sa inyo! Pwede naman natin pag-usapan sa maayos na paraan. Anong ginawa niyo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw. Naninikip dibdib ko. Sasabog na. Ayokong saktan sila. Pero nakita ko na lamang ang sarili ko na lumapit kay Rafie! Sinampal ko siya ng lakas na kaya ko. "Masaya ka na ba, ha? Rafie? Nasira mo na ko sa lahat ng taong naririto? Hindi lang sampu! Buong campus!" Sumunod naman kay Hance. Katulad ng ginawa ko kay Rafie ay sinampal ko rin siya. "Maligaya ka na rin ba at ganito ang inabot ko? Wag na kayong magpanggap pa! Masayang masaya na kayo 'di ba? Sira na ako! Wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanila! Hindi ba yan naman ang gusto niyo! Bakit kayo naiyak ngayon? Hindi ba dapat masaya kayo? Kulang pa ba? Ilabas niyo na lahat ng bala niyo! Naroon pa ang projector oh! Tulungan ko na rin kayong magpaprint pictures! Baka kulang pa! Bigyan ko kayo ng megaphone para sabihin sa kanila kung anong klaseng tao ako! Kung anong trabaho ko! Sabihin niyo na nagbebenta ko ng aliw! Na kailangan kong magpagalaw para magkapera! Hindi ba yan naman gusto niyong malaman nila di ba? Sirain niyo na ko! Ituloy niyo na! Para maging masaya na kayo! Mga hayop!" At patuloy akong magwala sa loob ng classroom kung nasaan kami. Galit na galit ako. Gusto kong saktan sila pero pinili ko na lamang na paghahampasin ang mesa sa tabi ko. May plastic chair pa akong nahagip at akin iyong binato kung saan! Umiiyak na rin ako at naririnig ko ring umiiyak ang dalawa. Mayamaya pa ay may biglang yumakap sa aking likuran at pinipigilan akong magwala. "Hindi pa ako tapos! Bitawan mo ko! Galit ako. Galit na galit ako! Bitiwan mo ko!" sigaw ko. Pero masyadong malakas ang taong pumipigil sa akin. Niyayakap niya ako. Pero pinigilan ko pa rin siya at pinilit makawala. Si Jeremy pala. "Hayaan mo ko ano ba!" nakawala ako sa kanyang braso at napaluhod ako. "Ang sakit, sakit! Alam n'yo ba 'yon ha?" dinuro-duro ko si Hance at Rafie. "Alam niyong wala akong kasalanan! Pero bakit? Pinalagpas ko lahat ng ginawa niyo noon sa akin! Pero sobrang malala ang ginawa niyo pa! Masaya na ba kayo? Sabihin niyo sa akin ngayon! Sabihin niyo! Mga hayop! Pinagkatiwalaan ko kayo! Wala kayong narinig ni isang salita sa akin! Naging mabuting kaibigan ako at hindi niyo iyon nakita! Dahil sa mga hayop na lalaki na 'yan? Gano'n kayo naging kababaw? Dahil sa mga punyetang lalaki lang, sinir niyo ko! Hindi lang ang pangalan ko kundi buong pagkatao ko! Sana pinatay niyo na lang ako!" Doon ako tuluyang nawalan ng lakas at  napadapa sa sahig habang umiiyak. Gusto kong tumayo. Gusto ko ng umalis sa eskwelahan na 'to. Ayoko ng makita nila ako. Wala na naman akong ipamumukha sa kanila. Tanging hagulgol lamang ang bumalot sa room na iyon. May katagalan rin dahil hindi ko magawang tumahan at pakalmahin ang sarili ko. Walang kibuan at kapwa mga nakikiramdam. Hanggang sa biglang may umalalay sa akin. Si Jeremy. "Let's go. You need to take a rest. I will take care of you." Nanglinguni ko siya ay mababakas sa kanya na malungkot din siya. Itinayo niya ako at niyakap. Napayakap din ako sa kanya. Talagang kailangan ko ng masasandalan at palalakasin ang loob ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng buhay sa mga nangyari. "Tara na. I will fix everything. Trust me." mahinahon at puno ng sinseridad ang mga salita niya. Akin namang inihakbang ang mga paa ko ng sinimulan niyang maglakad. Hindi ko na nilingon pa ang dalawa. Nang makarating sa b****a ng pinto ay huminto ako. "Saglit lang..." Napatigil din si Jeremy. "Gusto ko lang magpasalamat. Salamat sa pagiging bahagi ng mga taong kasama ko kayo at salamat sa pagsira ng reputasyon ko. Nalaman ko kung anong klaseng tao kayo at klase ng tao ang dapat iwasan ko. Maging masaya na sana kayo." Iyon lang at umalis na kaming dalawa ni Jeremy. Walang kasiguraduhan ang mga mangyari. Basta ang alam ko, wala na akong kaibigan. Mahihirapan ulit akong magtiwala dahil sa sobrang sakit ng nangyari sa akin. Totoo nga ang nasa kanta. Friends can break your heart too. Kay gaano ka pa kabait at maging maayos nag pakikisama, hanggat kaya ka nilang saktan at kalabanin, gagawa at gawa sila ng paraan. Isa lang nasa isip ko ngayon. Trust no one. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD