Chapter 18

1968 Words
Napatingin ako kay Hance na ngayon ay hindi na mabilang ang kanyang pag-iling. Nagsimulang tumulo ang luha ko. Para akong nagtiwala sa mga taong ilang taon ko na kasama pero hindi ko man lang nakita ang tunay na kulay nila. "Walang katotohanan ang sinasabi niya, Arsyn. Wala siyang pruweba!" pagkombinsi sa akin ni Hance. "Oh, really? Eh kung ipanood ko kaya sa kanya ang pag-uusap niyo ni Victor." kinuha ni Rafie ang cellphone niya sa kanyang bulsa at ipinaranya na ito. "Hayop ka! Ikaw ang pakana lahat ng ito! Wag mo sa akin ibaling yan!" "Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo, Hance. I'm not the only one who betrayed Arsyn. At isa pa, hindi ka naman madadamay kung pinabayaan mo lang ako, kung hindi ka nangialam sa mga bagay na hindi mo naman dapat ginagalaw. You want to save Arsyn. But he has no one to trust to right now." nakangising sabi ni Rafie. "I do it for a purpose! Hindi ko inutusan si Victor. Sabi ko takutin lang. "Oh, really? How true? Gusto mo talaga marinig pa ni Arsyn ang mga pagsisinungaling mo. Let's just be true, Hance. Akala mo ba hindi ko alam ang mga 'inggit' mo kay Arsyn? Kahit hindi mo man sabihin, nababasa ko sa mga galaw at mga pananalita mo. At alam kong hindi mo sinabi kaagad kay Arsyn na ako ang nagpakalat ng mga litrato sa buong campus! Kasi gusto mo ring mapahiya siya! May pagkakataon kang pigilan ako pero hindi mo ginawa. Kasi kasama kitang planuhin ang lahat at umayaw ka lang! Kasi akala mo kaya mong ibaling lahat ng nararamdaman mong galit kay Arsyn sa iba at sa akin pa talaga? Oh well, alam mong hindi maniniwala sa 'yo si Arsyn at ayaw mong malaman niya na kasama ka sa mga balak ko kaya tumahimik ka na lang at ang galing mo rin namang umarte na wala kang alam. Pero siyempre, para masabing bestfriend to the rescue ang peg ko, umacting din ako at inalis din ang pinaghirapan ko noong araw na 'yon." pagkukwento pa ni Rafie. Wala ng pumapasok sa isip ko. Ang tanging alam ko ay si Rafie ang may pakana ng lahat ng ito at kasama si Hance. Alam ni Hance pero hindi niya napigilan dahil gusto niya ring mangyari ito. Dahil sa lalaki? Dahil lang doon? Malaki bang kasalanan iyon para talikuran ang pagkakaibigan na ipinagkatiwala ko sa kanila? I trusted them. Itinuring kong bahagi ng pamilya sila pero all of the sudden magkakaganito pala ang lahat? Siguro nga ay hindi ko alam na mayroon silang mga pagtingin sa mga lalaking nakapaligid at umaaligid sa akin dahil wala akong interest sa mga lalaking iyon. Pati may mga bagay akong ikinosindera para hindi sila madamay pa. Hindi lang sarili ko ang inisip ko. Para rin iyon sa kanila. Ni minsan ay hindi ko sinabi sa kanila ang dahilan dahil ayaw kong pagmulan ng away iyon at baka maging mali ang pagkakaintindi nila. Sobra naman ito kung ganoon. Parang daig pa nila ang ibang tao kung humusga sa pagkatao ko. Kaibigan nila ako pero sa tingin ko hindi naging kaibigan ang turing nila sa akin. Inakala ko lang pala lahat ng iyon. Gusto kong magalit pero alam kong hindi maireresolba ng isa pang galit ang nasimulan nilang galit sa akin. Iyon ang kahinaan ko...ang magalit. Dahil hindi ko kaya lalo na at naging malaking bahagi sila ng pagkatao ko. Maaring may kaunting galit ngunit hindi naman sobra o mauwi sa 'envy' katulad ng ginawa nila sa akin. Mahina talaga ako at ayon ang kinaayawan ko sa sarili ko. Mula sa pagkakatungo ay iniangat ko ang ulo ko para humarap sa kanila. "Lahat ng ito? Nangyari dahil sa mga walang kwenta niyong dahilan?" tanong ko sa kanila. "Walang kwenta? Feelings, Arsyn! Iyon ang natamaan sa amin! Hindi ka kasi nag-iisip!" galit na sabi sa akin ni Rafie. "Ako? Wala ba kong feelings? Wala ba akong nararamdaman? Sa lahat ng pwedeng gawin, bakit ito pa ang napili mo, Rafie? You become so envious! Sa tingin mo ba hindi ko naiintindihan? You misunderstood a lot of things between me and those guys! As well as you, Hance!" pilit kong pinatatapang ang sarili ko. Naririto na naman din kami kaya kailangan ko na ring magsalita. "Fine! Let say what you want to say!" sigaw ni Rafie. "Si Terrence..." ----- 3 years ago "Arsyn!" tawag sa akin ni Terrence. Pauwi na ako no'n ng bigla niya akong tinawag. Medyo hingal siya at siguro ay hinabol niya ako. "Oh, Terrence. Bakit?" "Ah, eh. Hmm. Kasi mayro'n sana akong aaminin sa 'yo." Medyo nangunot ang noo ko. "Ano 'yon?" tanong ko. "Tungkol kasi ito sa 'tin. I mean, may hindi kasi pagkakaintindihan sa pagitan namin ni Rafie. About sa... pagsasabi niyang ikaw ang gusto ko." Hindi na ako nagulat no'n. Kasi alam ko at ramdam kong ang kaibigan ko ang gusto niya. Noong ipinakilala siya sa akin ni Rafie, alam kong may pagtingin rin siya kay Terrence. Actually, hindi ko naman sana patatagalin pa na aminin sa kanya na alam kong hindi naman talaga ako ang gusto niya, pero tuwing susubukan ko ay nauudlot. At siguro kaya siya naririto ngayon dahil mayroong ibang kadate si Rafie. Si Vince. Napangiti ako. "Alam ko naman iyon, Terrence. Don't worry, it has nothing to do with me. Isa pa, alam kong siya talaga 'yong mahal mo eh. Aksidente ko lang namang nalaman at narinig. Nakita kasi kita noon, kasama ang mga kaibigan mo sa may canteen. Ako lang kasi nag kumain at naupo ako malapit sa kinauupuan mo. Hindi mo nga ko napanasin kaya di na rin kita pinansin pa. Nang kumakain ako ay narinig ko ang pangalan ni Rafie. Narinig ko ang confessions mo sa mga kaibigan mo." Napakamot siya ng ulo. Nahihiya siya siguro dahil noong araw na iyon ay feeling ko, helpless siya kasi hindi niya maipaliwanag sa kababata niya ang tunay na nararamdaman niya at si Rafie naman ay hindi maramdaman iyon. "So, alam mo pala? Bakit di mo agad sinabi?" "Gusto ko lagi sabihin sa'yo, pero sa tuwing may pagkakataon ako lagi na lamang nasulpot si Rafie at iginigiit ung gusto niya. Sinubukan ko ng sabihin sa kanya kaso ayaw niyang makinig. Lagi niyang kaibigan mo lang daw siya. Kababata at laging iniisip niya na malabo yung mga sinasabi ko. Hindi ko naman din siya masisisi kasi siguro, inuunahan niyang wag siyang masaktan. Kaya, ayon." paliwanag ko sa kanya. "Ganoon ba? Pwede mo ba akong tulungan?" "Tulungan na?" "Umamin sa kanya. Sa tingin kasi baka mahuli ako. Gusto kong umamin noon pa. Pero natatakot ako. Pinilit niya ako one time na sabihin lung sino gusto ko. I will scream his name sana pero natakot ako kaya ikaw ang nasabi ko. I'm sorry." "Wala namang big deal sa akin 'yon. Nasasayangan nga ako sa binibigay mo pero kay Rafie ko naman lagi pinauuwi yung mga binibigay mo. Kasi para naman talaga sa kanya 'yon." "Salamat, ha." "Walang anuman. Kailan mo balak sabihin sa kanya?" "Bukas sana." ----- "Tinulungan ko siya nga araw na 'yon. Lahat ng sasabihin niya, lahat ng gusto mo sinabi ko at mga kailangan niyang sabihin sa 'yo. Bumili siya ng flowers and chocolates. Mga paborito mo 'yon. Pero nang papunta na sana siya sa 'yo, nakita ka niya sa isang park kasama si Vince. Ang buong akala niya ay kaibigan mo lang. Lalapitan ka na sana niya noon do'n ng bigla kang hinila ni Vince palapit sa kanyang katawan at hinalikan na niya. Dahil sa nakita ni Terrence, hindi na siya nagtangkang guluhin ka. Gusto niyang lumaban pero simula ng araw na pala na iyon ay kayo na ni Vince. Sinabi mo 'yon sa akin si Vince ang makakatulong sa 'yo. Galit siyang pumunta sa akin pero pinaliwanag kong wala akong alam. Dahil hindi mo nabanggit na handa mo na palang sagutin si Vince. Pero hindi siya naniwala. Kahit sa akin ay galit siya. Kaya pinalabas kong binasted ko siya para hindi mo na ako kulitin sa kanya. Matagal ko ng gustong sabihin sa 'yo pero nakikita kong masaya ka kay Vince kaya pinabayaan ko na lang." kwento ko sa kanya. Nakatitig ako kay Rafie. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Maging ang luha na namumuo ay pinipigilan niyang pumatak. Niyuyukom niya ang kanyang dalawang kamay. Alam kong guilty siya at alam niya ang pangyayari na 'yon. "H-hindi totoo yan!" sigaw niya. "Iyon ang totoo, Rafie! Alam kong alam mo ang mga bagay na sinabi ko. Alam kong inamin niya pa rin sa 'yo pero dahil kayo pa ni Vince noong graduation natin ay sinabi mong huli na ang lahat sa inyong dalawa. Hindi mo siya binigyan ng pagkakataon, Rafie. Kaya nagdesisyon siyang sumama na lamang sa kanyang Papa sa America para kalimutan ang mga pangarap na sana kasama ka niya. Hindi mo maikakaila sa akin yan. Kahit hindi ako magsalita alam kong alam mo ang totoo Rafie. Maraming beses kong gustong pag-usapan ang bagay na 'yon pero lagi ka na lang umiiwas. Iniiwasan mo kasi nasasaktan ka. Kaya mo nga iniwan si Vince 'di ba? Kasi alam mong hindi talaga siya ang gusto at mahal mo, Rafie. Kaya huli na talaga ang lahat para sa inyo ni Terrence." Doon ay napaiyak ko si Rafie. Wala akong personal na galit sa kanya. Sa lahat ng ginawa niya sa aking hindi maganda, lagi kong iniisip na mabuti pa rin siyang tao. Pero gusto kong ibuhos ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. "Kaya sabihin mo sa akin. Manhid ba ko? Makasarili ba ako? Tanga ba ko kasi hindi ko sinunod ang gusto mong maging kami ni Terrence? O ikaw 'yon Rafie? Manhid ka kasi nagmamanhid manhidan ka para lang maibunton mo sa akin ang lahat! Makasarili ka kasi hindi mo naisip na may kaibigan kang handang tulungan ka... na handang intindihin ka. Ayokong sabihing tanga ka kasi alam kong nasasaktan ka rin. Alam kong nasaktan ka noon pero nando'n na, Rafie. Mapapasa 'yo na siya pero patuloy mo pa rin siyang itinulak palayo sa 'yo. Kaya sabihin mo sa akin? Anong naging kasalanan ko don? Anong nagawa ko para gawin mo lahat sa akin 'to? Sabihin mo sa akin ngayon kung hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo?" hindi ko na napigilan ang emosyon ko at tumakbo ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang dalawang braso at niyugyog siya!" "Sabihin mo sa akin, Rafie? Ano pa kasalanan ko? Malaking kasalanan ba na isinawalang bahala ko na lang lahat dahil iyon ang gusto mo? Sabihin mo sa akin! Sabihin mo!!!" nagulat ako ng suwagin niya ako. "Oo na! Ako na! Ako na ang mali! Ako na 'yong manhid! Ako na ang tanga! Pero niligtas ko lang naman ang sarili ko! Hanggang ngayon naman siya pa rin! Hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako!" Kapwa kami nag-iiyakan na. Alam kong sa huli ako pa rin ang talo. Narito na ang lahat. Wala ng mababawi pa. "Pero bakit ganito? Ganito ang ginawa mo? May kasalanan ba ako? Sabihin mo sa akin!" Nahagip ng panigin ko si Hance. Nakatingin siya sa akin ngunit bigla rin niyang binawi dahil nag-iba ang timpla ng aking mukha. "Ikaw Hance? Anong kasalanan ko sa'yo, ha? Ah, oo nga pala. Si Victor! Pareho pala kong may atraso sa inyo dahil kay Victor!" medyo napatawa ko ng bahagay pero sarkastiko. "Hindi ko kayo masisisi. Athlete, campus heartthrob at mayaman. The charm, the looks and luxury! He has it all. Pero bakit hindi ko siya sinagot at pumayag na maging karelasyon niya? He has a secret!" Lumapit ako kay Hance. "Wanna know the secret?" Tumingin sa akin ng diretso si Hance. May pagkalito sa kanyang mga mata. May nagngingilid na luha na rin at medyo kinakabahan. Tumango ng marahan si Hance. "And the secret is... gusto lang niya tayong isahan lahat." -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD